THELIA'S POV
Lumipas ang ilang araw at nakapasok na nga ako sa school. Nagpatahi ako ng sariling uniform at saka kumuha ng malapit na trabaho para sa income. Aba kahit na may magic akong taglay hindi naman ata ako p'wedeng umasa sa magic powers ko. Isa pa, ang gano'ng kapangyarihan ay ginagamit ko lang para sa iligtas ang kung sinong nasa panganib. Buti nalang talaga at natanggap ako sa isang coffee shop since they need a part timer. Nakangiti kong pinasok ang paaralan at nakangiti ko ring sinasalubong ang bawat istud'yante. Grabe, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ganito. Waw?
Habang naglalakad ay napahinto ako ng may nakita akong tila binu-bully na estudyante. Teka? Uso pa ba ang bullying ngayon? Takang sambit ko sa sarili ko. Hindi ako nakatiis at lumapit ako sa grupo nila at saka pinag-cross ang dalawang braso ko. Sus na mga bata ito, hindi ba sila tinuturuan ng mga magulang nilang masama ang mam-bully?
“Hoy bata,” agaw ko sa atensyon nila at pare-pareho silang tumingin sa 'kin.
“Ang angit mo!” sabi no'ng batang tababoy sa 'kin.
“Alam nyo ba na masama ang mam-bully?” Nakataas kilay kong sabi.
“E, ano bang pakialam mo?" takang tanong naman ng batang patpatin na nasa likod ng batang mataba.
“Ok, sige. Ganito mga bata. I have story. Tungkol ito sa nambu-bully at nabuli.” Nakangiting saad ko saka lumakad-lakad sa paligid nila. “Isang araw, may batang binully. Tinulak ng bata ang isang bata hangang sa mapaupo ito.” Tumingin ako sa batang batchoy. Hala ka bakit naman kaya ang kyut ng batang ito?
“Ano po ang nangyare?” tanong ng batang babae na mukhang interesado sa k'wento ko.
“Tapos...” Lumapit ako sa batang mataba. “May isang fairy na nakakita ng nangyare. Sabi ng fairy. Ikaw na bata ka! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal? Isinusumpa kita maging biik. Sabi ng fairy sa bata,” k'wento ko saka tumayo at saka ini-snap ang fingers ko at sa isang iglap naging biik sya.
Nagulat sila sa nakita nila. Pero pinagpatuloy ko ang k'wento. “Sabi ng batang isinumpa. Patawad po, hindi ko na uulitin. Magiging mabait na ako pangako. Pakiusap nya sa fairy.” I snap my fingers at bumalik ulit sya sa dati nyang anyo.
“A-ayaw ko na! Hindi na ako mambu-bully! Hindi na kita aawayin. Bati na tayo,” agad na sabi nito sa isa pang bata na syang ikinatuwa ko.
Hindi naman pala mahirap turuan ng leksyon ang batang ito. Nakakaloka lang dahil sa laki nya ay ang lakas nyang mam-bully.
“Ganyan dapat! Aba? Masama ang mam-bull. Gusto nyo ba isumpa ng fairy?” nakangiting tanong ko at sabay-sabay silang nagsipag-iling. “Kaya naman dapat hindi nyo na 'yon uulitin, ok ba?” Tumango silang lahat sakin saka ako tumayo.
Umalis na sila at napangiti ako sa nakita ko. Masaya akong bumuntong hininga at ng aalis na sana ay nagulat ako sa kung sino ang nasa likuran ko. “Ayy kabayo.” Napasapo ako sa aking dibdib.
“Mukhang masaya ka?” Nakangiting tanong nito sa 'kin.
Kailangan nya ba akong tanungin ng gano'n? Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nitong hinalihin ang braso ko at napatingin ako sa kanya.
“Sir?” Taas kilay kong sabi habang nakatingin sa braso ko na hawak nya.
“Bakit ang ilap mo sa 'kin? Nakikipagkaibigan lang naman ako?” sarcastic nyang sabi.
“I need to go. Excuse me,” sabi ko saka binawi ang braso ko at tuluyan ng umalis.
Buti nalang at hindi nya ako sinundan pa. Hindi ko gusto ang presensya ng isang 'yon. Hinanap ko ang room ko at buti nalang ay kaunti pa lang ang tao. Matiwasay akong umupo do'n saka nilapag ang bag ko at napa-ubub sa mesa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng lalaking iyon sa akin pero hindi ako natutuwa sa presensya ng Zapanta na 'yon.
Kahit sya pa ang may-ari ng school na 'to ay wala rin akong pakialam. Maya-maya ay dumating ang professor namin at buti nalang ay nakahabol pa ako ng lessons. Ok lang naman sa 'kin ang hindi mag-aral pero hindi naman ako malilibang kung nasa bahay at nakaupo lang tapos tamang kain? Gusto ko nasusubok ang bawat araw ko at gusto kong napapagod ako.
Maganda ang facility nila dito at maraming estud'yante ang nag-aaral dito. Hindi ko lang gaanong ka-close ang mga classmates ko kasi parang ilag ata sila sa 'kin? Maganda naman ako ah? Nang matapos ang klase ay umalis na ako at wala rin naman akong mapapala kung tatambay ako ng school. Nang makalabas ng room ay may biglang humila ng braso ko at napatingin ako sa kanya. Magandang babae sya at hindi naman gano'n kakapal ang make up pero halatang may pagka bitchy sya. Napabuntong hininga ako kasi wala naman akong oras para rito. Iisa lang din ang subject ngayon at bukas ay tatlo.
“Gusto nyo ba akong maging friend or gusto nyo akong maging friend?” makahulugang tanong ko.
“Tsk. Sabihin nating parang gano'n na nga. We saw you kanina. Kausap mo si Zapanta and also nakita kong binastos mo sya.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nyang binastos kuno.
“Anong binastos? Nag-excuse ako sa kanya at isa pa, he's not my business,” sabi ko at akmang tatalikod sana ng bigla ako nitong hilahin dahilan para tumama ang likuran ko sa upuan.
“Kingina ka kinakausap ka ng maayos h'wag kang bastos,” sabi nito na syang ikinagulat ko.
“Maayos na 'yon sa 'yo? Seryoso ka?” Inis na tanong ko.
Tumayo ako at iiwasan sana ang gulo pero humarang ang dawalang alagad nito sa harapan ko at na-corner nila ako. Pinagtitinginan lang ako ng mga estudyante sa paligid at nakikita kong naawa sila sa lagay ko. Sa pagkakataon ngayon hindi ko maaring gamitin ang kapangyarihan na meron ako dahil natatakot akong makapanakit ng ibang tao. Isa pa, kaya ko naman pagalingin ang sarili ko sa mga matatamo kong sugat kung sakali.
“E, paano kung sabihin namin ganito kami makipag-usap?” maangas na sabi ng alagad nya.
“Tamara!” Pare-pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig.
Narinig ko ang pagsinghap nila sa gulat ng makita ang taong tumawag sa Tamara. Ang makapangyarihan nitong tinig ang nagpatahimik sa kanila. Kung hindi lang bawal ang maglabas ng kapangyarihan kanina ko pa ginawa. Pero humanda ka sa 'kin, lintik lang walang ganti. Hindi ako papatalo aba?
“S-Sven?” Tumingin ito sa lalaking tinawag nyang Sven.
Sya iyong lalaking nakabangga ko kahapon. Tsk, buti nalang at g'wapo sya at hindi ganoon ka-dark ang aura pero nakakalunod naman ang mga mata. Likas sa kanya ang lakas at nakikita ko kung gaano iyon kalakas base sa aura na nasa paligid ng katawan nya. Nakakamangha.
“Kaloka? Bago ka dito tapos lumapit na gulo?” Mataray na sabi ng bakla.
“Sila ang nauna. Ang bait kong tao,” tila sumbong na sabi ko.
“Nag-uumpisa na naman kayo, Tamara?” Tila galit na tanong ng lalake.
“E, kasi Vien---"
“Hoy, gaga h'wag ka nang magpaliwanag nakita rin naman namin ang lahat.”
“H-ha?”
“Ha? Ha? Bingi ka 'te? Try mo magtanggal ng tutuli!” hindi ko alam kung matatawa ako o magpapasalamat ako?
Sa totoo lang mataray ang pigura nitong baklang ito at matapang. Hindi maalis sa kanya ang ganoong aura at nakikita ko naman na mabait sya. Gusto ko ang pinapakita nitong attitude.
“Hmmp! Makaalis na nga. Let's go girls,” sabi ng Tamara saka umalis sa harapan namin.
Sinundan ko lang sila ng tingin at saka kinuha ang bag ko at akmang aalis na rin sana ng biglang hilain ng lalakeng Sven ang braso ko.
“Hindi ka ba magpapasalamat?” takang tanong nya.
“Uso pasalamat 'te!” sabi ng bakla.
“Edi salamat.” Naiinis na sabi ko saka walang pakundangan na umalis.
Humanda kang Tamara ka gaganti ako sa 'yo. Napanguso nalang ako kasi sa isip ko lang naman nasasabi ang mga salitang hindi kayang banggitin ng bibig ko. Tuloy ay hindi ko alam sa'n ako lulugar para lang sa ikatatahimik ng mundo. Matapos ang tagpo na 'yon ay pumunta ako sa cafee shop na pagta-trabahuan ko at saka masayang bumati sa kanila. Gano'n din ang ginawa nila sa 'kin. Na-hired ako kasi masyado daw akong energetic at lagi daw akong naka-smile. Lalo na ang mukha ko ay parang kalangitan na masyadong maaliwalas at tila walang problema. Sino ba kasing may sabing problemahin nyo ang problema? Hayaan ang problema ang mamoblema sa inyo. Basic! Nagpalit na ako ng damit.
Ang cute ng uniform nila rito. Pang korean ang outfit. Nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nakakalimutan ko ang lungkot na nararamdaman ko dahil wala ang mga magulang ko. Pati ang pangungulila ko sa kanila ay nawala na rin. Sobrang laking tulong ng pagpasok ko dito dahil hindi lang iba-ibang tao ang makakasalamuha ko. Ginawa kong abala ang sarili ko sa pagkuha at pag-serve ng mga pagkain sa mga customer. Buti nalang at naging maganda ang unang araw ko at ang dami nilang customer. Now lang daw nagsilitawan ang ibang customer at nakakagulat daw dahil sa first day ko. Parang ako daw ang lucky charm ng coffee shop na 'to at kinilig naman ako sa mga papuri nila.
“Uy, Thelia, ikaw hanap ng lalaking afam do'n oh.” Sabay turo sa labas.
Nangunot ang noo ko sa kanya at nagtaka, “Sige ako ang bahala.” Nakangiting sagot ko saka ako lumabas at hinarap ang sinasabi ni Rea.
“Good afternoon sir. May I---" napahinto ako ng sasabihin ko ng makita ko ang mukha nya. “Ikaw na naman?” Iritadong sabi ko.