Pinakiraramdaman kong mabuti kong tulog na nga ang lalaki, At hindi lang ito nagtutulogtulugan. limang minuto na akong Nakatayo sa tabi ng kama, nakaramdam na rin ako ng ginaw dahil sa lamig na nilalabas ng aircon. Paano ko ba kukunin ang damit na susuotin ko? Naghintay pa ako ng ilang minuto baka sa kaling tumagilid ng higa ang lalaki.Ngunit ilang minuto na ang lumilipas hindi parin ito tumatagilid ng higa
Wala akong choice, kundi hilahin ko ang damit na nadaganan nito buti na lang ang boxer ay hindi niya nadaganan.
kinuha ko ang boxer at itinabi ko muna ito.
Hihilahin ko na sana ang tshirt ng biglang hawakan ng lalaki ang aking kamay.
"Ayyy!!! p**e ng kalabaw!!" Sigaw ko.
"Ano'ng gagawin mo babae!"
Singhal ng lalaki habang hawak nito ang aking kamay napangwi ako dahil humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa aking kamay.
"Aray!! Ko po tatang Masakit po."
Wika ko habang naluluha ako.
"Talagang masasaktan ka sa akin babae!!"
"Wala naman po akong gagawin na masama gusto ko lang pong hilahin ang damit na nadaganan mo."
Paliwanag ko sa lalaki habang mangiyakngiyak ako dahil sa higpit ng pagkalahawak ng lalaki sa aking kamay. Binitawan naman agad ng lalaki ang kamay ko At mabilis na inabot sa akin ang tshirt.
Kinuha ko agad ang damit at mabilis kong dinampot ang boxer na itinabi ko sa gilid ng kama at matulin akong tumakbo papasok muli sa loob ng banyo upang makapag bihis.
Nang makapagbihis ako parang ayaw ko ng lumabas ng Cr.Dahil pakiramdam ko laging nasa panginip lagi ang buhay ko sa harap ng lalaki.
"Babae! Balak mo pa bang lumabas dyan? O baka gusto mong pasukin pakita d'yan sa loob?!!"
Sigaw ng lalaki habang kumakatok ito.
Natakot ako sa sinabi ng lalaki kaya
Mabilis kong binuksan ang pinto ng banyo nakita ko ang lalaki habang nakatayo ito sa harap ng pinto habang may tapis itong tuwalya sa kanyang baywang, At madilim ang mukha nito.
Bigla akong inaiyuko ang aking ulo ng makita ko ang malapad nitong dibdib.
"Tabi!!"
Masungit na sambit ng lalaki sa akin kaya agad akong tumabi upang makadaan ang lalaki.
Bakit kaya laging galit ang lalaking yun, Kahit wala naman akong ginagawang masama? Siguro dahil tumatanda na ito sabi ni tiya Flor pag ang tao daw pag malapit ng tumanda nagiging mainitin na daw ang ulo ganon din kaya ang lalaking yun? Pero tingin ko sa lalaki nasa thirty plus pa lang ito.
Umupo ulit ako sa upuan sa tabi ng kama.
Upang hilutin ko ang aking kamay dahil parang napilay yata dahil sa higpit ng pagkakahawak ng lalaki kanina hindi ko kasi masidong maigalaw ang kamay ko.
Kaya dahan-dahan ko itong hinihilot napapangiwi ako sa tuwing hinahaplos ko ko ito, sa tingin ko parang may naipit na ugat, , kaya masakit.
Nagulat! ako ng nasa harapan ko na ang lalaki ng hindi ko man lang namamalayan.
Lumapit ang lalaki sa akin habang kunot ang noo, nito habang nakatingin ito sa akin Kinuha niya bigla ang kamay ko at ang lalaki na rin ang naghilot Iwas na iwas akong mapatingin sa katawan ng lalaki dahil ngayon lang ako makakakita ng hubad na katawan, nang isang lalaki habang nakatapis lang ito ng tuwalya sa baywang. Naaamoy ko rin ang ganamit nitong sabon pampaligo.
"Matulog kana babae Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo." Wika nito pagkatapos niyang hilutin ang kamay ko habang magkakasunod pa itong napalunok.
"Saan po ako matutulog Tatang?"
"Saan kapa ba dapat matulog babae??"
Tanong nito sa akin.
Iimik pa sana ako ngunit pinili ko na lang ang tumahimik baka magalit pa ang lalaki ito sa akin.
Mabilis akong sumampa sa ibabaw ng kama at kinuha ko ang kumot at ibinalot ko sa buong katawan ko. At tumagilid ako ng higa mabuti na yong makasigurado Ako,pinikit ko ang aking mata upang isipin ng lalaki na tulog na ako. Ngunit sa totoo lang kinakabahan ako. Baka pwersahin akong gahasahin ng lalaki wala pa naman akong kalabanlaban dito dahil sa laki ba naman ng pangangatawan nito.
Alam kung nagbibihis ang lalaki ngunit hindi na ako nagtangkang lingunin ito.
Baka isipin ng lalaki na sinisilipan ko siya.
Maya-Maya nagitla ako ng maramdaman kung humiga ang lalaki sa aking tabi. Ngunit hindi ako gumalaw at pinanindigan ko ang aking pagtutulogtulugan.
Naramdam kong pabaling baling- baling ito ng higa, sa palagay hindi makatulog ang lalaki.
"Ano ang nangyayari sa kanya? Bulong ko. Iminulat ko ang aking mata at tangkang
Lilingonin ko na sana ito ng bigla itong bumangon sa kama.
"Damn!!"
Narinig kong sambit ng lalaki bago siya lumabas sa silid, nakahinga ako ng maluwag ng umalis ito hindi ko muna muling ipinikit ang aking mata kahit na kakaramdam na ako ng antok, Baka bumalik pa ang lalaki dito sa loob.
Mag-iisang oras na kaya sa tingin ko hindi na babalik ang lalaki, kaya ipinikit ko nang muli ang aking mata at tuluyan na akong nilamon ng antok.
Kinabukasan nagising ako sa sigaw ng isang babae, kaya bigla akong napabangon sa higaan, at nakita ko lang naman ang babaeng pinag lihi yata sa sama ng loob habang nag bubunganga ito.
"Ikaw bumangon kana D'yan!! Hindi ka dito señorita!" Singhal ng babae kaya tumayo ako sa kama.
"Pasensya na po kayo." Paghingi ko ng tawad.
"Akala ko pa naman kong sinong inuwi dito ni Master Hunter, isa ka rin lang palang alipin niya."
Pag-iinsulto ng babae. Sa akin habang nakangisi ito.
"O isuot mo ito at sumunod ka sa akin sa labas!"
Sambit, ni Wendy, at sabay bato nito sa aking mukha ang damit pangkatulong, kasama ang puting sapatos. Habang masama ang tingin nito sa akin.
"Dalian mong kumilos wag kang papatay-patay!" Sambit nito bago ito lumabas ng silid.
Mabilis ang kilos ko inaayos ko muna ang hinigaan ko at mabilis akong naghilamos at nagmomog, bago ko siniuot ang damit pangkatulong, napangiti ako dahil parang dress lang ang damit, na suot ko na hanggang hita lang din ang haba. At bumagay din ang kulay puti nitong tela sa katawan ko,kamay ko na rin ang ginamit kong pagsuklay sa buhok ko, Isinuot ko na rin ang ang sapatos na kulay puti. Ng alam kong ayos na ang aking itsura lumabas na ako ng silid. namangha ako ng makita ko ang loob ng kabahayan.
"Ang ganda pala ng bahay ng lalaki.Bulong ko.Hindi ko napagmasdan ng mabuti ang bahay nito kagabi dahil lagi akong nakayuko at medyo madilim din sa loob ng bahay nito.
Bigla kong naiyuko ang aking ulo ng Makita kong parating ang lalaki habang Salubong ang kilay nitong nakatitig sa akin.