Chapte 2 Malupit Na Lalaki.

1210 Words
"Berto salamat naman sa diyos, At nakauwi ka pang buhay? Ano bang gulo ang pinasukan mo? At paanong umabot ng ganon kalaking halaga ang nautang mo sa tinatawag nilang Master? Dahil lang ba yan sa pag susugal mo? Paano natin babayaran ang utang mong Sampong miliyon piso sa Lalaking 'yun, Berto.?!" Bigla akong napa bangon sa aking pag kakahiga ng marinig kong nag-uusap, si Tsong Berto, at Si tiya Flor, kaya napasilip ako sa pinto ng aking silid. Nakita kong bumuntong hiningga, si tiyo Berto ng malalim. Lalo kong niluwagan ang kawang ng pintuan ng aking silid upang lalo kong marining ang kanilang usapan. Alam kong masama ang makining sa usapan ng iba, Ngunit may nag-uudyok sa akin na pakingan ko ang kanilang pinag-uusapan. "May masmalaki akong, problema Flor. Saad, ni tiyo Berto. "Ano'ng ibig mong,sabihin Berto." "Asan si Aya.?" Tanong, ni tiyong Berto, sa mahinang boses. "Tulog,na si Aya, Bakit mo ba siya hinahanap.?" "Si Aya, Ang malaking problema, ko Flor." Lumaki ang aking mata ng marinig ko ang aking pangalan, paanong ako ang naging problema, ni Tsong Berto.? Bulong ko. "Sandali, nga Berto,Ano ba ang sinasabi mo?! Paanong, nasali si Aya, Sa problemang ginawa mo.?" Nagtatakang tanong ni Tsang. Nakita kong muling bumuntong hininga ng malalim si Tsong, bago ito nagsalitang muli. "Upang wag nila akong patayin at hindi ka nila idamay. Napilitan kong ibinta, si Aya,kapapalit ng sampung milyon na pa pagkautang ko kay Hunter, Cuevas. Natakot ako na idamay ka, nila Flor. Dahil pinagbantaan nila ako na uunahin ka nilang patayin pag hindi ko nabayaran ng buo ang pagkakautang ko sa lalaking yun!" Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Tsong, Paano nagawa ni Tiyo Berto ito sa akin? " Huh!!..Berto, naman Ano'ng ginawa mo! Hindi kana naawa sa pamangkin mo!! Ang bata pa,ni Aya!! Upang Siya ang magbayad ng pagkakautang mo!!" Galit na sambit ni Tiya Flor, sa kanyang asawa. Napaluha ako sa aking narinig. Tama si Tiyang hindi man lang naawa si Tsong, sa akin. May pangarap pa ako na gusto kong maabot. Ngunit malabo ko na yatang maabot yun. "Flor patawarin mo ako hindi...Na ako nakapag-isip ng tama,at isa pa hindi ko alam kong saan ko hahagilapin ang sampung milyon piso, agad-agad para mabayaran ko ang pagkakautang ko sa lalaking yun... " Kaya ang pamangkin mong, si Aya, ang ibininta mo kapalit ng utang mong sampung milyon! Ano'ng gagawin natin ngayon?! kawawa naman si Aya. Berto,Tumakas na lang tayo itakas natin si Aya." Saad ni Tsang, habang umiiyak ito. "Kahit gustuhin kong gawin 'yun, Alam kong hindi tayo makakatakas dahil madali lang din tayong mahahanap ng mga tauhan, ni Hunter Cuevas. "Ano'ng gagawin natin hahayaan lang ba natin na kunin nila si Aya?!! Ganun ba ang gusto mong mangyari sa pamangkin mo Berto??.!!" Isinara ko na lamang ang pinto ng aking silid. At umupo ako sa matigas kong higaan. Nag-isip ako kung ano ang dapat kong gawin. Kung kailan malapit na akong makapagtapos sa aking pag-aaral tiyaka naman nagbigay ng malaking problema,si Tsong Berto. Kung umalis na lang, kaya ako rito sa bahay, na ito, at makikituloy muna ako sa kaibigan kong, si Nica,hanggang sa makapag tapos man lang ako ng High School. Tatawagan ko muna Si Nica At kakausapin ko muna ang aking kaibigan bago ako umalis sa bahay ni Tsong. Ngunit nakailang ulit ko ng sinubukan tawagan ang number ni Nica, hindi ito sumasagot sa mga tawag ko.siguro tulog na ang babae. "Ano ang gagawin ko? Saan ako pupunta? pag-umalis ako rito? Pero mapapahamak lang ako rito pag hindi ako umalis. Bulong ko. Palakad-lakad ako sa loob ng aking silid dahil hindi ako mapakali. "Bahala na kong saan ako pupunta. Bulong ko. Inilagay ko sa isang hindi kalakihan bag ang mahahalagangamit ko, at ilang mga perasong damit. Sa Bintana ng kwarto ako dumaan tutal naman mababa lang naman ang babaan ko Salamat narin sa liwanag ng buwan at nakikita ko ang aking dadaanan. Walang kaingay-ingay akong nakababa sa bintana. Paglapat ng paa ko sa lupa dahan-dahan akong nag lakad, palayo, sa bahay ni Tsong.Ngunit mabilis akong nagtago sa malaking puno ng akasya. Dahil may nakita akong mga lalaking mga paparating Hindi lang sila lilima marami sila. At nakasuot ang mga ito ng maskara sa mukha. Napasilip ako sa puno ng Akasya, natakpan ko ang aking bibig ng aking kamay ng makita kong bigla na lang silang pumasok sa loob ng bahay. At nakita kong paano nila, kaladkarin si Tsang, at si Tsong, palabas ng bahay. At nakita kong walang awang pinag sasampal ng isang lalaki si Tsang. " Maawa po kayo sa asawa ko, wala po siyang kinalaman dito maawa po kayo, pagmamaka awa ni Tsong, Berto, sa lalaking nanakit kay Tiya Flor. Bigla naman sinabunutan ng lalaki sa buhok si tsong. "Alam mo ba ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pinaghihintay ako at pinagluluko ako.!!" Singhal ng lalaki kay tsong Berto. "Nasaan ang babaeng ibininta mo sa akin?! kapalit ng utang mo!!"... Sigaw ng lalaki kay Tsong, Ngunit hindi nagsalita ,si Tsong. Berto. "Kayo halughugin n'yo ang loob ng bahay ng lalaking ito at hanapin niyo ang babae at ilabas siya rito!!" Parang hari nitong utos sa mga kasamahan nitong mga lalaki. Agad naman sumunud ang mga lalaking malalaki ang katawan, Sa kanilang hari. Maya-Maya bumalik ang mga ito sa kanilang hari. "Master wala po kaming nakitang babae sa loob ng bahay." Pahayag ng isang lalaki. Pigil hininga ako, sa aking nakita ng bigla na lang saksakin ng patalim si tsong sa kaliwa nitong hita, ng lalaking tinawag nilang Master. Tumulo ang aking luha ng marinig ko ang malakas na palahaw ni tsong habang nag nag mamakaawa ito sa malupit na lalaki. Wala siyang awa. Bulong ko. "Pinag luluko mo ba ,ako Berto, Sinabi ko na sayo ayaw ko ng niluluko ako!!!" Muling sigaw ng lalaki. At nakita kong muli nitong sinaksak ang kabilang hita ni tiyong gamit ang hawak nitong patalim. "Aaahh.....Malakas na sigaw,ni tiyo Berto. "Maawa kayo sa asawa ko, Para nyo ng awa." Pakiusap ni tiyang sa lalaki habang umiiyak ito.. At agad nilapitan, ni Tiya Flor, ang asawa nitong nakahilata sa lupa. Hindi mapigil ang pagtulo ng luha ko mula sa aking mata dahil sa paghihirap ng tinuring kong pamilya lalo na si Tsang, na walang pinakita sa akin na masama. "Gusto mo bang unahin ko na ang asawa mo Berto?!" Sabay tutuk ng demonyong lalaki sa hawak niyang baril sa ulo ni tiya Flor. Hindi ko hahayaan na mamatay, si Tiya Flor, lumabas ako sa aking pinag tataguan kong puno at patakbo akong lumapit kay Tsang, at niyakap ko ito ng mahigpit, habang nakaluhod ito sa lupa, sa harap ng kanyang asawa. "Aya, Bakit ka pa lumabas?" Nanghihinang Saad ni tsong sa akin lalo akong napaiyak sa sinabi ng aking Tiyuhin. Kahit masama ang loob ko sa Tsong Berto, Ko pamilya ko pa rin ito, at hindi ko pa rin kayang nakikita itong nasasaktan. "Aya, Dapat hinayaan mo na lang kaming mamatay ng Tiyo Berto mo." Wika naman ni tiya Flor, habang umiiyak ito at basag ang labi ni Tiya, dahil sa kagagawan ng lalaking demonyo. "Hindi ko matitiis na mamatay lang po kayo dahil kayo lang ang natitira kong pamilya. Sagot ko kay tiya. "Buti, naman Nene, at ikaw na ang kusang. lumabas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD