Chapter 10 CLOVETT SALMIGAN POV: Nasa kwarto ako at ginagamot ang sugat ko. Nakalmot kasi ako ni mama kanina, at tumama ang ulo ko sa pader habang inaawat niya ako sa lalaki na kasa-kasama ni mama. Wala akong alam kung sino yon at kaano-ano namin. Bakit ganun na lang tratuhin ni mama ang lalaking iyon kaysa sa akin, ang malala pa ay sinaktan niya ako sa harap mismo ng lalaki. Pinagsabihan ng hindi maganda. Hindi ko naman alam na nandito na pala siya namamalagi. Dinala niya sa kwarto ang lalaki at doon na siguro natulog pagkatapos gamutin din ang sugat na pinaghampas ko ng walis-tambo. Nahilo ako kanina buti na lang at nakarating pa ako agad sa kwarto ko bago ako tuluyan na nawalan ng malay kaso nga lang hindi man lang ako umabot sa maliit na kama kundi sa sahig na ang bagsak ko. Mab