Chapter 5
Clovett POV
Tanging buwan lang ang naging ilaw ko at mga poste habang naglalakad pauwi ng bahay.
May bahay naman kaya hindi naman ako masyadong natatakot pero kailangan paring mag-ingat kasi baka may mga masasamang tao na dumadaan dito at may gagawin sa akin na hindi maganda.
Hindi ko alam kung nakasunod pa ba sa akin yung lalaki dahil hindi ko na siya nilingon pa.
Pagkarating ko sa pintuan ng bahay ay kinuha ko ang susi sa bag ko para mabuksan.
Hindi nga ako nagkakamali at nandoon nga si mama at naghihintay sa akin. Lalampasan ko na sana siya na narinig ko ang pagtayo niya sa plastic na silya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa kwarto ko po," sabi ko hindi makatingin sa kanya.
"Baka may nakalimutan ka bago ka pumasok sa kung saan ka man papasok, akin na ang pera mo, isusugal ko bukas." aniya.
Para yatang nabingi ako dahil doon kahit alam ko naman na lagi akong may iaabot sa kanya. Pero ngayon?
" Kasi po. Ano po,''
"Akin na! Ayaw mo bang ibigay?" tanong niya. Kinuha ko sa bulsa ang natirang 200 pesos para sana pambili ng ulam at bigas kinabukasan kasi may adobo naman ako na dala galing kay manang Thelma ngayon.
"Ito po," abot ko habang nanginginig ang mga kamay.
"Ano! Ito lang ang maibibigay mo sa akin? Halos isang araw kang wala dito sa pamamahay na ito tapos ito lang ang ibibigay mo! Saan ka galing kung ganun ha?" galit na sabi niya habang inihagis pabalik ang pera at tumama sa mukha ko. Natamaan ang noo ko ng isang bagay at naramdaman ko ang sakit dahil may hawak siya na suklay na kahoy kaya naisama niya sa paghagis.
"May utang kasi ako na kailangang bayaran kaya po yan lang naiabot ko po sa inyo. Wag po kayong mag-alala bukas na bukas po bibigyan ko kay–"
"Binigyan eh kailangan na kailangan ko na yan bukas eh, tangina ka talagang babae ka. Wala ka talagang kwenta. Layas. Lumayas ka sa pamamahay ko!" sigaw niya sa pagmumukha ko.
"Mama wala p–" isang lagapak na palad ang tumama sa pisngi ko.
"Anong tawag mo sa akin? Di ba sinabi ko sa'yo na 'wag na 'wag mo akong matawag tawag ng pangalan na yan dahil nasusuka ako! Lumayas ka! Ano? Gusto mo pang ibalibag ko pa ang mga gamit mo saka kapa umalis!" Nanlilisik na matang sabi ni mama.
"Saan po ako matutulog? Gabi na po!"
"Wala akong pakialam kung saan ka matutulog, hayop ka. Lumayas ka sa harapan ko. Hangga't walang kang maibigay sa akin ay huwag na wag kang uuwi dito!" sigaw niya lalo sa akin.
Wala akong magawa kundi ang sundin ang mama ko, alam ko naman kapag bumalik ako kinabukasan at maibigay ang gusto niya ay hindi na niya ako papalayasin.
Walang direksyon ang mga paa ko habang naglalakad sa malamig na gabi. Mabuti na lang may buwan kaya nakikita ko pa rin ang dinadaanan ko. Naging liwanag siya sa mundo kong madilim.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang children park. May nakita akong duyan kaya doon ko naisipang umupo. Wala man lang akong dalang blazer o jacket man lang para sa lamig na gabi. Naramdaman ko na ang ginaw.
Niyakap ko ang sarili ko, hindi ko alam kung saan ako matutulog dito. Kung malapit lang ako sa ospital baka doon na ako matulog sa roof garden tulad noong dati na pinalayas ako ni mama kaso buhay pa si lola that time kaya nakabalik agad ako sa bahay.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng bag. May nagtext.
Unknown number:
Hi Clovett,
You can start working tomorrow, if that's okay with you. Wag kang mag-alala malaki akong magpasahod.
Bigla na lang umurong ang mga luha ko dahil sa magandang balita na nabasa ko sa aking cellphone. Totoo ba ito? Baka panaginip lang? Kinurot ko ang palad ko t naramdaman ang sakit. Totoo nga.
Doon nakatuon ang mga mata ko sa letra na malaki magpasahod. Ngayon pa lang naiimagine ko na ang malaking pera sa kamay ko. Sana lang double pa ito magbigay sa karinderya na tinatrabahuan ko.
Nasabi ko naman kay manang Thelma kaya sabi niya na ayos lang daw basta welcome pa rin ako kung gusto ko pa ng extra na pagkakitaan.
Habang nakatingin parin ako sa cellphone ko na may ngiti ang mga labi kahit nanginginig pa rin ang mga labi ko dahil sa pag-iyak kanina ay may napansin na naman akong pares ng mga sapatos na nasa harapan ko ngayon.
Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito at baka masamang tao pero yun na lang ang gulat ko na makita na naman siya.
"Don't move," utos niya. Hindi ako kumibo dahil yun ang utos niya. May nilagay siyang parang bulak sa noo ko.
"Ano yun?" Tanong ko habang nakatitig na sa may dibdib niya dahil hindi ko siya matingnan sa mga mata. Ayokong malaman niya na umiiyak ako.
"Betadine, para hindi lumala ang sugat." sagot niya. Maya-maya, nilagyan niya ng band-aid ang noo ko. Hindi ko alam na may sugat na pala.
Nilagay niya sa balikat ko ang jacket niya na may zipper, sa balikat ko.
Gamit ang kanyang dalawang palad, inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako ng maigi. Sinusundan ko lang ang mga titig niya sa akin.
Ngumiti siya habang unti-unting pinupunasan gamit ng kanyang hinlalaki ang pisngi ko.
"Sana sinabi mo na mas kailangan mo ang pera na binigay mo sa akin, hindi kana sana nasaktan at nandito ngayon at natutulog ka na sana ng mahimbing." dahil sa sinabi niya mas lalong nagsisilabasan ang mga luha ko sa mga mata.
"Nasanay na ako." saad ko. Hindi ko napansin na sinusundan niya talaga ako kanina.
"Dahil sinanay mo." sabi niya habang pinupunasan pa rin ang mga luha sa pisngi ko.
"Wala rin namang magbabago… "
"Meron, pero takot ka lang sa pagbabago." sagot niya ulit.
Natigil ako sa pag-iyak dahil sa ginagawa niya.
"Sinusundan mo pa rin ba ako hanggang makarating ako sa bahay kaya ka nandito?" tanong ko.
Unti-unti siyang tumango, "hindi ko mapigilan eh."
"Dahil takot ka na baka takasan kita? Kaya mo ako sinusundan para madali mo lang akong mahanap at ipahuli sa mga pulis?" tanong ko para lang may makita akong palusot, kahit kinikilig na ako sa una niyang sinabi.
"No miss, gusto ko lang makita kung safe ka bang nakarating sa bahay mo, dahil hindi kakayanin ng konsensya ko na nabalitaan ko na lang sa tv na sa mga kulungan ka ng mga unggoy nakarating, kaya lang yon ang nadatnan ko," okay na sana ang sinabi niya dinagdagan pa.
"Anong sabi mo? Ano tingin mo sa akin duwag? Nakauwi nga ako na mag-isa di ba? Hindi ako unggoy para doon ako matutulog," pagalit ko na sabi.
Ngumuso siya nagpipigil ng tawa.
"May nakakatawa ba? Sige pigilan mo pa kitang-kita naman na papangiti ka na o nagpipigil kana ng tawa." simangot ko at ang loko kung sino man ito ay tumawa nga na parang walang bukas.
"The heck, akala ko ba ikaw ang patatawanin ko. Bakit ako tuloy ang tumatawa ngayon," aniya na tawang-tawa pa rin.
Dahil sa sinabi niya, natulala akong pinagmasdan siya. Ang ibig niyang sabihin?
"Gusto mo akong maging masaya?"
"Yep, sana.. kaso ako pala ang natawa." saad niya.
"Bakit ka naman natatawa sa akin!? Nakakatawa ba itong pagmumukha ko?" tanong ko sa kanya. "Alam kong pangit ako kaya pinagtawanan mo ako no," kunot-noo ko siyang tiningnan.
Sisipain ko na sana habang nakatayo pa siya sa harapan ko pero natunugan niya yata ang gagawin ko kaya agad siyang lumayo.
"Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng babaeng galit na nga pero ang cute pa rin," aniya. Bigla akong nahiya doon kaya ngumuso ako para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.
"Uwi kana nga sa inyo! Sinisira mo ang moment ko dito eh!" saad ko.
"Ayoko nga, wala akong bahay. Kaya dito na muna ako hanggat nandito ka."
"Ha? Wala kang bahay? Impossible. May sasakyan ka na worth 10 million pero wala kang bahay." saad ko. Hindi talaga naniwala sa lalaking ito. Bakit ko rin ba ito kinakausap ngayon.
"Meron naman pero sa family ko iyon not exactly mine kaya hanggang ngayon wala pa rin akong bahay so tama ang narinig mo."
"Nge, bahay parin yon ano!" Pamimilit ko.
"Okay sabi mo yan eh," inikot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, ang yabang din eh.
Umupo siya sa kabilang duyan at alam kung pinagtitigan niya ako ngayon. "Saan ka matutulog niyan ngayon?" Tanong niya habang dinuduyan niya ang sarili niya pero mahina lang habang nag-uusap kami.
"Hmm.. kahit saan baka dito na lang. Pwede sa batong bench o di kaya sa damuhan." turo ko sa posibleng matutulugan ngayong gabi.
Tiningnan ko ang lumang relo ko sa wrist at nakita kong malapit na mag-alas ng mag-alas onse ng gabi.
"Baka ano pang mangyari sa atin dito?" tanong niya.
"Huh? Gusto mo ring dito matutulog? Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo? Wala ka yatang ginawa buong maghapon kundi sundan ako.
"Hindi ah, galing kaya ako ng gym, fast food, nag jogging, nag walking and running running, " ha? Pinagsasabi nito.
"Umuwi ka na lang sa inyo,"
"Hindi nga pwede."
"Anong hindi pwede eh bahay mo rin yon kung saan nakatira ang mga magulang mo," ani ko.
"Hindi nga ako pwedeng umalis." kulit din eh.
"Bakit nga!?" Nakakafrustate na ang lalaking ito.
"Hindi kita kayang iwan ditong mag-isa, babae ka. Alam mo naman siguro ang mangyayari wag naman sana. Baka may pupunta dito na hindi mo kilala at ano pang gawin sayo" Wow, concern yern.
" Eh bakit kilala ba kita? The same ka rin naman sa kanila ah," sabi ko habang dinuduyan ko na rin ang sarili ko.
Akala ko buong oras hanggang kinabukasan akong umiiyak pero hindi naman pala.
"Iba sila, iba rin ako. Atleast ako behave lang dito unless kung gustong magpa tuklaw."
" Ano?"
" Wala, ang sabi ko ang cute mo.
"Hoy! Sino yan!" bigla yata kaming na estatwa ng lalaking ito dahil may narinig kaming boses lalaki at may umiilaw na flashlight.
"Mga bata! Ano pa ang ginagawa niyo dito na hating gabi na? Bawal na ang mamasyal dito na ganitong oras. Hala magsiuwian na kayo kung ayaw nyong ipa barangay ko kayo." dahil sa taranta ko ay agad akong tumayo. Ganun din ang ginawa niya.
"Let's go, sorry manong guard. Huwag po kayong mag-alala nag-uusap lang kami ng girlfriend ko." sabi niya sabay kindat sa akin.
"Ano hingsjsknk.." bigla niyang nilipat ang bibig niya sa tenga ko.
"Sumakay ka na lang baka ma bilanggo pa tayo ngayon." tumango at sinunod ko ang sinabi niya.
"Nag-uusap lang! Baka may ginawa kayong hindi maganda dito ha," sabi niya, ano namang hindi maganda ang gagawin namin dito?
"Totoo po manong na wala po kaming ginagawa." sagot ko kay manong guard.
"Let's go love, hindi na ako nagtatampo kaya uwi kana baby, hindi na ako sanay pag wala ka ahhh," pinaggagawa ng lalaking ito. Kinanta pa nga.
Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa estrangherong lalaki na ito, hindi ko nga alam kung ano ang pangalan nito. May narinig ako noong una naming pagkikita eh malay ko naman kung tama ba yon.
"Dito tayo matutulog?" tanong ko sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa buong area kung saan kami nakahinto.
"Yep," let's go, I'm so sleepy na!" Niyaya niya ako sa loob.
"Wait bakit dito? Wala akong pambayad kasi di ba nasa iyo na lahat ng pera ko? Barya lang yata meron ako dito."
"Eh di gamitin natin yung perang binigay mo." What? Binigay ko lang pala sa kanya yon para pambayad dito sa motel na nakita namin sa daan habang bumabyahe.
"Eh di sana binalik mo na lang yan sa akin at doon na ako matutulog sa bahay, at ibibigay ko yan kay mama." saad ko.
"Paano naman ako?"
"Eh di umuwi ka sa inyo!"
"Malayo ang bahay namin, kaya mo ba akong mag biyahe pauwi sa ganitong oras?" hindi ko yata alam kung maiinis ako sa set-up naming dalawa.
"Kahit saan naman nakakatulog ako."
"Pero ako hindi, kaya samahan mo ako," pangungulit niya.
"Bakit ba kita sasamahan, kilala ba kita? Kilala mo ba ako?" Tanong ko. Ngumisi ang loko.
"Yep, I know you by name, at dahil hindi mo pa ako kilala. Let me introduce myself, my name is Carlos Jasper Jr. Nice meeting you Clovett Salmigan," pakilala niya. Dahil hindi ko inabot ang kamay niya kaya siya na ang nakipag kamay sa akin.
"Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?"
"Ano, manghuhula ako I mean dati akong manghuhula, ganern." hindi kapani-paniwala na sagot niya.
"Ang totoo?"
"Basta!" aniya habang pilit akong pinapapasok sa entrance ng motel.
Hindi ko alam isa siyang estrangherong tao pero heto ako at sumama sa kanya. Kung ano man ang mangyari sa akin ngayon. Wala na ba akong pakialam? Paano kung may gagawin siyang masama sa akin?
"Let's go, baka inaantok kana." aniya.
"Sa sasakyan na lang kaya tayo matutulog?" alok ko.
"Pwede naman pero maliit yon hindi ako sanay. Kung nagpoproblema ka sa bayarin akong bahala. Tara." dahil gabi na rin kaya wala na akong magawa pa kaysa makipagtalo pa ako sa kanya.
"Good evening ma'am, sir."
"Good evening, one room na comfortable matulog ang aking asawa!" Agad ko siyang nilingon dahil kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.
"Alright sir, wait a minute. Tingnan natin kung available pa po ang aming promo sa mag-asawang magsta stay dito sa motel namin ngayon." wika ng receptionist.
Humikab ako, gusto ko mang umangal kaso inaantok na talaga ako.
"Ok miss, inaantok na ang asawa ko, pakibilisan na lang,hmm," ngisi niyang sabi habang nilalapit ang braso niya sa bewang ko.
Pinanliitan ko siya ng mga mata at umaksyon naman siya na magkunwari kaming dalawa. Ito pala ang plano niya kanina na siya na ang bahala.
Loko talaga.
"Confirm po maam na available pa po ang promo natin kaya ang babayaran niyo na lang po ay 500 pesos para sa dalawa, instead na 1000 pesos po." aniya na nakangiti.
"Narinig mo yon, sabi ko sa'yo eh. Maganda dito. Salamat miss ha," sabi niya at siya na ang kumuha ng susi ng room namin.
Wala na akong angal dahil nga pagod at antok na rin talaga ako.
Wait! Kasama ko talaga siyang matulog?