THELIA'S POV
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla nya akong yakapin. Hindi ko alam kung anong sapak nito't naging ganito sya ngayon. Wala akong maalalang close na close kaming dalawa. Isa pa, naiinis parin ako sa kanya dahil sa nangyare kahapon. Akala nya ba ay nakalimutan ko na 'yon? Hindi ko alam kung gaano katagal ang yakap na 'yon hanggang sa bumaklas na sya. Kunot noo ko syang tinignan at pilit na tinatanong kung anong meron.
“Sorry sa sinabi ko kanina,” sabi ko.
“It's nothing,” sagot naman nito.
Dumistansya ako sa kanya saka ngumiti. “If you want, lilibre kita ng kape mamaya.”
“Papasok ka?”
“Half day. Baka magalit boss ko.”
“You don't need to do that.” Napakunot ako ng noo sa kanya.
“Bakit?” takang tanong ko.
“Kinakailangn nating maghanda sa pagbabalik sa Astravria. Sa ngayon kinakailangan tulungan mo muna kaming linisin ang kalat sa paligid.”
“Huh? Buong Pilipinas ba lilinisin?” takang tanong ko.
Aba e, kung lilinisin ang buong Pilipinas ang suwerte naman nila kasi may taga linis sila. Nangunot ang noo ni Sven sa 'kin at inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya naman napaatras ako sa ginawa nya.
“I don't know what is in your mind, pero please naman seryosohin mo.” Tila naiinis na sabi nya.
“Waw? Tsk. Alam ko naman ang tinutukoy mo.” Masungit na sabi ko.
“Sa bahay kana tumira kasama ang kaibigan mo para ma-itraining na kita.” Bigla akong na-excite.
“Awit! Gusto ko 'yan!” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Umalis na sya saka ako napahilata sa kama. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa mga susunod pero sa ngayon mukhang mas mainam ito. Pumasok na si Midori at nakita ko kung gaano na naman ito ka-cute at talagang hindi iyon naalis sa kanya. Naalala ko tuloy ng panahon na kasama ko pa sila nanay. Naiisip ko minsan kung pangit ba ako o isa akong sumpa at pinatapon ako dito sa mundong ito. Pero ang sabi ni nanay ay para daw iyon sa kapakanan ko. May hindi kaya magandang nangyare no'ng nasa Asrtavria pa ako?
--- Flash Back ---
Habang nilalaro ang tubig sa aking kamay ay pumasok si nanay sa k'warto ko. Napatingin ako sa kanya ay saka ko sya binigyan ng isang magandang ngiti.
"Naglalaro ka na naman ng powers mo." Nakangiting sabi nito.
“Nay, hindi po ba ang sabi nyo ay dinala ako rito ng tunay kong ina. Bakit po kaya?” Inosenteng tanong ko.
Hinawi nya ang buhok ko saka ngumiti sa akin ng matamis. “Dahil kinakailangan nya iyon gawin para sa kapakanan mo.” Paliwanag nya habang hinihimas ang buhok ko.
“Bakit naman? Anong dahilan?”
Sa puntong tinanong ko 'yon ay ngiti lamang ang iginawad nito.
Sa sandaling 'yon hindi ko maiwasan ang hindi tanungin ang sarili ko. Hindi kaya may hindi ako nararapat sa mundo na 'yon or isa along anak sa labas kaya gano'n.
--- End Of Flash Back ---
Bumangon na ako saka inayos ang sarili ko at nag-ayos na ng mga gagamitin ko. Saktong dumating si Tiara galing sa kung sa'n at nakakunot noong nakatingin dahil nag-eempake ako. Ngumiti ako sa kanya at saka pinaliwanag kung bakit ako nag-aasikaso. Nagulat pa nga ako ng bigla syang tumili at napatakip ako ng tainga ko sa ginawa nya. Katulad ng napag-usapan ay sa bahay kami nila Sven pumunta at naloka ang bakla dahil gigising sya sa umaga na mukha ko ang makikita.
Maganda naman ako, hundi naman ako pangit. Bakit ayaw ng bakla na 'to sa 'kin?
Hindi ko alam sa baklitang ito. Minsan mataray, minsan mabait at minsan nakakasundo ko. Hindi ko nakita si Zapanta at nakakapagtakang wala sya ngayon. Malamang ay nakatambay 'yon sa school. Nagikot-ikot ako sa buong bahay. Hindi lang 'to bahay kung hindi mansyon. Wala si Tiara ngayon at nag-umpisa na namang maghanap katulad nila Sven. Mamaya daw niya ako tutulungan pag-uwi nya kaya naman naiwan ako dito ng mag-isa. Habang nag-iikot ay may narinig ako kakaibang ungol. Hindi naman ako pinalaking chismosa ni nanay pero ewan ko ba. Gumagana ang ka-echosera ko.
Pinakinggan ko ang tinig na 'yon ay nag-mumula sa isang k'wartong tago malapit sa dulo. Pinakinggan ko ng pinakinggan hanggang sa may naririnig akong parang umuungol.
“Ah, ah, ah, oww~~~ sige pa, Zapanta.” Napatakip ako ng bibig ko at nanlaki ang mata ko.
Napaatras ako dahil do'n at dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Ano 'yong narinig ko? Bakit parang tinig 'yon ni Tamara? Bakit parang...
“Ahh!” Nagulat ako sa biglang sumulpot at halos malaglag ang puso ko.
Agad na hinigit ako nito paalis sa hallway na 'yon at saka nagteleport sa labas ng mansyon. Napasapo ako sa dibdib ko napapikit ng mariin dahil sa nangyare. Napahilata ako sa damuhan at pilit na pinapahinahon ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang narinig ko pero parang alam ko kung ano ang ibig sabihin no'n.
“Bakit naro'n ka?” tanong ni Sven.
“Nag-iikot lang,” sagot ko.
“Nag-iikot? Private ang hallway na 'yon. Paano kang nakapasok?” tanong ulit nya.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko. “Hindi ko rin alam,” naguguluhang sabi ko.
Napakagat ako ng ibabang bahagi ng labi ko at pilit na inaalis ang alaala na 'yon sa isipan ko. Sinamaan ko sya ng tingin at kumunot ang noo ko sa kanya.
“Hindi ba't naghahanap kayo sa propesiya? Ano't ang aga mo umuwi?” ngayon naman ay ako na ang nagtanong.
“Sila Vin na ang bahala ro'n. Ngayon, ikaw ang kailangan kong asikasuhin.”
“Anong aasikasuhin mo sa 'kin?”
“Ang training mo. Kailangan mong matutunan ang pakikipag laban lalo't hindi ordinaryo ang mga kalaban.” Naka-cross arm na sabi nito.
Ngumiti ako sa kanya at namutawi ang excitement sa katawan ko. Inumpisahan nya akong maturuan at saka sumunod ako. Do'n ko nalang din binaling ang atensyon ko at saka kinalimutan ang narinig ko kanina. Inumpisahan namin sa basic lang at parang ang hinahon ngayon ni Sven. Ang bawat salita nya ay mahinahon at marahan na parang alon sa dagat.
Habang nagsasanay ay saktong dumating naman sila Vin, Vien, at Xi. Wala si Jinx himala.
“Mukhang magandang araw 'to ngayon ah?” Nakangiting puna ni Vin.
“Ok na ba kayo ni Prince?” tanong naman ni Vien.
“Bakit nag-away ba kami?” takang tanong ko at tumingin kay Sven.
“Hindi, pero para kasi kayong gano'n?” makahulugang sabi ni Xi.
Napailing nalang ako sa sinabi nila at sak kami pumasok sa loob ng mansion at nanlaki ang mata ko ng nakasalubong namin si Zapanta kasama si Tamara at ikinagulat rin nya ng makita ako. Agad akong nagtago sa likuran nila Vin at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muli ko na naman narinig sa aking isipan ang nangyare kanina at sa inis ko ay tumakbo ako palabas at saka walang humpay na tumakbo palayo sa mansyon. Hindi ko maintindihin ang sarili ko at ramdam ko ang kakaibang kabog sa puso ko. Ang gano'ng eksena ay hindi ko pa kailan man narinig ngayon palang.
Nang makalayo ay pumunta muna ako sa may dagat. Gusto ko munang aliwin ang sarili ko. Muli kong na-miss ang nangyare noon habang kasama sila nanay at tatay. Ang bawat sandali na kasam ko sila ay blessing sa akin. Sila ang nag-aruga sa akin kahit na hindi ako ang tunay nilang anak. Napatingala ako at napangiti ng makita ang alaala sa aking isipan kasama sila. Kaya naman itinapat ko ang kamay ko ro'n sa dagat. Gumawa ako nang katawan ng tao saka gumawa ng espadang tubig.
Masisilayan ko na ang Astravria at hahanapin ko na ang mga magulang ko. Itinapat ko ang espada ro'n sa ginawa kong taong tubig saka nag-umpisang magsanay mag-isa gamit ang natutunan ko kay Sven. Ang bawat hawi ng espada ay sinusundan ko ng tingin. Ang bawas hampas nito kahit sa hangin ay pinapakiramdaman ko. Nanganganib ang Astravria at mukhang malayong makita ko ng madalian ang mga magulang ko. Ang pangakong ipinangako ko mula kila nanay at tatay ay mukang mapapako.
“Ano't nagsasanay ka mag-isa?” Napahinto ako sa ginagawa ko at napalingon sa taong nagsalita.
“Tiara, Jinx.” Agad na lumapit ako sa kanilang dalawa.
“Sinabi sa 'min ni Sven na tumakbo ka raw matapos makita si Zapanta at Tamara?” takang sambit ni Tiara.
“Hoy gaga ka. Gusto mo si Zapanta?” nanunuksong tanong ni Jinx.
“H-hindi 'no! K-kasi...” hindi ko alam paano kong sasabihin, “Ka... si...”
“Ano gurl? Pabitin epek?” Mataray na sabi ni Jinx.
Mas lalo akong lumapit sa kanila at saka ko binulong ang dahilan kung bakit ako tumakbo nang makita ko ang dalawa. Nanlaki ang mga mata nila at napatakip ng bibig habang ako naman ay napakamot ng ulo at nandiri sa nangyayare. I'm just 18 years old girl with a virgin eyes, ears, and body. Pero nang marinig ko ang nangyare kanina. Hindi na virgin ang ears ko. Baka sa susunod eyes ko na. Ayaw kong mangyare 'yon.
“HAHAHAHAHAHA.” Hagalak ang tawa nilang dalawa sa 'kin.
Ako naman ay napabusangot dahil parang inaasar nila ako. Sinabihan pa akong chismosa ni Jinx at mahilig makinig ng himala mula sa ibang tao. Aba malay kong naririnig ko 'yon kanina isa pa nag-iikot lang talaga ako. Wala akong balak makinig ng mga ganong tagpo at simula ngayon ay iiwasan ko na si Zapanta. Hindi ko gusto ang ginawa nila ni Tamara o kung ano man 'yon. Bakit naman kasi ang lakas ng boses nya ayan tukoy ay narinig ko. Hindi ba p'wedeng hinaan nila ang volume?