CHAPTER 15: BREAK-UP

2555 Words
GOOD AFTIE!❤️ HERE'S AN UPDATE EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS ENJOY! ANDRIETTE'S POV Sobrang takot na takot ako dahil nangyaring putukan kanina. Akala ko mamamatay na kami. Mabuti na lang at hindi nagtagal dahil may dumating na rescue ngunit hindi pa rin nahuli ang mga namaril kanina. Agad kaming pinuntahan nina Mang Rudolfo at Aling Melissa. Kinumusta niya kami at ichineck kung may natamaan ba sa amin. Nakahinga naman siya nang maluwag no'ng nalaman niyang walang natamaan sa amin. Pero ang kaagaw-agaw ng pansin ko ay may nakikita akong saya sa mga mata niya. Ang gulo! Nandito pa rin kami sa loob ng opisina ni Calvin dahil hindi pa rin kami pinapalabas. Baka raw masundan pa kami kung uuwi kami agad. Nakaupo lang kami sa sofa habang natatakot pa rin. Umiyak pa nga si Patricia kanina habang ako naman ay nanginginig sa sobrang takot. " Ayos lang ba kayong dalawa?" Nag-aalalang tanong ni Calvin sa amin. " M-medyo. Natatakot pa rin kami dahil sa nangyari kanina." Si Patricia na ang sumagot dahil nakatulala lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. " Don't worry,you'll be safe here." May kasiguraduhan sa tinig ni Calvin. Talaga bang safe kami rito? Nagsisimula na akong matakot. Noong una ay 'yong pagsaksak kay Nanay ngayon naman ay ang pamamaril dito sa opisina ni Calvin. Nagsisimula nang bumuo ng mga konklusyon ang utak ko pero ayaw kong manigurado lalo na't wala akong pruweba. " Umuwi na tayo. Ayaw ko na rito." Sabi ko kay Calvin na may halong pakikiusap. Alam kong hindi niya ako matatanggihan. Tumango na lang siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Lumabas siya ng opisina dahil magpapaalam daw siya kina Mang Rudolfo. Sana lang ay pumayag. Tahimik lang kami ni Patricia nang maiwan kami sa loob. Walang nagsasalita sa amin dahil na rin siguro sa takot. Ilang sandali lang ay dumating na siya. " Tara na. Mabuti nang umuwi na tayo." Aya niya sa amin at kaagad kaming tumayo. Habang papalabas sa kumpanya ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mata ng mga empleyado. Dali-dali lang naman kaming lumabas at sumakay agad ng sasakyan. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang maparanoid. Natatakot ako na baka may nakasunod pala sa amin at paputukan kami ulit. Napansin siguro ni Calvin ang pagiging paranoid ko kaya hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko naman ang pag-aalala niya sa paraan ng paghawak niya. Para bang ingat na ingat siya. " Magiging ligtas din tayo. Huwag na kayong mag-aalala." Sabi niya at nagpilit ng ngiti. Sinuklian ko na lang din ang ngiti na 'yon at bumaling sa bintana. Buti na lang tulog si Patricia dahil kung hindi ay baka mas lalo siyang matakot. Pagkarating namin sa condo ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Sa wakas! Napahiga ako sa kama at napabuntong-hininga. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Iniisip ko na kami talaga ang target ng sniper. Dahil kung hindi, bakit kami ang pinaputukan kanina? Baka si Calvin? Napailing ako sa naisip ko. Hindi pwedeng si Calvin 'yon. Pero baka nga. Dahil sa nangyari ay nakatulugan ko na ang pag-iisip. Sana panaginip lang lahat ng 'to. ----------------------------------------------- Pagkagising ko ay medyo dumidilim na. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong magaalas-singko na. Pumunta ako sa balkonahe at nakita kong nando'n lang din pala si Calvin. Mukha siyang may kausap sa telepono dahil nakatalikod siya. Napagpasyahan ko na lang na magbihis ng damit. Nagsuot lang ako ng pink oversized shirt at maong shorts na natatakpan ng shirt ko. Bumalik din naman ako balkonahe pero wala na siya roon. Tulog pa rin naman si Patricia ngayon. Medyo nagiging antukin na siya ngayon... Napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ni Calvin at tanungin kung may ideya ba siya sa nangyari kanina. Kumatok ako at agad din naman niyang binuksan. Medyo nagulat pa siya no'ng una pero agad ding nakarecover at ngumiti. Pumasok ako sa loob at narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Uupo na sana ako nang bigla niya akong niyakap patalikod. " B-bakit?" Nauutal kong tanong. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya pati na rin ang init ng hininga niya sa leeg ko. " I'm tired." Maikli niyang sagot at bumuntong-hininga. Nanindig naman ang balahibo ko dahil sa init ng hininga niya. " Rest with me, please..." Pakikiusap niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa akin. Pagod na pagod talaga siya.. Tumango na lang ako kaya kumalas na siya ng yakap sa akin. Umupo naman ako sa sofa at tinapik ang hita ko. Tumaas naman ang kilay niya. " Higa ka rito. Nood tayo movie." Utos ko sa kaniya at mas mabilis pa siya sa alas-kwatro na sumunod. Paharap sa tiyan ko ang higa niya at iniyakap niya ang kamay sa aking baywang. Para siyang sanggol. Napapangiti na lang ako sa kaniya pero agad ding nawawala kapag naiisip ko ang sitwasyon namin. Pati ng girlfriend niya. " C-calvin..." Mahinang tawag ko sa kaniya. Balak ko sanang tanungin ang tungkol sa girlfriend niya. " Hm?" Ungot niya. Kasalukuyan naman siyang nakapikit pero alam kong gising pa siya. " M-may itatanong sana ako..." Paninula ko. Tahimik lang naman siya at halatang nag-aabang lang." ... p-paano 'yong girlfriend mo?" Mahina at may pag-aalinlangan kong tanong. Natigilan naman siya at ramdam kong humigpit ang pagkakahawak niya sa likod ko. Hindi siya sumagot bagkus ay tumayo lang siya. " Calvin!" Sigaw ko sa kaniya pagkatayo ko dahil ayaw niya akong sagutin. Tinalikuran niya lang ako at humarap sa balkonahe. " Ano ba?! " Muli kong sigaw dahil hindi niya ako pinapansin. Nabigla ako nang bigla niyang sabunutan ang buhok niya. " F*ck hindi ko alam! Hindi ko na alam!" Sigaw niya at pumunta pabalik sa akin. " Pero hindi pwede 'to! Mali na 'tong ginagawa natin dahil nagtataksil na tayo!" Sigaw ko rin pabalik at nagsimula nang mag-init ang gilid ng mga mata ko. Bumuntong-hininga siya nang marahas. " H-hindi ko nga alam kung mahal ko pa ba siya..." Mahina niyang saad. " Mahal mo siya,Calvin..." Tugon ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin na nag-aalab ang mga mata. Bahagya akong kinabahan pero nagpatuloy pa rin ako. " Sadyang ako lang talaga ang palagi mong kasama kaya naguguluhan ka." Dugtong ko. Mas lalo namang dumilim ang awra niya. " Anong sinasabi mo? Mahal kita, Andi at totoo 'yon!" " Pero mali! Mali,Calvin! Maling-mali dahil may nasasaktan tayo! May girlfriend ka,Calvin!" Buong lakas kong sigaw at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. Lumambot naman ang ekspresyon niya at niyakap ako nang mahigpit. Pakiramdam ko naulit lang ang nangyari kahapon. Kahapon lang pala 'yon pero pakiramdam ko matagal na dahil sa dami ng nangyari. " Please, Andi. Ikaw ang mahal ko. Ikaw na ngayon." Bulong niya habang nakayakap sa akin. " At handa akong patunayan 'yon sa'yo. " Dagdag niya na nagpakunot ng noo ko. Naguluhan ako sa sinabi niya pero agad ding nalinawan nang bumitaw siya sa yakap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay halik nang mariin. Iginalaw niya ang labi niya at ikinawit niya naman ang mga braso ko sa leeg niya." Please, ikaw lang ang mahal ko, Andi. I'm sorry." Sabi niya at hinalikan akong muli. Mas mariin na ito ngayon at ramdam ko ang pananabik niya. Lalo na no'ng tumugon na rin ako. Nababaliw na ako dahil sa kaniya! Hinawakan niya ang batok ko kaya napatingala ako at 'yon ang nagbigay-daan sa kaniya upang mahalikan ang leeg ko. Ramdam ko ang paggalaw ng dila sa leeg ko at bahagya niya pa itong kinagat kaya napadaing ako. Nagulat naman ako sa ginawa ko kaya tinakpan ko ang bibig ko. " C-calvin..." Daing ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa loob ng t-shirt ko. Tumigil naman siya at isubsob ang mukha niya sa leeg ko. " I'm sorry. Sana naintindihan mo na ngayon na ikaw lang ang mahal ko." Bulong niya habang nakasubsob pa rin siya sa leeg ko. Tinanggal naman niya ang kamay sa bewang ko at iniyakap ito sa akin. " P-pero paano si—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halikan niya muli ako nang mariin. " Just please... Don't you ever say that again." Mariin niyang saad sa akin. Alam kong gusto niya akong sigawan pero pinipigilan niya ang sarili niya. " I love you, Andi. I love you so d*mn much! Please tell me that you love me too." Sasagot na sana ako nang may marinig kaming umiiyak. Tumingin kami sa pinto at kitang-kita ko roon ang babaeng matangkad,maganda at sopistikada. Umiiyak siya nang tahimik ngunit kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. " E-elicia..." Bulong ni Calvin. Magsasalita na sana siya nang bigla akong sinugod ng babae at pinagsasabunot. " How dare you! Walang hiya kayo! Inaagaw mo ang boyfriend ko!!" Sigaw sa akin no'ng Elicia habang sinasabunutan ako. Si Calvin naman ay walang ginawa kundi awatin lang siya. " Elicia, stop!" Buong lakas na sigaw ni Calvin na nagpatigil sa kaniya sa pananabunot sa akin. " Stop?! You want me to stop?! Bakit hindi kayo ang tumigil?! You are having an affair with this sl*t!" Sigaw din ni Elicia habang dinuduro pa ako. " Why are you doing this to me, Calvin?! Minahal naman kita 'di ba? Am I not enough?" Umiiyak na sagot ni Elicia. " Answer me, Calvin!" Umiyak siya nang walang makuhang sagot mula kay Calvin. Naaawa ako sa kaniya pero alam kong may kasalanan din ako. " Ikaw! Bakit mo inahas ang boyfriend ko? Tinulungan niya na nga kayo rito sa Maynila pero pinili mo pa rin sjyang ahasin! Malandi ka!" Sigaw niya sa akin at sinampal naman ako nang malakas. Agad siyang inawat ni Calvin pero siya naman ang sinampal ni Elicia. " Mga hayop kayong dalawa!" Sigaw niya sa amin. Napaiyak na lang ako dahil sa mga sinabi niya sa akin. Pero totoo naman, m*l*ndi ako dahil alam kong may girlfriend na si Calvin pero pumatol pa rin ako sa kaniya. " Please, Elicia. Let me explain." Pakikiusap ni Calvin. " Explain?! Let you explain?! Calvin, for f*ck's sake, kitang-kita ko lahat! I saw everything! I saw how you kissed her. I saw you much you love her. That you even cried because of her! " Umiiyak na sigaw ni Elicia. " Tell me, do you really love her?! " Sa kabila ng masasakit na sinabi ni Elicia ay umaasa pa rin ako na sana sabihin niya ang totoo. Para worth it naman ang mga natanggap ko galing sa girlfriend niya. " Yes. I love her." Sagot ni Calvin. Natuwa ako nang sinabi niyang mahal niya ako pero agad ding nawala nang may idinugtong pa siya. " But believe it or not, I love you too." Ang sakit na... " Mahal mo ako? But you had an affair with this sl*t! You cheated on me,Calvin. You cheated on me!" Sigaw ni Elicia kay Calvin pero nakita kong nag-alab naman ang mga mata ni Calvin. " Yes, I cheated on you. Inaamin ko 'yon. But don't you ever call her a sl*t! Don't you dare 'cause she's not!" Sigaw din pabalik ni Calvin. Kitang-kita ko na galit na galit talaga siya. " So kinakampihan mo 'yang kabit mo?! Huh, Calvin?!" Bumaling naman siya sa akin. " At ikaw, huwag na huwag kang umasa na magiging sa'yo si Calvin dahil akin lang siya! Akin lang!" Sigaw niya sa akin at wala naman akong nagawa dahil totoo naman. Never siyang naging akin... Nanahimik naman siya at biglang ipinitik ang kamay niya na parang may naalala. " Oh, I forgot something. You are just a bait in our plan." Sabi niya at ngumisi. Ako naman ay napaangat ang tingin sa kaniya habang nakakunot ang noo dahil sa pagtataka. " Elicia!" May pagbabanta sa tinig ni Calvin. " Pain ka lang! Dahil lahat ng ipinapakita sa'yo ng boyfriend ko ay plano lang! His love for you is just a part of our plan. Ginamit ka lang niya. At ikaw naman na tatanga-tanga ay nagpagamit din. How stupid!" Pahayag niya at ngumisi. Tumingin ako kay Calvin para kumpirmahin ang totoo. " Totoo ba ang lahat ng sinabi niya, Calvin?" Naiiyak kong tanong. Umaasa ako na sasabihin niyang hindi. Umaasa ako na sana totoo lahat ng ipinakita niya sa akin. Pero lahat ng pag-asang 'yon ay nawala nang umiwas lang siya ng tingin at nanahimik. Ako naman ay napaiyak na lang. T*ngin*! Ang t*nga-t*nga ko hay*p! " See? Hindi niya nga mai-deny eh. Dahil totoo!" Ngising wika ni Elicia. " A-anong plano 'yon?" Tanong ko pero walang sumagot. " ANONG PLANO 'YON?!" Dumagundong ang sigaw ko sa buong kwarto ni Calvin. " Malalaman mo rin. Malapit na at hindi na ako makapaghintay. Soon,you will burst into tears." Mahinang sagot ni Elicia at tumawa na parang baliw. " And I can't wait to see that." Huli niyang saad bago lumabas ng kwarto. Napaluhod na lang ako dahil sa sakit. All this time ako lang pala ang nagmahal. Ang tanga-tanga ko! Sana pinigilan ko na 'to noon pa. No'ng mga panahong kaya ko pa. Kung kailan naman handa na akong magpakatotoo... Kung kailan handa na akong isugal lahat... Kung kailan lunod na lunod na ako sa pagmamahal mo... Plano lang pala ang lahat! Ang sakit!! " A-andi..." Mahinang tawag sa akin ni Calvin. Iniangat ko naman ang tingin ko sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang lumuluha na rin. " I'm sorry. Please,forgive me, Andi." Tumayo ako at buong tapang na humarap sa kaniya kahit nanginginig na ako. " A-anong plano 'yon,Calvin? Please sabihin mo sa akin ang totoo. Anong plano 'yon?" Nanginginig kong tanong sa kaniya. Please, magsabi ka ng totoo.... Umiling lang siya na mas nagpalakas ng iyak ko. " Hayop ka! Akala ko ba mahal mo ako,Calvin?! Plano lang pala ang lahat!" Sigaw ko sa kaniya at pinaghahampas siya. Napigilan naman niya ako niyakap nang mahigpit. Pilit kong kumawala sa mga yakap niya pero sadyang mahigpit ito. Kusa na lang akong sumuko at napaluhod na lang. Napaluhod na lang din siya habang yakap-yakap pa rin ako. " Sorry. I'm sorry for everything,Andi. Please, forgive me." Umiiyak niyang paghingi ng tawad sa akin. Umiling lang ako at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Sobrang sakit! Pagpapanggap lang pala ang lahat!. Ilang sandali pa kaming nanatili sa posisyon na 'yon bago ko naoagdesisyunang tumayo. Pipigilan niya pa sana ako pero tumigil din siya. " Please, Calvin. Hayaan mo muna ako. Hayaan mo akong makapag-isip-isip kung paano hihilom 'tong sakit na 'to. Hayaan mo akong mag-isip ng paraan para mawala ang nararamdaman ko sa'yo at makalimutan ka." Pakiusap ko sa kaniya at nakita ko namang nagdilim ang mga mata niya. Sana makahanap agad ako ng paraan... Lumabas ako ng kwarto niya at pumasok sa kwarto namin. Pagkapasok ko ay naabutan ko roon si Patricia na nakatayo habang umiiyak. Nakita niya ako at agad akong niyakap. " Bes, sorry wala akong magawa." Naiiyak niyang saad. " Okay lang, bes. Hindi mo kasalanan." Sagot ko lang sa kaniya at humagulhol muli. Ayoko na! Gusto ko nang matanggal 'tong sakit na 'to. Ang sakit sobra! THANKS FOR READING!? DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. Ps. Sa lahat po ng nasalanta, sinasalanta ng bagyong Odette, I'm praying for your safety po. Keep safe and always pray. Sana maging ligtas po kayong lahat.?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD