"Ikaw!!" Bulalas niya nang makilala ang lalaking nasa driver seat. Hindi man ito nakatingin sa kanya, madilim ang mga mata nitong nakatingin sa labas kung saan nakatayo ang tatlong humahabol sa kanya. "Are you ok?" Tanong nito sa kanya na hindi man sinusulyapan. "Oo," tugon naman niya rito. Malakas na kinalabog pa ng isa sa humahabol sa kanya ang harapan ng sasakyan. Napatili siya sa pagkagulat. "Put your seat belt," utos sa kanya ng lalake. Mabilis naman niyang kinapa ang seat belt at sinuot iyon habang nakatingin sa lalake na galit ang mukhang nakatuon sa tatlong lalaking nanggugulo sa kanya. Saka nito pinaharurot ang sasakyang sinasakyan nila. Napatili siya sa pagkagulat at napahawak ng mahigpit sa handle na naroon dahil sa takot. Hindi naman na sila sinundan pa ng mga lalake kaya