CHAPTER 14: MIDNIGHT BONDING

2154 Words
GOOD EVE!! HERE'S AN UPDATE EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS. ENJOY! ANDRIETTE'S POV Laking pasasalamat ko nang tulungan kami ni Calvin sa hospital bills. Atlis hindi ko magagalaw ang ipon ko. Pagod na pagod ako ngayong araw dahil sa mga nangyari. Dumagdag pa sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina ni Gabriel. Hinalikan niya ako! At ang mas malala pa ay nakita ni Calvin. Kitang-kita ko ang galit at selos sa mga mata niya. Nakahiga ako ngayon katabi si Patricia. Naririnig ko siyang humihilik na samantalang ako ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi pa rin ako pinapatulog dahil sa mga nangyari kanina. Tiningnan ko ang oras at nakita kong magaalas-dos na ng madaling araw. Napabuntong-hininga na lang ako at naisipang pumunta sa balkonahe. Baka sakaling makatulog ako. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng balkonahe ay malamig na simog ng hangin na agad ang sumalubong sa akin. Kitang-kita ko rin ang mga bituin sa langit at ang bilog na buwan. My favorite view! Dinama ko ang simoy ng hangin at ipinikit ang aking mga mata. Nagulat ako nang may sumitsit sa akin. Hinanap ko kung sino ang nanitsit pero mas nagulat ako nang makita ko si Calvin sa kabilang balkonahe. Gising pa siya?! " Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya. Malapit lang naman ang balkonahe ng kwarto niya kaya rinig ko ang tanong niya. " N-nagpapahangin lang. Hindi ako makatulog eh." Tumango lang siya." Gusto mo pumunta rito? May ice cream ako." Aya niya sa akin sabay ngiti. Nag-isip muna ako saglit bago tumango. Pumasok ako kaagad at nag-ayos saglit. Nakasuot lang ako ng oversized shirt at cotton shorts. Sinuklay ko ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Nakabukas naman na ang kwarto niya kaya pumasok na lang din ako. Doon ko nakita ang sangkatutak na pagkain sa lamesa habang nakabukas ang tv. May dalawang pint din ng ice cream. " Bakit ang dami mong pagkain?" Kuryosong tanong ko. Hindi ba siya naghapunan? Nagkibit-balikat lang siya bago sumagot. " Ayaw mo?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. " Gusto." Sagot ko habang nakanguso. Pinaupo niya ako at pinakuha ng pagkain. Saka ko lang din naramdaman ang gutom at naalalang hindi pala ako naghapunan. " Hindi ka nagdinner?" Tanong niya. Napansin niya siguro ang katakawan ko. " Hindi eh. Pagdating natin dito natulog agad ako. Nagising lang ako no'ng tumawag si Tatay. Tapos 'yon nawala na sa isip ko ang kumain." " You should take care of yourself. Pumapayat ka na." Sermon niya sabay turo sa akin. Tiningnan ko naman ang katawan ko habang nakakunot ang noo. " Hindi naman eh." Sagot ko lang at bumalik sa pag-kain. Natawa na lang siya nang mahina at kumain na lang din. Ilang minuto bago kami matapos kumain ay nilantakan na namin ang ice cream habang nanonood ng palabas. Horror movie pa talaga ang pinili niya. Nabaling ang tingin ko sa orasan at nakita kong alas-tres na ng madaling araw. " Hala! Alas-tres na?! May pasok pa mamaya!" Natataranta kong saad sa kaniya. Natawa lang naman siya sa akin bago kinuha ang cellphone niya. Pinakita niya sa akin ang announcement ng professor namin na sinasabing wala kaming pasok bukas. " See? Hindi ka kasi nag-oopen ng group chat." Natatawa niyang puna. " Ibigsabihin wala talagang pasok bukas?" Tumango lang siya at nasampal ko naman ang noo ko. " Nataranta pala ako para sa wala!" Sigaw ko kaya napahagalpak lang siya ng tawa. Napanguso na lang ako at nilantakan muli ang ice cream. Hindi ko namalayan na may bahid na pala ako ng ice cream sa labi. Nagulat ako nang punasan niya ng tissue ang gilid ng labi ko. " Tsk! Dahan-dahan lang kasi." Puna niya habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi ko. Ako naman ay namumula na habang nakatingin sa kaniya. Naubos namin ang ice cream kaya popcorn naman ang nilantakan namin. Daig pa namin ang nasa sinehan At dahil nga horror ang pinili niya ay panay ako takip ng mukha ko kapag lumalabas 'yong multo. Halos hindi na rin ako makapanood nang maayos dahil nakatakip ako ng kumot. " Bakit kasi horror ang pinili mo?!" Angal ko kay Calvin. Tinawanan lang naman niya ako at hindi na pinansin. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Nasubsob naman ako sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Ang bango! Lumapit siya sa akin at bumulong. " If you don't want to watch the movie, hug me tight instead." Bulong niya at naramdaman ko na lang na naisuksok niya na ang braso niya sa likod ko at nakahawak na ang kamay niya sa baywang ko. Sinubukan kong lumayo nang kaunti pero mas hinapit niya pa ang baywang ko kaya mas nadikit ako sa kaniya. Wala akong magawa kundi manood na lang din. Kapag may mga nakakatakot na eksena ay siya na rin mismo ang nagtatakip sa mga mata ko. At aminin ko man o hindi, mas gusto kong ganito na lang kami. Kumportable ako sa tabi niya na parang ayaw ko na lang umalis. Pero hindi pwede. Hindi pwede dahil may tunay na nagmamay-ari sa kaniya. Hindi ko namalayan na lumipas na ang oras at alas-kwatro na. Mabilis talaga ang oras kapag nasa piling ka ng taong mahal mo. Bumangon ako at nag-inat inat. Dahil doon ay nakita niya ang shorts kong maikli. Nakita ko naman na dumilim ang awra niya kaya ibinaba ko kaagad ang mga kamay ko. " Uhm,uuwi na ako. Salamat sa pagsama sa akin." Paalam ko sa kaniya sabay ngiti. Tumango lang naman siya nang hindi tumitingin sa akin kaya napanguso na lang at napabuntong-hininga. Tumalikod na ako at hindi pa ako nakaisang hakbang ay hinili niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa mga hita niya. " B-bakit?" Namumula kong tanong sa kaniya. Sobrang lapit niya sa akin. " Gabriel kissed you." Mababa niyang wika. Bahagya naman akong kinabahan. Ramdam na ramdam ko kasi ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. " She kissed you. She kissed my girl." Dagdag niya. My girl. Sounds sweet pero alam kong hindi ako ang tunay niyang 'girl'. Napayuko na lang ako at napanguso. Nagulat ako nang iaangat niya ang baba ko at bigla akong hinalikan. " You are mine only. Always remember that. You.are.mine." Huli niyang saad bago ako muling halikan. At sa pagkakataong iyon ay iginalaw niya na ang kaniyang labi. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang ang sarili ko na tumutugon na sa mga halik niya. Inihiga niya ako sa sofa at mas lumalim pa ang mga halik niya dahil nakapaibabaw na siya sa akin. Hinalikan niya ako sa tenga,sa pisngi at umabot na sa leeg ko ang halik niya. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. " C-calvin.." Usal ko nang huminto siya. Siya naman ay nakasubsob ang mukha sa leeg ko at ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. " F*ck, you're driving me crazy. You're the only girl that makes my heart beats faster. I love you so much." Usal niya habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko ilang sandali lang ay muli niya akong hinalikan. Paano naman ang girlfriend mo? " Please let me rest with you." Pakiusap niya at naramdaman ko na lang na nakahiga na siya sa bandang tiyan ko. Hindi pwede! Tinapik ko ang braso niya kaya nagising siya. " What?" Iritado niyang tanong. " Hindi pwede. Baka hanapin ako ni Patricia." Napatitig siya sa akin bago marahas na napabuntong-hininga. " Fine." Itinayo niya ako at inihatid sa pinto. Natatawa na lang ako sa kaniya dahil para siyang batang inapi. " Maybe next time. You'll sleep with me." Sabi niya sabay kindat. Natawa na lang ako sa kaniya. " Sige na, mauna na ako. Good night and good morning." Natatawa kong paalam sa kaniya. Natawa na lang din siya kaya nagsimula na akong maglakad. Hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya ako at muling hinalikan sa labi. Namula naman ako dahil sa ginawa niya. " Good night." Huli niyang paalam sabay kindat. Ngumiti na lang ako dahil ramdam ko ang init ng pisngi ko. Bwiset! Pumasok ako sa kwarto at laking pasasalamat ko dahil tulog pa rin si Patricia. Humiga ako sa tabi niya at saka ko lang naramdaman ang antok. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. ------------------------------------------------- Hindi pa yata ako nananaginip ay ginising na ako ni Patricia. " Hoy,senyorita,bangon na! May pasok pa tayo!" Sigaw niya sa akin at hinampas ako ng unan. Padabog akong bumangon at sinigawan siya. " Walang pasok! Magbukas ka ng group chat!" Napakunot naman ang noo niya at dali-daling kinuha ang cellphone. Ilang minuto siyang nakatitig doon bago natititili. " Ahhhhhhh!!!! Walang pasokkkkk!!!!" Tili niya habang tumatalon-talon pa. Napatakip na lang ako ng tainga ko at humiga ulit. Ang ingay niya at wala pa akong tulog! Napabaling ang tingin ko sa orasan at nakita kong 5:30 na ng umaga. Siya naman ay pabagsak din na humiga sa tabi ko pero nag-cellphone lang. Ako naman ay bumalik na ulit sa tulog. Nagising ako nang may marinig akong nagluluto sa kusina at naamoy ko ang mabangong amoy. Ang sarap! Bumangon ako at tiningnan ang orasan. Magaalas-nuebe na pala. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko roon si Calvin na nagluluto habang si Patricia naman ay nasa lamesa na at inaayos ang mga pinggan. " Oh,gising na pala ang reyna." Sabi ni Patricia nang mapansin niya ako. Natawa naman si Calvin lalo na nang tingnan ko siya nang masama. Kumain kami at dahil wala namang pasok ay napagpasyahan niya kaming dalhin sa kumpanya nila. Tuwang-tuwa naman kami dahil ito ang unang pagkakataon na makakapasok kami sa kumpanya nila. Nagsuot lang ako ng white t-shirt na nakatuck-in sa fitted jeans ko. Tinernuhan ko naman ito ng white shoes at itinirintas ko ang buhok ko. Terno naman kami ni Patricia dahil white shirt at jeans lang din ang suot niya. Sumakay kami sa kotse at naupo ako sa tabi ng driver's seat at si Patricia naman sa likod. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa mga naglalakihang building. Nagulat ako nang biglang bumukas ang bintana kaya damang-dama ko ang simoy ng hangin. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami. Isa itong 10-storey building. May malaki itong signboard kung saan nakalagay ang pangalan ng kumpanya. Montecilla Group of Jewelries. Pinapasok kami sa loob at nahiya naman ako nang bahagya dahil nakuha namin ang atensyon ng iba. Karamihan ay mga lalaking nakatingin sa akin. " Ang ganda niya" " Sino siya?" " Empleyado?" " Ang ganda!" Rinig kong bulungan ng mga empleyado kaya napayuko na lang ako. " Go back to work!" Sigaw ni Calvin na nagpakilabot sa akin. Ang mga empleyado naman ay tahimik na bumalik sa kaniya-kaniya nilang pwesto na parang walang nangyari. Dinala kami ni Calvin sa opisina niya at sobrang namangha ako dahil ang laki nito. Kitang-kita ang view ng Maynila! May malaki itong desk na nakatalikod sa bintana. Sa tabi naman no'n ay sofa set na kaharap ay isang malaking flat screen tv na nakamount sa dingding. Sa tabi naman ng tv ay ang monitor kung saan kitang-kita ang mga nangyayari sa iba pang floors. CCTV siguro. " Maupo kayo diyan. Buksan niyo 'yong tv at magpapadala ako ng pagkain." Utos niya sa amin. Naupo naman kami at agad ding binuksan ang tv " Dito lang kami?" Tanong ni Patricia. Kahit ako ay napaisip din. " Nah, maya-maya lang ay aalis tayo rito. May tatapusin lang ako." Sagot lang naman niya nang hindi tumitingin sa amin. Nagkatinginan lang kami ni Patricia at nagkibit-balikat. Maya-maya lang ay may kumatok at dala-dala ang pagkain. May pizza, manok,french fries at tatlong pint ng ice cream. Kinuha ko ang mga ito at nagpasalamat. Nginitian lang naman ako ng nagdala ng pagkain. " Wow, ang dami! May pa-fiesta pala ito si Calvin!" Natatawang saad ni Patricia. Tinawanan lang naman siya nito at tumayo na para makisabay sa amin. Kumain kami habang nagku-kwentuhan. Tawa naman kami nang tawa dahil ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ng kaibigan niya kahapon. Abala kami sa pagtatawanan nang may biglang pumutok. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na pumunta sa bintana... Na sana hindi namin ginawa. Pinaputukan kasi kami kung saan kami nakasilip. Mabuti na lang at nakayuko kami kaagad. Sa tingin ko ay baril iyon. Ilang sandali lang ay nakarinig na kami ng putukan ng baril. Ramdam ko na ang panginginig ko dahil sa takot. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin kaya iniangat ko ang tingin ko at bumungad ang nag-aalalang tingin nina Patricia at Calvin. " Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Calvin sa akin. Hindi na ako nakasagot at umiyak na lang. Niyakap naman nila akong dalawa at tinakpan ang tenga ko. Please, tumigil ka na. Takot na takot na ako... THANKS FOR READING!? DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY GOODNIGHT!! PS. simula na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD