CHAPTER 18: SET ME FREE

2620 Words
GOOD EVE!? DALAWANG ARAW KO GINAWA 'TONG CHAPTER NA 'TO! NAUBUSAN AKO NG SCRIPT HAHAHAHAH EXPECT TYPO ANG GRAMMATICAL ERRORS ENJOY!? ANDRIETTE'S POV Naguguluhan ako! Gulong-gulo na ako. Gusto kasi ni Calvin na bigyan ko siya ng pagkakataong mahalin ako muli. Pero binigyan ko na ng permiso si Carlos na manligaw sa akin. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina sa amin ni Calvin ay hindi lang ako nakasagot. Napaupo na lang ako sa sofa. Mabuti na lang dahil dumating na rin sa Patricia. Agad ko siyang tiningnan nang masama dahil ang tagal niya! Sinadya niya pa yata. " Oh anong binubusangot mo dyan?" Puna sa akin ni Patricia. Kanina pa ako nakabusangot pagkalabas ni Calvin. Nandito na kami ngayon sa kama at patulog na. " Ang tagal mo kasi kanina eh!" Paninisi ko sa kaniya. " Ayaw mo no'n? Magkakausap kayo?" " Tsk! Hindi 'yon ang problema!" Singhal ko sa kaniya habang siya ay kanina pa nakakunot ang noo. " Oh?" Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. " Nanghihingi kasi siya ng tsansang patunayan ang sarili niya na mahal niya talaga ako. At totoo na raw 'yon. Kaso ang problema ko ay nabigyan ko na ng permiso si Carlos na manligaw sa akin. " Pahina nang pahina kong sagot. Nagulat naman siya at nanlaki ang mga mata. Ako naman ay nagtakip na ng tenga dahil alam kong sisigaw siya nang napakalakas. " ANO?!!!!" Buong lakas niyang sigaw. Sabi na eh! " Bakit mo ginawa 'yon?! Nahihibang ka ba?! " Sunod-sunod na tanong niya sa akin. " Teka nga, teka nga! Kumalma ka muna! " Sigaw ko sa kaniya at nanahimik muna siya. " Mas nauna naman kasing manghingi ng chance si Carlos kaysa kay Calvin eh. Nabigyan ko na si Carlos ng permiso na manligaw bago nanghingi ng chance si Calvin. Eh hindi ko pa naman siya binibigyan. Si Carlos pa lang. " Kwento ko. " Kailan mo binigyan ng chance si Carlos na manligaw?" Tanong niya. " K-kanina no'ng papasok na tayo sa room. " Sagot ko naman." Naalala mo no'ng papasok na sana tayo sa room pero pinigilan ako ni Carlos kasi may sasabihin daw siya sa akin? " Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. " 'Yon 'yong time na 'yon. Dinala niya ako sa garden ng school. " Bumuntong-hininga naman siya." Problema nga 'yan. " Tanging tugon na lang niya." Mahal mo pa ba siya? " Mahina niyang tanong pagkatapos ng mahabang katahimikan. Tumungo na lang ako dahil hindi ko alam ang sagot. Inaamin kong may gusto ako kay Carlos kaya ko siya binigyan ng pagkakataon pero hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para kay Calvin. May nagsasabi sa akin na mahal ko pa rin siya at may parte namang pumipigil na mahalin ulit siya dahil masasaktan lang ako. " Paano 'yan?" Problemado niya ring tanong. " H-hindi ko alam. Nililigawan na ako ni Carlos at ayaw kong masaktan siya. Pero ayaw ko namang umasa rin si Calvin. " Bumusangot naman siya." Haba naman ng hair mo. " Natatawa niyang wika kaya napatawa na lang din ako at napailing. Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan bago namin napagpasyahang matulog. Pero ako hindi na naman ako makatulog! Binabagabag na naman kasi ako no'ng mga nangyari kanina. Natatakot na ako. Natatakot na ako sa susunod na pwedeng mangyari. Binabagabag din kasi ako ng kaligtasan nina Nanay sa probinsya lalo na't hindi ko sila madalas makontak. Napagdesisyunan kong bumangon na lang at kumuha ng pagkain. Kumuha ako ng dalawang chips at ice cream bago ako pumunta ng balkonahe. Sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin. Kinuha ko ang upuan at umupo bago nagsimulang kumain. Sana ganito na lang palagi. Payapa lang ang paligid. Kumakain ako nang mag-ring ang cellphone ko. Pumasok naman ako sa loob dahil nasa kama ang cellphone. Nagulat ako nang makita kong tumatawag si Carlos. Gising pa siya sa oras na 'to? Sinagot ko ito at bumalik ulit sa balkonahe. On call " Hello?" Bati ko sa kabilang linya. " Hoy, Carlos bakit gising ka pa?" Napabungisngis naman siya bago sumagot. " Hindi ako makatulog eh. Naeexcite pa rin ako para bukas." Tugon niya na nagpakunot ng noo ko. " Bukas? Anong mayroon bukas?" Kuryosong tanong ko dahil wala naman talaga akong alam tungkol sa mangyayari bukas. " Bukas ang simula ng panliligaw ko sa'yo." Sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko at napatawa na lang nang mahina. " Akala ko naman kung ano." Natatawa kong ani. " Eh ikaw bakit gising ka pa? Anong oras na ah? Naririnig pa kitang ngumunguya. " " Hindi ako pinapatulog ng nangyari kanina eh. " Bumuntong-hininga naman siya. " Don't worry. Mahuhuli rin ang may gawa no'n." Pang-aalo niya sa akin at napanguso naman ako. " And I promised that I will protect you. " Pangako niya. Natigilan naman ako. Matagal pa akong nanahimik bago unti-unting napangiti. Ano bang nangyayari sa'yo, Andi?! " Talaga? Poprotektahan mo 'ko?" Paniniguro ko sa kaniya at napabungisngis naman siya. " Of course. Anything for you. For my only girl. " Malambing niyang sagot. Nag-init naman ang pisngi ko kaya napailing na lang ako habang nakangiti. Nawala naman ang ngiting 'yon nang makita ko si Calvin sa kabilang balkonahe na nakatitig sa akin ngunit nag-aalab sa galit ang mga mata. Napalunok muna ako bago ulit magsalita. " S-sige na, ibaba ko na." Paalam ko. Nararamdaman ko kasi ang galit ni Calvin kahit nasa malayo siya. " Okay. I guess you're sleepy now." " O-oo eh, maaga rin kasi ang pasok bukas. " " Yeah. Goodbye. Sweet dreams. " " Bye. Sweet dreams din. " At pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Napatingin naman ako kay Calvin na ngayon ay nakatitig sa akin na walang emosyon ang mukha. Nakita ko pang nagtiim ang kaniyang bagang bago pumasok sa loob. Medyo kinabahan naman ako at napabuntong-hininga na lang. Uupo na sana ako para kumain ulit nang may kumatok sa pinto. Agad ko itong binuksan at tumambad sa akin si Calvin na nakahawak sa hamba ng pinto at nakayuko. " A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Kinabahan naman ako dahil baka tungkol ito kanina. Napabuntong-hininga siya nang malalim bago hawakan ang kamay ko at hilahin ako papunta sa kwarto niya. Mabuti na lang at naisara ko pa ang pinto. " C-calvin! Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong nagpupumiglas sa kaniya. Nang makarating kami sa loob ay pabalibag niyang sinara ang pinto at isinandal ako roon. " F*ck, Andi,ano bang ginagawa mo?!" Sigaw niya sa akin habang nakacorner ako sa pinto. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. " Wala naman akong ginagawa!" Sigaw ko rin pabalik. " Ikaw, anong nangyayari sa'yo?! Bakit ka nagkakaganyan na lang bigla?!" " Because I'm so f*cking jealous!" Sigaw niya at nabigla naman ako. " Nagseselos ako dahil kaya kang pangitiin ng ibang lalaki! Nagseselos ako dahil kumakausap ka ng ibang lalaki! At nagseselos ako dahil kaya kang pakiligin ng ibang lalaki! F*ck, Andi, kaunti na lang mababaliw na ako!" Sigaw niya sa akin at sinabunutan niya ang buhok niya habang unti-unting lumuha. Napaawang naman ang bibig ko at natulala. N-nagseselos siya Hinila niya ang kamay ko at ikinulong sa kaniyang mahigpit na yakap. " P-please, don't do this to me. I'm so jealous. Nahihirapan na ako." Umiiyak niyang pakiusap. Nahihirapan din akong makita kang umiiyak... Naluha na lang ako at unti-unti siyang niyakap. " Pero Calvin hindi mo 'ko pwedeng ipagdamot sa iba." Mahina kong wika at mas humigpit naman ang yakap niya. " Hindi mo 'ko pagmamay-ari." Dugtong ko. " No! You're mine. You are only mine!" Sigaw niya pagkabitaw sa akin. " Pero Calvin walang tayo! Hindi mo 'ko pagmamay-ari at gano'n din ako sa'yo dahil wala naman tayong relasyon!" Wala naman siyang naisagot at napasabunot na lang ng kaniyang buhok. Siguro oras na para malaman mo... " At n-nanliligaw na rin sa akin s-si Carlos..." Mahina kong dagdag at napatingin naman siya sa akin. " He's what?!" Gulantang niyang tanong. Nagulat naman ako kaya hindi ako kaagad nakasagot. " Repeat what you said, Andi!" Maotridad niyang utos. Napalunok muna ako at huminga nang malalim bago sumagot. " N-nanliligaw na si Carlos sa akin." " F*ck, Andi!" Buong lakas niyang sigaw at tumalikod sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang ibalibag ang mga gamit kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at umiyak nang palihim. " W-why did— f*ck!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil napahagulhol na lang siya. Ako naman ay tuloy-tuloy lang na umiyak na halos hindi na ako makahinga. Ang bilis bilis na rin ng t***k ng puso ko. " H-huwag naman g-ganito, Andi.." Nanghihina niyang ani at umiyak siyang muli. Wala naman akong nagawa kundi yakapin na lang siya. I'm sorry. Sinuklian naman niya ito nang mahigpit na yakap. Yakap na nagsasabing kaniya lang ako. Yakap na umaangkin sa akin. At yakap na ayaw akong pakawalan. " Please,Andi. D-don't do this to me." Pakiusap niya at muling sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. " Mahal naman kita, Andi. Mahal na mahal kita eh." Umiling naman ako. " Hindi pwedeng mahal mo lang ako,Calvin. Hindi sapat na dahilan 'yon para ipagdamot mo 'ko. Calvin, hindi mo ako pagmamay-ari. " Paliwanag ko sa kaniya. Hindi niya ako naiintindihan!! Umiyak lang siya nang umiyak at hindi na sumagot. Tumahan naman siya at bumitaw sa yakap ko. Ako naman ay napatungo na lang. " Look at me." Utos niya sa akin. Sinunod ko naman ito at bigla niya akong sinunggaban ng halik. Halos mapasandal naman ako sa pinto dahil ramdam ko ang diin ng halik niya. Iginalaw niya ang kaniyang labi at naramdaman ko pang ipinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko. Ramdam na ramdam ko ang panggigil niya. Pipigilan ko sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang dalawang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at itinaas ito. Tumigil din naman siya at hinapit ang likod ko. Nagulat ako nang bigla niya akong inikot at sa isang iglap lang ay nakayakap na siya patalikod sa akin. " Wala man tayong maayos na relasyon,lagi mong tatandaan na akin ka lang. " Bulong niya sa akin na nagpatindig ng balahibo ko. " Lagi mong tatandaan ang bagay na 'to. Akin.ka.lang." Madiin niyang saad " At wala nang ibang pwedeng mag may-ari sa'yo. Don't challenge my possessiveness,babe. Baka hindi ako makapagpigil." Dugtong niya. Ang bilis naman ng t***k ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Huminga ako nang malalim nang unti-unti niyang halikan ang balikat ko. " What have you done to me, babe?" Mahina niyang tanong na nagpakunot ng noo ko. " I'm so f*cking inlove with you. " Muli niyang wika at hinalikan na ulit ako sa leeg. Napatagilid ko naman ang ulo ko kaya mas nabigyan ko pa siya ng daan para mas mahalikan ang leeg ko. Bahagya niya pa itong kinagat kaya napadaing ako. " C-calvin..." Daing ko nang maramdaman kong unti-unting gumagapang ang kamay niya papunta sa dibdib ko. Ang bilis ng paghinga ko. " Don't say my name,baka mas lalo akong hindi makapagpigil." Bulong niya sa akin at ibinaba na ang kaniyang kamay. Iniharap naman niya ako at niyakap nang mahigpit. " Malapit na ang birthday mo. Anong gusto mong matanggap?" Oo nga pala,malapit na ang birthday ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at bumuntong-hininga nang malalim bago ko sinabi ang mga katagang nagpagalit sa kaniya. " Palayain mo ako. Huwag mo 'kong ipagdamot sa iba at hayaan mo akong magmahal ng iba." Matapang na sabi ko kahit kinakabahan ako dahil unti-unti siyang bumitaw sa yakap ko. Nang makabitaw siya sa yakap ko ay agad akong tumungo. Ngunit kahit nakatungo ako ay tumatagos sa akin ang masama at nag-aalab niyang titig. Natatakot na ako! " Anong sabi mo?" Mahina niyang tanong sa akin na parang bulong na rin. Napalunok muna ako nang ilang beses bago ulit sumagot. " Palayain mo 'ko. Huwag mo akong angkinin at ipagdamot sa iba. Hayaan mo akong magmahal ng iba." Natahimik siya nang matagal na parang prinoseso niya pa ang sinabi ko. Nabigla na lang ako nang bigla siyang sumigaw at nagwala. " F*ck, Andi! Nababaliw ka na ba?! Anong palayain?!" Sigaw niya sa akin at nagsimula na namang sumigaw at magbalibag ng gamit. " Ahhhhhh, t*ngin*!!!" Wala naman akong nagawa kundi umiyak habang nakayuko. " Tumigil ka na!" Buong lakas kong sigaw kahit nanginginig na ako. " Tumigil?!! Gusto mo 'kong tumigil?! Bakit hindi ikaw ang tumigil?! F*ck, Andi! Hilingin mo na lahat ng gusto mong hilingin,huwag lang ang bagay na 'yan dahil hindi ko ibibigay 'yan!" " Pero 'yon ang gusto ko!" Pagpupumilit ko. " Para rin naman 'yon sa ikabubuti niyo ng girlfriend mo! Ayokong maging kabit!" Nasabunutan niya ang sarili niya at napaluhod na lang habang patuloy pa rin sa pagsigaw. Nakita ko rin na nagsilandasan na ang mga luha niya. Ako naman ay patuloy " Pasensya na. Pero kailangan mo na akong palayain. Kailangan mong matutunan mahalin ang girlfriend mo." Mahina kong wika sa kaniya. Siya naman ay tumigil na sa pagsigaw pero umiiyak siya habang nakaluhod. " Mas mabuti pa ay ilipat mo na kami ng dorm bukas. Kami na ang bahala maghanap ng trabaho namin para may pambayad kami sa gagastusin namin. Huwag kang mag-aalala dahil makakabayad din kami sa mga ginastos mo rito." Mahaba kong saad sa kaniya bago punasan ang mga luha ko at tumalikod na sa kaniya. Ngunit hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko ay agad siyang kumapit sa akin. Nagsimula na naman tuloy akong umiyak nang palihim. " Please, Andi. Parang awa mo na. Huwag naman ganito." Pakikiusap niya sa akin at ilang sandali lang ay nakayakap na siya patalikod sa akin. Mahigpit na yakap. Umiling lang ako at sinubukang kumawala sa kaniya pero mas lalo niya pa akong niyakap nang mahigpit. " C-calvin! Pakawalan mo na 'ko!" Umiiyak kong sigaw sa kaniya at sinubukan ulit kumawala. " Last. Please,let me hug you for the last time. Hayaan mo 'kong mahalin ka kahit alam kong hanggang dito na lang tayo." Mahina niyang pakiusap sa akin. Tumigil naman ako sa pagpupumilit kumawala at nanahimik na lang. " F*ck! Bakit ang hirap mo namang pakawalan?" Hindi ako sumagot bagkus ay humagulhol na lang nang palihim. Iniharap niya ako at hinalikan muli. Pagkatapos niya akong halikan ay pinaglapat niya ang mga noo namin. " I love you. I love you so much. " Hindi naman ako sumagot. " Please, tell me that you love me too. Sabihin mo lang na mahal mo ako, pagkatapos ay papalayain na kita." Mahina niyang pakiusap sa akin. Last na 'to...huling-huli na... " Mahal na mahal din kita." Tugon ko sa kaniya. " F*ck!" Sabi niya at hinalikan ako nang mariin. Matagal pang nagkalapat ang mga labi namin bago niya ako bitiwan. " There you go. Malaya ka na." Tumango lang ako at kumawala na sa kaniya. Tama, Andi! Kaya mo 'yan! Naglakad na ako palabas ng pinto at eksaktong pagkasara ko ay muli kong narinig ang mga sigaw at iyak niya na nagpadurog ng puso ko. Tama na! Pumasok ako sa loob at naabutan ko roon si Patricia na umiiyak nang tahimik. Napalingon siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. " Tama ang ginawa mo, bes. Tama lang ang ginawa mo." Pang-aalo niya sa akin habang hinahagod-hagod ang likod ko. " Mahal na mahal ko siya, Pat. Mahal na mahal ko siya sobra." " Pero ipinagbabawal na pag-ibig ang mayro'n kayo. May iba siya, Andi. " Paliwanag niya sa akin. Tumango na lang ako muling napahagulhol. Mahal na mahal kita... THANKS FOR READING!? DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. GOODNIGHT!? PS. one chapter to go, iready niyo na 'yong mga tissue niyo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD