Prologue

1171 Words
Prologue "She loves me, she loves me not. She loves me, she loves me not?. Oh no... malapit nang maubos. She loves me, she loves me not oh yehey she loves me!" Clovett jumping for joy. Hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita habang pinagmasdan ang rosas na wala ng petal at nasisiyahan siya sa resulta. "She loves.. she loves me..." she sings it for happiness. Nasa garden rooftop si Clovett ng hospital ng probinsya ng Negros. "Tsk, masaya kana nyan?" nagulat siya dahil may narinig itong nagsasalita kaya naglakad siya kung saan niya narinig ang boses kanina. May nakita siyang batang lalaki na nagbabasa ng libro habang may malaking salamin sa kanyang mata. Kulot ang buhok at naka bonnet. Naka indian sit itong nakaupo sa gilid ng semento na haligi, nagbabasa ng aklat, dahil siguro nararamdaman niya ang presensya niya kaya umangat ang ulo nito para makita ang mukha ng babae. "Hi! Kanina ka pa diyan?" bungad ni Clovett sa batang lalaki. The same lang siguro sila ng edad o matanda ito ng ilang taon. Hindi pinansin ng batang lalaki ang tanong ng babae at nagpatuloy lang sa pagbabasa, kaya napahiya si Clovett. "Ang pangit ng ugali, ang sungit," anas niya habang nilalagay ang maliliit nitong mga kamay sa magkabilaang bewang. Wala na siyang pakialam kung nagliliparan na ang kanyang mahabang buhok dahil sa ihip ng hangin. "Nagtatanong lang naman ako eh, anong masama doon? Ang sungit!" Dagdag pa niya. Dahil hindi nagustuhan ng batang lalaki ang sinabi ng batang babae kaya agad niyang sinara ang libro at tumayo ito. Akala ni Clovett na aalis na ito pero laking gulat nya na nasa harapan na ang lalaki at galit na hinarap siya. "Masungit ako? Baka ikaw? Tingnan mo nagtataray ka!" saad nito. "Tahimik akong nagbabasa rito tapos panay ka naman ng sigaw ng sigaw diyan tapos maya-maya tumitili at pakanta-kanta pa, akala mo naman siguro na maganda ang boses mo." dahil sa sinabi niya kaya umiyak si Clovett sa harapan niya. Naalarma ang lalaki dahil baka pupunta ang mga magulang niya at magalit sa kanya. "Tahan na, huwag kang umiyak dito!" pang-aalo niya sa batang babae. "Bad ka, bad ka!" bulyaw niya sa kausap nito habang tinutulak niya ang batang lalaki. "Marunong kaya akong kumanta, sabi ni lola na maganda raw ang boses ko, bakit hindi ka sang-ayon doon? Bad ka!" saad niya habang nagpupunas ng kanyang mga luha. " Okay na, magaling ka nang kumanta, maganda ka rin?" sabi ng batang lalaki sa kanya. Dahil sa narinig, agad namang tumigil sa pag-iyak si Clovett. "Totoo? Promise?" Tanong nito habang pinapakita ang kanyang pinky finger sa lalaki. "Y. Yeah promise," sagot nito habang pinagdikit niya rin ang kanyang maliit na daliri sa babae para tumahan na. Mabuti na lang at bigla siyang natahimik at tinulungan niya ng punasan ang mukha ng babae gamit ang kanyang damit na suot dahil sa takot na pagagalitan siya ng kanyang mga magulang. "Akala ko hindi ka mabait eh. Ano pala ang ginagawa mo rito at nandito ka nakatambay?. Tanong ni Clovett sa lalaki. "My safest place is here, dito ako tumatambay kapag malapit ng mag-hapon habang hinihintay si daddy ko. And how about you? Why are you here? Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong niya kay Clovett. Nakaupo na silang dalawa sa rattan chair habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. "Hmm, nasa kwarto kasi ang mama ko, nagpapahinga." Aniya ni Clovett. "Nagpapahinga? Di ba dapat sa bahay niyo sa matutulog niyan. Hospital ito unlike kung doktor din ang nanay mo? " Tanong ng batang lalaki. Umiling si Clovett, "hindi naman doktor ang mama ko, pasyente rin siya. Sa katunayan, ako ang nagbabantay sa kanya kahit alam kong magagalit na naman siya sa akin kapag makikita niya ang mukha ko pero ayos lang, ang mahalaga naman ay ako ang nagbabantay sa kanya, di ba? " wika ko. Tumingin ang lalaki kay Clovett. "Kaya ba may mga pasa ka ngayon? Napagamot mo na ba ang mga iyan?" Dahil sa tanong ng lalaki ay itinago ni Clovett ang kanyang mga braso sa kanyang damit para hindi na siya tanungin ng lalaki. "Oh! Sabi ni lola mawawala raw ito balang-araw kaya ayos lang." Ani ni Clovett. "Palagi ka bang sinasaktan ng mama mo? Sana pinabaranggay niyo." mungkahi ng lalaki . Umiling lang si Clovett. "Hindi pwede ang hinihiling mo. Mahal ko ang mama ko. Kahit na sinaktan niya ako ng paulit-ulit. Ayos lang ang mahalaga nasa tabi niya ako palagi. Hinding-hindi ko siya ipapabilanggo. Mahal na mahal ko siya. Siya lang at ang lola ko ang mundo ko kaya hindi pwede na ikukulong sya, kawawa naman." Sabi ni Clovett. Bumuntonghininga ang batang lalaki dahil hindi niya makumbinsi ang babae. "Ikaw? Nandito ka lang ba para hintayin ang daddy mo? Para kasing nakita kita one time sa isang kwarto dito sa ospital, doon ba nagtatrabaho ang dad mo? " Tanong ni Clovett. Bumaling ulit ang lalaki sa kanya. "No... schedule ko kasi ngayong araw?" "Schedule? Saan?" naguguluhang tanong nito. " Chemotherapy...yeah..you know?" Umiling ako dahil hindi ko alam yun. "May sakit ka? Akala ko malusog ka at hindi ka sakitin. Pareho pala tayo. May sakit din ako pero binabalewala ko na lang, alam mo ba ano yon? Sakit sa tiyan kasi minsan wala akong makakain kaya sumasakit ang tiyan ko." sabi ni Clovett na may ngiti ang mga labi. "What is your wish?" Agad na tanong ng batang lalaki. Nakatitig sa kanya . "Wish ko...mmm...mabuhay pa ng matagal para makasama ko ng matagal ang mama ko. Hihintayin ko pa kasi na bago ako mawala, marinig ko siyang tawagin akong anak. Narinig mo ba kanina mahal ako ng mama ko, kaya ikaw 'wag kang mawalan ng pag-asa. Laban lang. Ikaw? Ano naman ang wish mo?" Balik tanong sa kanya. "Katulad ng isang araw that the sun sets to end the last chapter of our life today and rises again tomorrow for another chapter to start our own journey. That's why I'm still here, loving the sunset everyday." Wika nito. "Anak, let's go!" tumalikod sila pareho para makita ang tumatawag sa kanila. Ngumiti ang lalaki kay Clovett at umahon naman sa pagkakaupo ang lalaki. "Yes dad! How about you?" tanong ng lalaki sa batang babae. "Hmm pupuntahan ko na ang mama ko baka gising na at hinahanap niya na ako ngayon." wika niya sa lalaki. Kakalubog lang ng araw kaya naisipan na nilang umalis doon sa roof garden. Sabay na silang bumaba sakay ang elevator. Pagkarating sa lobby ay hinatid pa ni Clovett ang batang lalaki sa may pintuan at kumakaway hanggang nakasakay na sila ng sasakyan at ngumiti lang si Clovett habang patuloy pa rin sa kakakaway. Dahil hindi na mahagilap ang sinasakyan nila kaya umikot na si Clovett papunta sa loob ng hospital para mapuntahan ang kanyang Lola na nagbabantay sa kanyang mama. Pero yun na lang ang pagka dismaya niya na hindi man lang niya nakilala ang batang lalaki. Nakalimutan niyang magtanong ng pangalan nito. "Di bale na, magkikita pa naman kami," sabi niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD