ANDRIETTE HERMOSA'S POV
" Magandang umaga, Nanay, Tatay! Kain na po!" Bati ko kina Nanay pagkababa nila ng hagdan.
" Aba, maganda yata ang gising mo. Anong mayroon?" Puna ni Tatay sa akin. Hindi ko sila masisisi dahil ang laki talaga ng ngiti ko ngayong umaga.
" Uhm, may maganda po akong balita ngayon. "
" Ano iyon?" Kuryosong tanong ni Nanay na ngayon ay humihigop na ng kaniyang kape.
Nilabas ko ang sobre na naglalaman ng sulat galing sa university na pinag-enrollan ko. May nag-offer kasi sa akin na pumasok doon at siya raw ang mag-aasikaso ng scholarship ko. Tinanggap ko naman dahil sayang ang oportunidad. Ngunit kailangan ko namang lumuwas ng Maynila.
Iniabot ko sa kanila ang sobre at binasa naman nila ito. Kita naman ang gulat sa kanilang mga mukha dahil hindi sila makapaniwala na natanggap ako.
" Tanggap po ako sa university. Doon po ako mag-aaral ng college." Masayang saad ko.
" T-totoo ba ito, anak?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nanay na ngayon ay nangingilid na ang luha. Tumango naman ako kaya tumulo na ang kaniyang luha. Naalarma naman ako dahil sa nangyari.
" B-bakit po, 'Nay? Hindi po ba kayo masaya na natanggap ako? Matutupad ko na po ang pangrap ko."
" Iyon nga,anak. Matutupad mo ang pangrap mo kaya masaya ako. Sobrang saya." Sabi niya na may malaking ngiti sa labi. Nginitian ko rin naman siya.
" Natutuwa kami ng Nanay mo, anak. Sobrang natutuwa dahil nagbunga ang pinaghirapan mo. Gagalingan mo sa Maynila, anak. Nandito lang kami para sumoporta at gumabay sa'yo." Naiiyak na saad ni Tatay.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nila. "Pangako po, pagsisikapan ko pong matupad ang pangarap ko. At kapag nangyari iyon ay kayo naman po ang pagpapahingahin ko."
" Aasahan namin 'yan ah?" Natatawang sagot ni Nanay kaya natawa naman kaming lahat.
Nag-kwentuhan pa kami habang kumakain nang biglang pumasok sa loob si Gabriel. Ang bestfriend ko simula pa no'ng bata ako.
" Good morning!!!" Malakas na sigaw niya.
" Ang ingay mo naman! Aga-aga eh!" Suway ko sa kaniya dahil sa sigaw niya.
Inismiran niya lang ako at dumiretso kina Nanay at Tatay.
" Good morning, 'Nay,'Tay!" Bati niya kina nanay sabay halik sa pisngi. Piling niya na naman magulang niya. Lalapit na sana siya sa akin para humalik sa pisngi kagaya ng ginagawa niya pero huminto siya.
" Oh bakit?" Takang tanong ko sa kaniya habang siya ay nakatulala.
" H-hala,sino ka?" Malokong tanong niya kaya muntik ko na siyang mahampas ng walis na nasa tabi ko. Humagalpak naman siya ng tawa kasabay nina Nanay na ngayon ay hindi na magka-ugaga sa kakatawa.
" Lumayo nga sa akin, Gabriel Nathan! Aga-aga pinapainit mo yung ulo ko!"
Tumawa na naman siya kaya tumayo ako para sabunutan siya na agad niya naman iniwasan. Napunta tuloy siya sa pwesto ko kaya nakita niya ang sulat.
Dinampot niya iyon at binasa. " S-sa Maynila ka mag-aaral?" Nanginginig niyang tanong. Nangunot naman ang noo ko dahil parang iiyak siya.
" O-oo, bakit? Natanggap kasi ako sa university na pinag-enrollan ko."
Lumungkot naman ang mukha niya at nagsimula nang mangilid ang luha niya. Naalarma naman sina Nanay.
" Gabriel, anak, bakit? Anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Tatay na ngayon ay nasa tabi niya na.
" Iiwan mo 'ko?" At nagsimula nang tumulo ang kaniyang luha.
" H-ha? H-hindi. Matagal pa naman 'yan eh. Hindi naman agad-agad." Paliwanag ko pero hindi pa rin siya tumigil. Tumingin naman ako kina Nanay para manghingi ng tulong kaya lumapit siya kay Gabriel.
" Gabriel, pupunta si Andi doon para mag-aral. Bibisita naman siya rito buwan-buwan kapag walang pasok eh. Ayaw mo ba no'n? Matutupad na 'yong mga pangarap niya." Paliwanag naman ni Nanay kaya tumigil na rin siya.
" B-bibisita siya rito palagi?" Tanong niya sabay tingin sa akin.
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya kahit sa kaloob-looban ko ay nagtataka na ako kung bakit gano'n ang reaksiyon niya. May nabubuo na rin akong konklusyon sa isip ko pero ayaw ko namang mag-assume.
Hindi kaya may gusto siya sa akin?
" Sigurado ka ba na lagi kang bibisita rito? Baka hindi mo na kami balikan dito ah?Tapos mag-aasawa ka tapos yayaman tapos—"
Pinutol ko naman ang sasabihin niya dahil sinigawan ko siya. " GABRIEL!" Malakas na sigaw ko sa kaniya kaya tumawa naman siya nang tumawa. Napailing na lang kami dahil sa kaniya.
Lakas ng saltik!
Ilang minuto pa siyamg nagtagal doon hanggang sa utusan ako ni Nanay na mamalengke. Aasikasuhin pa kasi nila ang mga pananim sa bukid.
" Sama ako!" Paalam ni Gabriel at kinuha niya naman ang ecobag na dala ko.
Ganiyan lang lagi ang routine niya tuwing Sabado at Linggo. Wala kasi diyan ang mga magulang niya sa mga araw na iyon dahil pumupunta sa Maynila kaya kami ang iniistorbo niya.
Balewala lang naman kina Nanay dahil sanay na sila noon pang mga bata kami.
Namili naman kami sa palengke at saka ko lang naalala ang isa pang kaibigan ko na si Patricia.
" Tara na. Pupuntahan ko pa si Patricia." Aya ko kay Gabriel.
" Para saan?"
" Hindi ko alam kung nakapasa rin ba siya sa university o hindi. Para alam ko kung sasama siya sa Maynila." Saad ko. Napansin ko namang nag-iba ang expression niya nang banggitin ko ang Maynila ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
Pinuntahan namin ang bahay ng kaibigan kong si Patricia na malapit lang dito sa palengke. Pagkarating namin sa kanila ay agad akong kumatok.
" Pat! Patricia! Tao po!" Sigaw ko habang patuloy na kumakatok hanggang sa pagbuksan niya ako.
" Oh bakit?" Tanong niya habang humihikab pa. " Ang lakas ng boses mong babae ka."
" Ay, sorry. May itatanong lang kasi ako." Saad ko.
" Ano?"
" Natanggap ko na yung sulat tungkol sa university na pinag-enrollan natin..." Panimula ko. Napansin ko naman ang pag-seryoso niya kaya kinabahan ako nang kaunti. "... Eh ikaw ba?"
" O-oo, mayroon akong natanggap."
" Talaga? Anong resulta?" Tanong ko habang hindi mapakali. Nagdasal ako nang taimtim na sana ay nakapasa rin siya. Pero kung nakapasa nga ako ay hindi malabong ganoon rin siya dahil kung tutuusin ay mas matalino pa siya sa akin.
Umiling siya. " H-hindi ako nakapasa." Malungkot niyang tinig at yumuko siya.
Nanlumo naman ako lalo na't pupunta ako ng Maynila na walang kasama. Hindi ako gaanong sanay sa Maynila dahil ilang taon pa lamang ako noong huling punta ko roon.
" G-gano'n ba? Nakapasa ako. Kaso paano yan? Wala akong kasama papuntang Maynila. " Malungkot ko ring saad at nagsimula nang mangilid ang luha ko.
Naroon lang naman si Gabriel sa malayo kaya hindi niya ako mapapansin. Umangat naman ang ulo ni Patricia at ngumiti nang nakakaloko.
" Joke lang! Nakapasa ako!"
Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko talaga ay mapupunta ako sa Maynila nang walang kasama.
" T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya kaya nagtilian kami. " Ahhhhhhh!!!! Nakapasa tayo!!!!" Tili namin habang tumatalon-talon pa.
" Jusko ka, Patricia! Akala ko pupunta ako ng Maynila na walang kasama. Alam mo namang ayaw ko ng gano'n 'di ba?!" Sigaw ko sa kaniya dahil pinakaba niya talaga ako.
Tumawa naman siya nang malaka kaya hindi ko na rin napigilan ang tawa ko. Hanggang sa may napagtanto ako.
" T-teka, anong kurso ang kukunin mo?" Kuryosong tanong ko. Alam kong marami kaming pagkakatulad ni Patricia dahil magkasama naman na talaga kami noon pa pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot kung magiging magkaiba kami ng kursong kukunin.
" Ha? Eh ikaw?" Tanong niya rin pabalik.
" Ikaw muna."
Umiling naman siya kaya alam ko na ang ibigsabihin no'n. Sabay kami.
" Okay, 1,2,3... " Sabay naming ibinuka ang bibig namin sabay sabing....
" Business Administration." Sabay naming saad kaya nagkagulatan kami.
" 'Yon ang kukunin mo? Akala ko gusto mo ng Psychology?" Gulat na tanong ko sa kaniya dahil kailan lang ay sinabi niya sa akin na gusto niyang maging doktor.
" Noon 'yon! Syempre nagbabago ang gusto ko, noh? Saka mahirap ang Psychology at matagal pa! At isa pa, hindi rin kaya ng budget namin. So nag-isip ako ng kurso na kukunin. Eh 'di ba gusto mong mag-negosyo kaya 'yon na lang ang kinuha ko. " Mahabang paliwanag niya na nagpangiti sa akin.
Bestfriend ko nga talaga siya.
" Pa'no ba 'yan? Mukhang sanggang-dikit talaga tayo! Roommates tayo ah!" Masigla niyang saad at pinagbunggo pa ang braso namin.
Natawa naman ako sa kaniya. " Oo nga eh! Kahit sa pag-aaral."
Nagtawanan naman kami hanggang sa maalala kong kasama ko pala si Gabriel.
" Ay, hala! Si Gabriel pala!"
" Gabriel? Kasama mo si pogi?" Tanong niyang nakakaloko kaya tiningnan ko naman siya ng masama. Tinawanan niya lang talaga ako.
" Sige na, mauna na ako. Magluluto pa kasi si Nanay eh." Paalam ko at nagsimula nang maglakad palayo.
" Sige, sige! Balitaan mo na lang ako tungkol sa university.Ingat!" Kumaway pa siya bago pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Hinanap ko naman si Gabriel at nakita ko siya roon na may kausap na... Babae?
Pinuntahan ko siya at narinig kong nagtatawanan sila. Sa hindi inaasahan ay nakaramdam ako ng kaunting selos.
Bakit? Anong nangyayari?
Pinilig ko nang mariin ang ulo para matanggal sa isipan ko ang nararamdan ko ngayon.
Wala 'to. Nasanay lang siguro kasi ako na sa tagal ng panahon ay halos nasa akin lang ang atensyon niya. Baka naninibago lang ako. Hindi niya kasi ugaling makipag-usap sa mga babae bukod sa'kin.
Napagpasyahan kong lumapit sa kanila at napansin naman ako ni Gabriel.
" Oh, Andi. Nandito ka na pala." Lumapit siya sa akin at iminuwestra ang kausap niya. " Andi, si Michelle nga pala. Michelle si Andi, bestfriend ko." Pagpapakilala niya sa akin doon sa Michelle.
Maganda ang babae. Maputi, matangos ang ilong, matangkad at talagang makinis ang balat. Mapula rin ang kaniyang mga labi. Base sa kaniyang itsura ay papasa siyang maging model.
" Hello, Andi." Kumaway sa akin ang babae.
Kinawayan ko rin naman siya. " Hello rin, Michelle."
Hindi ko masasabing mabait siya lalo na't kitang-kita sa kaniyang mukha ang kamalditahan.
Nag-usap muna sila sandali bago napagdesisyunang magpaalaman sa isa't-isa. Umuwi naman kami sa bahay at laking gulat namin nang makitang may bisita kami sa labas.
" Sino 'yon?" Takang tanong ni Gabriel habang nasa likod ko.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay dumiretso ako sa bahay. Doon ko naman nakita ang kausap nina Nanay. Sina Mang Rudolfo kasama ang asawa niya!
" Oh ayan na pala si Andriette eh." Puna ni Nanay.
Lumingon naman sina Mang Rudolfo sa akin at ngumiti.
" Napakagandang dalaga talaga nitong si Andriette. Ang laki mo na, iha!" Saad ng asawa ni Mang Rudolfo na si Aling Melissa.
" S-salamat po. " Nahihiyang tugon ko.
" Naku, namiss talaga namimg kayo kumpare! Inuman naman mamaya! " Bumaling naman si Mang Rudolfo kay Tatay na ngayon ay natatawa na.
Samantalang si Aling Melissa naman ay kinakausap na si Gabriel na kakapasok lang.
Napagdesisyunan ko namang tumulong kay Nanay na nasa kusina habang nagku-kwentuhan sila sa sala.
Ilang sandali lang ay kumakain na kami kasama sina Mang Rudolfo at Aling Melissa at syempre si Gabriel Nathan na ngayon ay nangunguna na sa kwentuhan. Tawa naman kami nang tawa dahil sa mga kwento niya.
Napagpasyahan naman nilang manatili sandali bago umalis.
" Mamaya, kumpare! Susunduin namin kayo dahil magtitipon-tipon tayo mamayang gabi. Isama mo na sina Andriette. "
" Sige, kumpare. Aantayin namin ang sundo mo. "
" Sige, paalam. " Nagpaalaman naman sila kaya pumasok na kami sa loob.