CHAPTER 17: INTENSE JEALOUSY

2070 Words
GOOD EVE!? UPDATE ULIT. DALAWA NGAYON KASI ABSENT AKO KAHAPON EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS ENJOY! ANDRIETTE'S POV Dahil sa nangyaring barilan ay agad kaming pinauwi. Kinuha lang ng mga pulis ang pahayag namin tungkol sa nangyari. Malinaw naman kasi na kami talaga ang target ng mga sniper kanina. Pagkapasok namin ng condo ay agad kaming naglock ng pinto. Natatakot kami ni Patricia dahil baka hanggang dito sa condo ay masundan kami. " Andi, natatakot na ako..." Naiiyak na sabi sa akin ni Patricia. Nilapitan ko naman siya at niyakap. " Shshshshhh, magiging ligtas tayo basta't nasa tabi natin si Calvin. Basta walang bibitaw." Pang-aalo ko sa kaniya. Tumango lang naman siya kaya bumitaw na rin ako. Napalingon kami sa pinto nang may kumatok dito. Nagkatinginan kami ni Patricia at kumuha naman siya ng pamalo. Dahan-dahan kaming pumunta sa pinto. " S-sino 'yan?" Tanong ko nang nakarating kami sa pintuan. " Si Calvin 'to. Bakit kayo nakalock?" Sagot niya. Nakahinga naman kami nang maluwag at binuksan ang pinto. Nagulat pa siya pagkapasok niya dahil may dalang pamalo si Patricia. " Akala naman namin kung sino na! Kinabahan kami." Singhal ni Patricia kay Calvin na ngayon ay nakapwesto na sa sofa. " Huwag kayong mag-alala dahil hangga't nandito kayo sa puder ko ay ligtas kayo. " Paniniguro niya sa amin. Naramdaman ko na naman ulit ang pangamba ko kanina. Para talagang may ipinapahiwatig siya ngunit hindi ko mawari kung ano. Parang may mangyayaring hindi maganda. " Sana nga. Natatakot na kami dahil pakiramdam namin ay nasa panganib na ang buhay namin." Mahinang wika ni Patricia. Bumuntong-hininga na lang si Calvin. " May dala na akong pagkain. Ihanda niyo na." Utos niya sa amin at iniabot niya naman ang pagkain kay Patricia. " Pat, I have a favor." Kumunot naman ang noo ni Patricia dahil sa sinabi niya. Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. " Ano 'yon?" Tanong ni Patricia. " Pwede bang doon sa kwarto ko ihanda ang pagkain? May gusto lang akong sabihin kay Andi." Pakiusap niya at napasinghap naman ako. Si Patricia naman ay napatingin sa akin kaya palihim akong umiling. " Please?" Dagdag ni Calvin. Tinitigan ako ni Patricia nang makahulugan kaya wala akong nagawa kundi yumuko na lang. " S-sige. Babalik na lang ako kaagad." Sagot ni Patricia.Agad naman siyang lumabas at pumunta sa kwarto ni Calvin kaya kami na lang ang naiwan dito sa sala. Umupo ako sa sofa at bumuntong-hininga. " Kumusta ka? Hindi ka ba nasaktan?" Malamyos niyang tanong sa akin. Umiling lang ako at tumingin sa bintana. " I miss you." Bulong niya pero sapat na para marinig ko. Agad namang kumalabog ang dibdib ko kaya napalunok na lang ako. Aminin ko man o hindi, sa kabila ng p*******t niya sa damdamin ko ay hinahanap-hanap pa rin siya ng puso ko. At aminin ko man o hindi, namimiss ko na rin siya. Namimiss ko na ang dati. Nagsimula na namang mag-init ang gilid ng mga mata ko kaya tumayo na ako bago pa ako maiyak sa harapan niya. Hindi pa ako nakakaalis ay hinawakan niya na ang kamay ko. " Bitiwan mo 'ko." Matigas kong utos sa kaniya. " Please, kahit ngayon lang. Hayaan mo munang makasama kita ulit." Pakikiusap niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang panginginig ng kaniyang boses. Gusto ko sanang maniwala sa'yo na gusto mo akong makasama pero sa tuwing naiisip ko ang plano na 'yon ay baka masaktan lang kita... Umiling ako at pinilit kong alisin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Sisigawan ko na sana siya ngunit tumunog ang cellphone ko na nasa lamesa. Tiningnan ko ito at nakita kong tumatawag si Carlos. Sinubukan kong hugutin ang kamay ko pero talagang mahigpit ang pagkakahawak niya. Wala akong nagawa kundi sagutin na lang ang cellphone ko at kausapin si Carlos sa harapan niya. On call " Hello, Carlos." Bati ko sa kaniya. " Bakit ka napatawag?" Malumanay kong tanong. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ni Calvin sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi ko mabasa ang emosyon niya. " Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang. Grabe 'yong nangyari kanina at ang daming natamaan. " Malambing niyang wika. " Oo, ayos lang ako. Hindi naman ako natamaan. " Sagot ko sa kaniya. " Ikaw ba? Ayos ka lang? " Tanong ko pabalik. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil magkakahiwalay kaming umuwi kanina. " Yeah, thanks God. Wala naman akong tama dahil nakaalis kami agad. I'm so worried about you. Balita ko kayo 'yong target ng mga sniper kanina. " " Oo eh, hinabol pa 'yong sasakyan namin. Buti na lang walang natamaan sa amin ni isa." Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya." Sana hindi na maulit ang nangyari kanina. You made me so d*mn worried." Problemado niyang saad sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil nararamdaman ko talaga ang sobra niyang pag-aalala sa akin. " Okay lang ako. Promise mag-iingat na ako sa susunod. Ikaw din mag-ingat ka. " " Yeah, mag-iingat ako. Syempre mamahalin pa kita. " Sabi niya at narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis kaya nag-init ang pisngi ko." Sige na, I'll go ahead. Mag-iingat ka." " Sige, ikaw rin." Ibaba ko na sana ang telepono nang tinawag niya ako. " Bakit? " Tanong ko " I love you." Mahina niyang wika sa telepono pero sapat na para marinig ko at marinig ni Calvin. Mas lalo kasing dumiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko at naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga. " I just want to make sure that you are really safe. Prove me." Utos niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. " P-paano? " " Say 'i love you too'. Promise walang ibang meaning. " Natigilan naman muna ako bago napabuntong-hininga at napatingin kay Calvin na nakayuko. Para na rin matahimik siya. " I-I l-love you t-too." Utal kong sagot. Napaangat naman ang tingin ni Calvin sa akin at nakita kong nag-aalab sa galit ang kaniyang mga mata. " Thank you, Andi. Atlis matatahimik na ako." Tugon ni Carlos kaya nakahinga ako nang maluwag. " I'll end this call now. Keep safe. Bye." Huli niya saad bago pinatay ang tawag. Ibaba ko na sana ang cellphone ko sa lamesa nang bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa mga hita niya. " C-calvin, ano ba..." Pilit kong kumakawala sa kaniya pero napakahigpit talaga ng pagkakahapit niya sa bewang ko. " Do you really love him?" Malamig niyang tanong pero nararamdaman ko ang galit niya. " Wala ka ng pake roon! Wala ka ng pake kung sino man ang gugustuhin ko o mamahalin ko tutal 'di ba pain lang naman ako sa letseng plano niyo?! " Sigaw ko sa kaniya at pilit ulit kumakawala." Bitiwan mo nga ako! " Dahan-dahan naman niya akong binitiwan kaya pagkabitiw niya sa akin ay agad ko siyang sinampal. " Ang kapal ng mukha mong diktahan ang nararamdaman ko!" Sigaw ko sa kaniya at halos manginig na ako sa sobrang galit. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang katotohanan na nalaman ko kahapon. Ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi niys talaga ako mahal at pain lang ako sa plano nila. " Wala ka ng karapatan na panghimasukan ang nararamdaman ko dahil pain niyo lang naman ako!" " Andi,please listen to me first." Pakikusap niya sa akin at tinangka niyang kunin ang kamay ko pero agad ko itong inilayo. " Huwag mo akong hahawakan!" Sigaw ko pagkalayo ko ng kamay ko. " Makinig sa'yo? Para ano? Panibagong kasinungalingan na naman ang maririnig ko?! Hindi na,Calvin! Sawang-sawa na ako at pagod na pagod na ako!" Sigaw ko sa kaniya at tumulo na ang mga luha ko. Ito na naman, umiyak na naman ako dahil sa kaniya... Nasabunutan niya na lang ang buhok niya at nagsimula na rin siyang umiyak. " P-please, listen to me. Kahit ngayon lang. H-hayaan mo akong makapagpaliwanag sa'yo." Pakiusap niya sa akin. Huli na 'to... hinding-hindi na ako makikinig sa'yo Tumango ako. " Sige. Magpaliwanag ka. Magpaliwanag ka dahil baka 'yon na ang daan para tuluyan kong malimutan ang nararamdaman ko sa'yo at para na rin mabigyan ulit ng pagkakataon ang puso ko na magmahal ng iba. Sige, magpaliwanag ka na. " No! Hindi mo ako pwedeng kalimutan!" " At bakit?! Wala ka ng karapatan sa buhay ko, Calvin!" " F*ck,no!" Sigaw niya. " Please, Andi, I'm begging you. Don't love someone else. Please, don't forget me." Pakiusap niya at nabigla ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakaluhod. " Please,Andi. I'm begging you. Don't leave me. Don't love someone else and please don't f*cking forget me." Umiling lang ako sa kaniya. " Nasaktan ako, Calvin. Sobrang sakit. Minahal kita. Sinuway ko ang utos ni Nanay dahil mahal kita pero sa huli ako lang pala talaga ang nagmahal. Hindi mo alam kung gaano kasakit, Calvin." Umiiyak kong wika. " I'm sorry, Andi. I'm really sorry." Umiiyak niyang paghingi ng tawad. " Yes, inaamin ko, talagang plano lang ang lahat but believe or not, minahal kita. At mahal na mahal pa rin kita." Pag-amin niya. Nabigla naman ako at natigilan. Ang sarap pakinggan sa tenga ng mga sinabi niya ngunit natatakot na ako. Natatakot ako na baka sa huli ay kasinungalingan na naman ang lahat. " Gustong-gusto kong maniwala sa mga sinasabi pero natatakot ako. Natatakot ako na baka kasinungalingan lang ulit ang lahat." " I know and it's okay. But please, don't love someone else,Andi. It's okay if you don't love me anymore but don't love someone else. Please, don't." Muli niyang pakiusap at tumayo na siya. Umiling lang ako. " Hindi pwede, Calvin. May girlfriend ka. Nagkaroon na ng lamat ang relasyon niyo kaya ayoko nang sirain pa ito. Siya na lang, Calvin." Hindi na siya sumagot at niyakap na lang ako nang mahigpit. Matagal rin siyang nakayakap sa akin bago bumitaw. " I love you. I love you so so much." Bulong niya sa akin. Yumuko lang naman ako dahil wala na akong balak sagutin pa ito. " C-calvin,mali 'to... Maling-mali." " F*ck, Andi! I love you so fr*aking much! Hindi kailanman naging mali ang pagmamahal ko sa'yo, Andi. Please." Umiling lang akong muli. Nabigla ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at halikan ako nang mariin. Pinilit kong bumitaw kahit nanghina ako kaagad sa halik niya. Ngunit mabilis niya akong napigilan at sa isang iglap lang ay naisandal niya ako kaagad sa dingding at nakahawak na rin ang kaniyang mga kamay sa kamay ko. Bumitaw din naman siya sa halik at bumulong sa akin. " I miss you. I miss your face,your lips and everything about you. I love you so much." Tinitigan niya naman ako at animo'y kinabisado ang mukha ko bago ako muling halikan. At sa pagkakataong iyon ay iginalaw niya na ang labi niya at mariin akong hinalikan. Ilang sandali lang ay ikinawit niya na ang mga kamay ko sa leeg niya. Hinawakan niya na rin ang batok ko para mas mapalalim ang halik. Ramdam na ramdam ko ang pananabik niya lalo na no'ng tumugon na rin ako. Bumigay na naman ako... " D*mn you're so beautiful,babe. I love you so much." Muli niyang bulong at hinalikan naman na niya ako sa leeg. Ang mga kamay niya ay naglalakbay na sa katawan ko. Habang hinahalikan niya ako,ang isang kamay niya ay nasa likod ko at ang isa naman ay nasa gilid na ng dibdib ko. " I'm so addicted to you. Could you be mine forever?" Hindi ako sumagot kaya hinalikan niya na naman ako ulit sa labi. " C-calvin..." Daing ko nang maramdaman kong unti-unti nang pumapasok ang mga kamay niya sa loob ng damit ko. Napabungisngis naman siya at inilabas na rin ang kaniyang mga kamay. " Just kidding, babe. I still respect you. I love you." Sabi niya sa akin at hinalikan ako ng huling beses. Niyakap niya ako nang mahigpit at bumulong sa akin. " Please give me a chance to love you again. And this time, for real. Let me protect you at all cost. I love you so fr*aking much!" Hindi ako sumagot at napag-isip-isip ko ang sinabi niya. Gusto niyang bigyan ko siya ng chance ulit. Paano na si Carlos? THANKS FOR READING!? DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. GOODNIGHT!? PS. scam ka, Andi! HAHAHAHAH
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD