CHAPTER 2: MAGNANAKAW

1474 Words
Maaga akong nagising at agad na pumunta sa sala para kunin ang mga nabili kong gamit kahapon. Naalala ko din yung paper bag na binigay ni Ate Tess kaya hinanap ko kaagad si Tito Steve para ibigay ito at hindi naman ako nagkamali na mahanap ito sa likod bahay yun nga lang ang aga-aga ay may mga nakasilip na kababaihan sa bakuran pati mga kabaklaan ay nagawi na rin. Hay nako. "To, pinabibigay pala ni Ate Tess kahapon" sabay abot ko dito. "Eh, sabi ko pa naman sa kanya ay tigilan na ako ah." naiinis na turan nito. "Weh sinabi mo iyon?" seryoso kong sabi. "Oo nga." iling na sabi nito. "Okay, sabi mo eh. Tsaka pumasok ka na nga dito sa loob ng bahay. Pinagnanasahan kana ng mga yan." Sumunod naman ito ng walang sinasabi at sabay na pumunta sa sala at sabay kaming kumain ng agahan. Naghuhugas na ako ng plato ng may maramdaman ako sa likod. Kakaiba sa inaasahan ko. Mas mabigat, mas nakakailang. Nagfocus lang ako sa paghuhugas ng plato pero iba talaga sa pakiramdam. Takte, mukhang mauulit ata. Agad akong humarap sa pinto at nagsimulang tumingin ng masama. 'sh*t, bakit di gumana' Ibang awra ang biglang dumating at pumasok nga si Tito Steve ng nagtataka. "Ano ginagawa mo?" takang tanong nito. "Ah, eh, naghuhugas ng plato?" taas sa plato na may bula pa tsaka bumalik sa paghuhugas ng plato. Kahit naiinis man ako sa sarili ko ay tinapos kong maghugas at muling binalikan ang nangyari nung nakaraan. *****************************FLASHBACK*********************************************** Bumibili kami ni Aya ng tuhog-tuhog sa labas ng biglang may sumisigaw na babae. "Tulong, magnanakaw, Yung bag ko" sabay takbo ng babae para habulin yung lalaki. Agad naman akong kinalabit ni Aya at ninguso yung magnanakaw. Kahit alam ko ang gusto niyang iparating ay tumanggi ako kaso kinurot niya ang tagiliran ko. Ang shaket kaya. Malalim akong humugot ng hininga tsaka tumakbo. Hinabol namin Aya yung magnanakaw. "Kuya, ibalik mo na yan. Maawa ka sa babae!" Sigaw ko. 's**t' bulong ng magnanakaw. Mas lalo lang itong tumakbo ng mabilis yung nga lang biglang nawala sa tabi ko si Aya at parang mas mabilis pa sa biglang liko si kuya na para bangmay humila sa kanya. Pagliko ko ay nakita ko si Aya na hawak hawak si Kuya sa kwelyo at may kung anong sinasabi pero hindi padin binibitawan si Kuya. Actually nakalutang na ito sa ere pero ng makita ko ang isang kamay ni kuya na may nilalabas, agad itong kumislap. "Aya, sa baba!" sigaw ko at agad na umiwas si Aya na tila lumulutang lang sa ere at agad na bumagsak sa lupa na tila walang nangyari. "Davy, ngayon na!" sigaw ni Aya na gets ko naman agad. Tumakbo ako agad kung san nakapwesto si Kuya at agad na tinadyakan ito. Tumumba ito pero agad na nakatayo tsaka winasiwas ang dalang kutsilyo. Since corner na namin si Kuya, hindi na makakatakas ito dahil mataas ang bakod. Agad namin binugbog si kuya, nang mabali ko ang kamay nito ay agad nitong nabitawan ang kutsilyo at sinapa naman ito ni Aya para hindi na muling maabot pa. Bininti kona ang paa ni kuya para makaluhod ito. Buti nalang may lubid sa malapit. Kung hindi ko lang tinapik si Aya ay baka basag na mukha ni Kuya. Duguan pa naman na ang mukha. Hinila na namin palabas ang magnanakaw sa iskinita pero ako na ang may bitbit kay kuya nung malapit na kami sa labasan. Samantalang si Aya ay tila naiiyak na ewan kahit isa siya sa bumugbog kay Kuya. Dala-dala narin naman niya yung bag. Actually act talaga namin ito matapos namin gumawa ng tulong. "Hala, maraming salamat po sa pagtulong" sabi ng babae at katabi na nito ang isang traffic enforser na tumatawag ng pulis. Ngunit sa pagkabigla namin ay tinadyakan ni ate si Kuya, yun nga lang, kay junjun pa. Mas mashaket pa sa kurot ni Aya. "Kapal ng mukha mo. Magtrabaho ka ng maayos" sabay tadyak pa ulit ni ate pero this time hindi na kay junjun. After 3 mins ay dumating na ang mga pulis at pare-pareho kaming kinuhaan ng statement. Kaso imbes na dalhin kami sa presinto ay sa hospital kami dinala. Siguro dahil sa bali ng kamay nito na ginawa ko. Aww, sorry, nagnakaw ka kasi eh. "Sinong gumawa sa iyo niyan." "Ilayo mo sila sa akin, mamatay tao yung mga yan." tila takot na sabi nito. Lah, parang kasalanan pa namin na bugbugin siya eh siya nga yung magnanakaw. Buti nga hindi natuluyan dahil mas malala si Aya sa pang bubugbog. Binatukan naman ng pulis si Kuya. " Tarantado ka ba, eh ikaw nga itong may kasalanan tas isisi mo pa sa dalawa eh mukhang mga kabataan itong mga ito. Nagmalasakit lang dahil ninakawan mo si Ms. Cruz." bulyaw ng pulis. "Oo nga, bakit mo sinisisi eh muntik mo pa itong saksakin ang Boyfriend ko. Wag kang sinungaling kuya! " sabay kindat sa akin ni Aya tapos biglang lumapit sa akin. "Lab, may masakit ba sayo. Ito kasing si kuya ginawa pa tayong sinungaling" sabay turo kay Kuya. Naubo naman ako sa sinabi niya. Kasi alam niyo yung feeling, like ghurlalu ako tapos *yuck* as in nakakadiri. Ewwww "*cough*cough* O-oo nga lab, dito masakit oh" turo ko sa tyan ko. Mukhang naniwala naman yung pulis kaya over acting talaga kami kasi pangalawa na ito. "Maniwala naman kayo sa akin Mamang Pulis, sila talaga bumugbog sa akin. Binalian pa nga ako niyang lalaki na yan" sabay turo sa akin. Aba't rerebat na naman si kuya kaya inunahan na namn siya ni Aya. "Tatanga-tanga ka kasi tumakbo kuya. Kaya natungkod mo yan, yan napapala ng kamay mo dahil magnanakaw ka. Idadamay mo pa kami sa kasinungalingan mo." at muling aamba na naman siya pero hinawakan ko ito sa balikat kaya kumalma naman siya. "Sinungaling kayo. Ang babata niyo pa sinungaling na kayo." sigaw ni Kuya. "Aba't, kami pa sinungaling? bakit ikaw? ang tanda-tanda mo na. Nagnanakaw ka pa. Mahiya ka nga. Kabuhayan bayang ginagawa mo? Matakot ka nga po dahil pinangkakain mo sa pamilya mo ay galing sa nakaw. Kung ayaw mong mangyari ulit sa iyo yan. MAG-BA-GO-KA! Pagdusahan mo yan sa kulungan. Tss! “ rebat din ni Aya. Agad naman nabago ang reaksyon ng mukha ni kuya at mukhang ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kanya. "Tama na yan bata, makakauwi na kayo, ako na bahala dito. Kausapin niyo na lang si Ms. Cruz dahil nainjury ata ang paa kakatadyak dito sa hinayupak na ito." sabay kagat labi nito na muling dadambahin ulit yung si Kuya kaya napayuko na naman ito. Humingi naman kami ng pasasalamat at paumanhin sa Pulis pero hindi kay Kuya. " Hi, Ms. Cruz pala. Salamat pala kanina. Ito, tanggapin niyo sana ito dahil nahuli niyo yung magnanakaw. Salamat talaga." Niyakap naman niya kami pagkatapos ay tsaka kami nagpaalam sa kanya. "Davy, check mo na yung sobre dali mukhang pera." panay silip sa hawak kong sobre. "Oo, MUKHANG PERA NGA!" Panlalaki ng mata ko dito. Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko bagkus ay binilang ang pera at tumataginting na 5k lang naman ang natanggap namin pero first time ito. "Yieeeeee, dami ko pera Hahahaha, Sige Babaye na Davy," sabay kaway nito na parang sumasayaw ng gangnam style sa tuwa. 'Aya talaga, tsk, tsk' natatawa nalang ako sa inaasta niya. Bakit ko nga ba naging kaibigan ito. ***************************END OF FLASHBACK******************************************* Dahil sa pangyayaring iyon. Nakabili ako ng materyales para sa project. Hahahhaa. Agad akong pumasok ng kwarto para simulan na ang project ko. Gumawa ako ng plate ng isang palasyo na sa tingin ko magagamit ko ito pagdating ng tamang panahon. Dinalhan na lang ako ni Tito Steve ng sandwich dahil alam niya naman na matagal talaga ako gumawa kaya nga minsan nalalate ako ng pasa dahil tamad ako minsan. Aminin ko into kasai tamad ako hahaha. "Hmmmmm, sakit sa likod" inat ko na muntik ko ng ikalaglag sa upuan kay nagising tuloy diwa ko. Time check: 11:45 pm 'Lah gabi na? Makapagkape na nga lang' Pumunta na ako ng kusina at nagtimpla ng kape. Pabalik na ako ng kwarto ng marinig ko si Tito Steve na may kausap. Ayoko naman makimarites pero marites kasi ako kaya nakinig ako kahit konti. "L'enfant n'est pas prêt (The child is not ready)" sabi ni Tito Steve. Lah, diko gets. Hanudaw? “je vais ( I will) " sabi nito ng biglang. " Davy, masama yang nakikinig sa usapan ng matatanda. " sabi nito kahit hindi nakabukas ang pinto. " Lah, Sorry" tas agad akong kumaripas ng takbo papuntang kwarto. Muntik pang matapon yung kape ko. Kaasar. Hahahaha. 'Tsk, paano niya nalaman na nakikinig ako eh hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya. Haysss' Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang ginagawa kong project hanggang sa inabot na ako ng umaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD