THELIA'S POV Nagising ako sa amoy ng pagkain. Sa gutom ko hindi mo matiis na hindi imulat ang mga mata ko. Unang nakita ko syempre 'yong kisame. Pero hindi ko bet ang kulay kasi medyo dark. Tumingin ako sa paligid at nasa isang k'warto ako. Tinignan ko ang sarili ko at nanlaki ang mata ko ng may kadena sa mga paa ko na nakakabit sa kamang hinigaan ko. Napaupo ako at meron din palang kadena ang mga kamay ko. Tumingin ako sa lalakeng nakaupo sa gilid may suot itong itim na parang pang royal suit at may kapa pa. Waw lang astig nya at ang cool. Medyo bad boy ng datingan at may hawig sya kay Ji Chang Wook. Sa totoo lang bakit ko nga ba sya dinidiscribe, e, kinidnap nya ako. Tapos nakatali pa ako dito sa kama na akala mo isa akong halimaw na bilanggo. Babae ako for his information. Ang