CHAPTER 8: WIGI

1613 Words
THELIA'S POV   Matapos ang araw na 'yon. Bumalik na ako sa bahay at hindi na muling kinausap pa si Sven at Zapanta. Nang makauwi kami ay nakahinga ako ng maluwag at hindi ko na matutunghayan ang mukha ng dalawa. Gano'n pa man ay umalis si Tiara upang maghanap sa babaeng sinasabi nya. Habang ako naman ay naiwan sa bahay at sa bagot ko ay tumambay ako sa social media. Tamang tingin ng mga shared post at maya-maya ay meron akong nakitang kakaiba. Unknown creature sa himpapawid na-video ng hindi kilalang netizens. Pinanood ko ang video at nakita ko ang lumilipad na parang bilog sya at kulay pink ang kulay nito.   Agad na napatayo ako at hinanap ang nilalang na 'yon. Bago ako lumabas ng bahay ay sinubukan kong i-trace ang aura nya at kung nasa'n ito ngayon. Lumitaw sa harapan ko ang aura at saka ko ito sinundan. Hindi ko alam sa'n ako nito dadalhin. Pero sumakay ako ng jeep at hindi ko rin alam sa'n ako bababa. Nakarating akong munomento at naro'n parin ang aurora. Paliko ito papuntang edsa at sumakay ako ng tren at saka muling tinignan ang aurora. Sa'n ba napadpad ang bolang 'yon? Takang tanong ko sa sarili ko.   Bumaba ako sa may balintawak market at patuloy na sinundan ang aura. Hindi ko alam sa'n 'to papunta susme!!! Pero sumakay ako ng bus papunta sa SM north at saka patuloy na tinitignan ang aura na 'yon at hindi inaalis sa paningin ko. Nang makarating sa SM North ay naro'n parin ang aurora. Kaya naman ang sunod na sinakyan ko ay MRT. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang post na nakita ko kanina. Nanlaki ang mata ko ng nasa may Makati pa pala ito. Kaya naman nag-bayad ako papunta sa guada lupe. Patuloy kong tinignan ang aura at nakikita kong unti-unti na 'tong nag-babago ng kulay hudyat na malapit na lang ito sa 'kin.   Ilang minuto ang lumipas hanggang sa makababa sa guada at nang makababa ro'n ay bumungad ang ilog. Sinundan ko ang aura at nakita ko 'yon banda sa may ilog. Kaya naman hinanap ko kung sa'n ito banda at nakita ko ang mga nag-kakagulong tao. Gumamit ako ng kapangyarihan upang kunin sya sa kinalalagyan nya at unti-unting umangat ito sa ere papunta sa gawi ko. Habang ginagawa 'yon saktong may umahon sa river at laking gulat ko ng makita ito. Napaupo ako sa gulat at napahinto sa pagkuha sa nilalang na pakay ko.   Hindi ko namalayan at nahulog ito sa river at agad akong gumawa ng water ball upang iahon sya saka ako tumayo at tumingin sa halimaw na nasa harapan ko. Kinuha ko ang nilalang na 'yon saka niyakap at saka naglabas ng pakpak at lumipad. Pero hindi pa man nakakaangat ay hinila nito ang paa ko at hinagis ako sa malayo. Dumausdos ako sa kalsada at bumangga pa sa truck. Sa lakas no'n ay nasira ang tuck at buti nalang ay ligtas ang driver at kasama nito. Pero mahigpit ang hawak ko sa nilalang na pakay ko. Nang tignan ko ay nakahinga ako ng maluwag.   “,s**t. Buti nalang at buo ka pa,” sabi ko habang tinitignan ito.   “Wigi, wigi!”   Parang sagot ata 'yon para sa thank you? Or oo?   “Teka lang sandali---AHHHH!!!” Pumulupot sa katawan ko ang kanyang mga galamay at pinagbabalibag ako sa kung sa'n-sa'n.   Nasira ang bridge at na-traffic ang kalsada. Kasabay no'n ang pagtalsik ko sa tren station at sa lakas no'n ay nasira ito.   “Awww.” Inda ko.   “Thelia!” Napatingin ako sa dumating at narito narin pala sila.   Tinignan ko ang hawak ko at napangiti ako ng nagiging bilog ito na parang bola. Ito siguro ang way nya para hindi rin sya masaktan.   “Ano ba ang ginagawa mo dito?” takang tanong ni Vin.   “Pinuntahan ko 'tong nilalang na 'to.” Sabay pakita sa pink na nilalang na parang bola na parang baboy.   “Ay hala ka. Ang Wigi ay nakalabas na rin sa lagusan,” sabi ni Tiara.   “Wigi?” takang sambit ko.   “Mamaya ko na ipapaliwanag kailangan nating matalo ang nilalang na 'yan.” Akmang tatayo sana ako pero dahil sa lakas ng pagkakabalibag sa 'kin ay ang laki ng sugat ko.   Napahawak ako sa gilid ng t'yan ko at mula ro'n ay lumabas ang dugo. Napapikit ako ng mariin at pilit na tumayo. Hindi ko namalayan na nagkaroon pala ako ng sugat.   “Wigi wigi wigi wigi.” Nangunot ang noo kong tinignan ang Wigi at bigla itong dumikit sa katawan ko.   Nagliwanag ang sugat ko at naramdaman kong unti-unting naghihilom ito. Ang ibig bang sabihin ng sinabi nya ay papagalingin nya ako? Ang astig namang wigi na 'to. Tuluyan na itong naghilom at napangiti ako.   “Salamat!” sagot ko at saka muli syang dinala at lumipad.   “Kaya pala wala ka sa bahay gumala ka,” sabi ni Tiara.   “Nakita ko sa post na pinagkakaguluhan sya. Naisipan kong tulungan,” sagot ko naman habang nakatingin sa halimaw na nilalabanan nila Vien. “Para din syang uod na nakalaban natin. Pero hugis octupus naman,” sabi ko habang hawak ang Wigi.   Itinapat ko ang kamay ko ro'n saka naglabas ng hangin. Gumawa ako ng ipo-ipo at mula sa kinalalagyan nya ay umikot-ikot ito. Sinenyasan ko si Sven at Zapanta at itinapat nila ang palad nila ro'n at naglabas ng tubig at apoy na syang bumalot sa buong katawan ng halimaw. Rinig sa buong paligid ang pag-inda nito at napapikit kami ng bigla itong sumabog at naramdaman ko ang likidong bumalot sa buong katawan ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko ang nakakadiring kalat na laman nito sa paligid.   “Tangina! Nasira ang beauty ko!” Inis na sabi ni Jinx habang nadidiri sa nakikita nya.   “Yucck!” Diring sabi ni Tiara.   Natawa nalang ako dahil sa nangyare at tinignan ang Wigi na hawak ko. Bigla itong kuminang at lumutang sa ere at sa makapal nitong balahibo parang naging bolang mabalahibong pink sya. Umikot-ikot ito at saka dumikit sa 'kin at sa lambot ng balahibo nya at nakikiliti ako. Hanggang sa makita kong unti-unti pala nya akong nililinis.   “Waw ang galing.” Manghang sabi ko habang nakangiti.   “Maraming nakakita, anong gagawin natin? Baka mamaya nasa news na tayo,” nag-aalalang sabi ni Tiara.   “Si Jinx at Xi ang bahala,” Nakangising sabi naman ni Vin at tumingin sa dalawa.   Nalinis kaming lahat ng Wigi at muling bumalik ito sa 'kin. Nakakatuwa sya masyado.   “Kilalang maamo at masunurin ang wigi sa Astravria. Pero mahirap itong mahuli at mailap. Isa pa ay namimili ng magiging amo ito,” paliwanag ni Vien na syang ikinatuwa ko naman.   “Kung gano'n suwerte ko pala?” Nakangiting sabi ko habang hawak sya.   “Wigi wigi wigi!!!”   “Ano raw sabi?”   “Gusto ka raw nya. Kakaloka, stress v****a ko!” Maarteng sabi ni Jinx.   “Alam mo ang arte mo talaga!”   “I was born to be like this,” sagot nito.   “Kailangan na nating linisin ang kalat. Mabuti pa ay mauna kana umuwi,” tumango ako saka niyakap ang Wigi.   Nauna na akong umuwi at pagdating sa bahay ay nagulat akong naro'n si Sven at nakatingin sa 'kin. Ang sama ng tingin nito na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya at hinding-hindi nya ako mapapatawad sa kasalanan na 'yon.   “Bakit ka pumupunta ro'n at lumalaban mag-isa?” Tila galit nitong sabi.   Sa tono nya ay parang boyfriend ko sya at kilangan ay alam nya kung nasa'n ako. “Wala ka na do'n. Umalis ka d'yan.” Mataray kong sabi saka sya binagga sa kanyang balikat.   “Hindi mo pa kaya ang lumaban mag-isa, Thelia,” seryosong sabi nito.   Napahinto ako saka tumingin sa kanya habang hinihimas ang ulo ni Midori. Iyon ang ipapangalan ko sa wigi na ito. Ang cute ng pangalang Midori.   “Kung ano man ang ginagawa ko wala ka na ro'n. Isa pa, buhay ko 'to. Hindi ka kasali. Intindihin mo 'yan kaharian mo at hindi ako.” Inis na sabi ko saka tumalikod sa kanya at pumasok sa loob ng bahay.   Nang makarating sa k'warto ay naligo muna ako at nagpalit ng damit. Sinama ko na ring linisin si Midori at napatulala ako ng maalala ang sinabi ko kanina. Parang ang sama ko naman sa parte na 'yon kanina. Tuloy ay na-guilty ako sa sinabi ko sa kanya. Nakakainis kapag meron kang konsensya. Matapos kong maligo at malinisan si Midori ay tinignan ko ito. Mabalahibong kulay pink na may nakabaluktot na buntot ng biik. Para syang itlog at ang bilog ng mga mata nito. Para syang si iglot. Ang cute nya at nakakawala ng stress. Lumutang sya sa ere at nagpapakitang gilas sa 'kin at napangiti naman ako. Gano'n pa man ay napabuntong hininga ako at saka sya hinuli at hinawakan ulit.   “Masama ba ako?” wala sa sariling tanong ko.   “Hindi,” agad akong napatayo ng may sumagot sa tanong ko.   Hindi na ako magtataka kung paanong nakapasok sya dito sa k'warto gayong bukas pala ang pinto. Lumipad si Midori at lumabas ng k'warto na para bang binibigyan kami ni Sven ng oras upang mag-usap. Hindi ko naman sinasadyang masabi ang sinabi ko kanina. Isa pa naiirita kasi ako dahil kung makaasta sya ay parang may relasyon kaming dalawa. Napabuntong hininga ako at napayuko nalang dahil hindi ko magawang makatingin sa kanya. Pero hindi ko matiis ang hindi manghingi ng sorry. Kaya muli akong tumingin sa kanya at nagulat nalang akong nasa tapat ko na sya mismo at mas nagulat ako sa sunod na nangyare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD