GOOD AFTIE!? NGAYON LANG AKO NAG-UD KASI WALANG SIGNAL KAHAPON.
EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS
ENJOY!
ANDRIETTE'S POV
Hindi ako gaanong nakatulog dahil sa nangyari. Ilang oras pa kasi akong umiyak bago ako nakatulog. Mabuti na lang at sinamahan ako ni Patricia hanggang sa makatulog ako.
" Bes, sure ka bang kaya mong pumasok?" May pag-aalinlangan na tanong ni Patricia. Nagulat kasi siya nang mas maaga pa akong nagising kaysa sa kaniya. Tapos na akong maligo no'ng magising siya.
" Oo naman. Wala naman akong sakit eh." Natatawa ko ng sagot sa kaniya kahit nagbabadya na naman ang mga luha ko. Naiiyak ako dahil wala akong magawa para iwasan siya.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang sinasabi nilang plano. Sana wala 'tong kinalaman sa lahat ng nangyayari ngayon dahil baka hindi ko sila mapatawad.
" Bes, hindi mo 'ko maloloko. Alam kong nasasaktan ka." Malungkot na puna sa akin ni Patricia. Hindi ko siya masisisi dahil mas kilala niya pa ako kaysa sa sarili niya. Alam niya kung nasasaktan ako o hindi.
Bumuntong-hininga muna ako bago malungkot akong ngumiti sa kaniya. " M-masakit. Masakit dito." Sabi ko sabay turo sa kinaroroonan ng puso ko.
Niyakap naman niya ako kaya tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya.
" Shshshhh, kaya mo 'yan. Alam kong malakas ka. Basta't huwag mo lang kalilimutan na nandito lang ako palagi para sa'yo. " pang-aalo niya sa akin habang hinahagod ang likod ko. Tumango lang naman ako kaya binitiwan niya na rin ako.
Pinunasan niya ang luha ko habang nakangiti pero kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya. Hindi ko siya masisisi dahil para na kaming magkapatid. Ayaw naming nasasaktan ang isa't-isa.
Pinagpatuloy na lang namin ang pag-aayos ng sarili dahil maya-maya lang ay papasok na kami. Kung pwede nga lang na hindi na kami sumabay sa kaniya para hindi ko siya makita.
Ilang sandali lang ay kumatok na siya sa amin. Si Patricia na ang nagbukas dahil alam naman niya ang sitwasyon namin. Binitbit ko na ang bag ko at nagpatiuna na sa paglabas. Sinundan naman ako ni Patricia at ikinawit niya ang braso niya sa braso ko at hinimas-himas. Ito ang paraan ng pagpapagaan ng loob namin sa isa't-isa.
Nakarating kami sa sasakyan niya at nauna naman akong umupo sa likod kaya si Patricia ang nasa tabi ng driver's seat. Habang binabagtas namin ang daan ay nakatingin lang ako sa bintana ngunit nakikita ko pa rin sa gilid ng paningin ko ang pasulyap-sulyap niya sa akin sa rear mirror.
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa university nang walang nagsasalita ni isa man sa amin. Nauna pa rin akong bumaba at hinintay si Patricia bago pumasok sa loob ng room. Ayaw ko ng may nakakakita pa sa amin na magkasama.
Pagkapasok ko sa room ay sinalubong naman agad ako ni Carlos. " Good morning, Andi. Kumusta?" Bati niya sa akin na sinuklian ko lang naman ng ngiti.
Wala ako sa mood para makipag-usap ngayon.
" Ako Carlos hindi mo man lang ba ako kukumustahin? " Tanong ni Patricia. Alam kong alam ni Patricia na wala ako sa mood kaya nililibang niya si Carlos.
Natawa lang naman si Carlos sa kaniya at napailing. Bumusangot si Patricia kaya napatawa siya. Nahawa na lang din ako dahil sa kakulitan nila.
Umupo kami sa upuan kung saan katabi ko siya. Nakagitna ako sa kanilang dalawa ni Patricia at nasa likod ko naman si Carlos.
Nasa kalagitnaan ng klase ay kinalabit ako ni Carlos. Lumingon ako sa kaniya pero inabutan niya lang ako ng isang maliit na papel. Binuksan ko ito at nakita kong may sulat na galing sa kaniya.
Are you okay? Parang wala ka sa mood. May report tayo mamaya, ah? " - Carlos
Sinagot ko naman ito.
Sorry. May nangyari lang kahapon pero okay lang ako. Huwag kang mag-alala. - Andi
Sulat ko sabay abot nang palihim kay Carlos. Naramdaman ko namang tinanggap niya ito. Hindi na siya ulit nakasagot dahil tinawag na kami ng prof namin para sa report.
Buti na lang prepared kami...
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos namin ang report at tuwang-tuwa kami dahil kami ang nakakuha ng pinakamataas na points.
" Congrats, bes, Carlos." Bati sa amin ni Patricia. Pinasalamat lang naman namin siya. " Buti pa kayo prepared!" Singhal niya kaya natawa kami.
Bumaling naman kami kay Calvin na binati rin kami. Pinasalamatan siya ni Carlos pero tumango lang naman ako.
" Lunch break na. Pwede bang sumabay na lang ako sa inyo?" Tanong ni Carlos. Narinig ko naman ang mahinang pagsinghap ni Calvin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin pero nakikita ko ang nag-aalab niyang mga mata.
" Sige. Wala namang problema." Giliw na sagot ni Patricia sabay tingin sa akin. Alam ko ang mga ganitong tingin niya kaya tumango na lang ako.
Ayaw niya na kaming tatlo lang ang magkakasama...
Pumunta kami ng cafeteria at naghanap ng table for 4. Inalalayan naman ako ni Carlos na umupo at nginitian ko lang siya. Napatingin ako kay Calvin na ngayon ay nakatulala sa lamesa. Para siyang pagod na pagod.
Napailing na lang ako para mawala na siya sa isip ko. Naramdaman kong hinawakan ni Patricia ang kamay ko sa ilalim ng mesa kaya napatingin naman ako sa kaniya. Nakangiti lang siya sa akin na para bang sinasabi niyang 'kaya ko 'to'.
" Andi, what do you want to eat?" Tanong ni Carlos sa akin kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko.
" U-uhm,kahit ano na lang. Wala akong gana eh." Mahina kong sagot kaya napakunot ang noo niya. Tinitigan niya pa ako sandali bago tumango. " What about you, Pat?" Baling niya naman kay Patricia.
" Anything." Maikling sagot ni Pat sabay ngiti.
Nagulat kami nang tumayo si Calvin. " Ako na ang oorder." Sabi niya bago tuluyang umalis.
" I'll help him." Wika ni Carlos at tumayo na rin.
Nagkatingin lang kami ni Patricia at nagkibit-balikat. Nagkwentuhan muna kami habang inaantay silang dumating. Ilang minuto lang ay dumating din naman sila agad dala ang dalawang malaking tray na punong-puno ng pagkain.
" Ang dami naman!" Sigaw ni Patricia dahil ang dami talaga.
Nagkibit-balikat lang naman sila. Ibinigay ni Carlos ang tray ko at ibinigay naman ni Calvin ang tray ni Patricia.
" Eat." Utos ni Calvin sa akin kaya bahagya akong natigilan.
Buti na lang hindi napansin ni Carlos..
Kumain kami nang matiwasay at hindi nag-uusap. Nabigla naman ako nang punasan ni Carlos ang gilid ng labi ko. " May mantsa ka. Eat carefully." Sabi niya lang at bumalik agad sa pagkain.
Napatingin naman ako kay Calvin na ngayon ay madilim ang mukha.
Well, dahil sa nangyari ay hindi na ako natatakot sa kaniya. Hindi naman niya talaga ako mahal at plano lang ang lahat.
Pagkatapos namin kumain ay inalalayan ako ni Carlos tumayo. Nginitian ko lang naman siya. Papasok na sana kami sa loob ng room pero hinila ni Carlos ang kamay ko.
" Baka pwedeng mauna na kayo sa loob. Mag-uusap lang kami ni Andi." Pakikiusap ni Carlos.
" Oo naman." Walang pag-aalinlangang sagot ni Patricia. " Sige na,mauna na kayo. Bilisan niyo na lang dahil baka dumating na si Prof." Paalam niya sa amin at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob. Si Calvin naman ay napabuntong-hininga muna bago napilitang sumunod kay Patricia.
Dinala niya ako sa likod nitong university kung saan isang napakalawak na hardin ang bubungad sa'yo. Napakaganda ng paligid at perpekto para sa mga estudyanteng gusto ng tahimik na lugar.
Ngayon lang ako nakapunta rito...
" Ang ganda rito!" Bulalas ko. Natawa lang naman siya.
" Bihira lang kasi ang mga pumupunta sa lugar na'to syempre tago. Maganda naman 'to para sa mga estudyanteng masipag mag-aral. Tahimik saka walang istorbo." Paliwanag niya. Tumango lang naman ako at naalala ang dahilan kung bakit kami narito.
" Ano palang pag-uusapan natin?"
" Uhmm..may gusto sana akong sabihin sa'yo." Maingat niyang wika.
Tinaasan ko lang naman siya ng kilay para ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.
" A-alam mo naman na gusto kita 'di ba?" Tanong niya sa akin. Dahan-dahan naman akong tumango habang nagtataka pa rin sa kaniya. " Can I court you,Andi?" Diretso niyang tanong kaya nabigla ako.
" H-ha?" Ang tangi ko na lang nasabi. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang sinabi niya.
" I like— no,I love you Andi. Mahal na kita. So, can I court you?" Muli niyang tanong.
Napansinghap naman ako. Mahal niya ako? Naalala ko bigla si Calvin dahil sa sinabi niya.
Minahal niya ba ako kahit pagpapanggap lang talaga ang lahat?
Mag-isip ka nang maayos,Andi! 'Di ba gusto mong mawala ang nararamdaman mo kay Calvin? Ito na ang paraan na 'yon!
Pero ang bilin ni Nanay....
Tinitigan ko lang siya hanggang sa nakapagdesisyon na ako. " Uhm,a-ano kasi..." Panimula ko. Kinakabahan ako dahil baka masaktan ko ang damdamin niya. "...alam mo namang priority ko ang pag-aaral ko 'di ba?" Maingat kong tanong sa kaniya.
" Yes. I know that thing. But I just want you to know that I'm serious about my feelings for you... that's why I'm asking your conset to court you." Tugon naman niya.
Napabuntong-hininga naman ako nang malalim at inisip muli ang desisyon ko. Nang maisip ko na ay ngumiti ako sa kaniya. Sana tama ang gagawin ko....
" Okay. Pwede mo akong ligawan." Sagot ko at halos tumalon naman siya sa tuwa." Pero... Pag-aaral muna. Sasagutin din kita sa darating na panahon. Sana huwag kang magsawa kahihintay." Dagdag ko.
Tumango naman siya na may malawak na ngiti. " Yes. Hindi kita pipiliting sagutin ako kaagad. Giving me a chance to court you is enough. D*mn enough to make me happy. Thank you, Andi!" Sagot niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. Sinuklian ko naman ito.
Kung ito ang paraan para mapahilom ang sugat na ginawa niya ay gagawin ko. Pero hindi ibigsabihin no'n ay makakalimutan ko na agad ang nararamdaman ko sa kaniya.
Pagkatapos ng nangyari ay napagpasyahan naming pumasok na ng room. Mabuti na lang at late din ang prof namin kaya halos magkasabay lang kami pumasok.
Kahit nasa klase ay nararamdaman ko pa rin ang saya ni Carlos dahil tsansang ibinigay ko sa kaniya. Habang ang katabi ko naman ay kanina pa hindi maipinta ang mukha. Para siyang manununtok.
Ilang oras ang lumipas ay natapos na rin sa wakas ang klase. Lumabas naman kami agad ng room at nagpaalaman na. Habang papunta kami sa kotse ay bigla na lang may nagpaputok ng baril.
Nagtilian ang mga estudyante at nagtakbuhan. Kami naman ay nagtago malayo sa gate.
" Anong nangyayari?!" Tarantang sigaw ni Patricia. Ako naman ay unti-unti nang nanginginig sa takot.
" Lumabas na tayo rito,bilis!" Utos sa amin ni Calvin at agad kaming umibis sa sasakyan.
Mabilis na pinatakbo ni Calvin ang sasakyan pero pinaputukan kami ng baril.
" Yuko!" Tarantang utos ni Calvin at agad naman naming sinunod.
Sunod-sunod ang putok ng baril sa sasakyan namin at doon ko napagtantong kami ang target ng mga namaril.
Ilang sandali lang ay narinig na namin ang sirena ng pulis at tumigil naman na ang mga nagpapaputok sa amin pero nanatili pa rin kaming nakayuko. Si Patricia naman ay umiiyak na.
Huminto kami sa mismong police station at nagulat ako nang makitang naroon na sina Mang Rudolfo. Hindi naman sila tinawagan ni Calvin ah?
Pagkababa ay agad kaming niyakap ni Aling Melissa. " Jusko,kumusta kayo mga bata? Wala bang natamaan sa inyo?" Tanong niya sa amin habang sinusuri kami.
" W-wala naman po." Sagot ko lang habang nakatitig sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa kanila. Parang may something na hindi ko matukoy at kinakabahan ako sa tuwing nasa paligid sila.
Hindi naman ako ganito dati...
Ipinilig ko na lang ang ulo nang mariin para mawala sa isip ko ang mga bagay na 'yon. Mabait sila sa amin. Imposible ang iniisip ko.
" May problema ba,Andi?" Tanong ni Aling Melissa. Napansin niya siguro ang pagiging balisa ko.
Umiling lang ako at ngumiti. Ngumiti lang din naman siya at iginiyak na kami papunta sa loob ng estasyon ng pulis.
Nakita ko pa si Calvin na nakatingin sa akin pero may kakaiba sa tingin na 'yon. Parang may gusto siyang ipahiwatig.
Wala 'yan, Andi. Napapraning ka lang..
THANKS FOR READING!?
DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY.
PS. stay safe everyone❤️