Habang nasa loob ako ng silid ng lalaki hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan. Dahil hindi ko alam kung saan ako lulugar.
"Wala ka bang balak na umupo babae!"
Singhal ng lalaki. Kaya napakislot ako sa aking kinatatayuan.
"Ho!"
"Bingi kaba o nagbibigihan ka lang?!" Singhal muli ng lalaking demonyo.
"Pasensya na po kayo Tatang."
Wika ko habang nakayuko pa rin ang aking ulo.
Kaya dahan-dahan akong humakbang at nag-Angat ako ng aking ulo. At iginala ko ang paningin ko sa buong silid ng lalaki masasabi kong subrang ganda ng silid na ito at subrang laki rin, may hindi kalakihan sala rin sa loob ng silid.
Nakita ko ang isang upuan sa tabi ng kama kaya humakbang ako patungo sa umupuan. at muli kong iniyuko ang aking ulo ng makaupo ako
"Mag pahinga ka. At maligo ka mamaya, Ito ang isuot mo,"
Sambit ng lalaki. habang inilagay nito sa ibabaw ng kama ang isang tshirt na malaki at boxer. Ngunit hindi ako umimik sa sinasabi nito.
Nanginginig ang buo kong katawan ko baka gahasahin ako mamaya ng lalaking ito kaya inuutusan niya akong maligo.
"Tatang Pwede po bang bukas na lang ako maligo." Pakiusap ko sa lalaki habang nanginginig ang aking boses.
"Maligo ka! Babae dahil amoy Pawis ka hindi ako tumatabi sa mabaho!" Biglang napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi ng lalaki na magtatabi raw kami sa pagtulog.
"Ho! Magtatabi tayo sa pagtulog bakit po,
Tatang?! Tanong ko.
"Wag ka nang magtanong pa babae, Dahil wala ka rin naman magagawa upang suwayin ako dahil nabili na kita, At ngayon pag mamay-ari na rin kita. Kaya wag mong subukan na suwayin ako dahil may paglalagyan ka.!"
Mariin na sambit ng lalaki habang tinitigan niya ako ng masama.
Hindi na lang ako, muling nagsalita para hindi magalit sa akin ang lalaki.
"Master... Papasok na po ako dala kona po ang pagkain n'yo."
Narinig kong tawag mula sa labas ng pintuan.
Binuksan ng lalaki ang pintuan ng silid at nakita kong pumasok ang babaeng sumalubong sa amin kanina habang may dala itong tray na may laman pagkain.
Sinundan ko ng tingin ang babae. Habang inilalapag nito ang tray sa ibabaw ng lamesa.
"Sige na windy pwedi ka ng lumabas."
Wika ng lalaki. Nakita ko naman sa mukha ng babae ang pagkadismaya nito.
"Wala na po ba kayong ipag-uutos Master?"
Tanong ng babae."
"Wala na akong ipag- uutos! Kaya makakalabas kana,"
Masungit na Sambit ng lalaki sa babae.
Halatang natakot ang babae kaya Mabilis itong kumilos palabas ng silid. Ngunit habang papalabas ang babae masamang tingin ang iniwan niya sa akin.
"Ikaw kumain kana." Wika ng lalaki sa akin.
"Tatang busog pa po ako."
"Kumain ka! Sinusuway mo ba ang utos ko babae?!" Singhal ng lalaki sa akin napakislot ako sa lakas ng sigaw nito.
Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at nagtungo ako sa lamesa at agad akong umupo sa upuan sa harap ng lamesa.
Nanginging ang aking kamay habang hinahawakan ko ang kutsara at tinidor.
Sisimulan kona sanang kumain ng lumapit ang lalaki sa akin at umupo ito sa tapat na aking kina uupuan.
"Ilang taon kana babae? At ano ang tunay mong pangalan?
Tanong ng lalaki, habang titig na titig ito sa akin mukha.
"Po."
"Bingi kaba,? Ang sabi ko ilang taon kana at anong tunay mong pangalan?"
"Ako po, si Aya,Marquez, At Eighteen na po ako." Matipid na sagot ko sa lalaki.
"Good," Saad ng lalaki sabay ngiti nito habang hawak niya ang kanyang baba.
"Sige na kumain kana, pagkatapos mong kumain maligo kana rin."
Wika ng lalaki, Sabay alis nito sa akin harapan. At humakbang ito patungo sa kama. At pabagsak itong nahiga sa higaan.
Sinimulan ko ng kumain ngunit parang walang lasa ang aking kinakain.Dahil iniisip ko ang tiyo Berto ,at si tiya Flor, Aaminin kong masama ang loob ko kay, tsong Berto, dahil sa ginawa niyang kasalanan, walang kapatawaran ang ginawa niyang ito sa akin na ipagbili ako sa isang demonyong tao. Wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang ang aking kapalaran.
Wala na hindi ko na matutupad ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral. Dahil alam kong hindi na ako makakaalis sa kamay ng malupit na lalaking ito.
Nakailan subo lang ako sa aking kinakain bago ako tumayo upang bumalik sa upuan sa tabi ng kama.
Nakita ko ang lalaki habang nakapikit ang mata nito. At nakapatong ang isa nitong braso sa kanyang noo. Maamo ang mukha ng lalaki habang natutulog, na para bang walang bahid na kasamaan ang taong ito Pero isa itong demonyo pag gising.
Nagitla ako ng biglang magmulat ng mata ang lalaki kaya bigla kong iniyuko ang aking ulo.
"Bakit mo ako pinagmamasdan babae may binabalak ka bang masama sa akin?"
Tanong ng lalaki habang salubong ang kilay nito. Kaya bigla napaangat ang aking ulo sa sinabi ng lalaki at nakaramdam ako ng takot.
"Po! Wala po akong balak na masama sa inyo tatang.?" Wika ko sa lalaki habang nanginig ang boses ko sa takot.
"Sige maligo kana." Utos ng lalaki sa akin.
Ngunit hindi ako kumikilos sa aking kinatatayuan.
"Narinig mo ba ako babae!"
Sighal nito, kaya nagitla ako sa pag singhal nito.
"Opo Tatang, Sagot ko, kaya Mabilis ang kilos ko hinanap ko ang cr ng lalaki agad ko naman itong nakita, papasok na sa na ako sa loob ng Cr ng muli akong bumalik sa lalaki. Kahit natatakot ako sa kanya lumapit pa rin ako rito, habang nakatungo ang aking ulo.
"Tatang pwede po bang makahiram ng tuwalya." Saad ko sa lalaki.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo ang lalaki sa kama.
At may kinuha ito sa loob ng kabinet.At agad itong bumalik sa akin harapan sabay abot niya akin ng tuwalya.
"Salamat po tatang."
Magalang na saad ko sa lalaki bago ito tinalikuran."
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo at isa-isa kong tinanggal ang aking kasuotan.
Nag mamadali akong naligo baka bigla akong pasukin ng lalaki dito sa loob ng banyo.
Pagkatapos kong maligo pinusan ko aking katawan ng maalala kong nalalimutan ko palang dalhin sa loob ng banyo ang aking susuotin na damit na binigay ng lalaki kanina mabilis kong itinapis ang tuwalya sa katawan ko
Pinulot ko muna isa-isa ang damit kong marumi at inayos ko ito at inilagay ko ito sa isang tabi.
"Shittt.. Pano ako lalabas nito kung nakatapis lang ako? Pwede kayang bukas na lang ako lumabas? Bulong ko.
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng cr at walang kaingay-ingay akong lumabas ng cr. upang kuhanin ang damit na aking susotin sa ibabaw ng kama. Ngunit napatapik ako sa aking noo ng makita kong nadaganan ng lalaki ang tshirt.
"Shitt. Ano'ng gagawin ko. Bulong ko.