CHAPTER 19: PANLILIGAW

2639 Words
GOOD AFTIEE!!? ADVANCE MERRY CHRISTMAS EVERYONE❤️ HINDI KO NA KAYO MABABATI BUKAS KAYA NGAYON KO NA KAYO BINATI. EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS. ENJOY! ANDRIETTE'S POV Maaga akong gumising kahit ang sama ng pakiramdam ko. Ang bigat kasi damdamin kong pumasok ngayon. Hindi ko kaya na makita siya dahil kung sakali ay baka umiyak na lang ako bigla. Tigilan mo na 'yan, Andi! Napabuntong-hininga naman ako nang marahas kaya unti-unting nagising si Patricia. Napabalikwas siya ng bangon no'ng makita niya akong gising na. Ang OA! " G-gising ka na pala." Mahina niyang puna sa akin na nginitian ko lang. " Good morning." Bati niya sa akin. " Morning." Tugon ko. " Bangon na, nagluto na ako ng almusal. " Kaswal kong saad sa kaniya. Siya naman ay napanganga. " Okay ka na?" Tanong niya na nagpahinto sa akin sa paglalakad. " Kailangan kong maging okay." Tanging tugon ko bago tuluyang pumunta sa kusina. Ilang sandali lang ay sumunod naman siya agad sa akin at umupo. Nagsimula kaming kumain nang walang nagsasalita sa amin. Hindi ko naman siya pinapansin kahit alam kong kanina pa siya nakatitig sa akin kahit kumakain siya. " Quit staring." Masungit kong puna sa kaniya. Siya naman ay dali-daling yumuko at itinuloy ang pag-kain. Mas nauna akong natapos sa kaniya kaya agad akong pumunta sa banyo. Pagkabukas ng shower ay ang pagtulo rin ng luha na kanina ko pa pinipigilan. Tahimik akong umiyak para hindi niya marinig. Para tuloy akong t*nga na umiiyak habang naliligo. Ilang sandali lang ay natapos akong maligo kaya agad akong nagbihis. Since pwede naman ang civilian sa university namin ay nagsuot lang ako ng pink off shoulder at ripped jeans na tinernuhan ko ng sandals. Nagpulbo lang ako at naglagay ng lipgloss. Bibili na ako ng liptint sa susunod... Nagwisik lang naman ako ng pulbo at lumabas na rin. Buti na lang kumpleto ang essentials sa banyo.. " Maligo ka na. Baka malate tayo." Maikli kong wika sa kaniya na tinanguan niya lang. Umupo ako sa sofa at inayos ang mga gamit ko papasok sa university. Busy akong nag-aayos nang may kumatok sa pinto. Agad namang kumalabog ang dibdib ko. Alam talaga ng puso ko kung sino siya. Tsk! Huminga ako nang malalim bago tumungo sa pinto at dahan-dahang binuksan ito. Ngunit pagkabukas ko ay walang bumungad sa akin kundi ang dalawang styrofoam na may lamang pagkain. Napabuntong-hininga na lang ako nang malalim at palihim na nagpasalamat dahil hindi ko siya nakita. Dinala ko ang pagkain sa lamesa at binuksan isa-isa. May laman itong tig-tatlong pancake at tig-isang lasagna. Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. " Oh, kanina galing yan?" Tanong ni Patricia pagkalabas niya ng banyo. Hindi pa siya nakabihis at naka-bathrobe pa lang. " S-sa k-kaniya." Mahina kong sagot. Nag-aalangan pa akong sabihin ang pangalan niya. Tumango na lang siya dahil alam niyang ayaw ko na siyang pag-usapan pa. Iniwan ko lang ang mga ito sa lamesa at nagsuklay ng buhok habang iniisip kung kakainin ko ba o hindi. Nababaliw na ako! Bumalik naman siya sa banyo at ilang sandali lang ay lumabas ulit siya na nakabihis na. Nakasuot lang siya ng red t-shirt at maong na palda na abot hanggang tuhod. Nakasuot lang din siya ng white shoes. " Oh,natulala ka sa'kin?" Pang-aasar niya sa akin habang nakapameywang. Inirapan ko lang naman siya kaya natawa siya nang mahina. " Ano, tara na?" Yaya niya sa akin pagkatapos niyang mag-ayos. Tinanguan ko lang naman siya at kinuha ang bag ko. " Ay teka,dalhin ko na lang 'to." Sabay kuha sa dalawang styrofoam at isiniksik sa bag niya. Eksaktong pagkabukas namin ng pinto ay kakatok na sana siya. Nagkagulatan naman kami kaya agad akong umiwas ng tingin. Peke akong umubo at lumabas na. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko! " Are we all set?" Malamig niyang tanong pagkasakay namin sa kotse. As usual, si Patricia na ang nasa tabi ng driver's seat at ako na sa likod. " Yeah." Maikling sagot ni Patricia at tumingin lang ako sa bintana. Tahimik kaming bumiyahe papuntang university. Pagkahinto naman ay dali-dali akong bumaba kagaya ng ginawa ko kahapon. Parang naulit lang ang nangyari... Pagkapasok ko ng room ay bumungad agad si Carlos na may matamis na ngiti. Pilit ko naman sinuklian iyon para hindi niya mahalata na may something sa akin ngayon. " Good morning!" Masigla niyang bati na sinuklian ko naman din. " Kumain ka na ba?" " Oo. Bago umalis." Ngumiti lang naman siya pero halata sa mukha niya ang pagtataka sa ikinikilos ko ngayon. Nabigla ako nang kinuha niya ang bag ko at inalalayan akong umupo. " Salamat." Tugon ko. Natigilan ako nang lumapit siya sa akin at bumulong. " May pupuntahan tayo mamaya pagkatapos ng klase. Okay lang ba sa'yo?" Bulong niya sa akin. Ngumiti naman ako bago tumango. Hinawakan niya naman ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko na parang bata. Nagulat naman kami nang may umubo bigla. Napalingon kami sa likod at nakita namin si Patricia na nakangiti nang nakakaloko na may makahulugang tingin sa akin at si Calvin na nag-aalab ang mga mata sa galit habang nakatingin sa aming dalawa at sa kamay ni Carlos na nasa balikat ko na ngayon. " Ang aga ah.." Parinig ni Patricia at natawa naman nang mahina si Carlos. " I was just asking her for a date later after class." Kaswal na ani ni Carlos sabay ngiti. Mas lalo ko namang naramdaman ang mabigat na presenya ni Calvin kaya bahagya akong kinabahan. Napalunok ako nang makita ko sa gilid ng paningin ko ang pagyukom ng mga kamay niya. " Oo naman. Wala naman nang masyadong schoolworks since malapit na matapos ang semester natin ngayon." Tugon ni Patricia at umupo na sa upuan niya. Ngumiti lang si Carlos at bumalik na sa upuan niya. Si Calvin naman ay umupo na sa tabi ko at halos mahugot ko ang aking hininga nang mahawakan niya ang kamay ko. Kalma lang, Andi! Nagsimula ang klase at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras lalo na't nakikita kong paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Maya-maya lang ay nag-ring na ang bell,indikasyon na lunch break na. Gano'n pa rin ang set-up namin. Sasabay si Carlos sa table namin at parang naulit nga ang nangyari kahapon! De javu? Ilang minuto lang ang lumipas ay balik-klase na kami. Last class na namin at uwian na sa wakas. Nasa kalagitnaan ng klase ay nag-abot ng papel si Carlos sa akin. Malapit nang matapos ang class, sa akin ka na sumabay. May pupuntahan tayo. -Carlos Tumingin lang ako sa kaniya at tumango. Ngumiti naman siya sa akin at kumindat kaya natawa ako nang mahina. Ilang sandali lang ay muling tumunog ang bell. Uwian na! Agad kong kinuha ang bag ko at tumayo na. " Bro, sa akin na sasabay si Andi. May pupuntahan kami." Paalam ni Carlos kay Calvin na ngayon ay malamig na nakatingin sa akin. " Baka nakakalimutan mong may mga nagtatangka sa buhay namin? Naalala mo naman ang nangyari kahapon 'di ba?" Sagot sa kaniya ni Calvin at natahimik naman si Carlos. Muling tumingin sa akin si Calvin at palihim na ngumisi. Napatingin naman ako kay Carlos na ngayon ay nakatingin sa malayo. Bumuntong-hininga ako bago sumabat sa usapan. " Pwede naman tayong tumuloy. Mag-ingat na lang tayo." Sabi ko kay Carlos at napatingin naman siya sa akin. " S-sure ka?" Paniniguro niya sa akin at natawa naman ako bago tumango. Bumaling naman siya kay Calvin na ngayon ay pailalim na nakatingin sa akin. " Ihahatid ko na lang siya kaagad." Walang nagawa si Calvin kundi tumango kaya napangiti naman ako nang palihim. " Mag-iingat kayo. Enjoy your date." Nanunuksong saad ni Patricia na inilingan na lang namin. Pagkatapos no'n ay humiwalay na kami sa kanila at dumiretso sa sasakyan ni Carlos. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan bago siya sumakay. Gentleman... " Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkasuot ko ng seatbelt. " You'll know soon." Tanging sagot niya lang at kumindat sa akin. " I'm sure na mag-eenjoy ka." Dagdag niya pa na nagpangiti sa akin. Normal lang bang kiligin at maexcite kahit alam kong may nararamdaman pa rin ako kay Calvin? Unti-unting nawala ang ngiti ko nang maalala ko siya. Kitang-kita ko ang galit at selos sa mga mata niya pero wala siyang magawa dahil pinalaya na niya ako. Ako rin dahil gusto ko siyang yakapin ngunit hindi na pwede dahil hindi na kami. Wala na kaming karapatan sa isa't-isa. Nagsimula na namang mag-init ang gilid ng mga mata kaya tumingin na lang ako sa bintana ngunit laking mangha ko nang makita kong sobrang ganda ng dinadaanan namin. Para kaming nasa bukid at puro puno ang paligid. Ang ganda! " Nasaan tayo?" Tanong ko habang nakasilip sa bintana. Ang presko ng hangin! " Basta. Magugustuhan mo!" Ngayon pa lang naeexcite na ako! Maya-maya lang ay bumaba na kami. Agad akong tumakbo papalabas para langhapin ang napakasariwang hangin. Puro puno ang nakapaligid dito at bawat puno ay may mga ilaw. Kahit maliwanag pa ay talagang nagniningning ang liwanag nito. Sa damuhan naman ay may nakalatag na sapin at puro pagkain. Para kaming nasa picnic! " Ang ganda!!!!" Bulalas ko at tumakbo para yumakap sa kaniya. Huli ko na napagtanto ang ginawa ko at agad na bumitaw sa kaniya habang ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko. " Cute." Mahina niyang bulong kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko na ikinatawa niya. " Come,ililibot pa kita." Aya niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko naman ito nang may malaking ngiti sa labi. Nilibot namin ang buong damuhan na may mga puno. Napag-alaman ko rin na siya pala ang nagset-up nito kaya sobrang sobrang pasasalamat ang ibinigay ko sa kaniya. Dumaan pa kami sa isang mahabang tulay at doon kitang-kita ang malapit nang lumubog na araw. Halos maiyak ako sa mangha no'ng tumingin ako sa kaniya. " Thank you. Thank you sa pagdala mo sa akin dito." Naiiyak kong pasasalamat sa kaniya. Lumambot naman ang ekspresyon niya at dahan-dahang lumapit sa akin. " Hey,why are you crying?" Malambing niyang tanong sa akin at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Natawa naman ako. " Tears of joy 'yan. Ngayon ko na lang ulit kasi ako makakakita ng sunset." Natatawa kong sagot sa kaniya. Napatanga naman siya bago tumawa. " Akala ko naman kung ano na." Natatawa niyang sabi sa akin. Nagkwentuhan kami habang hindi pa rin kami umaalis sa tulay. Nagsasalita pa ako nang bigla niya akong niyakap. Mahigpit na yakap. " C-carlos..." Bulong ko sa kaniya. " Thank you. Thank you for giving me a chance to love you. I promise that I will never hurt you. Just give a chance to love you forever and be mine." Malambing niyang bulong sa akin habang nakayakap pa rin. Napatanga naman ako bago napangiti. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero niyakap ko rin siya. Kung ikaw kaya ang minahal ko hindi ako masasaktan nang ganito? " Bibigyan kita ng chance pero hindi ko alam kung mahihintay mo pa ako." Sagot ko sa kaniya. " Ayaw ko ng naghihintay pero kung ikaw ang hihintayin ko,willing akong maghintay hanggang kamatayan man." Napangiti na lang ako sa sinabi niya pero agad ding nawala nang maisip ko si Calvin. Masama bang hilingin na sana siya ang nagsasabi ng mga salitang 'yon kaysa sa ibang tao? Masama bang isipin na sana siya ang willing maghintay sa akin? At masama bang isipin siya habang kasama ko ang lalaking nagmamahal sa akin nang buo? Bumitaw siya sa yakap ko at nakangiting hinawakan ang magkabilang pisngi ko. " I love you." Sabi niya sa akin bago pinaglapat ang mga labi namin. Napapikit naman ako nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Romantic. Bumitaw din naman siya at niyakap ako nang mahigpit. Sinuklian ko naman iyon nang may ngiti sa labi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako kinabahan at pakiramdam ko ay may nakatingin at nakatitig sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon na nakayakap siya sa akin at inilibot ko ang aking paningin. Na sana hindi ko ginawa.... Kitang-kita ko si Calvin sa malayo at malungkot na nakatingin sa amin. At dahil papalubog na ang araw ay kita ko ang pagkislap ng kaniyang mata nang tumulo ang kaniyang mga luha. Calvin... Umiling naman siya bago tumalikod at umibis sa kaniyang sasakyan. Si Carlos naman ay humiwalay sa yakap at nagtatakang tumingin sa akin dahil sa itsura ko. " Is there a problem?" Malambing niyang tanong sa akin habang nakahawak sa baba ko. Umiling lang naman ako at ngumiti. " Tara na, kain na tayo. Nagugutom na ako eh." Tinawanan lang naman niya ako at inalalayang bumaba sa tulay. Sana makapunta ulit ako rito. Bumalik kami sa damuhan at tuwang-tuwa ako dahil sa dami ng pagkaing nakahain. Umupo kami at kumain habang masayang nagkukwentuhan. " Pagkatapos mong grumaduate ng college,ano na ang gagawin mo?" Tanong niya sa akin at kumagat sa sandwich na hawak niya. " Baka mag-abroad ako at doon maghanap ng trabaho. Madali lang naman na 'yon dahil tapos ako ng pag-aaral." Sagot ko naman. Tumango lang naman siya at ngumiti. " Bakit?" Tanong ko. " Wala naman. Proud lang ako sa'yo." Tugon niya na nagpainit ng pisngi ko. Natawa lang naman siya at napailing. Tinapos lang namin ang pagkain at naglibot kaunti. Sobrang mangha ko dahil ang daming mga bulaklak ang nakapaligid at talagang sariwa ang hangin. Sa huli ay sabay naming pinanood ang paglubog ng araw sa tulay habang nakayakap siya sa akin patalikod. The most romantic date I've ever had. " Tomorrow is your birthday, right?" Bulong niya sa tenga ko. " Oo.21 na ako bukas." Sagot ko at bumungisngis. " What gift do you want to receive?" " Kahit ano. Kahit nga wala eh." Natatawa kong sagot. Nasanay na kasi ako na walang natatanggap na regalo dahil kasama ko naman sina Nanay. " So sweet. You really appreciate a lot of things,huh?" Tumango lang ako sa kaniya at lumingon. Namula naman ako nang muntik ko na siyang mahalikan dahil ang lapit niya pala sa akin. Agad ko naman iniiwas ang mukha ko kaya natawa siya nang mahina. Inantay namin na tuluyang lumubog ang araw bago kami bumaba ng tulay. Pagkatapos no'n ay umuwi na rin kami. " Dito na tayo." Sabi niya sa akin pagkahinto ng kotse. " Akyat ka muna." Aya ko sa kaniya na inilingan niya naman. " Hindi na. Medyo malayo pa kasi ang babyahein ko. Baka gabihin na ako." Paliwanag niya kaya tumango na lang ako. " Mag-iingat ka." Tanging tugon ko na lang. " Salamat sa date." Ngiting saad ko sa kaniya at lumapit sa kaniyang para humalik sa pisngi. Natawa naman ako nang mamula siya. " Yieee,kilig ka?" Natatawa kong tanong sa kaniya. " S-shut up, Andi." Utal niyang sagot kaya mas lalo akong natawa. " Sige na,mag-ingat. Bye." Sabi ko sa kaniya at lumabas na ng kotse. Pumasok ako sa loob na may ngiti sa labi. Hanggang sa makita ko si Calvin sa hamba ng pinto ng kwarto niya at nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa akin na animo'y kanina pa ako binabantayan. Calvin.... THANKS FOR READING!? DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. PS. again, Advance Merry Christmas everyone. Ito na ang early gift ko sa inyo. Hindi ako nakapag-ud kahapon kasi late na ako nakagawa at gabi na ako natapos kaya hindi ko naipublish. Btw, baka sa december 27 na po ulit ang update. Bakit? Kasi pasko bukas. Mamamasko kami sa mga kamag-anak namin kaya aalis kami. Sa december 26 po ay hindi pwede dahil bday ko naman 'yon. Araw ko 'yon kaya no stress muna. So,27 na po ako makapag-update. Thank you!? Enjoy your Christmas vacay!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD