Chapter 18 CLOVETT SALMIGAN POV Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto pero nagulat ako na nakita ang lalaki ni mama sa harap ng pintuan ko pabalik-balik ang lakad. Nakita niya ako at agad siyang ngumiti. Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa kusina para makapag luto na ng pagkain ni mama para agahan dahil mamaya aalis na kami ng kaibigan ko para sa extra ko na trabaho. Nakapagpaalam na rin si Carlos sa akin kahapon na may event o kasal siya na dadaluhan bukas kaya hindi kami magkasama buong araw at bukas. Isa siya sa maging best man. Ayon kay Juliet na kasal din ang pupuntahan namin. Hindi ko lang na itanong kay Carlos kung kanino at saan ba ang kasal na pupuntahan niya. Baka mamaya ko na itatanong kapag nakatapos na ako sa lahat-lahat na gagawin. Baka yung ka