Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan habang hawak ang aking dibdib. Pakirandam ko sasabog ako sa sobrang kaba at galit. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya sa loob ng halos sampung taon. Sampung taon!
-------------------------------------------
Ngayon ang uwi ko sa Pilipinas para sa isang business proposal na inoffer sa akin ng clothing company. Malaki ang oportunidad na masasayang kung hindi ko ito tatanggapin. Ayaw ko pa sanang umuwi dahil alam kong makikita ko siya lalo na't sikat na businessman na siya ngayon sa Pilipinas. Kaso sayang ang offer dahil matutulungan nitong iangat ang papalago ko pa lang na kumpanya.
I am the CEO and the owner of Power Jewelries here in Indonesia. Sa Indonesia lang siya sikat pero hindi siya gaanong kilala sa Pilipinas lalo na't kakatayo lang nito.
Gusto ko itong palaguin dahil ayaw kong masayang ang pinaghirapan ng Ibu ko rito sa Indonesia. She died 4 years ago kaya ako ang umako ng responsibilidad niya sa kumpanya. She legally adopted me as a thank you for saving her back then. Wala rin siyang anak kaya wala siyang pagmamanahan ng kaniyang kumpanya sa oras na mamayapa siya kaya niya ako inampon nang sa ganoon ay sa akin lahat mapupunta ang kaniyang mana pati na rin itong kumpanya.
Nagsikap akong palaguin ito at ngayong malago at sikat na, oras naman para bumalik at maningil. I decided to build another building in the Philippines para mapalago. Babalik naman ako sa Indonesia para mamanage ko pa rin ang kumpanya namin dito.
At ngayon ang oras para simulan ang aking plano. A famous clothing company offered me a partnership weeks ago. Sobrang sikat at lago nito. Montecilla Clothings. I suddenly remembered that Montecilla who destroyed me 10 years ago. But still, hindi lang naman siya ang Montecilla sa mundo.
I did some research about its owner but it was so private. Ang tanging nakalap ko lang ay lalaki ng may-ari nito pati na rin ang address ng kumpanya at talagang sikat na noon pa ang kumpanya nila. Nag-suspetsa tuloy ako tungkol sa owner but hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.
Pinark ko ang aking kotse at laking gulat ko nang makitang pamilyar ang kumpanyang ito. Halos manlambot ang tuhod ko nang makita ko ang poster ng may-ari sa labas mg kumpanya. Siya nga! Siya pala ang may-ari nito. That's why I have this weird feeling na parang kilala ko ang may-ari.
Hindi pa ako handang harapin siya. Oo, buo na ang plano pero pinaplano ko pa lang ang pagpapakita ko at pag-atake. Hindi ko akalaing ngayon iyon.
Kahit nanlalambot ang aking tuhod at halos hindi ko maihakbang ang aking paa ay tumuloy pa rin ako sa loob.
Lumapit ako sa receptionist at laking gulat niya naman nang makilala ako. Nadala niya na rin kasi ako noon dito kaya halos kilala na ako ng mga employee dito.
"Good morning, Ms. Andi. D-do you have an appointment?" Pormal niyang bati kahit nanginginig ang kaniyang boses na para bang takot na takot sa akin.
"Yes. I have a business meeting with Mr. Montecilla."
"Wait a moment, Ms." Tumawag siya sa telepono na pakiwari ko ay konektado sa opisina ng lalaking iyon. "You can go, Ms. Andi. Fifth floor po."
"Thanks, Mica." Sagot ko na ikinangiti niya.
Paalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag. " Yes?"
"Uh, n-nice to see you again, Ms. Andi" Nanginginig niyang saad. Nginitian ko lang siya bago tuluyang umalis.
Kahit sa paglalakad ko ay pinagtitinginan pa rin ako ng mga empleyadong nakakakilala sa akin noon habang ang iba naman ay mababakas ang takot sa akin. Why not? I have this intimidating aura na kahit si Ibu ay napansin noon.
Narating ko ang fifth floor at kakatok na sana nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n ang lalaking nag-wasak sa akin sampung taon ang nakararaan.
Nginitian ko naman siya. That evil smile I had before. "Good morning, Mr. Montecilla" Diniinan ko ang kaniyang apelyido.
Tinitigan niya pa ako nang matagal bago ako binati. "Good morning, too, Ms. Power." Diniinan niya rin ang aking apleyido. "Come in. Board members are waiting for you. " Binuksan niya nang malaki ang pinto at pinapasok ako sa loob.
Pagkapasok ko ay biglang tumahimik ang board members na kanina ay maingay lang. Tila dumating ang isang katutak na anghel.
"Good morning, everyone." Bati ko.
Sabay-sabay naman silang tumayo at bumati sa akin. Nginitian ko lang sila.
Ilang minuto lang ay sinimulan na ang meeting at sa wakas ay na-approve ang aking proposal.
"Thank you for offering this partnership, Mr. Montecilla." Nanatili pa rin akong pormal kahit sa loob-loob ko ay nag-aalab na ang aking katawan sa sobrang galit.
"No worries, Ms. Power. Besides, it is also a big opportunity for your company even though you're famous in Indonesia." Paliwanag niya.
Nangunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. How did he know?
"Where did you get that?"
"Get what?" Tanong niya habang nakakunot na rin ang kaniyang noo.
"That news. How did you know?"
"Common sense, Ms. Power. Hindi naman siguro ako basta-basta kukuha ng kumpanyang hindi sikat 'di ba?"
Nanatili pa ring nakakunot ang aking noo dahil alam kong hindi iyon ang tunay niyang dahilan. Tumango naman ako para matapos na ang usapan.
Ilang sandali lang ay binabagtas ko na ang daan pabalik ng hotel na binook ko noong nakaraan. Maaga pa akong gigising bukas para makipag-kita sa mga friends ko.
Pagkarating ko ay doon ko binuhos lahat ng aking emosyon. Halos sirain ko ang mga gamit sa hotel dahil sa sukdulang galit ko.
"Kaunti na lang, Calvin. Kaunti na lang at matitikman ninyo lahat ng naranasan ko. Ibabalik ko sa pamilya mo lahat-lahat. Isinusumpa ko, matitikman ninyo ang aking paghihiganti. It's the time."