Chapter 3

2028 Words
Chapter 3 Clovett POV "Hala totoo ba? Patingin?" tanong ko kay Juliet habang may hawak ng mga flyers. Inabot niya sa akin ito at binasa ko naman. "Totoo kaya ito? Babysitter daw ang hanap. Ano go ka ba? Stay in or stay out pwede raw eh." aniya. "Tawagan ko mamaya, sana lang maayos lang ang pag-uusap namin sa mga magulang ng bata na babantayan ko." Napangiti akong binalingan si Juliet na natutuwa rin. "Sige, pero kaya mo ba? Kung papasok ka doon tapos dito naman sa karinderya,kaya pa ba ng katawan mo? Dapat isa lang," concern na ani ni Juliet sa akin. "Kakayanin, ganun naman dapat di ba? Kailangan eh?" sabi ko. "Hay, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa kalagayan mo ngayon Clovett Bakit ba kasi nagkaganyan ang mama mo? Hindi niya ba pwedeng kalimutan lahat na nangyari sa kanya dati at isa pa wala ka namang kasalanan girl, bakit sa'yo pa nagagalit. Ako niyan iwan ko na lang kung kaya ko pang magstay sa bahay kung ganyan lang din ang mama ko." ani niya. Napabuntong hininga na lang ako at nginitian siya, "ayos lang Jul, ang mahalaga hindi niya na ako pinapalayas sa bahay at nasanay na rin siya sa pagmumukha ko. Nagagalit lang naman siya kapag wala akong naiabot kaya dapat magtatrabaho pa ako ng mas malaki ang kikitain ko kaysa dito. Ayos naman kina manang Thelma pero naiintindihan ko na may mga anak pa sila kaya ito lang ang sahod natin," paliwanag ko. "Nah hala, hindi na kita niyan pipigilan, madali lang naman siguro magbantay ng bata, basta kapag umiiyak isa lang ibig sabihin yun kapag sanggol pa 1-2 years old pa lang isa lang kung bakit sila umiiyak, may popo o ihi na ang diaper kaya kailangan ng palitan. Pwede ring rason kung bakit umiiyak ang sanggol dahil nagugutom kaya magtimpla ka ng nasa bidbidron para iyon ang ipapadede mo, alamin mo lang sa magiging amo mo kung ilang scoop ng milk ang ilalagay," natuwa naman ako sa sinabi ni Juliet kahit hindi pa naman ako natanggap. Wala kasi akong kaalam-alam tungkol sa pagbabantay ng bata lalo kapag sanggol, kaya sana kakayanin ko. Sobrang busy kami sa araw na ito sa kakaserve na halos wala kaming pahinga lalo at lunch hanggang dinner ang bukas ng karinderya ni manang Thelma dahil nagrequest ang mga trabahador na nagtatrabaho sa pinapatayo na building dito malapit sa pwesto namin na dito na sila bibili o kakain, kaya ayos lang kasi nga hindi lang sahod ang matatanggap namin ngayon kundi may tip pa. "Maraming salamat po manang Thelma." "Walang anuman, na hala mauna na ako sa inyo dahil hinihintay na ako ng mga anak ko." paalam ni manang sa amin. Kumaway lang kami no'ng naglalakad na siya paalis. Nasa labas na kami ng karinderya at uuwi na rin. 7' o'clock ng ng gabi at baka tulog na ngayon si mama. "Ganda sana gumala ngayon pero inaantok na rin ako eh," wika ni Marga. "Ay ako wala yan sa isip ko, gusto ko lang kumain ng isaw diyan malapit sa kanto." sabat naman ni Juliet. Nagkatinginan kami, "Kain tayo?" ani ni Marga. Dahil pareho kami na gustong natakam kaya pinuntahan namin. "Tatlong isaw, atay at hotdog kuya," inabot ni Thelma and lulutuin ni kuya sa uling. Napasarap ang kain namin habang nagkukwentuhan, may bumibili rin kaya tumabi kami sa may gilid. "Next time lugawan naman ang pupuntahan natin, masarap naman doon sa may kakilala ko." wika ni Marga. "Oo ba, basta libre mo!" Nag thumbs up si Marga kaya ako naman ang next time na manglilibre sa kanila, ang isaw si Thelma ang nagbabayad ngayon. "Bye Thelma and Marie. See you tomorrow." paalam ko sa kanila. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't-isa ay sumakay na ako ng jeep dahil pagod na rin kung lalakarin ko pa. "Bakit ngayon ka lang babae ka?" nagulat ako na bigla na lang may nagsasalita 'pag ka bukas ko agad ng pinto. "Kung saan-saan ka na naman pumupunta, alam kong may sahod ka ngayon, ibigay mo lahat sa akin dahil maaga akong aalis bukas," ani ni mama habang nakapamewang at galit na nakatitig sa akin. Kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang pera na nakaseparate na para sa kanya. "Ito po," wika ko. Kinuha niya ito sa kamay ko at binilang. "Ito lang? Piste, 300 lang ang sahod mo sa isang araw na wala ka sa pamamahay na ito?" galit na tanong niya. "May 200 po akong itinabi para sa pagkain natin kinabukasan po." "Sumasagot ka pa!" sabi niya habang hinampas sa ulo ko ang papel na pera na hawak niya. "Kung ganyan naman pala kaliit ang sahod kung saan ka mang pisteng lugar na yan eh sa club ka nalang magtatrabaho kung ganyan, makakuha ka ng parokyano malaki magbigay yun, isang gabi lang may mahigit 300 o isang libo ka pang nakukuha kaysa diyan sa trabaho mong walang kwenta." sabi ni mama habang tinalikuran ako at pumasok na sa kanyang kwarto. Hindi ko mapigilan na umiyak, hindi dahil sa paghampas niya ng bagay sa ulohan ko kundi kaya niya akong magtrabaho sa club? Kung saan pwede kung ibenta ang katawan ko para lang magkapera? Hindi naman ako ganun ka bobo kung anong ibig sabihin ni mama. Alam ko iyon, alam na alam ko. Pagkarating ko sa maliit na kwarto, wala na akong ganang maghubad, maligo o magpalit ng damit man lang. Pagod ako sa trabaho kanina lalo at panay nakatayo lang kami dahil sa marami rin ang sineserve namin dahil sa maraming tao. Binaluktot ko ang katawan ko at dito na lang muna ako matutulog, ayokong marinig ni mama ang mga hikbi ko. Pagod na ako sa lahat-lahat pero hanggang nandito pa ang mama ko ay kailangan kong maging matatag, siya na lang meron ako. Hindi ko alam kung may kamag-anak pa kami, meron naman daw sabi ni lola noong nabubuhay pa siya pero hindi ko lang maalala kung saang lugar iyon. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak. Bumangon lang ako na may naalala. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang flyers na inabot sa akin ni Juliet. Ng makita ko na ang cellphone number ng may-ari ay kinuha ko ang keypad na kakabili ko lang at nilagyan ko na agad ng load. Tenext ko ang number na nandoon kahit gabi na, para naman kinabukasan kung mabasa man ng may-ari na mag-aapply ako para taga bantay ng anak nila ay alam ko na agad ang sagot kinabukasan kung tanggap ba ako o hindi. Itatabi ko na sana ang cellphone ko na bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at binasa ang text at ganun na lang ang saya na naramdaman ko. Gusto kong tumili hindi ko alam kung bakit ako masaya. Hindi ko pa naman nababasa kung ano ang mensahe, number pa lang naman ang nakita ko. Unknown: Ok, you have an interview this coming Saturday. Let's talk about your works and salary and other details "Gosh! Totoo ba ito!" Agad-agad naman akong nagreply na pupunta ako. Masama man ang pakiramdam ko kanina pero ngayon bigla ulit akong sumaya. Kaya instead na matulog sa maliit ko na kwarto o tinatawag na bodega ay babalik ako sa kusina para doon na magpahinga baka kinabukasan late akong magising. Bago pa ako pumanhik sa labas ay inayos ko muna ang mga gamit ko sa bag, kasi parang dinaanan na ng bagyo ang mga ito. Habang pakonti-konti ang mga gamit ko sa kakalagay sa bag ay may napansin ako. Nilabas ko ulit ang laman ng bag at binalik ulit. "Saan na ba yon? Nandito lang yun ah," tanong ko sa sarili ko. Hindi ko mahanap ang isa ko pang ID, saan ko ba yon last na nagamit? Binalik naman yon sakin eh nung last na punta sa office nila. "s**t, kailangan kong makita yun pero saan naman?" kausap ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong oras na naman akong nakatulog kagabi dahil sa kakahanap ng ID ko, hahanapin ko ulit sa karinderya baka nandoon lang. Narinig ko na palabas na ng kwarto si mama kaya umalis na ako sa kusina, kahit puyat ako dahil kagabi ay mabuti na lang na nagising pa rin ako ng maaga. Wala akong sermon na matatanggap dahil nakaluto na ako ng pang-almusal ni mama. Habang nagtutupi ako ng mga damit na nilabhan ko kahapon dito sa likod bahay namin ay nahagip ng mata ang t-shirt ko na nadumihan noong isang araw. Ok na sana eh, naisip ko na naman ang pagmumukha no'ng lalaki na iyon. Kahit nga sa panaginip ko ay nandoon siya at matalim kung makatingin sa akin. Alam kong may kasalanan na ako sa kanya, una yung sasakyan na sinira ko na pwede naman palang mapag-usapan ng maayos ang pangalawa? Hmm…hanggang ngayon kaya masakit pa rin ang ano niya? Mga hita? Hindi ako sure kung saan ko talaga siya na tamaan kung pati ba itlog non ay natamaan ko, may rason naman ako kung bakit ko yun nagawa sa kanya, kasalanan naman niya. Bastos siya eh kaya bagay lang sa kanya, yun. Isa pa sumasakay na ako ng jeep para hindi na magkasalubong pa ang mga landas namin. Baka mamaya niyan, pababayaran ako ng mas malaking halaga dahil sa damage na ginawa ko. O di kaya, mabibilanggo ako. Nakakatakot at nakakahiya naman kung ganun. Ano naman ang kalaban-laban ko lalo at mapera ang lalaking iyon. Narinig ko na bumukas ang pinto at maya-maya ang pagbubukas ng gate, baka paalis na si mama at pupunta na naman kung saan. Sanay naman ako na aalis siya na hindi siya nagpapaalam sa akin. Parang wala nga akong kasama dito dahil kakausapin lang ako ni mama kapag may mali o di kaya kulang ang binigay ko na pera sa kanya. Nilagay ko na ang mga damit na natupi ko na sa isahang basket, para mailagay ko na ito sa cabinet bago ako umalis ng bahay. "Talaga? Wow congrats kung ganon. Kailan ka ba daw magsisimula?" tanong ni Marga sa akin. "Hindi ko pa alam, basta magkikita kami nitong darating na Sabado, para pag-usapan ang sahod ko at ibang detalye," sabi ko. "Wow ha, ikaw na talaga ang pinagpala Clovett dahil marami kang raket. Pero Inday ang kalusugan mo naman ang intindihin mo, baka mamaya nyan ay pagod ka na pala tapos hindi ka pa tumigil sa kakatrabaho." pag-alala ni Marga sa akin na sinang-ayunan naman ni Juliet. "Ayos lang, kaya pa naman. Kung hindi na then itutulog ko na lang. Kaya salamat sa inyong dalawa na nandyan pa rin sa akin kahit ganito ang estado ng buhay ko." ani ko. "Sus ito naman parang others, naiintindihan ka namin at naawa at the same time dahil sa kalagayan mo na hindi ka parin tanggap ng magulang mo, lalo ang nanay mo na kayo na nga lang ang nagkakapitan pero siya naman itong lumalayo." saad ni Juliet. "Basta narito lang kami para sa'yo, wag kang mahiyang magtanong kung may kailangan ka dahil kung kaya naming ibigay ay walang alinlangan na tutulungan ka namin." sirit naman ni Marga. Alam kung naluluha na ako kaya ang tanging yakap na lang nila ang tanging nagpapatatag sa akin lalo na kung uuwi ako ng bahay na hindi ko man lang yon maramdaman sa isang ina. Ang makayakap siya at marinig sa kanya ang salitang anak. Yan kasing katagang na yan ang hinihintay ko na marinig sa isang ina na tawagin niya ako na anak. Na maako niya na anak niya ako at hindi yung anak sa labas lang. Gusto ko na rin siyang tawaging mama, sana lang hanggang sa huli ay maranasan ko yon. Maya-maya may narinig kaming pumasok sa loob ng karinderya. "Good afternoon po!" Bati namin sa pumasok. Tatlong lalaki ang pumasok at ang tatangkad. "Ito na ba ang sinabi mo na kakain tayo?" tanong ng lalaking naka hoodie. Pinagtitigan ko ang mga bagong pasok. Wait a minute kapeng mainit. Nangunot ang noo ko ng mamukhaan ang isa ay hindi… dalawang mukha. Wait sila yung.. s**t. Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Sana naman hindi agad ako namukhaan ng dalawa. Pumasok lang sila sa isip ko kanina tapos ngayon, ito na silang dalawa at may kasama pang isa. Hindi kaya? "Hello Miss,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD