CHAPTER 10: AIRA (The Dragon)

1605 Words
THELIA'S POV   Lumipas ang dalawang araw. Nanatiling naghahanap sila sa babaeng propesiya habang ako naman ay minamabuti ang training namin ni Sven. Si Zapanta naman ay patuloy kong iniiwasan at kung maari ay ayaw kong makita ang pagmumukha nya. Kapag nand'yan sya ay naririnig ko ang nakakarinding ungol ni Tamara. Speaking of Tamara hindi na naman ako tinitigilan at patuloy ko naman syang iniiwasan. Sabi kasi ni Tiara ay baka maulit ang nangyare no'ng isang linggo at baka sa susunod na mangyare ay makapatay na ako ng tao. Sa totoo lang talaga hinahabaan ko ang pasensya ko pero minsan hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa babae na 'yon.   Nandito ako ngayon sa library for advance reading. Ito ang ginagawa naming competition ni Tamara kapag nasa loob ng classroom. Lalo na ang science about human body. Habang nagbabasa ay biglang lumitaw ni Midori sa harapan ko ata agad na napatingin sa paligid. Buti at walang tao kaya naman hindi sya nakita. Natutunan ko na rin ang makipag-usap sa iba't-ibang uri ng hayop. Si Jinx ang naging teacher ko d'yan. Mabait naman ang baklang 'yon at maasahan sa lahat ng bagay. Iyon nga lang talagang minsan may sapak. Close na rin sila ni Tiara at minsan nakakaselos kasi mas close silang dalawa.   “Bakit nandito ka! Mamaya ay may makakita sa 'yo!” Suway ko sa kanya habang tinitignan ang paligid.   “Wigi wigi wigi. Wigi wigi wigi.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Midori.   “Sigurado ka ba?” tanong ko.   “Wigi wigi!!!” sagot nito.   Tumango ako sa kanya saka lumabas ng school at mula rito sa labas ng gate ay tanaw ko ang dragon na halos sing laki na ng isang napakalaking gumasali. Pero sobrang laki parin nya. Nagwawala ito sa buong cities at mula rito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko sila Jinx at Tiara. Agad na lumipad ako patungo sa kinaroroonan ng dragon. Nang makarating ay agad akong sinalubong ng sampal ng buntot nito na ikinagulat ko. Sa hindi inaasahang pangyayare ay tumalsik ako. Nang tumalsik ako ay nag-bounce ako at agad na may sumalo sa 'kin.   Nang masalo ako ni Sven ay tumingin ako sa pinagbaksakan ko at laking gulat ko ng maging malaking parang bola si Midori at napangiti ako dahil do'n. Ang cute nya kasing tignan dahil sa ginawa nya. Napatingin naman ako sa sumalo sa 'kin at nakita kong napatitig ito sa 'kin. Hindi ba sya nananawa kakatitig sa mukha ko? Sobrang nakakailang ang ginagawa nya sa totoo lang.   “Kung may dumi ako sa mukha p'wede mo namang sabihin?” Nakangiting sabi ko na agad napagpabalik sa kanyang katinuan.   Bigla ako nitong binitawan at napasalampak ako sa sahig. Sa sakit no'n ay napainda ako. Masama ko syang tinigna at sa inis ko ay tinulak ko sya.   “Sasaluhin mo 'ko tapos hahayaan mo naman na mahulog ako ulit at masaktan? Ganyan ka bang klasing kaibigan?” Inis na bulyaw ko sa kanya.   “Kaibigan?” takang sambit nya at nakakunot ang noo.   “Hindi ba tayo magkaibigan?” takang tanong ko.   “Tsk,” lumingon sya do'n sa dragon at gano'n din ako.   “Lumabas din ba 'yan galing Astravria?”, tanong ko habang tinatanaw ito.   “Oo, pero ang mga dragon sa Astravria ay hindi agad lumalaki ng ganyan,” hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin.   Pero nakikita kong unti-unti nitong nasisira ang lahat ng nasa paligid. Tumingin ako sa mga parte ng katawan nya at hindi ko alam kung paanong parang mas lumalaki pa sya. Hindi na 'to maganda. Agad akong lumipad at saka binalot sya ng water ball ko. Sa laki nya ay mas kakailanganin ko ng mas malaking water ball. Tinapat ko ang kamay ko sa dagat at kumuha ng mas maraming tubig at unti-unting umangat iyon sa ere. Habang ang dragon naman ay unti-unti kong binabalutan ng water ball ko ay palihim kong ginagamitan ng magic ito at saka nag cast ng spell.   Unti-unti ko rin itong ginagawang yello upang mahupa ang paglaki nito. Kung mas lalo syang lalaki ay hindi malayong masira ang buong lugar na 'to. Nang magawa ko 'yon ay akala ko ayos na. Pero unti-unting nawasak 'yon kasabay ng paglipad nito sa himpapawid at nadawit ako. Hindi ko alam sa'n ako kakapit at hindi ko alam paano akong aalis sa pagkakahawak nito sa akin. Nang makarating sa ibabaw ng ulap ay nasilayan ko ang araw at natanaw ang ganda ng buong kaulapan. Unti-unti ay nagbago ang anyo nito at nakita kong unti-unti syang nagiging tao.   Nawala ang liwanag kasabay ng pagsilay ko ng mukha nya. Napatitig ako sa kanya mula sa ulo hanggang paa. Ang puti nito at ang kinis ng balat. Napanganga ako ng tuluyan ng makita ang buong mukha nya. Ang ganda nya at nakakamangha sya.   “Waw?” hindi makapaniwalang sabi ko.   “Ako ay nalulugod na masilayan ka.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nya, gano'n pa man ay nagbigay galang ako.   Nakasuot sya ng puting bestida na parang sa chinese. Puti rin ang kanyang buhok at nakikita kong bagay iyon sa kanya. Para syang prinsesa sa isang kingdom at nakakaakit ang ganda. Ang pula ng labi nya at ang pungay ng mga mata. Ang amo ng mukha nya at ramdam ko ang kakaibang kapangyarihan mula sa kanya. Mula sa ibabaw ng ulap ay nakatapak ako.   “P-panong... teka hindi ko naiintindihan,” naguguluhang sabi ko.   “Ako si Aira, ang dyosa ng hangin,” pakilala nito.   “Ahh, ako si Thelia. Ang dyosa sa mundo namin,” pakilala ko naman.   “Dyosa sa mundo nyo? Hindi ka dyosa.” Natatawang sabi nito.   “Echoss lang ito naman. Basta dyosa ako sa sarili kong mundo. E, ano bang nangyayare? Dragon ka tapos naging tao? Tapos ang ganda.” Puri ko sa kanya.   “Ikaw ay naririto dahil sa isang misyon.” Nangunot ang noo ko.   “Luh, bakit ako?” takang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.   “Dahil ikaw lamang ang makakagawa no'n.” Lumapit sya sa akin saka hinawakan nito ang kamay ko.   “Anong pagsubok naman 'yon?”   “Kinakailangan mong hanapin ang dragon na kanina'y anyo ko.” Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nya.   “Huh? E, bakit nga kasi ako?”   “H'wag kang maraming tanong at ako'y naiirita sa 'yo. Basta, kung gusto mo ay magpatulong ka sa iyong mga kaibigan. Naririto sa mundo nyo ang dragon na 'yon at natitiyak kong malapit na rin syang kumawala mula sa kanyang sinisidlan.” Unti-unting nawala ito sa kawalan at naiwan akong tulala.   Ano ba ang sinasabi ng Aira na 'yon. Ang dragon na sinasabi nya ay ang dragon na anyo nya kanina. Hindi ko alam kung sa'ng lupalok ng daigdig naman hahanapin ang dragon na 'yon at para sa'n naman kaya? Bakit naman ako ang naatasan nya, e, wala nga akong alam sa pakikipaglaban. Hindi ko pa alam paanong kontrolin ang kapangyarihan ko. Muli akong tumingin sa araw at saka ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman kong unti-unti akong nahuhulog. Sa kung ano man ang pinapagawa ng dyosa na 'yon ay susundin ko. Kung iyon din ang magiging dahilan para mahanap ko ang mga magulang ko.   Mula ng makilala ko ang mga taong galing sa Astravria ay unti-unting nagkakaroon ako ng chance na makita sila at makasama, pero kapalit no'n ay ang unti-unti ring pagkasira ng Astravria. Sa ngayon hindi ko alam kung anong tadhana ang naghihintay sa 'kin. Sinusundan ko lang kung sa'n ito patutungo kahit pa hindi ko alam sa'n ako mahihinto. Naramdaman kong may sumalo sa akin at unti-unting dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mukha ng taong kinaiinisan ko at nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Ang kakaibang pakiramdam sa puso ko ay namutawi lalo na ng yakapin nya ako.   Ang bawat haplos ng kanyang kamay sa malambot kong buhok ay kiliti sa buong sistema ko. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero gusto ko ang kung anong nangyayare ngayon. Ang yakap nya at pag-aalala ay nakakapagbigay ng saya sa 'kin. Masarap pala sa pakirandam na merong taong umaalala sa 'yo lalo na kung nasa panganib ka. Humiwalay ito ng yakap at saka ako dumistansya. Napaubo pa ako dahil medyo naiilang ako sa ginagawa nya.   “Anong ginawa sa 'yo ng dragon? Bakit buhay ka pa?” hindi ko alam kung matutuwa ako sa tanong ni Jinx o maiinis.   “Kung kinain nya ako malamang ay wala na ako sa harapan nyo,” Naiinis na sabi ko.   “E, nasa'n na 'yong dragon?” tanong naman ni Xi at tila hinahanap ito sa paligid.   “P'wede bang umuwi muna tayo? Parang nakakailang kung dito tayo mag-uusap sa himpapawid.” Naiilang na sabi ko.   “Thelia is right. We need to go back,” sang-ayon naman ni Sven.   “Bago 'yon ah?” takang sabi ni Vin.   “Ang alin?” tanong ko naman.   “Wala.” Ngumiti lang ito sa akin saka lumapit kay Sven.   Hindi ko na-gets ang sinabi nya pero hayaan na nga. Ang importante ay buhay pa ako at humihinga. Lumapit sa 'kin si Tiara at Jinx at tila nanunukso ang kanilang mga tingin. Napanguso nalang ako sa ginawa nila saka sumunod kila Vin. Hindi ko gusto ang kung anong nasa isipan nila at kahit ano pa 'yon wala na akong pakialam. Pero nanatiling tanong sa isip ko ang sinabi ni Aira at ang kakaibang dragon na sinabi nya. Bumungad sa 'kin si Midori at agad ko syang niyakap. Ang fluffy talaga ng wigi na 'to. Ang lambot pa ng balahibo kaya ang sarap nyang yakapin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD