Kinabukasan maaga siyang naghanda sa pagpasok niya sa eskwelaan, ngayon kasi niya kailangan ma interview ang isang businessman. Nakasalalay sa sa interview na ito ang scholarship niya. Hindi na niya mapagpapatuloy ang pag-aaral kung mawawala sa kanya ang scholarship. Kaya naman kagabi kahit napakaraming gumugulo sa isip niya sa mga nangyari pinilit na lang niyang huwag na lang munang mag-isip ng kung anu-ano dahil ang mahalaga sa kanya ang ay scholarship niya. Nag-ayos na rin siya kahit papano para sa interview. Nagsuot siya ng formal attire na hiniram pa niya kay Dette. Iilan lang kasi ang maayos niyang damit, hindi kasi niya priority ang pagbili ng mga damit sa ngayon, ang priority niya ay ang makapag ipon ng pera. Kanina nga bago siya naalis ng bahay kung anu-ano na namang hindi magag