Matapos ang pakikipag usap niya sa lalaking nag-aalok sa kany ng kasal, agad na siyang nagtungo kay Lily para sabihin mag re-resign na siya. Hahanap na lang siya ng bagong bar na pwedeng pasukan, kesa sa patuloy na guluhin ng lalaking iyon. Alam niyang hindi siya titigilan ng lalake, kaya siya na lang ang iiwas.
Ayaw niya ng ano mang gulo masyado ng magulo ang kanyang buhay. Mula pagkabata hindi pa siya nakatikim ng kaginhawaan, kaya nga pilit siyang kumakayod para sana mabago ang buhay niya.
"Seryoso ka ba diyan? Sayang din ang kikitain mo dito Aaliyah. Ikaw na rin ang nagsabi na kailangang-kailangan mo ng pera. At tapos ngayon magre-resign ka?" Mahabang litanya sa kanya ni Lily.
Kailangan naman talaga niya ang trabaho ito. Sa lahat ng sideline niya ang pagsasayaw sa bar ang nagbibigay sa kanya ng malaking kita, iyon nga lang nais niyang maiwasan ang lalaking iyon.
"Opo Ate Lily, seryoso po ako. Ito na po ang huling gabi ko," tugon niya.
"Eh bakit? Dahil ba kay Mr. Matteo Leonardo?" Usisa nito sa kanya.
"Yes po," amin niya.
"Ano ka ba naman Aaliyah. Swerte na ang dumadapo sa iyo tumatanggi ka pa," sita nito sa kanya.
Hindi na lang siya sa kumibo. Wala siyang planong matulad sa nanay niya na kung kani-kanino pumatol para lang kumita. Ayaw niyang kung sakaling mabuntis siya ay hindi rin niya matukoy ang ama, sa dami ng kanyang sinamahan katulad ng nanay niya. Pinangako niya sa sarili na hindi niya gagamitin ang angking ganda at katawan para kumita ng pera. Nais niyang mag-aral para umangat sa buhay. Nais niyang talino ang gamitin niya sa pag angat at hindi ang katawan.
"Mabait at mayayaman ang mga Leonardo dito sa bayan natin Aaliyah. Kaya napakaswerte mo at ikaw ang natipuhan ni Mr. Leonardo," sabi pa ni Lily sa kanya.
"Hindi po talaga ako interesado Ate Lily," tugon niya.
"Kung ganoon ikaw ang bahala," sabi nito at binuksan ang drawer sa may desk nito. Inilabas ang log book nito at lagayan ng pera.
"Pumirma ka na," sabi pa nito nang iabot sa kanya ang log book. Ginawa naman niya ang utos nito.
"Libre kang bumalik dito Aaliyah kung gusto mo. Maganda ang record mo at malakas ang hatak mo sa mga tao," sabi pa nito habang nagbibilang ng pera na siyang ibabayad nito sa kanya ngayong gabi.
"Hindi na ho siguro Ate Lily," tugon naman niya.
"Basta laging bukas ang bar na ito para sa iyo Aaliyah," sabi nito at iniabot sa kanya ang pera.
"Salamat po," pasalamat niya at binilang ang binayad nito sa kanya.
"Bakit ho ang laki nito?' Nagtatakang tanong niya nang mabilang na sampung libo ang iniabot sa kanya ni Lily. Tatlo hanggang limang libo lang namana ng binabayad nito sa kanya kada sayaw niya sa stage.
"Doble ang binayad sa akin ni Mr. Leonardo para lang makausap ka. Kaya tama lang na doble din ang ibayad ko sa iyo ngayong gabi. Lalo na't ito na ang huling gabi mo dito Aaliyah," paliwanag nito sa kanya. Tumango na lang siya at hindi kumibo.
Sadya palang nagwawaldas ng pera ang lalaking iyon para kang mapapayag siyang magpakasal rito. Mahirap naman kasi ang gusto nitong mangyari. Kasal ba naman agad. Matatali na siya rito ng habang buhay kung ganon. Kaya wala talagang pag asa na tanggapin niya ang alok nito sa kanya.
Matapos makapag pasalamat kay Lily lumabas na siya sa opisina nito para makauwi na ng bahay.
"Saan ka naman kaya ngayon hahanap ng trabaho Aaliyah?" Tanong niya sa sarili nang makalabas na ng bar.
Nagkibit balikat siya at nagbuga ng hangin. Nanghihinayang naman talaga siya sa kinikita niya sa bar. Kailangan lang talaga niyang iwasan ang lalaking iyon.
"Bwisit!" Inis pa niyang bulong at napasipa sa semento. Naiinis siya sa lalaking iyon dahil kung hindi siya nito kinukulit at hindi siya magre-resign. Tiyak ba magtitiyaga siya sa pagsayaw until makaipon siya ng sapat na pera at makaalis na sa bahay ng tiyahin niya. Ang pagtatrabaho na sana niya sa bar ang makakatulong sa kanya para makalipat na ng tirahan. Iyon nga lang nasira ang lahat ng plano niya dahil sa lalaking iyon.
