Matteo-3

1301 Words
Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng bahay nila naririnig na niya ang mga sigawan sa loob. Hindi na bago sa kanya ang ganitong ingay. Lagi naman kasing nag-aaway ang tiyahin niya at asawan nito, tapos sasabay pa ang dalawang maldita niyang pinsan. Pagpasok niya sa loob deretso na sana siya nang mapalingon sa kanya ang tiyahin niya. "Hoy ikaw Aaliyah! Bakit ba lagi kang ginagabi ah?!" Galit na tanong ng tiyahin sa kanya. Lagi naman ganito sa kanya ang tiyahin. Siya lagi ang pinagbubuntunan nito ng galit sa tuwing mag-aaway ito at ang asawa nitong sugarol. Napasulyap din sa kanya ang T'yong Bert niya ang asawa ng Tiyahin niya. Pati ang dalawa niyang malditang pinsan nakatingin na rin sa kanya. Nakataas pa ang kilay ng mga ito sa kanya na para bang siya ang puno't dulo ng kaguluhan sa bahay nila. "Tiyak na nakipag landian iyan Mommy! Alam niyo naman na manang-mana iyan sa Nanay niyang malandi!" Taas kilay na sabi ng pinsan niyang si Vina. Ka edaran niya si Vina at kapwa sila nasa 2nd year college. Iyon nga lang sa kabilang bayan ito nag-aaral dahil hindi nakakuha ng scholarship sa University of San Ignacio Ganoon rin ang isa pa niyang pinsan na si Nina na nasa 1st year college, hindi rin ito nakapasa sa scholarship ng university. Wala naman ding sapat na pera ang tiyahin niya para maipasok sa malaking paaralan ang dalawa niyang pinsan. Umaasa lang naman ito sa maliit nitong parlor sa labas ng bahay nila. Ang asawa naman nitong si t'yong Bert ay isang taxi driver na madalas pa ang pagsusugal kesa sa pamamasada. Kaya kapwa lang din niya hirap ang tiyahin sa buhay, kaya lagi siya ang pinagbubuntunan ng init ng ulo nito. Nag-iipon siya para makaalis na sa bahay ng tiyahin niya na mula ng makapagtrabaho siya ay pinababayaran na nito sa kanya ang pagtira niya sa bahay ng mga ito. Isang libo kada buwan ang iniaabot niya sa tiyahin para sa pagtira niya sa bahay ng mga ito. Noong wala siyang trabaho pinapakain naman siya kahit papano, pero ngayon halos hindi na siya matirhan ng pagkain, kahit pa sabihin na siya ang naglalaba at naglilinis sa bahay nila. Buhay prinsesa kasi ang dalawa niyang pinsan. "Hoy! Aaliyah kung gagaya ka rin naman sa Nanay mo na maagang magbuntis, mabuti pa umalis ka na lang dito sa bahay ko! Wala na kong balak mag alaga pa ng isang katulad mo!" Sabi ng tiyahin sa kanya sabay duro pa. Sanay na siya sa mga ganitong salita ng tiyahin. Memorize na nga niya ang mga sinasabi nito sa kanya. Kung noon nasasaktan pa siya, ngayon hindi na. Kahit anong masasakit na salita pa yata ang ibato sa kanya ng tiyahin ay hindi na siya tinatablan. "Ano pa ba ang aasahan mo sa anak ng kapatid mo. Edi katulad din niya iyan na malikot ang pwet," sabat ng t'yong Bert niya sabay sibat nito at labas ng bahay para matakasan ang pagbubunganga ng asawa nito. "Berto! Hindi pa tayo tapos mag usap!" Sigaw ng tiyahin niyang natakasan na naman ng asawang sugarol. "Berto! Bumalik ka!" Habol ng tiyahin niya sa asawa nito. Naghabulan na naman ang mag asawa sa labas kahit madilim na. Buti at sanay na ang mga kapitbahay nila sa mga ito. Hindi na bago ang paghahabulan at pag-aaway ng mag asawa sa kalsada. Bumuntong hininga lang siya at humakbang na nang harangin naman siya ni Vina. "Hoy! Aaliyah! Alam ko na nagpapacute ka kay Lorenz. Huwag na huwag mo siyang lalandiin!' Pagbabanta ni Vina sa kanya. Si Lorenz ang bagong umuupa sa tapat ng bahay nila. May itsura kasi ang binata kaya marahil type ng pinsan niya. Nagkibit balikat lang siya sa pinsan sabay talikod na. Nang hilahin siya nito sa balikat at muli siyang iharap rito. "Bastos ka!" Galit na sabi ni Vina sa kanya. "Huwag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita!" Gigil na sabi ni Vina sa kanya. "Sampalin mo na ate," sulsol naman ni Dina habang nakaupo at naglilinis ng kuku nito. "Vina wala akong balak na magpansin sa lalaking iyon," walang ganang tugon niya. Hindi naman talaga siya interesado sa lalaking iyon o kahit na kanino pang lalake. Sa estado niya ngayon, wala siyang balak na magdagdag ng sakit ng ulo ngayon. Masyado ng loaded sa problema ang isipan niya. Kung pwede nga lang magpahinga na siya habang buhay, kesa sa araw-araw na lang ay problemado siya. "Dapat lang! Dahil ako ang makakalaban mo!" Pagbabanta pa ni Vina sa kanya. "Naku ate Vina huwag kang maniwala diyan. Para namang hindi mo kilala kung sino ang nanay niyan!' Sabat ni Nina sa usapan. "Subukan lang niya uubusin ko buhok niya sa katawan!" Banta pa ni Vina sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita pa. Minabuti na lang niyang umiwas at nagtuloy sa maliit na silid na tinutuluyan niya. Dating silid ng lola niya ang silid na tinutuluyan. Maliit lang iyon at sasakto lang ang isang kama. Noon kasama siya sa silid ng mga pinsan, pero pinalipat din siya at sa may sala naman siya pinatutulog. Kahit nahihirapan tinitiis niya. Pero nang nakakapagbigay na siya ng isang libo kada buwan pinayagan siyang matulog sa dating silid ng lola niya na ginawa na rin namang tambakan, sakto lang ang pagkilos niya sa maliit na silid. Wala siyang ilaw at electric fan dahil wala naman daw siyang pambayad sa kuryente. May cellphone naman siya kaya iyon na lang ang ginagamit niya pang ilaw sa gabi para makapag aral pa rin. Kung iisipin napakahirap ng sitwasyon niya, pero ganoon pa man nakaka survive siya sa araw-araw. Kaya pipilitin niyang makapag ipon para makalipat na ng bahay. Walang may alam sa mga kasamahan niya sa bahay na pinasok na rin niya pati ang pagsasayaw sa bar para lang kumita. Malaking bar kasi ang napasukan niya kaya tiyak na walang makakakilala sa kanya roon. Mayayaman lang kasi ang nakakapasok sa bar na iyon. Kaya naman marami siyang kasamaha na hubod ng ganda. Malaki ang kita sa bar kaya tiyak na makaka ipon siya agad. At pag naka ipon na siya aalis na siya sa bahay ng tiyahin at hahanap ng marangal na trabaho. Alam niyang hindi marangal ang pagsasayaw sa bar. Pero anong magagawa niya kung kailangan niyang kumapit sa patalim para maka survive. Matapos siyang makapagbihis nahiga na siya sa kama at tumitig sa kisame na nabigyan lang ng kaunting liwanag dahil sa flashlight ng cellphone niya. "Kaya ko ito. Sa dami ko nang pinagdaanan ngayon pa ba ko susuko," bulong niya sa sarili at mapait na ngumiti. Pinikit niya ang mga mata para sana magsimulang mangarap ng magandang buhay, nang pumasok sa isip niya ang gwapong lalake na nakipag usap sa kanya sa VIP room ng bar. Napamulagat siya at bumangon mula sa pagkakaupo. Hinila ang bag niya at inilabas ang calling card na binigay ng lalake. "Matteo Leonardo," Basa niya sa pangalang nakalagay sa mamahaling calling card. Halata naman sa pangalan palang ng lalake ay mayaman ito. Tiyak na hindi lang ito basta mayaman. "Bride? Nagpapatawa," bulong niya nang maalala ang sinabi ng lalake sa kanya kanina. Napailing pa siya ng ulo ay sinuksok sa wallet ang calling card. Wala siyang balak patulan ang alok ng lalake. Pero itatago niya ang calling card in case of emergency. "Gwapo naman siya. Tiyak na maraming papayag na magpakasal sa kanya. Mayaman pa. Marami panigurado ang naghahabol sa kanya," bulong pa niya sa sarili at nahiga na. "Baka naghahanap ng asawa para gawing s*x slave," bulong pa niya. "Eeew...," kinikilabutang sabi niya. Ang pagbebenta sa katawan ang hinding-hindi niya gagawin. Hindi siya tutulad sa nanay niya. Matutulog na muna siya dahil bukas pagmulat niya bagong problema na naman ang kahaharapin niya. Kaya dapat malakas ang energy niya para ma survive na naman ang isang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD