Kumakabog ang dibdib niya habang palapit sa pintuan. Nagdarasal sa isip na sana hindi iisa ang Matteo Leonardo na nag alok sa kanya ng kasal sa Matteo Leonardo na CEO ng malaking kumpanyang ito. Bago siya tuluyang pumasok sa loob, humugot muna siya ng malalim na paghinga at nagbuga ng hangin para pakalmahin ang sarili at ang magkaroon ng lakas ng loob na harapin kung sino man ang taong nasa loob. Maingat siyang pumasok sa loob at nakita niya ang lalaking nakatalikod sa kanya. Nakaharap ang lalake sa labas ng bintanang salamin. Likod pa lang ng lalake matikas na ito at halatang gwapo sa tindig palang nito. Nakasuot ng business suit ang lalake na kulay dark gray. Hindi niya malaman kung paano kukunin ang atensyon ng lalaking nakatalikod sa kanya. Naisara na kasi niya ang pintuan at hindi