Habang naglalakad sa kalsada napansin niya ang tatlong lalake na kasunod niya kaninang lumabas ng bar. Kumunot pa ang noo niya dahil pakiramdam niya sinusundan siya ng mga ito. Pero sana naman hindi at mali lang ang kutob niya.
Medyo malayo sa sakayan ang bar na pinapasukan niya. Kaya kailangan pa niyang maglakad ng ilang metro para marating ang sakayan ng jeep o tricycle. Dahil na rin pang mayaman ang bar ang napasukan niya usally taxi or grab ang mga namamasada sa loob. Nanghihinayang naman siya sa ibabayad niya sa taxi o grab kaya nilalakad nalang niya hanggang sakayan.
Habang naglalakad pasimple niyang tinitignan ang mga lalaking tila sumusunod sa kanya. Kaya naman binilisan niya ang paglalakad para makalayo na sa mga ito. Napansin naman niyang binilisan na rin ng mga ito ang pagsunod sa kanya.
"Sh*t!" Mura niya. Sigurado na kasi siya na siya ang sinusundan ng tatlong lalake. At tiyak na hindi siya sinusundan ng mga ito @! ganitong gabi na at walang ibang tao sa kalsada kundi mga sasakyan lang, para lang magpakilala sa kanya. Marami na sa mga kasamahan niya sa bar ang nababastos pag uwian na. Huwag naman sanang mangyari sa kanya iyon ngayon, lalo na't ito na ang huling gabi niya sa bar. Isama pang baka hindi lang siya bastusin ng tatlo, baka ma kidnap pa siya at dalhin sa kung saan para i rape.
Bigla siyang kinilabutan sa naisip kaya binilisan pa niya ang paglalakad. Nang lingunin naman niya ang tatlo. Tumatakbo na nga ang mga ito palapit sa kanya. Walang katao-tao sa labas kaya naman sa takot niya napatakbo na siya.
"Aaliyah sandali lang!" Narinig niyang sigaw ng mga lalaki sa likuran niya. Hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng mga ito ang pangalan niya. Marahil sa mga kapwa niya dancer.
"Gusto lang naming magpakilala sa iyo Aaliyah," sabi pa ng mga ito. Lalo naman niyang binilisan ang pagtakbo para hindi siya maabutan ng mga ito.
"Huwag ka ng tumakbo. Mahahabol at mahahabol ka rin namin," sabi pa ng mga ito at nagtawanan pa.
Nakaramdam na siya ng takot. Sa uri palang ng pagtawa ng mga ito, natitiyak niyang paglalaruan siya at pagpapasa-pasahan pag nahuli siya ng mga ito.
"No! Please!" Naiiyak niyang sabi at lalong binilisan ang pagtakbo. Nagtawanan ang tatlong humahabol sa kanya. Kung binibilisan niya ang pagtakbo mas binibilisan na ng mga ito para lang maabutan siya.
Sa pagmamadali niya at pagnanais na makalayo sa mga ito nadapa pa siya sa semento. Napatili siya sa takot at nang sulyapan ang tatlo malapit na ang mga ito sa kanya.
"Aaahhh! Tulong!" Sigaw niya. Baka sakaling may makarinig sa kanya at tulungan siya. Hindi siya pwedeng maabutan ng mga ito. Hindi ito ang magiging katapusan niya.
Tumayo siya mula sa pagkakadapa kahit nasaktan ang tuhod niya, saka siya muling sumigaw para humingi ng tulong.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw niya.
Saktong pagtakbo niya naharangan siya ng isa sa tatlong lalake. Iiwas sana siya nang sumunod na humarang pa ang dalawa sa kanya.
"Anong ginagawa niyo? Umalis kayo diyan!" Hiyaw niya sa tatlong lalake na marahil ay nasa bente lang pataas.
Nanginig sa takot ang buong katawan niya nang ngumisi ang mga ito habang tinitignan ng makahulugan ang katawan niya. Mga ganitong klasing tingin, tiyak niyang gagawan siya ng masama ng mga ito.
"Nais lang namin makipagkilala sa iyo Aaliyah," sabi ng isang sa tatlo habang sa tingin palang nito at nahuhubaran na siya.
"Oo nga naman Aaliyah. Ilang gabi na kaming pabalik-balik sa bar mapanood ka lang sumayaw. Ang galing mo kase," sabi ng isa at nagtawanan ang tatlo.
"Uuwi na ko," sabi niya sa nanginginig na tinig at akmang iiwas nang lalo siyang harangin ng mga ito.
Takot na takot na talaga siya. Hindi na niya alam kung paano matatakasan ang tatlo. Kung isa lang sana kaya pa niya, pero tatlo. Paano siya tatakas sa mga ito.
"Huwag muna," pigil ng isa sa mga ito at hinawakan siya sa braso. Natakot siya at mabilis na umiwas. Sa pag iwas niya bumunggo naman siya sa isa pang lalake at lumapit sa kanya ang isa pa.
"Ano ba!" Sigaw niya.
"Handa kaming magbayad kahit magkano pumayag ka lang makipaglaro sa aminng tatlo," sabi ng lalaking nakaharap sa kanya. Iiwas sana siya kaya lang mapapalapit lang siya sa lalaking nasa likuran niya.
"Hindi ako bayaran!" Mariing sabi niya.
"Para saan pa ang pag sayaw mo ng halos hubad na kung hindi ka rin naman sasama sa amin kapalit ang malaking pera,' nakangising sabi ng lalake sa kanya habang halos mahubad na siya sa laswa ng pagkakatingin nito sa kanya.
Nagtawanan pa ang tatlo habang siyang abot langit na ang kaba at takot niya. Hindi niya malaman kung paano makakatakas sa tatlo.
"Please, huwag ako ang pagtripan niyo," pakiusap niya.
"Ikaw ang pinaka magandang dancer sa bar na iyon. Kaya nga bumabalik kami dahil sa iyo," sabi ng kaharap.
Iniling niya ang ulo at liningon ang paligid. Wala siyang ibang taong nakikita roon, wala ring sasakyan na dumadaan para mahingan niya ng tulong. Kung bakit kailangan pa niyang maranasan ang ganito.
Kailangan niyang mag isip ng paraan para matakasan ang tatlo. Hindi pwedeng ito na ang katapusan niya. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Nais pa niyang maipakita sa mga taong nagsasabi na wala siyang mararating at magiging katulad siya ng nanay niya. Nais pa niyang maipamukha sa tiyahin at dalawang malditang pinsan na may mararating siya, na makakapagtapos siya ng pag-aaral. Kaya hindi siya pwedeng sumuko ngayon, kailangan niyang lumaban ngayon at iligtas ang sarili niya, dahil walang ibang magliligtas sa sarili niya kundi siya lang din.
Habang pinagtatawanan at binabastos siya ng tatlo sinipa niya ang lalaking kaharap at pinaghahampas naman sa hawak niyang bag ang dalawa pa at sinubukang tumakbo palayo. Nahuli siya ng isang lalaki kaya naman kinalmut niya ito. Wala siyang pakialam kahit makapanakit siya, ang mahalaga ang kaligtasan niya.
Nagtatakbo siya palayo sa mga ito habang hinahabol naman pa rin at nagsisigaw ng kung anu-anong mga bastos na salita sa kanya. Kinikilabutan tuloy siya. Tiyak na gagawan siya ng masama ng mga ito and worst baka patayin pa siya at basta na lang itapon kung saan matapos siyang pagsawaan ng mga ito. Iniisip pa lang niya ang posibleng mangyari sa kanya sa kamay ng tatlong manyakis ay kinikilabutan at takot na takot na siya.
Tuluyan na siyang naiyak at nagdarasal para sa kaligtasan niya habang tumatakbo pa rin palayo sa mga ito.
Isang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan ang sumalubong sa kanya sa kalsada. Napasigaw siya sa takot at huli na para makaiwas pa siya sa sasakyang paparating.
Mariin niyang pinikit ang mga mata at hinintay na tumama sa kanya ang sasakyan. Malakas na gilitgit ng gulong ang narinig niya. Nang magmulat ng mga mata nakita nakatayo pa rin siya at halos nakadikit na ang mga tuhod niya sa sasakyan. Hindi siya tinamaan ng sasakyan.
Sinulyapan niya ang itim na sasakyan. Tinted ang salamin non kaya hindi man niya makita ang nakasakay roon.
Matagal siyang napatitig sa sasakyan na muntik ng bumunggo sa kanya. Pinakiramdaman ang sarili kung ok lang ba siya. Saka niya narinig ang tatlong humahabol sa kanya na nakasunod pa rin pala sa kanya.
"Aailyah! Halika na!" Sigaw ng isa sa mga ito na tila ba hindi man nakita na halos maaksidente na siya sa pagtakas sa mga ito.
Nilingon niya ang tatlo na malapit na sa kinatatayuan niya, kaya naman mabilis siyang tumakbo patungo sa passenger seat ng sasakyan. Nabuhayan naman siya ng loob ng hindi iyon naka lock. Kaya naman sa pagnanais na mailigtas ang sarili sa tatlo ay nagmamadali siyang sumakay sa passenger seat ng sasakyan. Umaasa na sana hindi masamang tao ang nasa driver seat.
"Please tulungan mo ko. Hinahabol nila ako," pakiusap niya sa taong nasa driver seat at nilingon itk. Natigilan siya nang makita kung sino ang nasa driver seat.
"Ikaw!!" Bulalas niya.