Matteo-4

1109 Words
"Anong company ang nabunot mong ma interview?" Tanong ni Dette sa kanya pagkatapos ng klase nila at sabay silang lumalakad sa malaking hallway ng eskwelaan. "M. Leonardo Group of Company," tugon niya sa kaibigan. "Talaga? Ang swerte mo naman mabait daw ang CEO nila diyan at sobrang gwapo daw," tila kinikilg na sabi ni Dette sa kanya. "As if naman na ang CEO mismo ang makakaharap ko no," sabi naman niya sa kaibigan. "Anong malay mo pumayag siyang magpa interview sa iyo. Dala mo naman ang pangalan ng University of San Ignacio" sabi pa nito. "Well sana nga, para naman mataas-taas ang makuha kong grades," she said. "Sure iyan Aaliyah. Sa ganda mong iyan. Hindi ka tatangian non," dagdag pa ng kaibigan at bahagya siyang siniko nito. "Dette, wala akong balak pumatol sa matandang mayaman," iling ulong tugon niya sa kaibigan. "Sinong nagsabi na matanda na siya. For our info, Aaliyah nasa 20's palang ang CEO ng M Leonardo of Company," napalingon siya sa kaibigan sa sinabi nito. "Talaga ba? Posible bang maging CEO na ang ganoon ka bata?" She asked. "Pwede! Ano ka ba. Wala sa edad iyan. Depende iyan kung kaya mo ng i handle ang company," paliwanag pa nito sa kanya. Tumango-tango naman siya sa kaibigan. Panigurado namang updated si Dette sa mga mayayaman sa bayan nila, dahil isa din ang pamilya nito sa mayaman sa bayan ng San Rafael. Buti na nga lang nakipagkaibigan ito sa kanya, kahit magkaiba ang estado nila sa buhay. Si Dette kasi ang nalalapitan niya pag sobrang gipit siya at hindi magawang makapasok sa eskwelaan dahil walang pera. Laking pasalamat niya at may kaibigan siyang katulad ni Dette. Kung wala si Dette tiyak na mas mahihirapan siya. "Search mo name niya. Matteo Leonardo, tiyak na makikita mo lahat ng info about him," Dette also said. "Sige, pag nag load ako ng pang internet," tugon niya sa kaibigan. "Ano ka ba, tara sa coffee shop, kape tayo para makapag free wifi ka," anyaya ng kaibigan sa kanya. "Hindi ako pwede may trabaho pa ko," tanggi niya sa kaibigan. May pasok kasi siya sa bar ngayon. Hindi naman alam ng kaibigan na nagtatrabaho siya sa bar. Ang alam nito sa isang karinderia siya namamasukan. Nahihiya siyang ipaalam sa kaibigan na pati ang pagsasayaw sa bar ay pinasok na niya para lang magkapera. "Oo nga pala. Busy person ka,' simangot nito sa kanya. "Kailangan eh," tugon naman niya. "Basta search mo na lang pag hindi ka busy. Matteo Leonardo,' sabi pa nito. "Matteo Leoanardo?" Ulit niya sa pangalang binanggit ng kaibigan. Para kasing familiar sa kanya, at narinig na niya somewhere ang pangalan na iyon. "Yes, siya ang bunso sa magkakapatid na Leonardo," dagdag imformation pa nito sa kanya. Tumango na lang siya sa kaibigan. Aalamin na lang niya ang tungkol sa CEO pag may time na siya. Nang maghiwalay sila ni Dette nag tricycle na siya para mabilis na makarating sa bar. Mag aayos pa kasi siya bago sumabak sa stage. "Aaliyah, pinapatawag ka ni Ate Lily. Kanina ka pa nga hinahanap," sabi ng isa sa kasamahan niya sa bar. "Ako? Bakit daw?" Tanong niya. Although may idea na siya ang tungkol sa lalaki kagabi ang pag-uusapan nila. "Anong malay ko! Bakit hindi siya ang tanungin mo!" Mataray nitong tugon sa kanya. Hindi na lang siya kumibo. Matataray at maarte naman talaga ang mga kasamahan niya sa bar, kaya nga wala siyang kaibigan ni isa. Wala rin naman siyang time makipagkaibigan, focus muna siya sa work. Bago siya nagtuloy sa dressing room nagtungo muna siya sa opisina ni Lily. May opisina ito kung saan ito ang i-interview sa mga gustong pumasok sa bar. "Ate Lily, pinapatawag niyo daw po ako?" Bungad niya nang sumilip sa pintuan. "Oo, Aaliyah. Halika," tugon nito sa kanya. Agad naman siyang pumasok sa loob. "Bakit po?" She asked. "Maupo ka," sabi pa nito. Sumunod naman siya. "Itatanong ko lang kung ano ba ang nangyari sa iyo at da kliyente kagabi?" Tanong nito sa kanya. "Wala po," agad niyang tugon. "Ano ba ang inaalok niya sa iyo Aaliyah?" Usisa nito. "Katulad din po ng mga naunang kliyente," tugon niya. Maging bride ang alok sa kanya ng kliyente, pero hindi na niya binanggit iyon kay Lily. Hindi rin naman kasi siya interesado. "Bakit hindi ka pa pumayag, Aaliyah? Gwapo at bata naman ang kliyenteng iyong kumpara sa mga naunang kliyente na nag alok sa iyo," seryosong sabi nito sa kanya. Iniling niya ang ulo. "Sinabi ko na po noong una pa. Sasayaw lang po ako sa stage. Hanggang doon lang po ang trabahong kaya ko," tugon niya rito. "Hindi ka ba nanghihinayang? Mukhang handang magbayad ng malaki ang kliyente para sa iyo," sabi pa nito. Muli niyang iniling ang ulo. "Eh paano iyan, nais ka niyang makausap muli ngayon, Aaliyah." "Huwag na po," tugon niya at tumayo mula sa pagkakaupo. "Lalabas na po ako Ate Lily. Kailangan ko pa po mag ready para sa pag sayaw ko sa stage mamaya," paalam niya at akmang tatalikod na nang pigilan siya ni Lily. "Sandali lang, Aaliyah," pigil nito sa kanya at tumayo rin ito mula sa pagkakaupo. "Wala kang slot sa stage ngayon," sabi nito. Napakunot ang noo niya. "Bakit po?" Nagtatakang tanong niya. "Binayaran ng kliyente ang buong gabi mo ngayon, para makausap ka. Sinabi ko sa kanya ang rules ng bar. Bawal pilitin ang mga talent kung ayaw. Labas din ako sa kung ano man ang mapagkasunduan niyo," litabya nito sa kanya. "Ano po?" Gulat na tanong niya. "Bakit po kayo pumayag?" Tanong pa rin niya. "Triple ang binayad niya para hindi ka na pag sayawin ngayong gabi at kausapin ka lang," tugon nito. "Ano po triple?' Gulat niyang tanong. Ang laking pera na non. "Oo, Aaliyah. Kaya pumayag ako. Nangako naman siyang hindi lalabag sa rules ng bar. Kaya sa VIP ka mag duty ngayon. Mag-usap kayo ng maayos. At kung ako sa iyo. Papayag na ko. Mayaman, bata at napakagwapo pa. Anong malay mo kung totohanin ka. Sayang din ang pagkakataon na ito Aaliyah. May chance kang mabago mo ang buhay mo pag pumayag ka sa alok niya," mahabang litanya ni Lily sa kanya. Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga at nagkibit balikat. Mukhang hindi naman siya makakatanggi pa. Paano pa siya tatanggi eh bayad na ang kliyente kay Lily. Isa pa makikipag usap lang naman siya ngayong gabi at hindi sasayaw sa stage habang pinaglalawayan ng mga kalalakihan. Mapa bata man o matanda. "Ate Lily. Ito na po ang huli. At kung magpapatuloy pa po ito. Mapipilitan po akong mag resign," seryosong sabi niya. "Sige Aaliyah. Ito na ang huli," tugon nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD