THELIA'S POV
Napapikit ako ng mariin saka ngumiti sa kanya ng sapilitan. Hindi ko hahayaan na masira ang image ko dahil lang sa kanya. Kung hindi lang talaga ako naiinis sa kanya nako. Magtimpi ka Thelia, kaya mo 'yan.
“Ano po ang order nyo sir?” plastic na ngiting tanong ko.
Ngumisi sya sa 'kin saka pinatong ang dalawang siko sa lamesa saka pinatong ang mukha nya sa kamay nya habang nakatingin sa 'kin. Kaya kitang gamitan ng magic kung gugustuhin ko pero mas pipiliin kong h'wag nalang. Napanguso ako dahil sa inis at hindi ko alam kung dapat ko bang makita pa ang ganitong pagmumukha.
“I want.... coffee.” Tumango ako at akmang aalis ng pigilan nya ako. “Made by you,” dugtong pa nya.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. “Hindi ako taga timpla, hindi ako marunong.”
“But that is what I want?” Nangisi nitong sabi.
Tumalikod ako sa kanya saka ako napapikit ng mariin. Umalis ako ro'n saka nagtago sa isang gilid. Tinignan ko sya ng masama at nakita kong tumunog ang phone nya at saka nito sinagot ang tawag. Pumunta na ako sa p'westo nila Rea at nakakunot ang noo nilang tinignan ako.
“Bakit nakakusot iyang mukha mo? Pati panahon ay pumapangit,” takang tanong ni Rea sa 'kin.
Sumipat ako ng tingin do'n kay Mr. Zapanta saka muling tumingin sa kanya. “Iyong hindot na malanding lalaki na 'yon na akala mo prinsipe pero hindi ay pinapapangit ang araw ko.” Inis na sabi ko.
Napailing nalang si Rea sa sinabi ko at napabuntong hininga naman ako. Katulad ng sinabi nya ay ako ang nagtimpla ng coffee nya. Nagpaturo ako kay Rea kung paano iyon at hindi nga naman mahirap. Pero dahil magaling ako sa magic ay do'n ko lang nakukuha ang pagtimpla ng kape. Gano'n pa man, nasa mundo ako ng mga walang kapangyarihan. Gusto kong makita na ang sinasabi ni nanay at tatay na Astravria. Pero ang mundo ba na 'yon ay naayon sa akin? Isa pa ang sinabi nila sa 'kin na hanapin ko rin ang mga tunay kong magulang. Nasa Astravria din daw ang mga ito.
Kung sakaling makita ko ang mundo na 'yon. Makikita ko kaya ang mga magulang ko? Napabuntong hininga ako saka muling ngumiti at tumingin sa labas. Naro'n ang lalaking kinaiinisan ko at nakaupo ng prente. Lumapit na ako sa kanya para ihatid ang kape nya. Inilapag ko ang tinimplang kape at saka ito tumingin sa akin ng nakangiti. Ano naman kaya ang nakakatuwa sa kape? Kinuha nya ito at saka sinimsim ito at nakita kong nag-liwanag ang kanyang mukha. Ano naman kaya ang nakakatuwa sa pagsimsim ng kape?
“Hmm. I like it.” Nakangiting puri nito.
“Thank you sir.” Yumuko ako at aalis na sana ng bigla nitong abutin ang kamay ko.
“Bakit ba ang sungit mo sa 'kin?” tanong nya.
Tumingin ako sa kamay ko at tumingin ako sa kanya upang iparating ang ibig kong sabihin kung bakit ako naiinis. Agad naman nyang inalis ito at saka inayos ang sarili at umupong muli.
“Sir. Iba po kasi ang pakinipag-friend sa pakikipaglandian. Kaya kung p'wede po tantanan nyo po muna ako?” magalang pero mataray kong sabi.
Hindi ko gusto ang inaasta nya sa 'kin at ramdam ko ang pag ngisi nya saka ako tumalikod at bumalik sa loob. Hindi ko na sya pinansin pa at lumipas ang buong araw hanggang sa magsara na ang coffee shop namin. Nagpalit ako ng damit ko saka lumabas at uuwi na. Sumabay akong lumabas kila Rea at sobrang blessed daw sila kasi narito ako upang maging maganda ang araw nila. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman ako gano'n ka-energetic pero nakakapagpagaan ang aura ko sa iba upang maging maganda ang araw nila. Napansin kong napagod sila sa buong araw at palihim kong pinawi ang pagod nila sa pamamagitan ng paghagod sa kanilang likuran pababa.
Kumaway ako sa kanila at saka nag-lakad pauwi. Pero napahinto ako ng may maramdaman akong may sumusunod sa 'kin at pinakiramdaman ko ang paligid. Gamit ang kapangyarihan ng hangin alam kong nasa malapit lang sya at nang humarap ako ay napaatras ako. Nagulat ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nya na bumungad sa pag-harap ko at muntik pang magdikit ang labi namin sa sobrang lapit. Napahawak ako sa labi ko at napasapo sa dibdib ko. Napahawak sa sintido at pilit na pinapahinahon ang sarili ko upang hindi mainis sa kanya dahil sa nangyare.
“Ikaw na naman!” Inis kong sabi at napakamot sa noo.
“I want to secure na ligtas kang makaka-uwi.” Nakangiting sabi nito.
“Malapit lang ang bahay ko sa school at sa pinagtatrabahuan ko. Hindi mo kailangan gawin 'to isa pa kaya ko ang sarili ko. KAYA P'WEDE BANG TANTANAN MO KONG PUNYETA KA!” Gigil kong sabi saka tumalikod at nagulat ako ng nasa harapan ko sya kaya naitapat ko ang kamay ko sa kanya at nag-labas ng kapangyarihan.
Nanlaki ang mata nya sa nakita nya at pati ako ay nagulat sa ginawa ko. s**t. Hindi ko na-control ang sarili ko na hindi mailabas ang kapangyarihan ko. Napahawak ako sa bag ko at kinakabahan ako sa nangyare. Ngumisi sya sa 'kin at pinagpagan ang sariling damit nya.
“You have powers too?” sarcatic na sabi nito.
Hindi ko alam kung matatakot ako at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit naman kasi hindi ko nakontrol ang sarili ko't nalabas ko ang tinatagong sikreto ko. Pero napaisip ako. Paanong nakarating sya sa harapan ko at sinabi nya ang too? Ibig sabihin ay meron din syang kapangyarihan? Inilahad nya ang palad nya at mula ro'n ay lumabas ang apoy. Tumingin ako sa paligid kasi baka may makakita sa kanya at kung anong isipin nila at mapagkamalan syang alien. Unti-unting lumapit sya sa 'kin habang pinapakita ang kapangyarihang apoy sa palad nya.
Mula sa kabilang palad nya ay nagpalabas sya ng bato na ang simbulo ay ang lupa. Dalawa ang kapangyarihan na meron sya at napaatras ako sa ginagawa nyang paglapit sa akin. Kakaatras ko ay napasinghap ako ng may nabangga ako sa likuran ko at napatingin ako sa kung sino 'yon. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha nya at seryoso ang mga ito. Nakatingin ito sa 'kin at saka tumingin kay Zapanta at nangilid ang labi nya. Kaya naman lumapit ako sa kanya at kunwaring nagtago sa likuran nya at saka tumingin kay Zapanta. Gagantihan kitang hindot ka. Kunwari akong natatakot at saka kunwaring nanginginig.
“A-ano bang ginagawa mo s-sir. Na-natatakot ako sa 'yo,” nauutal kunwaring sabi ko.
Aba? Nag-aral ako paanong umarte at saka ngumiti sa kanya ng sarcatic at nakita kong nanlaki ang mata nya. Pero ngumisi sya sa 'kin.
“Don't play with me. Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo.” inis na sabi nya.
“Zapanta ano na naman ba 'to?” Narinig ko ang tinig ni Sven na seryoso at malalim.
“She have a powers too.” Turo nya sa 'kin.
“A-anong powers.” Natatakot kunong tanong ko at mas lalong nagtago sa likuran ni Sven.
“Natatakot sya sa pinapakita mo.”
“Hindi mo ko maloloko miss Thelia. I know you have a powers too.”
“Ano ba kasing powers!” Naiinis na tanong ko kunwari. “Tinulak lang kita dahil nagulat ako sa pagsulpot mo sa harapan ko tapos sasabihin mo may powers ako.” Nakangusong paliwag ko.
Nawala ang apoy at ang bato sa parehong palad at saka ito natawa ng pagak. Tumingin ito kay Sven at nakikita kong matalim ang tingin nila sa isa't-isa. Inayos ko ang sarili ko at akmang aalis ng biglang hilahin ni Zapanta ang braso ko at medyo masakit 'yon pero kasunod no'n ang paghawak din ng kamay ni Sven sa kamay ni Zapanta na nakahawak sa braso ko. Nag-tinginan sila sa isa't-isa at nakikita ko ang tila electric na tinginan nila sa isa't-isa at napalunok ako dahil do'n. Pero nabigla ako ng lumabas ang apoy sa kamay nya na syang ikinainda ko at agad na binawi ang braso ko at napahawak dito.
Nagulat silang pareho at napatingin sa 'kin. “Tae naman. Kung may galit kayo sa isa't-isa h'wag nyo naman akong madamay-damay!” Inis na sabi ko habang hawak ang braso ko na may paso.
Tumalikod ako sa kanilang dalawa at dali-daling umuwi. Hindi ko alam na meron palang tao na gaya nila dito sa mundo. Nang makarating ako ng bahay ay agad akong pumasok saka sinara ang pinto at naglagay ng barrier. Hindi ko hahayaan na malaman nila kung sino ako at kung anong pagkatao ko. Kahit alam ko kung sino sila. Napaupo ko at napaisip. Kung may kapangyarihan sila, pusibleng galing sila sa ibang mundo at hindi sila taga rito. Pero sa'n naman kaya sila nanggaling at namuhay sila sa mundong ito bilang ordinaryong mga tao? Ang nakikita ko sa pagitan nila ay ang tingin na nakakamatay at hindi ko alam kung bakit pinagdidiinan nya ako kanina.
Medyo masakit ang ginawa nya sa braso ko at bumakat do'n ang kamay nya. B'wisit talagang Zapanta 'yon. Pinagaling ko ito at buti nalang ay hindi ako tuluyang nasunog kanina.
Napakagat ako sa kuko ko at napaisip ng malalim. Posible kayang alam nila ang mundo ng Astravria? Kung sakali man na alam nila ay maaring makabalik ako sa mundong kinabibilangan ko talaga. Kailangan kong malaman ang pagkatao nila at kilalanin sila. Sa ngayon kailangan kong matutunan ang makisama sa kanila lalo na si Zapanta. Ito na ang umpisa para sa paghahanap ng lagusan papunta sa Astravria.