CHAPTER 3: UNEXPECTED

2711 Words
Maaga akong pumasok sa school dahil maagang nagising si Tito Steve. Siguro may lakad? Patapos na ako sa project ko dahil easy access naman na ako sa lahat tsaka kumpleto naman materials ko kaya walang problema. Painting nalang ang kulang nito at sa tingin ko naman ay makakaabot na ako sa pagpasa ng project dahil lately nalalate talaga ako sa lahat ng hinihingi sa aming activity. Buti nalang talaga di pa ako bumabagsak. Hahaha. Patawid na ako ng bigla akong napatingin sa logo ng damit ko at pangalan ng school namin. Nakakapagtaka lang kasi talaga eh. Bakit kaya ganun ang pangalan ng school namin. nacucurious lang talaga ako. Ganda naman ng Logo. GA pa nga ang tatak pero, . . . . . . . . . . . . Bakit naman GARFIELD ACADEMY kasi ang pangalan ng school namin. Alam niyo yun. Kakaiba na nakakapagtaka lang. "Good Morning Davy!" sabay batok sa akin ni Aya. Napatingin ako dito ng masama. "Aba't, masakit yun ah. Tsaka mukhang maaga ka din ah. Ano nakain mo teh?" takang tanong ko. "Lah lang, nasense ko lang na maaga kang papasok." ngiti nito. "Lah, nakakatakot naman ng ngiti mo. Itigil mo nga yan!" batok ko dito. "Gag*, kung ano iniisip mo. Kadiri ka! “ sabay batok ulit nito sa akin. Aba talaga, nakakarami na siya ngayong umaga ah. Di ko na lang hinabol ito dahil mapapagod at mahahagard lang ako. Hayss. Tinuloy ko nalang ang paglalakad ko papuntang building namin dahil lahat ng building para sa college ay nasa likod nilagay. Sobrang mamalasin ka kapag late ka talaga dahil kapag late ka. 2nd subject na ata maabutan mo. De joke lang. Sobrang kabisado ko na kasi itong school. Di nga ata ito narerenovate dahil every monthly ang linis nito at ayos ng buong campus. Sa likod kasi ng building ng mga college ay may auditorium, basketball, swimming pool, football, baseball at gymnasium. Sa bawat gilid naman ng campus ay puro high school at senior high building. Samantalang sa harap ay elementary building syempre kasama na ang nursery at kinder dun. Sa bawat building ay may comfort room na nakalagay at mga faculty pati na cafeteria. Andun nadin ang mga clinic para kung sakaling may maaksidente ay agad nadadala dun. Ang garden? Siya lang ang bukod tanging nasa gitna pero hindi ko man kailan nakitaan na may pusa dito unless nalang kapag may naligaw talaga. Like you know? Meow? As in wala. Play ground? Nakalagay lang yung sa likod ng building ng elementary dahil puro bata doon and hindi na sa amin kasi malalaki na kami. Hehe. Nakakapunta lang siguro kami kapag break time at hindi nasasabayan sa pagpasok at pag-uwi ng mga bata. Iniiwasan din kasi dito yung bullying pero di talaga maiiwasan kahit kailan at tsaka sa kahit anong school. "Tagal mo naman maglakad Davy! Napakabagal. " sigaw ni Aya. "Eh sa mabagal ako eh. Bakit ba?" angal ko dito. "Bilisan mo, naiinip na ako. Kumain ka naba?" muling tanong nito. "Hindi pa, Libre mo? “ kahit kakain ko lang ay magpapalibre ako kung sakali man. " Oo, basta bilisan mo lang." sabay talon nito at tila pinamamadali ako. Parang lumapad naman ang ngiti ko sa balita niya kaya tumakbo na talaga ako. " Uy legit yan ah! “ turo ko dito habang tumatakbo at nilampasan siya. " Oo nga, Dalian mo! Tsk naunahan pa nga ako." sabay takbo nito. Pero dahil maarte tayo ay naunahan parin niya ako. Alam mo yung hinahabol mo siya sa kakatakbo eh ang liit-liit lang naman niya. Hiningal ako sa kakahabol sa kanya. Grabe. " Ang bagal mo talaga! Whooo." hingal na nakapamewang sa akin. " Eh ang bilis mong tumakbo. Kasalanan ko ba? Tsaka ang bilis-bilis mo. Eh maliit lang naman. Hayyss." reklamo ko habang nakahawak sa tuhod ko tsaka tumayo ng tuwid at pinaypayan ang leeg ko. "Oo kasalanan mo, kasi mabagal ka. Kailan ka ba bibilis kapag andyan na yung kalaban? Tsaka huwag mong idamay ang pagiging maliit ko kasi mas mabilis parin ako sa iyo." singhal nito pero may laman ang sinabi niya. "Kalaban? Kaloka ka ghurl ah. Wala naman rayot pero lalaban? Ano yun?" pag-iinarte ko dito. "Ewan ko sayo?! Ano ba gusto mo? Pumili ka na diyan.“ Sabay tingin sa menu na nakalagay sa cafeteria. " Si Baby Lucas. Hihi" kilig kong sabi sabay hampas sa balikat niya na may pagpadyak ko pa sa sahig. "Lah, gutom lang yan. Pumili ka na dali." singhal nito. "Alam mo Aya, kahit kailan di mo man lang ako sinuportahan sa lahat ng gusto ko. Nakakatampo ka talaga!" maktol ko sa kanya. "Hoy, tinanggap na nga kitang kahit ganyan ka pero di kita papayagan na mapunta sa mga ganyang tao. Ang arte-arte mo pa. Hindi ka bagay sa kanila. Daig mo pa nga ako. Sipain kaya kita sa ano para malaman mo! " reklamo niya. "Lah parang kalokohan pero Yieee, matatats na ba ako kasi concern ka sa akin. Yieeee!" sabay yakap ko dito. "Ewww, lumayo ka nga, kadiri." tulak nito sa akin. Buti na lang talaga wala pang students na tulad namin. Baka mamaya pagalitan na naman kami. Buti nalang sanay na ang staff ng cafeteria dito sa campus. "Dun tayo sa vendo. Gusto ko ng Iced coffee!" turo ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin. Naglagay na ng 50 pesos si Aya sa vendo kaya nang bumagsak yung Iced coffee in Can dumiretso na kami sa Room ng mga architecture. Unti-unti naman ng dumating yung mga kaklase namin pero ng dumating si Nica kasama ang boyfriend nitong si Justin ng College of Business. Nainis tuloy ako bigla dahil isa ito sa mga nambully sa akin noon na muntik ko ng ikapahamak. Kung uulitin man nila iyon. Napakaisip bata naman na nila para mambully pa. "Good Morning guys. Pinasasabi pala ni Sir Dicson na kailangan dala na daw ang project bukas. Wala daw aangal. Kaya masanay na daw tayo kung pabago-bago ang isip niya." arteng sabi ni Nica. "And you" sabay turo nito sa akin. "Alam ko namang late ka lagi, Kaya Sorry ka nalang. Hahahaha. You're to slow like a turtle. Hahahahah" nakisabay na tawa ng iba naming mga kaklase. Hindi nalang ako umimik. Baka masapak ko na ito eh. Babae lang kasi, palibhasa alam kasi nila na di ako lumalaban. Nahirapan pa nga akong magpaalam kay Tito Steve para lang makaganti kapag kailangan kaya nga lang, tsk, hindi talaga pwede sa masama, hayss. Kaya nangako na lang ako dito na diko gagamitin sa kapahamakan ang kamay ko. Minsan na kasing nakita ni Tito Steve na lumaban ako. Hindi man sa nag-aano pero malala ako manakit. Di ko din alam eh. Kaso sa babaeng ito. Mukhang hindi ata ako makakapagpigil. 'kainis' bulong kong sabi. "Easy, Davy. Yaan mo na yan. May araw din yan. " pagkakalma sa akin ni Aya. Dumating na si Sir Dicson at pinaliwanag nga ang mangyayari bukas. Buti nalang talaga at nasa painting nalang ang project ko. Kung hindi talaga, may bawas na naman grade ko. Hayss. "Davy, gala tayo mamaya." pangangalabit at bulong sa akin ni Aya. "Wag muna, tapusin ko yung project ko. Painting nalang ako eh!" "Ay ganun, Sige ganto na lang. Daan nalang muna tayo ng tuhog-tuhog, sa dating lugar padin. Dali na!" patuloy na kalabit nito. "Tsk, sige basta saglit lang ah!" angal kong sabi. Kailangan ko kasing matapos talaga yung project ko. Kaasar naman kasi itong si Aya eh. Wrong timing lagi kapag may ipapasa talaga ako kinabukasan. "Yes, yes" talon talon nito pero biglang nag-iba awra nito, bigla tuloy akong kinabahan pero hindi ko naman na pinansin yun kaya nag-ayos na ako ng gamit ko para maghanda sa pupuntahan namin. Matapos lahat ng subject namin ay tumingin ako kay Aya. "Psst.," sitsit ko dito. Ngumiti naman ito ng napakalaki. Lahh, creepy naman niya. "Nu bayan, Creepy mo naman ngumiti!" hampas ko sa balikat niya pero imbes na sagutin ako ay mas lalo lang nitong nilakihan ang ngiti niya. Napasapo nalang ako ng noo habang tinitignan siya. 'Luka-luka' bulong ko. "Aray naman!" hawak ko sa braso ko. "Narinig ko kasi yun. Di naman ako luka-luka, akala ko kasi gets mo eh! Tsk“ pagdadabog nito. " Malay ko ba, ang laki-laki kasi ng ngiti mo tas hahampasin mo ko. Ano ka ba? Buang? “ seryoso kong sermon dito. "Tao ako, hahaha, tsaka libre mo ko. Talo ka ngayon eh!" pang-aasar nito. "Ha?" takang tanong ko ng biglang tumakbo ito palabas ng room. " Hala Teka, andaya mo! Nakalimutan ko. Tss" habol ko dito. Bigla ko kasing naalala na kapag may tatanggi sa amin gumala ay ililibre nito sa tuhog. Tss. Nakalimutan ko. Para tuloy kaming mga bata na nagtatakbuhan. Naghabulan lang kami hanggang sa makarating kami sa lugar na pupuntahan namin. Buti na nga lang at nasa baba ang huling room namin. Ang tanging dalangin ko na lang sa tuwing napupunta kami dito ay huwag na sanang maulit ang nangyari dati, dahil sa tuwing napupunta kami sa lugar na ito ay may kakaiba akong napapansin sa sarili ko lalo na kay Aya. "Aya, huwag tayong magtatagal kasi tatapusin ko na yung project ko." pag-aalala kong sabi dito. "Oo, basta akong bahala!" tila proud nitong pagkakasabi. Nasa limang basong kwek-kwek na ako ng biglang, "Kuya, yung anak ko, dinukot ng puting van! Tulong!" sigaw ng babaeng umiiyak. Agad akong tinignan ni Aya ng seryoso na Alam niyo yun. Yung alam na alam niya yung mangyayari pero teka lang. Van na ang hahabulin namin, Ayoko ng makielam. Tinignan ko naman yung babae. Nakakaawa nga eh kasi nagswimming na yung mukha niya sa luha't sipon niya. 'Naknang' tipid kong bulong. "Davy, seryoso na ito!" kurot nito. "Aya naman, Wag ngayon, Please, tsaka Van na yung hahabulin natin hindi na tao. Naririnig mo ba ako? Paano ba tayo makakaabot ha?!" gigil kong bulong dito. "Ako ng bahala, basta tumakbo na tayo at pumikit kalang" at iyon tumakbo na nga ito. Hayssss 'Lintik naman talaga' sabay subo ko sa huling kwek-kwek sabay hagis sa barusahan. "3 points! Whoo" sigaw ko habang hinahabol si Aya. Biglang lumiko si Aya at saktong pagliko ko ay nagulat ako sa kanya at napapikit ako. Tila lumipad ako sa hangin ng bigla niya akong hawakan, tapos yun nga lang bigla niya akong binitawan kaya pagmulat ng mga mata ko ay isang van ang babangga sa akin na nagpabalik sa pagkakapikit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, Parang need ko na atang magsimba. Makikita ko na ba si San Pedro? 'Lord help me, hindi ko alam gagawin ko' kaya yumuko nalang ako kaso sa di inaasahang pangyayari ay tila tumilapon ang Van sa ere at gumulong-gulong pabagsak sa lupa. Nakita ko naman si Aya na hawak-hawak na ang bata at umiiyak ito. Tinitigan ko lang si Aya ng 'Ano bang nangyayari' look dahil hindi ko inaasahan ang nangyayari talaga sa totoo lang. May after shock pa ako nung nakaraan. Tapos eto na naman. Hindi ako makakilos. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Buhay pa kaya sila? Agad naman akong tumingin sa Van. May bangga ang unahan nito na kung titigan mo ay maawa ka sa sasakyan at driver dahil sa pagkakabunggo nito sa isang poste kung iisipin mo. Nang makabawi ako ng lakas ay unti-unti kong nilapitan si Aya ng may panginginig. "A-ano bang nangyayari Aya? Naguguluhan ako?" tila naiiyak kong tanong. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog. Sa pagkakataon na ito ay natumba na ako dahil sa halo-halong emosyon. Napahawak na ako sa buhok ko. "Pa-patay na ba sila? S-sumagot ka Aya! Sh*ta naman oh!" muling tingin ko kay Aya. Iling lang ang sinagot nito. Sabay turo sa damuhan. Kung saan nakita ko ang mga kidnapper na binubuhay ang isang kasama nila. "Sh-sh*t, Tulungan natin sila Aya! Dali na!" akmang tatayo na ako kaso pinigilan ako ni Aya. "Ako nang bahala sa kanila. Hawakan mo siya." sabay bigay sa akin ng bata. Tinignan ko ang bata, takot na takot ito sa nangyayari ngayon kahit ako man ay natatakot din. Niyakap ko lang ito para kahit papaano ay maging kalmado ito sa paraang ginagawa ko. Lumakad naman si Aya papunta sa mga kidnapper. Nilapitan nito ang nag-aagaw buhay na driver. Hinawakan lang niya ito at segundo lang ang lumipas ay muling huminga ang driver na akala mo walang nangyari. " A-Aya! " sigaw ko dahil hahampasin siya nung isang kidnapper. Kaso sa hindi ko na naman inaasahan ay tinaas lang ni Aya ang kamay niya na tila may sinasakal sa leeg, biglang lumutang ang lalaki at doon ko lang nakita ang awra ni Aya, kulay puti ito hanggang sa naging itim. *crack* Nabali ang braso ng kidnapper at agad na bumagsak sa lupa. Kaya nakita ito ng ibang kasamahan ng kidnapper at tila natatakot na sa babaeng kaharap nila. "AAAAAHHHHHHH!!!" Sigaw ng kidnapper dahil sa pamimilipit nito. Napatingin naman ako sa likod ko ng may biglang humawak sa balikat ko. "A-Aya?!" napalayo ako ng makita ko siya. 'Shhhh secret lang natin ito ha' na akala mo ay pinatitigil akong magsalita sabay ngiti nito at tumango lang ako sa sinabi niya na akala moy kontrolado niya ako kahit hindi. *Wiii, Woo, Wiii, Woo* Dumating na ang mga pulis kasama ang mga ambulansya dahil may mga nagreport malapit sa insidente. Hindi na nagawa pang tumakas ng mga nangkidnap sa bata at kami? Heto na naman kami. Kinukuhanan ng statement sa nangyari. Katulad ng nangyari dati ay ibang statement na naman ang binigay namin. Si Aya kasi, kung ano-ano na naman ang sinabi sa mga pulis. Napag-alaman kasi namin na mga sindikato pala itong mga to. Literal na Kidnapper talaga. Then minabuti narin namin na itago ang identity namin dahil baka madamay daw kami sa nangyari at kami naman ang balikan para ipapatay na sa tingin ko naman ay hindi mangyayari iyon, tsaka ko tinignan si Aya. Nagpasalamat naman sa amin ang magulang ng bata at binigyan kami ng reward pero sa prisento nalang daw namin puntahan. "Makakauwi na kayo, sa susunod ay mag-iingat na kayo." Sgt. Ramos. "Opo Sir. Salamat din po." tugon ko dito. "Salamat Ate/Kuya." sabi ng babae kanina na umiiyak sa tapat ng tuhog-tuhog. Nag welcome naman kami dito. Pero paano ko ipapaliwanag kay Tito Steve ang nangyari ngayon gayong nakabenda ang pulso ko. Medyo nabugbog din ang braso ko kanina dahil sa pagbangga ko sa van. Nag-aalala tuloy ako kung pano ko din matatapos ang project ko. Tss. Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Aya pauwi dahil ihahatid na nga ako nito. "Ako na lang magtatapos ng project mo, Ako ng bahala!" Alok nito sa kawalan. Tahimik lang akong tumango sa kanya. Kaya,, Tulad ng napag-usapan namin, Siya nga daw ang bahala. Literal na siya nga talaga ang bahala dahil ang ginawa niya lang naman ay inutusan yung mga brush at paint ko na gumalaw ng kusa at nagsimula na nga itong magkulay sa ginawa kong project kahapon. *tok*tok*tok* Pareho kaming nagulat ni Aya ng kumatok si Tito Steve kaya isa-isang bumagsak ang mga gamit ko sa sahig. "Davy, andyan ka ba? Ano yung mga nalalaglag? May kasama ka ba diyan sa loob ha?" tanong ni Tito Steve. "Po, opo andito po ako. Teka lang To." aligaga kong sagot at pulot sa mga nalaglag na gamit ko. "Davy, Sino yang kasama mo dyan sa loob? Magsalita ka." ulit ni Tito Steve. "Si Aya po." saktong pagbukas ko ng pinto ay nagpipaint si Aya. "Bakit ang tagal mong buksan ang pinto? May ginagawa ba kayo?" Seryosong tanong ni Tito Steve. "Ahh, ehh, wala po. Nagulat lang po kami kasi kumatok kayo." kamot ko sa batok. "Okay, siguraduhin mo lang." akma na ito aalis ng mapansin ang benda ko sa pulso. "Anong nangyari dyan?" sabay hawak sa kamay ko. "Ahh, ito po, Ahmm natalisod lang po kanina kaya nakabenda po." ngiwing paliwanag ko. "Okay, basta ingat nalang sa susunod, kumain na lang kayo dyan tutal nakapagluto narin naman na ako." sabay alis ni Tito Steve ng biglang bumulong ito. 'menteur' bulong ni Tito Steve. Hindi ko naman inintindi ang sinabi ni Tito Steve pero pagtingin ko kay Aya ay gulat itong humarap sa akin. "Sinungaling, ka daw! " sabi ni Aya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi ni Aya. Sinungaling ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD