Chapter 4

2398 Words
Chapter 4 Clovett POV "Hello po sir, maupo po muna kayo. Ito po ang mga menu namin ngayon," narinig kong sabi ni Marga sa kanila. "Thank you miss." "Hoy Clovett, anong ginagawa mo dyan sa ilalim ng lamesa?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Juliet sa akin. "Ha? Ano. Na.nagpupunas ako ng ilalim ng lamesa, may alikabok pala dito." sabi ko sa mahinang boses habang nagkukunwaring naglilinis. Mabuti na lang bitbit ko kanina ang pamunas sana ng ibabaw ng lamesa. Papalitan ko na lang ito. "Huh? Meron pa? Nalinis na yan kanina ah," aniya. "Basta meron pa, ito nga at nililinis ko na. Saan sila banda?" tanong ko sa kaibigan habang nagkukunwaring nagpupunas parin. "Huh? Sino ang tinutukoy mo?" tanong niyang nalilito sa kinikilos ko. "Yung kaka—" "Miss isang extrang kanin pa, masarap pala ditong kumain." rinig ko na sabi sa kabilang lamesa o baka nga sila na yong tatlo kanina. Hindi nila ako makikita dito dahil nakaharang ng table clothing itong lamesa. Pero medyo ilang step pa para makarating ako sa kusina para doon sana magtago. "Extra kanin pa raw, bigyan mo muna. Tatapusin ko lang itong pagpupunas."ani ko sa kaibigan. Naguguluhan man sa kinikilos ko ay sinunod niya naman ito at ako naman nagkukunwari parin dito. Kaso nga lang baka hanapin ako ni manang Thelma at hindi niya ako makita, imbis na may tip ako nito mamaya ay wala akong matanggap dahil lang sa nagtatago ako. Wait! Bakit na ako nagtatago eh baka nakalimutan naman siguro ng dalawang yan na kumakain dito na ako yung babae na nag-aaway sa baby niyang sasakyan, eww baby pa nga ang tawag niya doon. Hindi naman siguro sila pumunta rito para hanapin ako kundi kakain lang talaga. Pwede naman Clovett na kunwari kumakain pero ikaw talaga ang target at at…omg. Dahil nagtatawanan at nag-uusap habang kumakain sila ay unti-unti akong lumabas sa ilalim ng lamesa habang nakayuko ang ulo at unti-unti akong gumalaw para makarating sa kusina. Para akong magnanakaw nitong dahan-dahang naglalakad at pinigilan na makagawa ng ingay. Konti na lang at malapit na ako kaya lang may dalawang pares ng sapatos ang sumalubong sa akin at napatitig lamang ako doon dahil alam ko ng hindi ito pambabae. "Hindi ko alam kung anong klaseng hayop ang tawag sa ganyang lakad, miss! Hindi ka ba makakalakad at gusto mong buhatin kita?" dahil sa sinabi ng boses lalaki ay inangat ko ang ulo ko at sakto naman na sobrang lapit na ng mukha ko sa mahabang binti niya habang ang estrangherong ito ay nakadungaw sa akin. "s**t," sabay namin na sabi. Binaba ko ng ulo ko dahil baka mamukhaan niya ako at siya naman ay umurong ng kaunti. "You! I think I know you, ikaw yung!" aniya sa akin. Ito na nga ang sinasabi ko. Dahil sa pagkataranta ay hinawakan ko ang mahabang buhok ko at pinagtabon sa ilong at bibig ko at tanging mata ko lang at noo ang nakikita niya. "Ha? Anong pinagsasabi m.. mo? Ngayon lang tayo nagkita sir. Na.nagkamali ka yata." sabi ko at dali-dali tumayo at nagpunta sa kusina. Kamuntikan na akong ma out of balance. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Marga sa akin. "Wala, ako na lang ang naghuhugas ng mga pinggan, ok lang ba?" tanong ko sa kanya. "Ay aba syempre naman Cloveyy, alam mo naman na hate ko ang paghuhugas kaya ibibigay ko na sa'yo ang trono," napapailing na lang ako sa sinabi ni Marga. Wala naman problema sa akin ang paghuhugas lalo at maraming sabon o dishwashing liquid ang nagagamit ko, ang sarap lang kaya maghugas lalo at may tinatakasan ka. Hindi naman siya makakapasok dito kasi bawal ang mga customers. Sinimulan ko ng maghugas ng pinggan at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sana naman hindi niya ako namukhaan talaga na ako ang babae na sumira sa sasakyan niya. Rinig pa rin sa banda ko ang pagtawa nila minsan habang maingay ang mga plato dahil nga kumakain sila. May mga nag sisidatingan din at dahil hindi naman ako tinatawag para tumulong sa pagseserve, ang ibig sabihin kaya na nilang tatlo iyon, nandiyan naman si manang Thelma para tumulong at ako ang tagahugas. "Ito pa ang huhugasan mo Clovett, marami-rami yan dahil maya-maya nagpapadagdag ang tatlong pogi kanina, gosh sabi pa nga no'ng isa na babalik sila dito para kumain dahil masarap daw ang ulam dito. Di ba magandang balita yun girl," sabi ni Juliet na nakangisi habang nagpapaypay. "Ang gwapo nila pareho pero feeling ko may someone na kasi yung dalawang hunk nag take out pa nga dahil papadalhan niya raw ang asawa niya yung isa yung girlfriend niya, o di ba ang swerte naman ng mga syota nila." dagdag pa niya. "At yung isa?" hindi ko alam kung bakit ko pa itinanong dahil alam ko na tatlo silang pumasok at hindi ko naman alam kung saan doon ang tinutukoy ni Juliet na nagtatake-out pero gusto ko paring marinig. "Yung isa? Tahimik lang pero napapansin ko na iniikot niya ang paningin niya sa buong karinderya, hindi ko lang alam kung bakit, nagagandahan ata sa design ng ating pwesto o di ba," tumango ako dahil sa sinabi niya at hindi na ako umusisa pa baka mahahalata ng kaibigan ko na may iniiwasan ako na tao. Hindi kaya ako ang hinihintay niya na lumabas sa lungga at magpakita sa kanya? Tapos ipapahiya niya ako? Hindi naman siguro ano? Gosh kailangan ko na talagang maghanap ng ibang pagkakakitaan para naman kung magkikita ang landas namin at ipipilit niyang bayaran ko siya sa danyos na ginawa ko sa sasakyan niya ay babayaran ko na lang siya para hindi na niya ako ipakukulong. Walang kasama ang mama ko at walang magluluto sa kanya kapag nasa kulungan ako. Bumuntonghininga ulit ako dahil kung bakit pa ba dumating pa sa akin ang problema na'to. Nadagdagan pa dahil sa ginawa ko sa lalaking iyon. Naku Clovett kung hindi ka lang nagpadalos-dalos eh di sana wala kang tinatakasan na problema ngayon. Yan tuloy double hirap ka na niyan. Pumitas ako ng rosas na itinanim ko sa paso dito sa karinderya ni manang Thelma, mabuti na lang at nabuhay ito. Sinimulan ko na namang tanggalan ng petal paisa-isa habang hinihintay namin si manang na nasa loob pa para ma double check ang mga kagamitan at kung may mga naiwan pa. Pauwi na kami ngayon at nakasarado na lahat. Habang ang mga kasamahan ko ay busy sa kanilang cellphone ako naman busy sa rosas na pinitas ko. Laban, bawi, laban, bawi. Bilang ko sa bulaklak na tinanggalan ko ng petal. ''Laban. Bawi. Laban. Baw–" "Ok na, tara," yaya ni manang Thelma. Sumunod kami sa kanya sa paglalakad papuntang paradahan. Pagkarating sa sakayan ng jeep agad pumara sina Juliet at manang Thelma. Isang sakayan lang sila pero magkaiba ang bababaan. Maya-maya nakasakay na rin si Marga kaya hanggang kaway na lang ako sa kanya habang papalayo ang jeep na sinasakyan niya habang ako ay hinihintay ko naman na ako ang makasakay. Hindi naman ako naghihintay ng matagal dahil naka para na rin ako kalaunan na may tumigil na jeep sa harapan ko. Pumasok ako at sumakay sa kanang bahagi na upuan. Maya-maya may sumakay at tumabi kung saan ako nakaupo. Hindi ko s'ya binalingan at nagbayad na sa driver. "The heck, I don't have money in my pocket," rinig ko na bulong niya sa kanyang sarili. Hindi siya mapakali sa kanyang upuan habang kinakapa niya ang kanyang bulsa. "Bayad!" inabot ko ang bayad niya at nanliit na lang ang mata ko kung ano ang nakita ko. Inabot ng kabilang pasahero ang card at ibinigay sa driver. "Kanino ba yan? Hindi yan pera?" tanong ng driver. "Hindi raw yan matatanggap pare," sabi ng lalaking pasahero. Wala akong magawa kundi ang maging good samaritan sa oras na ito. Kahit kasi anong baliktad niya sa kanyang bulsa ay wala man lang nalaglag kahit piso. "Huh? May pera diyan," natawa na lang ang mga pasahero dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako ay walang ganyan pero alam ko kung ano ang card na yan. Kinuha ko ang pitaka ko na may barya, "ito ibaya–," bigla yatang tumigil ang oras ko na mapasino ang taong nasa tabi ko. "Ikaw?" tatayo na sana ako habang nakahinto pa ang jeep dahil may sumakay kaya lang… "Palaka…" "s**t…" mura ng katabi ko, paano ba kasi napaupo ako bigla sa may hita niya habang ang kanang kamay ko ay nakatukod sa may zipper niya? Tinanggal ko agad yun at langya lang hinapit niya ako sa bewang ko. "Bitawan mo ako!" sabi ko. "Maupo ka nga, wala akong gagawing masama sa'yo, umaandar ang sasakyan baka mapano ka pa." Aniya. Hindi ko alam kung anong mahika meron siya at napasunod niya ako Umupo ako sa tabi niya, isa pa sayang naman ang ang pamasahe ko na masasayang dahil lang sa taong ito. "What?" tanong niya dahil maya-maya ko siyang sinisilip baka mamaya may gagawin siyang hindi maganda. "Sinusundan mo ba ako? Paano mo nalaman na doon ako nagtatrabaho? Maniningil ka parin ba? Kasalanan mo kaya yon kaya ko ginawa ang bagay na 'yon." sunod-sunod na tanong ko. Ewan ko sayo Clovett napaghalataan ka tuloy na ikaw yun, binuking mo pa ang sarili mo. "Huh? Hindi kaya kita sinusundan. Nagkataon lang, at saka ikaw nga yung nakita ko kanina no sa karinderya, pa deny-deny ka pang nalalaman." "Eh! Ano naman ngayon kung denideny ko? Isa pa, bakit mo nalaman na doon ako nagtatrabaho? Isa lang ibig sabihin nun na sinusundan mo talaga ako." "Iha, iho pasintabi lang sa inyong dalawa, kung nag-aaway man kayo doon na sa bahay niyo ha. Kayo talagang mag-asawa, kahit sa publiko nagbabangayan kayo. "Hindi ko po siya asawa!" sabay namin na sabi sa matandang ginang. Tumawa naman ang mga pasaherong nandoon. "Mga henerasyon nga naman ngayon, denideny pa ang isa't-isa," ani ng isang pasahero. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko, dahil sa nahihiya na ay pumara na lamang ako at bumaba. "Boysit na lalaking 'yon!" nanggigigil na sabi ko sa sarili. "I can hear you!" "Shuta ka, ikaw na naman? Para kang kabute na laging sunod na sunod. Ano bang kailangan mo?" "You," walang alinlangan niyang sagot. Tumigil ko para maharap siya. "Anong ako?" "Remember may kasalanan ka sa akin." "Wala akong kasalanan sa'yo," palusot ko. "Akala mo lang wala pero meron.. meron.. meron," aniya habang papalapit sa akin. "Eh di meron, babayaran ko magkano ba lahat?'' tanong ko habang kinukuha ang maliit ko na wallet sa bag. "One million," agad na sabi niya. Bigla ko tuloy nabitawan ang wallet ko, ano raw? "Anong sabi mo? One million? Paano nangyari yon?" Tumawa ito, anong nakakatawa doon. Alam ko magkano yang million na yan. Jusko paano nagkaganyan ang utang ko? "Miss baka hindi mo alam na mahal ang baby ko na sinaktan mo nung nakaraan lang. Nakausap ko na rin ang mga lawyer ko para alam ko kung ano ang kaso na nababagay sayo kapag nakita kita ulit at sisingilin." Aniya. "Ano? Ganun kahalaga ang sasakyan mo?" tanong ko. Nasa gilid kami ng kalsada at ito nagbabangayan dahil sa sasakyan niya. "Yep, exactly 10 million ang bayad ko n'on. Dahil binili ko pa yun sa Jupiter." Huh? Ang layo nga. "What?" wait 10 million halaga ng sasakyan? Eh kung ganun bakit nasira kung 10 million yon. Di ba dapat mas matibay ang sasakyan kapag binili ng ganoon kahalaga pero yung sa kanya. "Nagpapatawa ka ba? May ganun bang sasakyan na ang laki ng halaga? Tapos nasira lang sa–," may inabot siyang papeles sa akin. "See for yourself para naman alam mo miss. Nandiyan sa mga papeles ang lahat ng impormasyon sa sasakyan ko at ang price. Boy scout ako kaya dinala ko na para maniwala ka kahit nagdududa ka parin. Pwede ring puntahan natin ang attorney ko at ang may-ari ng sasakyan kung saan ko yan nabili para malaman mo na mas mahal pa yan sa iba," paliwanag niya. Bigla yatang sumakit ang ulo ko dahil sa nalaman at kung hindi ako makapagbayad sa kanya ay sa kulungan ang bagsak ko. Paano na ang mama ko? Nakakainis naman ito, sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ko bang bayaran ng pakonti-konti? Meron lang akong 800 pesos dito. Pwede na ba ito muna sa ngayon? Sa susunod nating pagkikita ulit ang iba?" wika ko at pilit na inaabot sa kanya ang pera na parang ayaw ko. Paano kasi ibibigay ko iyon kay mama eh, pero ayoko namang sa kulungan talaga ang bagsak ko. "Magkikita pa tayo?" tanong niya kaya kunot-noo ko siyang tiningnan sa mukha. Gwapo naman itong nilalang na'to. Kahit may hikaw sa kanyang tenga at gilid ng kanyang kilay. Matangos ang ilong at maninipis na labi at mapula. "Are you done checking my face? Sa katawan ko naman, may 8 pandesal na ako ngayon," bigla yata akong natauhan kung hindi lang siya nagsalita. "Manyak!" Tumawa lamang ang gagong ito. "Ano? Paano kita mababayaran kung hindi tayo magkikita? Pwede namang ihulog ko na lang sa pawnshop para mapadali at hindi na tayo magkita," wala sa sarili kong sabi. "Nah, magkikita tayo! Paano na lang kung hindi ka pala magbabayad at nagkukunwari ka lang." Tumutupad ako sa usapan." ani ko. "Tumutupad din ako sa usapan miss at finale na yan, magkikita pa rin tayo." sabi nito na wala ng pag-alinlangan. Parang maiyak na ako ng hinablot niya na ang pera na nasa palad ko. Wala na talaga, hindi man lang nakalanghap ng bahay ang pera na iyon. Sa ibang bahay pa napunta. "Bakit ka naiiyak? Tanong nito. "Wala naman," sabi ko habang naglalakad na at iniwan siya. "Hey!" "Maglista ka rin kung magkano na ang nabayaran ko at ganun din ang gagawin ko." sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. Lalakarin ko na lang total hindi pa naman sobrang gabi at marami pang tao na nasa kalsada. Saan kaya uuwi itong lalaki na ito na panay parin ng sunod sa akin? Hindi na ako nakatiis at binalingan siya. "Bakit ka pa sunod-sunod sa akin? Umalis kana nga." Taboy ko sa kanya. Nabigla yata ito sa sinabi ko. "Paano ikaw?" "Eh di uuwi rin! Kita mo naman na naglalakad ako!" "Pero gabi na." kailan pa na may concern sa akin ng ganito. Matalim ko siyang tinititigan. "Kaya kong maglakad at umuwi na mag-isa kaya alis na." Binilisan ko ang paglalakad at iniwan siya. Bahala ka diyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD