CHAPTER 2: UNANG PAGKIKITA

1910 Words
ANDRIETTE' S POV Pagkaalis nina Mang Rudolfo at Aling Melissa ay naghanda na kami dahil maya-maya lang ay susunduin na kami papunta sa pagtitipon. Anong oras na rin kasi kaya kailangan na namin maghanda. Si Gabriel naman ay pansamantalang umuwi sa kanila dahil maglilinis pa raw siya ng bahay nila. Ang sabi ni Mang Rudolfo ay hindi lang daw iyon simpleng pagtitipon dahil may ipapakilala raw siyang pamangkin niya galing sa Maynila. Ang totoo niyan ay galing sa mayamang pamilya sina Mang Rudolfo sa Maynila. Ang kaniyang asawa na si Aling Melissa ay kapatid ng isang sikat na businessman doon sa Maynila na siya namang tatay ng ipapakilala niya sa'min mamaya. Ngunit sina Mang Rudolfo ay nanatili rito sa probinsya pagkatapos mamatay ang asawa ng kapatid niya. Nagkagulo rin kasi sila matapos matuklasan ang lihim ng asawa ng kapatid ni Aling Melissa. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay pinili na nilang manatili rito sa probinsya. --------------------------------------- Nandito na kami ngayon sa pagtitipon. Hindi naman ito kalakihan dahil ang mga imbitado lang ay 'yong mga kaibigan nina Mang Rudolfo kasama ang mga asawa nila at ilan nilang mga anak. Kasama rin namin si Gabriel ngayon. Hinanap namin si Mang Rudolfo at nakita naman namin siya kausap ang isang binatang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang namin ni Gabriel. Matangkad, matangos ang ilong at perpektong kurba ng mukha. Pwede siyang model. Ang gwapo! Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kaniya at nag-uumpisa nang kumalabog ang puso ko kaya hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa dibdib ko. " Andi, ayos ka lang?" Tanong ni Gabriel na may halong pag-aalala ang tinig. Napabalik naman ako sa ulirat kaya tiningnan ko siya. Doon ko nakita ang mga mata niyang malungkot at nag-aalala na may kaunting.... selos? " Ah, oo. Ayos lang ako. Medyo sumakit lang 'yong dibdib ko." Tatango-tango kong sagot. Tumango naman siya kahit alam kong hindi siya naniniwala at hindi na inalis ang tingin niya sa akin. Tinawag naman kami nina Nanay na ngayon ay kausap na si Mang Rudolfo kasama ang lalaking kanina ko pa tinitingnan. Pagkalapit namin ay doon ko nakita nang malapitan ang kaniyang mukha. Nagtama ang paningin namin ngunit agad din akong umiwas dahil nagsisimula na naman na kumalabog ang dibdib ko. " Calvin, ito nga pala ang anak ko, si Jara Andriette. Pwede mo siyang tawaging Andi. " Pakilala sa akin ni Nanay. Inilahad naman ng tinawag niyang Calvin ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon at muli ko namang naramdaman ang pagkalabog ng puso ko. Anong nangyayari?!!! " Ako si Calvin Ashton. Calvin na lang. " Saad niya habang nakahawak sa kamay ko. " Andriette. Andi for short. " Bumitaw naman ako dahil kung hindi ako bibitaw ay baka himatayin na lang ako bigla dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. " Saka ito naman ang bestfriend ni Andi, si Gabriel Nathan. Gabriel na lang din. " Iminuwestra naman ni Tatay si Gabriel at nag-shakehands sila ni Avelino at nagpakilala sa isa't-isa. " Ito 'yong sinasabi ko sa inyo na pamangkin kong galing Maynila. Anak siya ng kapatid ni Melissa." Saad ni Mang Rudolfo habang nakaakbay kay A Calvin kahit na mas matangkad pa sa kaniya ito. " Naku, kaya naman pala gwapo." Natatawang biro ni Nanay kaya medyo ngumiti rin si Calvin Bakit iba para sa akin kapag ngumingiti siya? Nagsalubong na naman ang tingin namin kaya agad akong umiwas at nabaling naman ang tingin ko kay Gabriel na nakatitig pala sa akin. " B-bakit?" Kinakabahang tanong ko dahil nakikita ko na naman sa mata niya ang selos. Ano bang nangyayari sa kaniya? Totoo ba ang hinala ko? May gusto kaya siya sa akin? Umiling lang siya at ibinaling sa malayo ang tingin niya. Ilang sandali lang ay kumakain na kami. Nasa iisang lamesa lang kami kasama sina Mang Rudolfo, Aling Melissa at Calvin Hindi tuloy ako makakain nang maayos dahil nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin. " Magkokolehiyo na pala itong si Andi, ano?" Tanong ni Aling Melissa habang kumakain. Napabaling naman ang tingin ko sa kaniya. Naramdaman ko na naman ang tingin sa akin ni Calvin at dahil ay magkatabi lang sila ni Aling Melissa ay nahagip rin siya ng tingin ko kaya muntik ko nang madura ang kinakain ko. Nasamid tuloy ako kaya todo alalay sa akin si Gabriel at binigyan niya ako ng tubig. " Dahan-dahan kasi. Nguyain mo nang maayos ang kinakain mo. " Saad niya. Ibinigay ko naman sa kaniya ang tubig. " Okay ka na, Andi?" Tanong ni Aling Melissa na may pag-aalala. " O-opo. Medyo hindi ko lang po nanguya nang maayos 'yong kinakain ko." Naiilang kong sagot. " Takaw kasi. " Parinig ni Gabriel kaya tiningnan ko siya nang masama. Natawa naman ang mga kasama namin sa mesa maliban kay Calvin. " Oo, magkokolehiyo na siya itong darating na pasukan." Sagot ni Tatay. " Gano'n din itong si Calvin. " Singit naman ni Mang Rudolfo habang nakaturo pa kay Calvin na nakatingin na naman sa akin. 'Pag ako hinimatay dito, kasalanan mo! " Saan ka mag-aaral, iha?" Si Aling Melissa. " Mystic View University po sa Maynila. " " Talaga?! Eksaktong-eksakto dahil doon rin mag-aaral si Calvin. " Manghang saad ni Aling Melissa. Nagulat kami nang masamid bigla si Gabriel at nag-umpisa nang umubo-ubo. Agad ko namang inabot sa kaniya ang tubig at agad niya itong ininom. May tumulo naman sa baba niya na tubig kaya pinunasan ko ang bimpo na dala ko. Nahimasmasan naman si Gabriel at huminga nang malalim. " Takaw kasi." Parinig ko kaya tiningnan niya rin ako nang masama. Nginisihan ko naman siya nang nakakaloko. " May namamagitan na ba sa inyong dalawa?" Tanong ni Mang Rudolfo na ikinagulat naming lahat pati na rin nila Nanay. " Ho? Wala po! Close lang po talaga kami nitong si Gabriel kasi 'di pa po magkasama na talaga kami noon pa. " Paliwanag ko. Binalingan naman ng tingin ni Mang Rudolfo si Gabriel para kumpirmahin ang sinabi ko. " O-opo. Gano'n lang po talaga kami. Normal na po sa amin 'yon." Sabi naman ni Gabriel. Tumango-tango naman si Mang Rudolfo kaya nakahinga kami nang maluwag. " Gaya nga ng sinasabi ko kanina, doon din mag-aaral si Calvin sa MVU. Ibigsabihin ba niyan ay nakapasa ka sa scholarship exam ng school na 'yon? " Manghang tanong ni Aling Melissa. Doon ko lang napansin na tumigil na pala kamj sa pag-kain pati na rin si Calvin na ngayon ay may tinatype sa cellphone niya. " O-opo. Kaninang umaga ko lang po natanggap ang sulat." " Ang talino mo talagang bata ka! Alam mo bang bihira lang ang makapasa sa scholarship exam ng MVU? Mag-isa ka lang ba? " " Hindi po. Nakapasa rin po si Patricia. " " Ah oo, matalino rin ang batang iyon. Anong kurso ang kukunin mo? " Kuryosong tanong ni Aling Melissa. Sina Nanay, Tatay, Gabriel at Mang Rudolfo naman ay nag-aabang lang ng isasagot ko. Nakatitig sila sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mailang. " B-business Administration po." Nahihiya kong sagot. Dahil sa sinabi ko ay umangat ang paningin ni Calvin na kanina lang busy sa cellphone niya. " Eksakto nga naman ang pagkakataon oh! Gano'n rin ang kurso na kukunin nitong si Calvin. Pwede niya kayong tulungan doon si Maynila. " Narinig ko naman ang mahinang pagsinghap ni Gabriel kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtama naman ang mga mata namin kaya nakita ko na naman ang malungkot niyang mata at ang selos. Iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya kaya nahagip ko naman ang tingin ni Calvin na titig na titig sa akin habang nakasandal sa upuan at nakakrus ang braso sa dibdib. Nailang naman ako kaya iniiwas ko rin ang tingin ko sa kaniya. " Naku, hindi na, Melissa. Nakakahiya naman dito kay Calvin." Iiling-iling na sagot ni Nanay. " Kaya nga. Kaya naman 'yan nila Andi at Patricia roon sa Maynila." Pagsang-ayon ni Tatay. " Okay lang naman po sa akin, Mang Fernand. Atlis may kasama po sila roon sa Maynila." Tutol naman ni Calvin kay Tatay. Parang nagdiwang naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Aminin ko man o hindi ay totong nalungkot ako nang bahagya nang tumutol sina Nanay at Tatay sa suhestiyon ni Aling Melissa. Atlis kapag kasama namin siya sa Maynila ay lagi ko na siyang makikita. Ha?! Ano ba 'tong sinasabi ko?! Crush ko yata siya eh? Tila sumang-ayon naman ang puso ko nang mabanggit ko ang salitang crush. Totoo nga! Crush ko na si Calvin!!!!!! " Oo nga naman, Luciana! Ayaw mo ba no'n? May gagabay dito sa dalagingging niyo!" Patuloy na panghihikayat ni Aling Melissa kay Nanay. " Pag-uusapan muna namin ni Fernand 'yan tutal malayo pa naman ang pasukan." Sagot naman ni Nanay. Tumango na lang si Aling Melissa. Ilang sandali lang nagkayayaan nang mag-inuman habang sina Nanay at Aling Melissa ay nasa isang lamesa kasama pa ang iba naming kapitbahay at doon sila nagku-kwentuhan. Habang kaming tatlo naman ay naiwan lang dito sa lamesang pinagkainan namin kanina. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa tumikhim si Calvin. " So, ikaw Gabriel? Anong kurso ang kukunin mo?" Tanong ni Avelino kay Gabriel na ngayon ay nakatulala lang sa malayo. Tila nabalik naman siya sa ulirat kaya sinagot niya ang tanong ni Calvin. " Culinary arts ang kukunin ko. Pag-aaralin ako ng Tita ko sa Maynila pero malayo sa school niyo. " Tumango lang naman si Calvin at bumaling sa akin." Eh ikaw? Bakit Business Ad ang kukunin mo?" " G-gusto ko kasing magtayo ng business para na rin makatulong kina Nanay. " Sagot ko naman. Tumango lang ulit siya kaya nanahimik ulit kami. Gusto ko sanang itanong din kung bakit Business Ad ang kukunin niya pero mukhang alam ko naman ang sagot. Mamanahin niya ang kumpanya nila dahil iisang anak lang siya. Nagpatuloy pa ang maiikli naming kwentuhan hanggang sa matapos ang pagtitipon. Hindi naman gaanong lasing si Tatay kaya kahit papaano ay makakuwi kami. Nagpasalamat lang kami at nagpaalaman na. Umuwi naman kami agad sa bahay dahil kaunti na lang ay makakatulog na si Tatay. Buti na lang at nandito pa rin si Gabriel kaya nakaalalay siya kay Tatay. Inihiga naman namin si Tatay at pinunasan siya ni Nanay. " Andi..." Tawag sa akin ni Gabriel sa likod ko. Medyo nagulat pa ako dahil mahina ang pagkakasabi niya. "...pwede ba tayong mag-usap?" Napalingon naman si Nanay sa amin dahil pansin niya ang pagiging seryoso nito. Kahit ako naman ay kinakabahan nang kaunti dahil bihira lang siya magseryoso gaya ng ginagawa niya ngayon. Tumango naman ako at bumaling kay Nanay para magpaalam. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya tumango rin siya. Pumunta kami sa labas ng bahay dahil presko dito. " B-bakit?" Hindi ko maiwasang mautal dahil kinakabahan ako sa sasabihin niya. " Tatanggapin mo ba ang alok ni Avelino?" Malumanay na tanong niya. Napalunok naman ako bago sumagot. " D-depende naman kina Nanay ang desisyon." " Alam mo ba? Kung ako lang ang masusunod,ayaw kong sumama ka sa kaniya." " Bakit naman?" " Dahil ayaw kong malayo ka sa akin..." Halos pabulong niyang sagot. Natulala naman ako at hindi nakapagsalita kaya hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko sabay sabi ng salitang nagpayanig sa akin. " Gusto kita. Gustong-gusto kita,matagal na." Pabulong niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko. Ako naman ay napaawang ang bibig dahil sa gulat. T-tama nga ang hinala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD