"Maawa po kayo sa kanila, sila lang ang natitirang pamilya ko."
Pakiusap ko sa lalaking demonyo
Habang patuloy ako sa pag-iyak.
"Maawa... hindi ako marunong maawa babae.
Sa mga taong nanluluko sa akin!"
Sambit ng lalaking demonyo habang naaninag ko sa mata nito ang nag-aalab nitong galit.
"Kayo Kunin ang babae!"
Utos ng Lalaking demonyo sa kanyang mga tauhan.
"Wag! para n'yo nang-awa hintayin niyo lang po akong makapagtapos ng pag-aaral ko sa highschool maghahanap ako ng trabaho para mabayaran ko ang pagkakautang ni Tyo Berto. Sa inyo para n'yo ng awa!"
Pakiusap ko sa lalaki.
Ngunit tinawanan lang ako ng lalaki.
"Nene, Nalalaman mo ba ang sinasabi mo kahit ilang taon ka pang magtrabaho hindi mo mababayaran ang pag kakautang ng lalaking 'yan! Sa akin?!"
Sambit ng lalaki habang tinuduro nito si tiyo Berto.
"Mababayaran kita Ibibinta ko ang katawan ko sa iba...wag lamang akong mapunta sa katulad mong demonyo!!" Sigaw ko sa lalaki.
Napangiwi ako. Ng bigla na lamang hawakan ng lalaki ang aking pangga ng mahigpit, parang madudurog ang aking buto sa aking pangga sa subrang higpit ng pagkakahawak nito ngunit hindi ako nagpakita ng takot sa lalaki. Bagkos nakipagtitigan ako sa mata nito. kahit may luha ang aking mata.
"Masiyadong matabil ang dila mo babae.
Sa tingin mo ba papayag pa akong mapunta ka pa sa iba huh! Magiging alipin kita habang buhay."
Wika ng lalaki sabay bitiw nito sa akin Pangga.
At bigla na lang niya akong binuhat na parang sako ng palay na isinampay niya lang sa kanyang balikat.
"Ibaba mo ang pamangkin ko!"
Sigaw, ni Tiyo Berto, at pinipilit niyang tumayo para sakluluhan ako.
"Ibaba mo ako! Hayop ka!!..
Sigaw ko habang nagpupumiglas ako Napansin kong maraming tao na pala, ang nanunuod sa amin pati, ang kababata kong si Reven, Ay nakita kong nanunuod ito, ngunit nagulat ako ng marinig ko ang boses nito.
"Ibaba mo, si Aya, Hayop ka!" Sigaw. ni Reven.
"Nagpapatawa kaba! bata pag mamay-ari ko na ang babaeng ito. Umalis ka sa diranaanan ko baka pati ikaw ilagay ko sa kabaong ng buhay."Samibit ng lalaki.
Hindi ko na narinig magsalita,si Reven, siguro natakot ito sa pagbabanta ng lalaking demonyong ito.
At muling nagpatuloy sa paghakbang ang lalaki na parang walang nangyari. Ng makarating kami sa sasakyan nito Mabilis niya akong ipinasok sa loob ng kanyang sasakyan at pumasok na rin ang lalaki sa loob, ng sasakyan nito. Nagsumiksik, ako sa pinakadulo ng upuan, dahil ayaw kong makatabi sa upuan ang lalaki.
Lumaki ang aking mata ng makita ko ang mukha ng lalaki ng alisin nito ang sout niyang maskara sa kanyang mukha,Ito yung lalaking nakita ko kaninang umaga habang sakay siya ng mamahalin sasakyan, Natatandaan ko ang lalaking ito.
Ngumisi ang lalaki ng humarap ito sa akin
Nakakatakot ang pagngisi nito habang titig na titig ito sa akin.
"Naaala mo ba ako babae?"
Tanong ng lalaki sa akin, Ngunit hindi ko ito sinagot, Ibig sabihin natatandaan rin ako ng lalaking ito tama nga ako, sa akin nga ito.
nakatingin kanina.
"Napakaganda mo pala babae."
Wika ng lalaki.Nagulat ako ng bigla nitong haplosin ang aking pisngi kaya bigla kong tinabig ang kamay ng lalaki upang maalis ang kamay nito sa aking pisngi.
Lalo akong nagsumiksik sa gilid ng sasakyan.
"Marvin ideritsyo mo sa resthouse."
"Opo Master."
Habang nasa byahe kami unti-unting pumipikit ang talukap ng aking mata pero ayaw kong ipikit ang aking mata baka kong ano'ng gawin sa akin ng lalaki habang natutulog ako, Ngunit habang tumatagal hindi ko na mapigilan ang pag pikit ng aking mata. Hanggang sa dahan-dahan na itong pumikit at tuluyan akong lamunin ng antok.Makalipas ang sandali
Naramdaman kong parang nasa ire ang katawan ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, biglang nagising ang diwa ko ng makita kong buhat-buhat ako ng lalaki hindi ko alam kong ano ang aking gagawin kung muli ko bang ipipikit ang mata ko, at magtutulongan na lang ako o sasabihin ko sa lalaki na ibaba ako.
Ngunit pinili ko na lang mag sabi sa lalaki.
"Tatang, paki baba po ako." Saad ko sa lalaki. ngunit biglang nagsalubong ang kilay ng lalaki kaya muli akong nakaramdam ng takot dito. Kaya hindi ko na pinilit na ibaba ako ng lalaki.
"Master kayo po pala bakit hindi po kayo nag sabi sa akin na darating kayo."
Wika ng magandang babaeng sumalubong sa amin. Ngunit Napansin kong masama ang tingin nito sa akin.
Pero ang lalaki nilampasan niya lang ang babaeng sumalubong sa amin At tuloy-tuloy lang itong humabang papasok sa loob ng bahay nito tiyaka lang ako ibinaba nito ng makapasok kami sa loob ng bahay nito.
Iniikot ko ang aking paningin sa loob ng kabahayan nito sa tingin resthouse ito ng lalaki dahil parang ang tahimik ng kapaligiran.
"Master Hunter, Kumain na po ba kayo?"
Kung gusto n'yo po ipag luluto ko po kayo."
Wika ng babae habang nag papa cute ito sa lalaki
"Ipagluto mo kami, dalihin mo na sa aking silid."
"Sige po Master, dadalhin ko na lang po sa inyong silid."
Wika ng babae habang abot tainga ang ngiti nito, bago umalis sa harapan ng Master, nito.
"Ikaw sumunod ka sa akin."
Saad ng lalaki. Ngunit hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan.
"Hey! Woman... Narinig mo ba ang sinabi ko!!"
Malakas na sigaw ng hari napakislot ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang malakas na sigaw ng lalaki.
"Adyan na po Tatang." Sagot ko habang nanginginig pa ang boses ko
Muling humabakbang ang lalaki kaya sumunod ako dito habang nakayuko ang aking ulo Muntik ko pang mabangga ang vase na nakadisplay Buti na lang hindi ito tuluyan na hulog.
"Tignan mo kasi ang dinaraanan mo!"
Singhal nito sa akin kaya tumulo nanaman ang aking luha. Habang nakatungo pa rin ang aking ulo.
"Pasensya na po kayo Tatang, hindi ko po sinasadya."
Wika ko sa lalaki.
"Pumasok ka sa loob, dito ka matutulog sa silid ko simula ngayon dahil isa na kitang alipin na nabinili ko."
"Ho! Hindi po ba pwedeng sa ibang silid na lang po ako matutulog susundin ko na lang po lahat ng ipag-uutos niyo."
Pakiusap ko sa lalaki habang nakayuko pa rin ako ang aking ulo ayaw kong tignan ang lalaki dahil natatakot ako sa kanya.
"Babae pag sinabi ko'Yun ang masusunod at walang pwedeng Sumuway sa utos ko. Naiintindihan mo ba babae?! Kaya pumasok kana sa loob kung ayaw mong ibalibag kita sa sahig!"
Sambit ng lalaki, Wala akong nagawa kundi tumango na lang ako.
Napilitan akong pumasok sa loob ng silid nito kahit labag sa aking kalooban.