Chapter 1

1717 Words
Chapter 1 Clovett POV: "Ano? Ito lang ang maibibigay mo sa akin? Wala ka talagang kwentang babae ka! Lumayas ka sa harapan ko bago pa kita masipa palabas ng bahay!" galit na singhal ni mama sa akin. Kulang kasi ang pera na binigay ko sa kanya para ipangsugal niya. Nilalagnat kasi ako noong nakaraang araw pa ito at hanggang ngayon pero pinilit ko pa ring makapunta sa tindahan ni manang Thelma para naman may maibigay ako kay mama, naiintindihan naman nila ako kaya mabuti na lang na pumayag. Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga dahil ramdam ko na talaga ang pagod sa katawan. Pagkatapos kung kumain kanina ay uminom naman ako ng gamot para sa lagnat para mawala na ito ng lubusan. Kaya ngayon kailangan ko lang talaga ng pahinga. Nasa loob na ng bahay si mama ng iniwan ko siya, for sure matutulog na iyon dahil nakarating na ako para maabot sa kanya ang kita ko sa araw na ito para ipangsugal niya bukas. May konting pera pa naman ako rito para pambili ng makakain namin bukas. For 23 years ito na ang naging buhay ko. Naging malala lang ngayon dahil sa kakasugal ni mama na halos araw-araw nasa mga kaibigan niya ito tumatambay. Nakapag-aral naman ako ng highschool kahit papano at nakapagtapos pero ngayon trabaho muna ang inaatupag ko at maghahanap muna ako ng magandang pagkakitaan, kahit may carinderia na akong tinatrabahuan pero hindi iyon sapat sa pang-araw araw na gastusin. Mabuti na lang na itong bahay na tinitirhan namin ay sariling bahay ni lola kaya kahit walang ibang bahay si mama ay bahay narin namin ito. Namatay na ang Lola ko sa araw noong labing limang gulang pa lamang ako dahil narin sa may sakit ito na tuberculosis. Kaya kami na lang ni mama ang naiwan, iyon nga lang hindi ako masaya dahil kapag pinapagalitan ako ni mama wala ng kakampi sa akin, wala nang magsasabi sa akin na mga pagsubok lang ang mga nangyayari sa buhay ko. Ni minsan hindi ko kilala ang papa ko, dahil simula pa noon ang laging sinasabi ni mama na anak ako sa labas at ang papa ko ay may ginawa sa mama ko na labag sa kanyang kalooban kaya noong nalaman na nabuntis si mama ay plano pa sana nitong ipalaglag ako, mabuti na lang at napigilan siya ni lola kaya laking galit ni mama na hindi na niya makakalabas ng nine months dahil sa nabuntis ako. Maraming nagsasabi sa akin na hayaan ko na lang ang mama ko at lumayo na lang sa kanya pero hindi ko kaya, mas okay na sa akin na sinasaktan niya ako o pagsabihan ng masasama kaysa iiwan ko siya na mag-isa. Kahit ayaw niya sa akin, ayos lang ang mahalaga kasama ko parin siya. Hindi naman siguro habang buhay na ganyan ang mama ko, balang araw matutunan niya rin akong mahalin. Balang araw tatawaging niya rin ako na anak o kakit pangalan ko man lang kahit hindi man buo basta marinig ko ang mga katagang iyan sa bibig niya. "Ano! Tulog ka parin ba diyan? Nauna pa akong nagising sa'yo!" Naalimpungatan ako dahil sa maingay na kaldero, nasa kusina kasi ako natutulog dahil malapad ang lamesa namin kaya malapad rin ang upuan na gawa sa kahoy. Dito ako natutulog simula noong nawala na si lola para madali na lang sa akin magising para makapag saing na agad ng kanin at makapag-init ng tubig bago magising si mama may makain na siya pero hindi ngayon dahil sa alas singko sana na gising ay lampas 6 na ng umaga ako nagising, kung walang kumalabog, hindi pa sana ako magigising. "Ano tunganga ka lang diyan? May pupuntahan pa ako tapos ngayon wala pa akong makitang pagkain sa lamesa!?" sigaw ni mama sa akin. Dali-dali akong bumangon at kahit wala pang hilamos at suklay ng buhok ay agad akong pumunta sa dapogan namin para makapag luto na. May natira pang kanin kagabi kaya isasangag ko na lang ito at ang kapares ay tuyo at itlog. "Wala pa ba?" tanong ni mama, naiirita na. "Malapit na po," mama, gusto kong sabihin ang katagang iyan pero ayoko namang masira ang umaga niya dahil sa pagtawag ko sa kanya na mama. Padabog itong kumuha ng tasa at lumapit sa thermos para salinan ng mainit na tubig at nilagyan niya ng sachet ng kape. Dahil madali lang naman naluto ang almusal niya kaya agad ko naman itong inihain sa kanya. Ng makita kong kakain na siya ay lumabas na ako ng bahay para magdilig ng mga halaman. Ayaw niya akong nakikita kapag kumakain siya dahil nasusuka siyang makita ako dahil may naalala kaya hangga't maaari lumalayo na ako sa kanya. Babalik na lang ako sa loob kapag umalis na si mama ng bahay. Naghahanap ako ng trabaho ngayon na pwede stay-out para naman pandagdag sa gastusin lalo ngayon na kapag umuubo si mama ay parang matigas kaya kailangan ko siyang ipa ospital. Hindi talaga kasya ang pera na nakikita ko sa karinderya kaya kailangan ko ng extra. Hahatiin ko na lang ang oras para naman kahit papano, makapagtrabaho pari ako kina manang Thelma. Minsan kapag may sobra sa paninda na ulam ay binibigyan nila kaming nagsisilbi para hindi masayang o mapanis para kinabukasan iba naman ang lulutuin. Kaya nakakatipid din ako sa gastusin dahil may ulam akong madala para kay mama na magana naman niyang kinakain. Ayos lang kahit toyo o kamatis lang ang ulam ko minsan basta makita ko lang na ganado ang mama ko ay sobrang saya na ng puso ko. Baka sa paraan na yan ay mamahalin na niya ako at tatawaging na anak. Hindi ko alam kung kailan yun mangyayari pero umaasa ako na balang araw paggising ko, anak na ang tawag niya sa akin kaysa babae o hayop ka. "Oh ano na nakahanap ka ba?" Tanong ni Juliet sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil bigo ako sa araw na ito. May nakita akong wanted sa bakery shop kaso mababa lang ang sahod. Ang iba naman ay stay-in dapat kaya hindi ko na rin sinubukan total magkapareho lang halos ang sasahoran ko same dito sa karinderya. "May paparating na kakain, hintayin niyo na sila sa pinto para pagsilbihan sila." tawag sa amin ni manang Thelma. Tumango kami sa kanya at pumunta na sa harap para kung may tumawag na costumer ay agad kami o akong makapunta sa kanila para ibigay ang order. Naging busy ang araw ko ngayon at mabuti na lang kahit papano ay marami ang kumakain ngayong araw. Kahit pagod pero sulit, dahil may maiuwi ako na pera sa bahay at alam kung may tip pa kami nito. Dahil wala ang tagahugas ngayon dahil may sakit kaya ako na rin ng ang nakatuka sa mga hugasan. Sanay na kaya madali na lang sa akin na matapos ang mga gawain. "Ay salamat naman at nakabawi kahit papano ang puhunan natin ngayong araw at konti na lang ang natirang ulam." nakangiting saad ni manang Thelma. " Ito ang mga sahod niyo." Ako at si Juliet ang kasama ko rito, wala si Marga kaya malaki ang binigay sa akin dahil ako pa ang naghuhugas, hahatian ko pa sana si Juliet dahil baka magtampo na malaki yung sa akin kaysa kanya pero hinampas lang ako sa braso dahil hindi naman pwede, alam niya kasi na kailangan ko kaya naiintindihan niya. Alas siete na ng gabi at uuwi na ako ngayon, mas marami kasing tao rito kapag alas tres hanggang alas siete pero dahil may mga anak pa si Manang Thelma kaya maaga kaming magsasara. Kung mas maagang naubos ang mga panindang ulam mas maaga kaming makakauwi. Naglalakad lang ako sa gilid ng highway para makasave sa pamasahe. One hour lang naman ang lalakarin ko para makarating sa bahay. Marami naman ang naglalakad kaya hindi na ako natatakot, wala naman silang makuha sa akin kung may magtakang magnakaw kung sakali. Wala akong cellphone, may pera ako pero maliit lang ito at bago pa nila ito makuha ay aalis na lang sila panigurado kasi inipit ko lang naman ito ng mahigpit sa aking bra, si Juliet ang nagturo sa akin ng ganito, hack daw ang tawag para hindi manakawan. May nakita akong lubak na daan at maputik kaya tumabi ako, pero napamura na lamang ako na may biglang sasakyan na dumaan at huminto sa may 7/11. Paanong hindi ako mainis eh naputikan ang puting damit ko. Eh kakabili ko palang nito tapos grr. Matalim kong sinundan ng tingin ang sasakyan na hindi ko alam kung ano ang pangalan dahil wala akong idea sa mga sasakyan na ganyan. Kung pwede lang bumaliktad yan ng dahil lang sa tingin ko ay sobrang saya ko yata. Nakita kong may lumabas sa sasakyan at pumasok sa convenient store. Dahil sa inis ay naglalakad ako ng mabilis kung saan nila pinarada ang kotse at habang nasa harap na ako ay pinag sisipa ko ang gulong, ayokong makapanakit ng tao kaya itong sasakyan ang gusto kong saktan. Ito na nga lang ang damit na meron ako, paano na lamang kung mamantsa ito at hindi na yata matanggal at bumalik sa dati? Nagtitipid pa naman ako ng sabon tapos ito pa ang ginawa ng walang hiyang driver na 'yon. "Ang haba ng kalsada at maluwag, kung saan pa ang may putik ay doon pa dumaan, Gago ka! Iyan ang bagay sa'yo!" Kausap ko sa sasakyan habang pinaghahampas ko ng bag ko at di na kuntento pati yung salamin ay nahampas ko pa ng dala ko na pentel pen. Wala na akong pakialam kung malapit na itong mabasag. "What the hell are you doing?" Isang baritong boses ang narinig ko sa likuran. "Hindi ka naman siguro bulag na hindi mo nakikita na nakikipag-away ako sa sasakyan na ito!" patuloy ko parin sa ginagawa na hindi nilingon ang lalaking nasa likuran ko. "Ang lapad-lapad ng kalsada, at makikita mo naman siguro na may putik sa bandang iyon pero doon pa talaga dumaan." Gigil ko na sabi. "Sige ipagpatuloy mo lang yan! Pero walang iiyak at nagmamakaawa.." "Bakit naman ako iiyak? Di ba dapat matawa pa ako na nakaganti ako ngayon?" sabi ko habang umiiling, sira ba siya. "Paano kung sabihin ko na pwede ka niyang ipapabarangay ng may-ari?" ani niya kaya napatigil ako roon. s**t! Bak– "Anong ginawa mo sa baby ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD