THELIA'S POV Pumasok na kami sa lagusan. Napapikit ako ng mata ko dahil sa takot at baka pagdating sa kabila ay pira-piraso na ako. Naramdaman kong may umiinda sa paligid pero hindi ko iminulat ang mga mata ko. Sa punto na 'yon kasi nanginginig ang katawan ko sa takot na baka kinain na sila ng mga mababangis na nilalang. “ANO BA!” Napamulat ako ng mga mata ko ng marinig ang tinig ni Tiara. Agad na naglabas ako ng espada at sinalag ang atake mula sa lalakeng nasa harapan ko. Tumalon ako sa puno at saka tumingin sa paligid. Ang dami nila at hawak nila ang mga kaibigan ko. Nakita kong ngumisi ang lalaking kanina ay inatake ako at nakikita ko ang itim na aura mula sa kanyang katauhan. Hindi ko alam na ganito ang bubungad sa amin sa pagpasok ng lagusan. Sinenyasan ng lalake