Chapter 6

2440 Words
Chapter 6 Clovett POV Pagbukas ng kwarto namin ay bumungad sa amin ang single bed, kasya naman siguro ako sa sahig. "Diyan ka na matutulog, ako na sa sahig dahil sanay na ako." sabi ko habang tinatanggal ang sandal ko na medyo kalumaan na "Ha bakit diyan ka matutulog?" tanong niya habang nililibot din ng tingin ang kabuuan ang kwarto namin. "Kasi nga, sanay na ako sa matigas na higaan at dahil hindi ka naman siguro sanay ay ikaw na ang matulog sa kama." paliwanag ko. "Ay hindi pwede yan miss, ako na lang ang matulog sa sahig at ikaw na dito sa kama. Hindi kaya ng konsensya ko na babae ang pinapatulog sa sahig," sabi nito kaya hindi kami nito matatapos at makatulog na dahil hindi pa kami nakapag desisyon. "Di bale na nga, bahala ka matutulog na ako," sabi ko at humiga na sa sahig na nilatagan ko lang ng extrang damit ko na ginamit pa kahapon. "Ahh… palaka," sigaw ko dahil bigla niya akong binuhat na naka bridal style. "Bitawan mo nga ako!" sabi ko. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. "Ito na, yan.. diyan ka matutulog at final na yan." saad nito. Bumangon ako at kinuha ko ang dalawang unan at nilagay sa gitna ng kama. "Yan diyan ka, ako dito." ani ko at nahiga na dahil yon ang sabi niya. Ayoko ng makipagtalo pa. "Good girl," sabi niya lang at naramdaman ko na lang ang paggalaw ng kama. Nakatalikod ako sa kanya dahil nahihiya ako lalo at matutulog kami sa iisang kwarto at ito ako wala man lang nakapag bihis ng damit. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na lunurin ng kadiliman dahil nga siguro sa antok na antok na talaga ako ngayon. "Goodnight miss," huling salita na narinig ko sa kanya. Ang sarap ng tulog ko, sa buong buhay ko nakatulog rin ako sa masarap at malambot na kama. Para akong nakahiga sa cotton balls at hindi masakit sa likod kapag gumugulong-gulong pa ako. Wait lang, may kasama ako kagabi. Katabi ko pa nga. Saan na kaya yon? Umuwi na ba at iniwan ako rito. Bahala siya total nabayaran naman nya ang pagstay ko dito. Pero paano ako nito, wala akong pamalit na damit. Hanggang wala pa akong pera na maiabot kay mama ay hindi ako makatungtong sa pamamahay namin. Maya-maya ay may narinig akong humihilik sa baba. Dinilat ko ang mata ko at umurong sa dulo ng kama kung saan banda ang narinig ko na hilik. Hindi nga ako nagkamali at nandito ang kasama ko kagabi. Nakanganga habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang dibdib at ang unan ay nasa tiyan niya nakalagay banda. Bakit nandyan na siya? Hindi ba siya komportable na dito matulog sa kama kaya siya nariyan? Kumilos siya kaya dali-dali akong bumalik sa paghiga, at pilit na pinipikit ang mga mata, ilang segundo ang lumipas na wala ng ingay kaya idinilat ko na ang mata ko. Dumapa ako sa kama at sinilip ang lalaki sa baba. Ngunit nanlaki ng lang ang mga mata ko na gising na ito at nagtama ang mga mata namin. Dahil sa wala na akong kawala kaya ngumiti na lang ako sa kanya. "Uhmm..good morning? Gising ka na pala. B.bakit ka pala nandyan?" tanong ko sa kanya. Umupo ito at akala ko tatayo na papunta sa banyo o sa labas na bigla na lang itong dumampa sa kama na wala ako. "Ibang klase ka palang matulog," aniya. "Anong sabi mo?" tanong ko na naguguluhan. Anong ibig niyang sabihin. "Ang kulit mong matulog, paharang-harang ka pang nalalaman tapos nagte trespassing ka naman pala." "Ano?" "Ilang beses na akong nahulog dahil sa likot mong matulog," aniya habang nakadapa parin at nakapikit ang mga mata. "Wee di nga bakit paggising ko nasa ganong ayos pa rin ako kung paano ako nahiga kagabi, tahimik lang kaya ako kung saan ako natutulog. Feeling ko nga naka estatwa lang ako eh dahil first time ko na may katabi ako," pagmamayabang ko. "Tsk, akala mo lang yon. Halos sinisipa mo na nga itong mukha ko, sa kakausog ko sa kama sa sahig ang bagsak ko." saad niya. "Di nga? Totoo?" "Totoo nga, hindi bagay sa'yo ang single bed dahil hindi mo na lang namamalayan nasa sahig kana pala kinabukasan. Ouch, ang sakit nga ng balakang ko eh." bumangon ako para matingnan siya. "Hala sorry, hindi ko alam na ganun pala ako matulog, akala ko hindi ako malikot eh. Huwag kang mag-alala total last na naman natin itong matutulog tayo sa isang kama." ani ko sa kanya. Siguro nga malikot akong matulog kasi minsan kapag natutulog ako sa kusina sa mahabang upuan na kahoy sa amin doon ay nagigising na lang ako ng madaling araw at nasa sahig na ako natutulog. Hindi ko man lang naramdaman ang pagbagsak ko. "Akala mo lang yon." rinig ko na bulong niya. "Ha?" "Wala, ang sabi ko inaantok pa ako." sabi niya. "Hala anong oras na baka ma extend tayo dito, wala na akong pambayad," bigla tuloy akong kinabahan. "Don't worry, ako nga ang bahala, matulog ka muna pero please lang wag ka nang malikot matulog para hindi na ako mahuhulog." "Pero…" "Sleep, hindi ka naman pwede na umalis na mag-isa dahil ako ang nagbayad dito at baka singilin ka nila kaya dapat magkasama man tayong pumasok ay dapat magkasama tayong umalis," saad niya. "Pwede naman…may lakad pala ako mamaya," hindi ko alam kung bakit ako nagpapaalam sa kanya. "Where?" tanong niyang inaantok "May bago akong trabaho, babysitter kaya pupuntahan ko na mamaya. Pwede na nga akong mag-umpisa eh, kaya yung utang ko sa'yo ay baka naman pwede bang may discount? Ang mahal eh. Nasa kabaong na ako niyan hindi pa ako natapos makabayad ng utang ko. Bakit ka ba kasi bumibili ng mamahalin na sasakyan." sabi ko na naiinis na sa kalagayan ko dahil wala man lang akong ipon kundi napunta sa iba tapos ngayon nadagdagan pa. "Okay, madali akong kausap pero sa isang condition," huh? Pinagsasabi nito. "Ano naman yon?" "Soon malalaman mo," pinanliitan ko siya ng mga mata kahit nakatalikod sa akin. "Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon? Sabihin mo na, pinapa overthink mo ako eh," pangungulit ko. "Mag-overthink ka," nahampas ko tuloy siya sa likod niya. Kaya tuloy lumapat ang palad ko sa balat niya. Paano ba naman kasi naiinitan daw siya kaya naghubad na lang siya ng damit. Wala naman yan sa akin dahil marami naman akong nakikita na nakahubad na pang-itaas na lalaki at saka pa nakatalikod naman siya palagi, takot yatang makita ang abs niya. "Matulog ka muna para naman mamaya may energy ka sa bago mong trabaho." ani ng lalaking ito. Dahil nga sa inaantok pa ako kaya humiga ako ng maayos. Habang siya nakadapa ako naman nakatihaya habang tinitingnan ang kisame. "Alam mo bang may takot ako kagabi, dahil hindi kita kilala pero kusa akong sumama. Pero ngayon na gising na ako at buhay pa rin. Masasabi kong hindi naman pala na tao o estranghero ay masama. Kaya thank you sa'yo. Sa pagligtas mo sa akin. Malaking bagay na itong naitulong mo," sabi ko. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o bumalik na sa pagtulog. "Bata pa lang ako na hindi ako tanggap ng mama ko kasi anak ako sa maling tao. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari pero nakagisnan ko na lang na kahit paghawak sa kamay ng mama ko ay nandidiri siya. Pero kahit ilang beses niya akong pagtabuyan, mahal na mahal ko pa rin siya. Alam ko na balang araw ay matatanggap niya rin ako. Balang araw matatawag niya rin akong anak. Ikaw, ano yung pakiramdam na tinatawag mo ang mama mo na mama? May tinatawag ka na pala? Hindi ko nga alam kung buhay pa ang totoong ama ko. Hindi ko naman maitanong kay mama, wala ring alam si lola." pagpatuloy ko. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Tell me more," aniya. Gulat ko siyang binalingan. Hindi ko alam na nakatagilid na siya ng higa at ngayon nakatitig sa akin habang ang isang braso niya ay ginawa niyang unan para sa ulo niya. "I want to hear everything about you, Clovett," saad niya. Ginaya ko ang ginawa niya na nakatagilid sa paghiga. "Hindi naman kailangan na sabihin ko lahat-lahat, tama na yon. Ok na ako doon. Ikaw baka may gusto kang sabihin? Makikinig ako." ani ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Pinipigilan kong nakatingin sa ibaba dahil baka may makita akong abs, hindi na inosente itong utak ko kapag nangyari yon. Lalo at sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nilagay niya ang ibang takas ng buhok ko sa aking tenga. "I'm okay. I'm blessed with family and friends. Swerte ko but after I heard your story I'm happy kasi sa akin mo sinabi ang story ng buhay mo, hindi naman lahat pero napanatag ako na isa ako sa sinabihan mo." aniya at hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. "Dahil pinatunayan mo sa akin na may malalapitan ako. Pwede kong lapitan ang mga kaibigan ko at si manang Thelma pero sa'yo yata ako nakampante. Hindi kita kilala pero bakit?" Nalilito kong tanong. "Maybe we are destined for each other? What do you think?" ngisi niyang sabi. "Destiny na may malaki akong utang sa'yo, ganoon yun. Nakakainis ka, 10 million pwede bang 1 million lang?" pakiusap ko. "Hindi pwede miss." "Hindi pwede kasi mahal ang bili mo! Bakit mo kasi binili ng ganun halaga e di sana nakabili ka na ng bahay. Nakabili ka ng lupa. O di kaya nakabili ka na pwedeng pagkakitaan." paliwanag ko. "Pero mahal ko yon," ani niya. Napapailing na lamang ako dahil hindi mo mapilit lalo at mahalaga yon sa kanya. Isa pa pera naman niya yata ang ginastos niya sa kanyang sasakyan. Hindi na ako nagsalita at pinikit ang mga mata. Gusto kong matulog at pagkatapos nito ay pupuntahan ko muna si manang Thelma bago ako pumunta sa address na binigay sa akin para sa unang trabaho ko. "Matutulog kana?" "Di ba yon ang sabi mo na matulog muna ako, eh di matulog." "Pero gusto ko pang marinig ang kwento ng buhay mo, sabihin mo na sa akin yung pang mmk." Umirap ako at tumalikod sa kanya habang panay ngisi niya. Kahit hindi ko na siya tapunan ng tingin ay alam kong nakangisi pa ito lalo. "Matutulog sabi mo eh kaya goodnight ulit." Yun nga ang ginawa namin, natulog ulit kami at nagising na lang ako dahil sa cellphone niya na maingay. "Dito mo na ako ibaba, may pupuntahan pa kasi ako ngayon." sabi ko at sinunod naman niya. Magpapaalam kasi ako ngayon kina manang at mga kasamahan ko na hindi na muna ako papasok sa karinderya dahil pupuntahan ko na kung saan ako magtatrabaho. "Salamat sa paghatid at salamat din nitong damit mo, ibabalik ko ito sayo kapag naka sahod na ako at babayaran kita." paalam ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt kasi hindi ako marunong kaya siya na ang nagtanggal, hindi yata ako makahinga ng maayos dahil sa lapit niya sa akin. Habang tinatanggal niya ang seatbelt ko ay nakangisi itong nakatingin sa akin. "Okay, see you later then," " Ha? Hindi. Ano ka ba. Huwag mong sabihin na ihahatid mo ako sa bagong tinatrabahuan ko?" tanong ko at walang alinlangan na tumango siya. "No.no.. wag na. Kaya ko namang pumunta at may pamasahe pa ako papunta doon, mas mabuti pa na umuwi ka na lang muna sa inyo at bahala ka na kung anong gawin mo. Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. Makakauwi ako ng bahay namin mamaya dahil uutang ako sa amo ko, sana payagan ako. Sa tingin mo? Pwede kayang mag-advance ako?" wala sa sarili kong tanong. "Yeah sure, sasabih–, I mean goodluck mamaya. Sana pahiramin ka?" saad niya. Napangiti naman ako na kahit wala pa ay parang maging positive ang resulta. Sana lang. "Okay, salamat Mr. Carlos Jasper Jr." sabi ko sa kumpletong pangalan. "See yeah later, Miss Clovett Salmigan," sabi rin niya na may kasama pang kindat. Napailing na lang ako. Sinarado ko na ang sasakyan niya at naglakad kung saan ang tindahan ni Manang Thelma. Pagkatapos kung ipaalam ang plano ko kay mam Thelma ay agad akong umalis at naghanap ng masasakyan. Pagkarating ko sa sa address na binigay sa akin ay agad akong bumaba ng tricycle. Bitbit ang maliit ko na backpack ay agad akong nagtungo sa malaking gate na kulay asul. Nagdoorbell ako at naghintay. Maya-maya ay may lumabas. "Sino po sila?" tanong ng guard yata ito. "Uhm, ito po ba ang bahay ni Mr. He po?" ito lang ang nakalagay na pangalan dito sa address. "Mr. He? Ah si ano. Ay oo pala. Ikaw yata yung tinutukoy ni senyorito Car esti si Mr. He? Tama di ba si Mr. He?" ani ni manong na nauutal. "Pasok ka iha, nasa sala si Mr. He at kanina pa yata naghihintay sa'yo eh." dagdag pa niya kaya agad akong pumasok. Pagpasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang malawak na garden. Sumunod lang ako kay manong at dinala sa loob ng bahay. Napa wow ako sa nakikita ko na ayos ng loob, kulay cream ang buong loob at maaliwalas. " Nandito na po siya Mr. He." hindi ko namalayan na nasa sala na kami dahil sa kakamasid sa loob ng bahay at natuon ang gawi ko sa sala ay may nakaupo na lalaki nasa edad yata 45 to 50? "Good morning po. Ako pala si Clovett Salmigan. Ako po yung nag-aaply ng trabaho po na babysitter." paggalang ko sa lalaki. Pinagmasdan niya lang ako at maya-maya ay ngumiti na. "Maupo ka iha, hindi na ako mag paligoy-ligoy pa. Una magbigay ka ng oras kung kailan ka pwede magtrabaho at kung ayaw mo ng stay in ay mababa lang ang sahod mo pero kung gusto mo ng stay-in ay mas maganda para mas matutukan mo ang anak ko. Sa lahat ng bagay lalo na sa pagkain, pihikan kasi yun paminsan-minsan," ani ni Mr. He pagkatapos niyang basahin ang sulat na nasa one whole na papel? "Ang gusto ko po sana ngayon Mr. He na stay-out po muna dahil ayoko pong mawalay sa mama ko po. Kung okay lang po sana sa niyo." agad kong sabi. "Okay walang problema iha." "Dad?" may narinig akong tumawag galing sa itaas ng hagdan. Binalingan ko ang hagdanan dahil may narinig akong hakbang na mga paa na bababa. Ngunit ganun na lang ako nabigla ng makita kung sino ang lalaki na bumaba at wala pa sa ayos ang buhok dahil bagong ligo. Naka black na short at white V-neck ang suot na t-shirt. Huh? Paanong? "Carlos Jasper?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD