GOOD EVE!❤️ UPDATE!
EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS
ENJOY!❤️
ANDRIETTE'S POV
Naiinis ako! Inis na inis ako! Nagising kasi ako na katabi ko si Calvin kanina. Wala sanang problema kaso may girlfriend siya!
May girlfriend siya!
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumabas na ng kwarto namin. Bumaba ako sa resto at doon ko naabutan si Carlos.
" Good morning." Bati niya sa akin sabay ngiti.
" Good morning din. Tara na? Uuwi na kasi kami mamaya eh. " Tugon ko sa kaniya at tinanguan niya rin naman.
Ilang minuto pa kaming naglakad bago namin narating ang Casa de Kubo. 'Yon ang pangalan dahil puro kubo lang ang makikita mo rito na pwede mong tambayan. Ang pinakagusto ko ay ang tanawin na makikita mo sa harapan at ang sariwang hangin.
" Ang ganda rito!" Bulalas ko at tumakbo sa buhanginan para malanghap ko ang sariwang hangin.
Natawa naman siya sa akin. " You're so cute." Papuri niya kaya namula ang pisngi ko. Mas lalo tuloy tuloy siyang natawa.
Dinala niya ako sa kubo kung saan bungad na bungad ang dagat. Pagkarating namin ay nagulat ako dahil kumpleto na lahat ng gamit na kakailanganin namin.
" Kumpleto lahat?" Tanong ko sa kaniya na ngayon ay inaayos na ang mga gamit.
Tumango naman siya. " Pinadala ko kahapon sa driver namin lahat ng gamit no'ng nakita kita rito. " Paliwanag niya sa akin at tumango lang ako.
Sinimulan namin ang paggawa ng project habang nagkukwentuhan. " Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Tanong niya bigla sa akin kaya natigilan ako.
" Uhm, m-may inasikaso kasi Calvin dito sa B-batangas. Gusto niya na rin kasi magbakasyon kahit saglit lang kaso wala siyang kasama. Eksakto naman na wala si Patricia kaya ako ang isinama niya. " Paliwanag ko sa kaniya.
Tumango naman siya bago ulit nagsalita." Akala ko nasa date kayo eh." Natatawa niyang saad.
Hindi naman ako nakaimik at ipinagpatuloy na lang ang paggawa. Ilang oras pa ang lumipas ay patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan at pagtatawanan. Hindi tuloy namin namalayan na lunch na pala.
" Tara mag-lunch muna tayo. Nagugutom ka na ba?" Aya niya sa akin.
" Medyo. Hindi kasi ako nakapag-almusal eh." Sagot ko. Saka ko lang naramdaman ang gutom kaya kumalam ang sikmura ko. Natawa naman si Carlos kaya namula ang pisngi ko.
" Okay, let's go. Nagwawala na 'yong mga alaga mo sa tiyan. " Wika niya saka hawak sa kamay ko para alalayan akong bumaba.
Pagkababa ko ay aksidenteng nahagip ng paningin ko si Calvin. Hindi ako sigurado kung siya ba 'yon pero alam kong nakatingin siya sa direksyon namin.
Napailing na lang ako dahil baka guni-guni ko lang 'yon. Gutom kasi.
Pumunta kami sa resto na malapit sa Casa de Kubo. Malayo pa kasi kung doon kami sa isang resto pupunta. Masasayang lang ang oras namin.
Pagkarating namin sa resto ay agad kaming nakahanap ng pwesto na katabi lang ng bintana. Si Carlos naman ay umorder na. Habang inililibot ko ang paningin ko sa resto ay nahagip na naman ng mata ko si Calvin.
At hindi na ako nagkamali. Siya nga. Nakatingin siya sa direksyon namin habang nakasandal sa puno. Walang emosyon ang mga mata niya. At nakatitig siya sa akin.
Iniiwas ko ang paningin ko nang dumating na si Carlos na may dalang pagkain.
" Here, ito 'yong tray mo." Iniabot niya sa akin ang tray na maraming pagkain. Tiningnan ko naman ang tray niya at nakita kong kaunti lang ang pagkain niya.
" Bakit kaunti lang 'yong sa'yo?"
" Nah, I'm full. Besides, nakapag-almusal naman ako kanina. Isa pa, makita lang kitang busok okay na ako. " Sabi niya sa akin at kinindatan ako.
Natawa na lang ako sa kaniya at napailing. Sinimulan naman namin ang pag-kain kaya habang nagkukwentuhan kaya pansamantalang nawala sa isip ko si Calvin.
" Andi, may dumi sa mukha mo." Sabi ni Carlos at itinuro ang mukha ko.
Nahiya naman ako kaya agad kong pinunasan pero hindi ko nakuha. Kaya naman siya ang kumuha ng tissue at ipinunas sa mukha. Naramdaman ko namang nag-init ang pisngi kaya agad akong umiwas.
Kamalas-malasan namang nahagip ng paningin ko si Calvin. Doon ko siya nakitang nakayukom ang mga kamao at galit na galit ang mga mata habang nakatingin sa amin. Bahagya akong kinabahan pero agad na inagaw ni Carlos ang atensyon ko.
" Is there something wrong?" Malambing niyang tinig habang nakahawak sa baba ko.
Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti. " Tara na, bilisan na natin para matapos na agad 'yong project. Uuwi na rin kasi kami maya-maya eh."
Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pag-kain. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang paminsan-minsan na pagsulyap niya sa akin.
Ilang sandali lang ay mabilis naman kaming natapos kumain at bumalik sa paggawa ng project. Hindi ko na ulit pa nakita si Calvin pagkalabas namin ng resto.
" Ayan, tapos na natin. Pag-usapan na lang natin sa text 'yong tungkol sa presentation. " Sabi niya matapos namin gawin 'yong project.
" Sige. Wala na kasi tayong oras." Tugon ko naman sa kaniya at ngumiti. Napansin ko naman nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang. " B-bakit?"
Tila nabalik naman siya sa ulirat kaya umiling lang siya. " Sige, sa text na lang natin pag-usapan." Pagsang-ayon niya sa akin at tumayo na kami para ayusin ang mg kalat.
Bumaba kami ng kubo pero bago ako makapaglakad ay hinawakan niya ang kamay ko. " Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
" Uhm,m-may sasabihin sana ako sa'yo." Nahihiya niyang wika habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Mas hinila niya pa ako palapit sa kaniya.
" A-ano 'yon?" Hindi ko na rin maiwasang mautal dahil nararamdaman ko ang kaba niya.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot nang mabilis na siyang nagpakabog sa dibdib ko. " Gusto kita. Gustong-gusto kita."
Ako naman ay naiwang nakatulala lang. Si Carlos na crush ko ay may gusto sa akin?!
" H-ha?" Ang tangi ko lang nasabi kaya natawa siya nang mahina.
" Gusto kita. Unang kita ko pa lang sa'yo ay alam ko nang may mabuting puso ka. Mas napatunayan mo pa 'yon nang iligtas mo ako noon. Don't worry, I'm not forcing you to like me back. Just accept my feelings for you. I like you, Andi." Mahabang niyang saad at ngumiti.
Hindi ko alam kung bakit pero kumportable ako sa mga sinabi niya. Kaya hindi ko inaasahang kusa akong ngumiti sa kaniya.
" Sige. Tatanggapin ko 'yong nararamdaman mo sa akin. Pero uunahan na kita, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Pag-aaral muna ang priority ko para sa pamilya ko. Kaya pasensya ka na kung hindi ko agad masusuklian ang nararamdaman mo sa akin." Tugon ko naman sa kaniya.
Ngumit naman siya nang matamis. " It's okay. Like I said, I'm not forcing you to like me back. No pressure. Alam ko namang pag-aaral ang priority mo. That's one of the reason why I fell for you."
Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya napabungisngis siya.
" Tara na, uwi na tayo." Aya ko sa kaniya pero hindi pa rin siya gumalaw. Ngayon ko lang napansin na hindi niya pa rin pala binibitawan ang kamay ko.
Hinila niya ako at hinapit ang baywang ko. " I'll wait for you. I'll wait for the moment that you will like me back." Bulong niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. " Sa pisngi muna." Dagdag niya at kinindatan ako.
Ako? Ayun kilig. Tulala pa rin ako at ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko. Sigurado akong mas mapula pa ako sa kamatis ngayon.
Hindi ko namalayan na hila-hila niya na pala ako pabalik ng hotel. Para akong nakalutang sa ere.
Hinatid niya na lang ako sa reception area at hindi na umakyat. Nagpaalam na siya sa akin pero bago 'yon ay hinalikan niya ako sa noo.
Napangiti na lang ako nang may maramdaman akong kakaiba sa tiyan ko.
Is this what they call 'butterflies?'
Dumiretso ako sa kwarto namin at binuksan ko ito. Nagulat naman ako nang makitang wala roon si Calvin. Pupunta na sana ako sa banyo nang biglang may yumakap sa akin patalikod.
" Andi..." Bulong niya sa akin na nagpatindig ng balahibo ko. Pilit ko naman kumawala sa yakap niya pero mas lalo niya pang hinigpitan. " Please, let me hug you." May pakikiusap sa tinig niya at para bang pagod na pagod siya.
" A-ano bang problema mo?" Tanong ko sa kaniya at pilit na kumakawala sa yakap niya.
" Please...don't make this hard for me." Muli niyang bulong.
" C-calvin... Ano bang nangyayari sa'yo?"
" I'm jealous." Mahina niyang wika pero sapat na para marinig ko.
Lumakas naman ang kabog ng dibdb ko dahil sa sinabi niya. N-nagseselos siya? Kanino?
" H-hindi kita maintindihan!" Sigaw ko sa kaniya at buong lakas akong nakawala sa kaniya.
Doon ko nakita ang mukha niya. Magulo ang buhok at parang pagod na pagod.
Nagulat ako nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
" P-please,don't give him a chance. Please, don't love someone else. H-hindi ko kakayanin." Bulong niya habang nakasubsob pa rin ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga at ilang sandali lang ay naramdaman kong basa na ang leeg ko.
U-umiiyak siya?!
" C-calvin... Pero may girlfriend ka." Mahina kong tugon sa kaniya.
Nabigla ako nang iangat niya ang ulo niya at sinuntok ang pader na kinasasandalan ko.
" F*ck! 'Yon nga ang problema ko eh! May girlfriend ako pero hindi ko alam kung bakit ikaw ang hinahanap ng puso ko!" Sigaw niya at muling naglandasan ang mga luha niya.
Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.
" H-hindi pwede, Calvin! May girlfriend ka! Ayaw kong masira kayo nang dahil sa akin. Ayaw kong may masaktan akong tao. Ayaw kong may maghiwalay dahil sa akin. At ayaw kong maging kabit!" Kasabay ng huli kong sigaw ay ang pagtulo ng mga luha ko na kanina pa gustong magsilabasan.
Lumambot naman ang ekspresyon niya nang makita akong umiiyak. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
" Shshshsh, don't cry, Andi. You're making me weak."
Tumigil ako sa pag-iyak at humiwalay sa yakap niya. Hinawakan niya naman ang pisngi ko at diretso akong tiningnan sa mga mata.
" Answer me. Just tell me the truth. May gusto ka ba kay Carlos?" Mahina niyang tanong.
Natigilan naman ako at walang ibang ginagawa kundi mag-iwas ng tingin.
" Tell me the truth, Andi." Mariin niyang tanong sa akin.
Kung ito ang paraan para mawala sa akin ang atensyon mo ay gagawin ko. Para sa girlfriend mo.
Wala akong ginawa kundi ang tumango. " O-oo, gusto ko si Carlos. K-kaya binigyan ko siya ng chance para patunayan ang sarili niya." Buong tapang kong sagot kahit nanginginig ang sistema ko.
Binitawan niya naman ang pisngi ko at nanghihinang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko kasabay ng mahigpit niyang pagyakap sa akin.
" N-no, please, Andi. Don't. Hindi ko kakayanin!" Umiiyak niyang saad.
Ako naman ay walang nagawa kundi umiyak nang palihim. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang hindi pa rin ako binibitawan. Ilang sandali pa bago siya tumahan ay inangat niya ang ulo niya at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako. Hindi lang sa pisngi kundi sa labi mismo.
Matagal na nagkalapat ang mga labi namin at nagulat ako nang unti-unti itong gumalaw. Mas lalo pang lumalim ang halik niya at hindi ko alam kung bakit ako nagpaubaya.
Isinandal niya ako sa dingding at patuloy pa rin sa paghalik. Ilang minuto pa ang itinagal bago siya bumitiw. Ipinaglapat niya ang mga noo namin.
" Please, just this time. Let me love you. " Bulong niya at muli akong hinalikan. Siya na mismo ang nagkawit ng mga braso ko sa leeg niya at hinawakan ang batok ko para mas lumalim pa ang halik.
Hindi ko alam kung anong nangyari at nagulat na lang ako dahil tumutugon na ako sa mga halik niya. Bumaba pa ang mga halik niya sa leeg ko ngunit agad din niyang ibinalik sa labi ko.
Ilang sandali lang ay pinaglapat niyang muli ang mga noo namin. " For the first and last time, let me say this. I love you, Andi." Wika niya na nagpakabog ng dibdib ko.
Iba talaga kapag inamin niya na mismo.
Hinalikan niya muli ako sa labi bago yakapin nang mahigpit. Yakap na parang ayaw niya na akong bitawan. Pero hindi pwede.
Niyakap ko rin siya pabalik. Last na 'to. Hindi na ako aasa pa.
" For the first and last time, I love you too, Calvin." Bulong ko sa kaniya at naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
" F*ck! Bakit kasi hindi tayo pwede?" Naiiyak niya tanong.
Umiling lang ako at nanatiling nakayap sa kaniya.
'Yon din ang tanong ko.
Bakit hindi kami pwede?
Baka hindi talaga kami para sa isa't-isa.
THANKS FOR READING!❤️
DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY.
PS. FIRST TIME KO UMABOT NG 2K WORDS MAHIGIT AHAHAHAH
GOODNIGHT ^_^