"Gagamitin mo pa talaga ang interview na ito para mapilitan akong pumayag na magpakasal sa iyo!' Galit niyang sabi kat Matteo. "Actually not exactly. Ang gusto ko lang eh pumayag kang makipag dinner sa akin at nang mapag usapan natin ng maayos ang tungkol sa alok ko sa iyo," tugon nito. "Gusto mong makipag dinner date muna ako sa iyo, bago ka pumayag na ma interview ko?" Taas kilay niyang tanong sa lalake. Tumango naman ito sa kanya. "No way!" Mariin niyang sabi at tumayo mula sa kinauupuan. "Hindi ako nakikipag date sa lalaking alam kong hindi ko mapagkakatiwalaan! Kung ako sa iyo Mr. Leonardo humanap na lang ako ng ibang babaeng papayag sa pag ti-trip mo. Dahil kung ako lang wala kang maasahan sa akin!" Galit na litanya niya sa lalake. "Papano ang scholarship mo? Isn't deadline na