Sa ikalawang pagkakataon nag set siya ng appointment kay Aaliyah Dizon sa bar. Si Aaliyah ang babaing napili niyang pakasalan at iharap sa pamilya niya. Bago naman siya nagdesisyon ay pinaimbestiga na niya ng mabuti si Aaliyah. Tinignan niya kung mabuting tao o babae ba si Aaliyah.
Unang kita palang niya kay Aaliyah nabighani na siya sa ganda ng dalaga. Iba ang dating ng appeal nito sa kanya. Sa kabila ng seksing pag sayaw sa entablado. Sa bawat indak ng maalindog nitong katawan at mapangakit nitong mga mata ay nagtatago ang lungkot at takot. He saw everything thru Aaliyah's beautiful eyes.
He is Matteo Leonardo ang bunso sa tatlong magkakapatid na Leonardo sa bayan ng San Ignacio Kilala ang buong pamilya niya sa bayan nila, dahil ang pamilya Leonardo ang tinitingalang pinakamayaman sa malaking bayan ng san Rafael. Lahat silang magkakapatid ay matagumpay sa pagnenegosyo. Kaya naman lalo nilang napalago ang apelidong dala nila.
May kanya-kanya ng pamilya ang kanyang mga kapatid. At siya man sa edad na bente sais nais na rin niyang bumuo ng sarili niyang pamilya katulad ng Kuya Marco at Kuya Marcus niya na masayang-masaya sa buhay may asawa ng mga ito. Kaya naman sa batang edad niya ay nais na rin niyang mag asawa. Sawa at pagod na siya sa halos gabi-gabi ay iba ang kinakasama niyang babae. Walang tumatagal sa kanyang babae. Dalawa hangga't tatlong gabi lang ay tila nagsasawa na siya. Madali siyang magsawa sa pakikipaglaro sa kama. Nais na niyang seryosong relasyon. Iyon nga lang sa panahon ngayon, napakalabong makahanap ng babaing kayang makontento sa isang lalake lang. Marami sa mga kaibigan niyang negosyante din ang pinaglalaruan at iniiputan sa ulo ng mga nakakarelasyon ng mga ito. Pagdating sa royalty walang guarantee na pag may pera ka hindi ka na lolokohin.
Ang pagpapakasal na ito ay sarili niyang idea. Nais na niyang magkaroon ng peace of mind at iwasan na ang sobrang pambabae. Katulad ng mga kapatid niya na napatino ng mga naging asawa ng mga ito.
Pinili niya si Aaliyah na pakasalan dahil nakita niya kay Aaliyah ang hinahanap niya. Bukod sa bata pa ito sa edad nitong eighteen, ulila din ito. Walang mga magulang na kokontra sa kanya kung nais na niyang pakasalan ito sa murang edad nito. Focus ito sa pag-aaral at walang panahon sa mga lalake. No boyfriend since birth, ganyan i describe ng PI si Aaliyah. Kaya naman mas lalo siyang nagnanais na mapapayag ito sa gusto niya.
Wala siyang natanggap na tawag mula kay Aaliyah, kahit sinabi na niya ang pakay niya rito. Kaya naman nagdesisyon siyang puntahan ito agad sa bar. Binayaran na niya ang buong gabi ni Aaliyah, para hindi na ito sumayaw pa sa entablado at pagnasahan pa ng ibang lalake. At nakahanda niyang gawin iyon gabi-gabi, hanggat hindi pa niya ito napapapayag sa gusto niya. Hindi na kasi niya nais makita pang sumasayan si Aaliyah sa stage na kakarampot lang ang kasuotan. Hindi na siya papayag na ang napili niyang pakasalang babae ay aakyat pa ng stage at sasayaw para aliwin ang ibang lalake.
Kanina pa siya nasa VIP room at hinihintay ang pagdating ni Aaliyah. Naka dalawang shot na nga siya wala pa rin ang dalaga. Alam niyang sa una palang may katigasan ang ulo ni Aaliyah. Marahil may paninindigan ito, at hindi ito basta nasisilaw pagdating sa pera. Good news iyon para sa kanya. Nakahanda naman siyang suyuin si Aaliyah mapapayag lang ito sa alok niya.
Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang doorknob. Binitiwan na muna niya ang kopita at hinintay na makapasok ang paparating. Hindi naman siya nabigo. Magandang mukha ni Aaliyah ang bumungad sa kanya sa may pintuan.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit mo sa akin ah Mister?!" Galit na tanong sa kanya ni Aaliyah nang makapasok na ito sa loob ng VIP room. Malakas pa nitong sinara ang pintuan at masamang tingin ang pinukol sa kanya.
Gusto niya ang tapang at lakas ng loob na nakikita niya kay Aaliyah. Halatang may paninindigan ito. Hindi ito madaling mabola. Pero tignan natin pag pera at luho na ang kumaway rito, baka mawala na ang tapang nito.
Sumandal si Aaliyah sa likod ng pintuan at pinagsalikop nito ang mga kamay sa may dibdib nito. Saka ito nagtaas ng mukha sa kanya. Mukhang may balak makipag matigasan sa kanya ang dalaga. Which is challenge for him.
"Miss. Aaliyah," banggit niya sa magandang pangalan ng dalaga at tumayo mula sa kinauupuan. Lalo naman nitong tinaas ang mukha sa kanya.
Pinaglandas niya ang mga mata sa kabuuan ng dalagan. Nakasuot itong ng oversized t-shirt, still, hindi natago ng t-shirt nito ang malaking hubog ng dibdib nito. Oversized din ang suot nitong jogger pants and flat sandals. Mukhang sinadya nitong magsuot ng unattractive na damit para maitago nito ang magandang katawan.
Bumalik ang mga mata niya sa magandang mukha ni Aaliyah. Wala itong ano mang make up sa mukha, ganoon pa man fresh na fresh pa rin ang mukha nito at masasabi niyang may natural itong ganda. Ganda na hindi naman nalalayo sa iba, pero may kakaibang dating, napakalakas na dating.
May maganda itong mga mata, pero nababakasa ng lungkot. Matangos ang ilong nito na bumagay sa maliit nitong mukha. Isama pa ang labi nito na may magandang hugis at mamula-mula pa. Overall Aaliyah is really beautiful and appealing young woman. Hindi na siya magtataka kung ilang VIP na ang nagtangkang mailabas sa bar si Aaliyah.
"Nagsasayang ka lang ng oras mo Mister!
Hindi ako interesado sa alok mo!" Taas kilay nitong sabi sa kanya.
"I don't think so Miss Aaliyah," he said. Ngumisi siya at humakbang palapit sa dalaga na nanatiling nakasandal sa pintuan.
"Do you think dressing like that makes you unattractive, Miss Aaliyah?" he asked her habang patuloy siya sa paglapit.
"Nope. This is my usual," mataray nitong tugon sa kanya. Ngumisi naman siya.
"Maraming babae na available sa bar na ito at tiyak na hindi ka tatanggian sa offer mo Mister," sabi pa nito.
"Ikaw Miss Aaliyah ang napili ko, hindi sila."
"Pero ayoko! Huwag mo nang guluhin ang buhay ko! Magulo na masyado ang buhay ko!" Singhal nito sa kanya.
"I will help you fix it, Miss Aaliyah."
"Nagpapatawa ka ba ah Mister?! Tigilan mo na ang kalokohang ito. Wala kang mapapala sa akin!"
"Really?" He asked at huminto sa mismong harapan nito. Kahibla lang ang layo sa dalaga. Nasamyo niya ang natural nitong amoy at nagustuhan niya.
"Lumayo ka nga!" Asik nito sa kanya.
"Maybe this will change your mind," he said at tinawid ang pagitan nila para maabot ang labi ng dalagang kanina pa nang-aakit sa kanya na mahalikan niya.