Chapter 16 CLOVETT SALMIGAN POV "Mabuti at naisipan mo pa na umuwi sa pamamahay na ito! Di sana, hindi kana lang bumalik kung saan ka mang lupalop ng mundo pumunta." galit na sabi ni mama pagkalabas niya ng kwarto. "Sorry po, may emergency meeting po kasi yung amo ko at kinailangan na sumama sa kanya paalis kaya hindi po ako nakauwi ng ilang araw." paliwanag ko. "Sinabi ko bang magpaliwanag ka!" Yumuko na lang ako. Nilagay ko na ang panghuling ulam niya sa lamesa. For sure ganadong kakain si mama dahil marami ang niluto ko para sa kanyang agahan. Kung may lakad naman siya mamaya at gusto niyang baunin kaya mabuti na lang na naparami ang inihain ko. Kahit kasal na kami ng amo ko ay may sahod pa naman daw ako sa kanya. Kaya malaking pasasalamat ko dahil kahit papano ay makapagbigay a