Matteo-6

1511 Words
Nanlaki ang mga mata niya nang sakupin ng labi ng lalake ang labi niya. Hindi siya makakilos pinakikiramdaman lang niya ang banayad na pag galaw ng labi nito sa labi niya. Para siyang natulala na hindi maipaliwanag. Ito kauna-unahang pagkatataon na may humalik sa labi niya, at hindi niya malaman kung paano mag re-react. Hindi niya magalaw ang buong katawan. Nakaramdam ng init na gumagapang sa buong katawan niya, init na ngayon palang niya naramdaman sa buong buhay niya at naramdaman pa niya iyon sa lalaking hindi naman niya kilala. Hindi pa nakontento ang lalake sa pananamantala nito sa labi niya, tinulak siya nito at idinikit sa likod ng pintuan saka lalong dumiin ang halik nito sa labi niya. Hindi naman niya malaman kung paano tutugonin ang umiinit na halik nito. Napapikit siya ng mga mata at ninamnam ang bawat pagsakop ng labi nito sa labi niya. Paikot-ikot. Padiin ng padiin ang pananakop nito at aaminin niyang umabot na ibabang bahagi ng kanyang katawan ang init na naramdaman. Matapos ang ilang secundo o baka umabot na ng minutong paghalik ng lalake sa kanya, pinakawalan nito ang labi niya. Akala niya doon na nagtatapos ang lahat. Nagulat siya nang hawakan ng lalake ang magkabilang kamay niya at itaas ang mga iyon sa may ulo niya. Dahilan para mapatili siya aa pagkagulat. "Aahhh! Ano ba!" Tili niya at sinubukang bawiin ang mga kamay na mahigpit nitong hawak sa iisang kamay lang nito. "Anong ginagawa mo! Bitiwan mo ko!" Sigaw niya at sinusubukang kumawala sa pagkakahawak nito dahilan para masagi ng dibdib niya ang malapad nitong dibdib. Naramdaman pa niyang lalo nitong siniksik ang katawan nito sa katawan niya na halos maging isa na lang ang kanilang mga katawan. "Bitiwan mo ko! Bastos ka!" Pigil pa rin niya. Wala naman itong naging tugon sa pagpupumiglas niya, nanatili itong nakatingin sa kanya at aaminin niyang napakagwapo ng lalaking kaharap niya. Isama pang napakabango pa nito. Walang duda na mamahalin ang pabango nito. Baka nga isang buwang sahod na niya sa pagsasayaw sa bar ang halaga ng pabango nito. Isama ang suot nitong business suit na tiyak na mamahalin rin. Nagsisi siyang tumingala pa siya at makita kung gaano kagwapo ang lalaking nag-aalok sa kanya ng kasak. Ang lalaking lapastangan na humalik sa labi niya. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang lalake. May makapal itong kilay na bumagay sa mga mata nito na kung tumingin ay napaka misteryoso. Matangos ang ilong nito at may magandang shape ng labi na para bang kay sarap halikan. Napatunayan na niyang masarap talagang halikan ang labi nito kanina lang. Matangkad sa kanya ang lalake, kaya kailangan pa niyang tumingala para lang makita ang mukha nito. "Bitiwan mo ko!" Mariin niyang sabi sa lalake. Kailangan niyang pigilan ang atraksyon sa kaharap. Natigilan siya nang sa pagpupumiglas niya inipit ng lalaki ang mga tuhod niya. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa mga mata nito nang maramdaman ang matigas na kung ano sa loob ng slacks nito. "Don't tell me hindi mo nagustuhan ang halik ko sa iyo, Miss Aaliyah," sabi nito sa baritonong tinig na pumaloob sa buong katawan niya. Pati ba naman tinig nito ay maghahatid pa ng kakaiba sa kanyang katawan. Hindi siya agad nakasagot, masyado siyang nadadala sa magagandang mga mata nito na kung tumitig sa kanya ay para na siyang matutunaw. Hindi niya maipaliwanag kung anong meron sa lalaking kaharap niya at kung anu-ano ang nararamdaman niya. "Sa tingin ko naman nagustuhan mo ang halik ko," confident nitong sabi sa kanya. "Hindi lang iyan ang matitikman mo once na pumayag kang magpakasal sa akin," dagdag pa nito. "Ano bang pinagsasabi mo!" Mariin niyang sabi at ginalaw ang katawan para subukang makawala. "Don't lie Aaliyah. I know na may naramdaman kang init diyan sa katawan mo habang hinahalikan kita," sabi nito sa kanya. Napalunok siya dahil kahit sa pagbanggit lang nito sa pangalan niya ay nakaramdam na siya ng kakaiba. "Marry me Aaliyah and I will give everything to you," sabi pa nito at pinakawalan na nito ang mga kamay niya at umatras ito ng isang hakbang. Hindi naman niya sinayang ang pagkakataon para maitulak ito palayo sa kanya. "Hindi ako magpapakasal sa iyo! Humanap ka ng ibang babae na papayag pakipaglaro sa iyo!" Inis niyang sabi rito at tumalikod para buksan na ang pintuan. Nagulat siya ng hindi niya iyon mabuksan. "Ano to?!" Hiyaw niya sa lalake nang lingunin ito. Tiyak na ito ang nag utos na i lock ang pintuan sa labas para hindi siya makawala. "Ito na ang huling beses na tutungo ako dito sa bar na ito para alukin ka ng kasal Aaliyah," sabi nito na hindi man pinansin ang sinabi niya about sa pintuang naka lock. "Maraming babae dito sa bar na handang tanggapin iyang alok mo Mister!" Taas kilay na sabi niya rito. "Matteo Leonardo, don't forget my name," pagpapakilala pa nito sa kanya. As if naman na interesado siya. Inis naman niyang inikot ang mga mata, para ipakita kung gaano na siya kainis rito. "Wala kang mapapala sa akin kung sino ka man!," matapang niyang sabi para inisin ang lalake at paalisin na siya. Tabingi naman itong ngumiti sa kanya. "Buksan mo ang pintuan!" Hiyaw niya. "No, until you talk to me," tugon nito at tumalikod, lumakad patungo sa may sofa at naupo roon. Dinampot pa nito ang baso ng alak na naroon at sinimsim ang laman non. Matapos maubos ang laman baso dinampot naman nito ang isang stick ng sigarilyo at sinindian iyon. Napalunok pa sita habang nakasunod ng tingin sa lalake. Para itong Mafia o iyung mga astig na lalaking nakasuot ng business suit, iyon mararamdaman mong mapanganib ito. "Have a sit Aaliyah," sabi pa nito nang sulyapan siya ay nagbuga ng usok sa ere. Ayaw man niyang aminin pero attractive talaga ang lalaking kaharap. Napakalakas ng dating nito, napakalakas ng s*x appeal nito. Baka kung ibang babae lang siya ay sumama na siya sa lalake. "Nagsasayang ka lang ng panahon mo sa akin. Hindi ako interesadong magpakasal sa iyo. Bata pa ko, estudyante, may pangarap sa buhay. Ayokong sirain ang kinabukasan ko sa maagang pagpapakasal sa kanino man!" Mahabang litanya niya sa lalake habang palapit sa sofa na kinauupuan nito. Nanatili naman itong nakatingin sa kanya habang naninigarilyo ito at nagbubuga ng usok sa ere na nalalanghap niya. "Why do you think na masisira ko ang kinabukasan mo kung magiging Mrs. Matteo Leonardo ka naman?" Tanong nito sa kanya. "I am only eighteen years old Mister!" Mariin niyang sabi. "Call me Mister one more time Aaliyah I will kiss you!" Pagbabanta nito sa kanya. Natigilan siya at hindi na lang kumibo pa. Baka magkamali siya at totohanin nito ang paghalik sa kanya. Kung mangyari iyon, baka madala pa siya at matutong gumanti sa halik nito. "Kung tatanggapin mo ang alok ko sa iyo Aaliyah, hindi mo na kailangang magtrabaho pa dito o ng kahit anong trabaho pa. Kaya kitang buhayin at ibigay sa iyo ang kumportableng buhay. Hindi ka na rin mahihirapan pa sa pag-aaral mo. Maipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo kahit kasal ka na sa akin. At higit sa lahat hindi mo kailangang makitira pa sa bahay ng tiyahin mo kasama ang sugarol mong tiyuhin ang mga malditang mong pinsan!" Mahabang litanya nito sa kanya. Kumunot ang noo niya at napaupo sa katapat ng kinauupuan nito. Nagtataka siya kung paano nito nalaman ang tungkol sa pakikitira niya sa bahay ng tiyahin niya. "Paano mo nalaman na nakikitira ako sa tiyahin ko?" Tanong niya rito. "Easy, interesado ako sa iyo, kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo," tugon nito. "Pina imbestigaan mo ko?" Gulat na tanong niya. Isang tango at buga ng usok ang naging tugon sa kanya ng lalake. Hindi niya type ang mga lalaking naninigarilyo, pero ang lalaking kaharap niya ngayon ay napaka astig tignan sa bawat buga ng usok ng sigarilyo nito. "Bakit?" She asked. "Because I want to marry you Aaliyah," tugon nito sa kanya. "Kailangan alam ko muna ang lahat about you, para naman hindi ako magsisi sa huli," sabi pa nito. Mayaman ito kaya balewala rito kung magsasayang ito ng pera para lang malaman nito ang lahat ng tungkol sa kanya. " Alam ko na no boyfriend since birth ka,' sabi pa nito na kinabigla niya. "Ano?!" Gulat niyang tanong. Ngumisi ito. "And also I am your first kiss, right Aaliyah?" Nakangising tanong nito sa kanya at ibinaba na nito ang hawak na sigarilyo. Naramdaman niyang nag init ang kanyang magkabilang pisngi. Marahil dahil sa hiya. "Pihikan ako kaya walang nakakalapit na lalake sa akin. Nakahalik ka lang sa akin dahil ginamitan mo ko ng pwersa!" Inis niyang sabi sa lalake sabay tayo sa kinauupuan. Ngumisi lang ito sa kanya. "Kahit ano pa ang gawin mo hindi ako magpapakasal sa iyo!" Hiyaw pa niya. "Ito na ang huling pagtungo rito para alukin ka ng kasal Aaliyah," may pagbabanta sa tinig nito. "Well, thank you!" Magaspang niyang tugon. "Pabukas mo na ang pintuan at aalis na ko! Wala akong planong patulan ang laro mo Matteo Leonardo!" Inis pa niyang sabi sa lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD