Chapter 17 CLOVETT SALMIGAN POV Matalim ang tingin ko kay Carlos habang nasa hapag-kainan ang kanyang mga totoong mga magulang. Akala ko ba si sir Hardin ang totoong tatay ni Carlos dahil na rin sa pareho sila ng hugis ng mga mata tapos ngayon malalaman ko na lang na nasa harapan ko lang pala ang totoong pamilyang Jasper. Alam kong nakatingin siya sa gawi ko habang nagsasalita ang mga magulang niya. Parang sinasabi niya I can explain later. Explain sayong mata. Uuwi ako at ayaw kitang makausap kang Carlos ka. Nanggigigil ako sayo. "Oh akala ko ba may ipakilala ka sa amin na asawa mo? Ito ba yung kaklase mo nung highschool na pumunta dito sa bahay o nung college ka na umakyat pa nga kayo sa taas at pumunta sa kwarto mo dahil may gagawin daw kayo ng assignment. hmm…" ani ng nanay niya.