Chapter 8 Clovett Salmigan POV Madaling umaga pa lang nagising na ako para magluto ng agahan para kay mama. Nagluto ako ng sinangag, itlog at bacon para naman ganadong kumain ang mama ko. Umuwi ako at tulad sa nakasanayan ko na, ay hindi na niya ako pinapalayas sa bahay dahil nag bigay ako sa kanya ng pera. Hindi ko binigay lahat para naman kinabukasan ay may maiabot ulit ako. Ngayon ang unang trabaho ko bilang hindi Yaya…Yaya? Hay ang laking tao na yun gusto pang magkaroon ng Yaya. Anong silbi ng kanyang kamay at paa na hindi niya ginagamit ang mga ito. Mas mabuti pa pala ang mga may kapansanan man sila ay hindi hadlang sa kanila ang mga gawain o tuparin ang mga pangarap nila pero ang iba dito ko sinasabi na si boss Carlos ito pero parang ganun na nga. Hay ang kulot na 'yon. Dah