Chapter 9 Carlos Jasper Jr POV Nakaupo ako ngayon sa side chair habang nilagay ko ang siko sa ibabaw ng lamesa. Pinagmamasdan ko ang bagong Yaya ko na abala sa pagluluto, nakabun ang buhok at may mga nakalugay parin na hindi na niya tinatali, habang may apron na suot. Naaaliw akong panoorin siya habang nagluluto. Marunong naman akong magluto pero gusto kong makita kung may alam din siya. Malay ko baka pwede siyang asawahin kapag nakapasa sa panlasa ang kanyang niluluto. Shit! Bakit yan ang naiisip ko ngayon? Hindi ko nga alam kung anong nasa isip nitong little miss na ito habang kinakausap ko, lagi na lang nagtataray. "Pakuha ng paglalagyan nito please," utos niya sa akin at dahil gutom na rin at isa pa naawa na rin ako sa itsura niya kaya sinunod ko ang utos niya. "Ok little mis