CHAPTER 11: FORBBIDEN LOVE

1879 Words
GOOD EVENING! HERE"S AN UPDATE EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS ENJOY!❤️ ANDRIETTE'S POV Hindi pa rin ako maka-move on dahil sa paghalik ni Calvin sa pisngi ko kanina. Sobrang init ng pisngi ko at alam kong mas mapula pa ako sa kamatis nito. Siya naman ay halatang pinipigilan ang tawa. Parang ayaw ko na tuloy maglagay ulit " Andi..." Mababang boses na tawag niya sa akin. Bahagya naman akong nagulat. " H-ha?" Tinaasan niya ako ng kilay. " Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tiningnan ko ang pagkain ko na ngayon ay kaunti pa lang ang bawas." A-ano kasi, b-busog pa ako eh..." Ngumisi naman siya nang nakakaloko. " Why? Nabusog ka ba sa hal—" Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil tinakpan ko na ang tainga ko pero rinig na rinig ko ang halakhak niya. Tiningnan ko naman siya nang masama bago ipinagpatuloy ang pag-kain. Siya naman ngayon palihim akong tinatawanan. Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain nang bigla kong nakita si Carlos. Ang kaklase ko at crush ko. " Carlos?" Mahina kong tanong sa sarili ko pero narinig yata ni Calvin. Tumingin din kasi siya sa direksyon na tinitingnan ko kaya naagaw namin ang pansin ni Carlos. " What's up, Andi!" Bati niya sa akin. Huli niya na napansin na kasama ko pala si Calvin. " Oh,Hi Calvin. Nandito ka pala sa Batangas. Hinahanap ka kasi ng girlfriend mo sa akin eh." Sabi niya na nagpatigil sa akin. Kahit si Calvin ay natigilan. M-may girlfriend siya? Hindi ko alam na may girlfriend pala siya. At kung mayroon nga,bakit niya ako hinalikan sa pisngi kanina? Halos manginig ang buong sistema ko dahil sa nalaman ko ngayon. Bakit ka pa magugulat? Hindi imposibleng wala siyang girlfriend sa itsura niyang 'yan. Nabalik lang ako sa ulirat nang biglang magtanong ulit si Carlos " And why are you together?" Nagulat ako sa tanong niya at agad ding nakarecover. Sumagot naman ako nang kaswal sa kaniya. " Uhm,may inasikaso lang." Sagot ko na lang at ngumiti sa kaniya. " Si Patricia sana ang isasama niya kaso nakipagkita sa long-time friend niya eh." Kaswal kong dagdag kahit nanginginig na ako. Ibinaba ko naman ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa at ipinagyukom. Ramdam ko naman ang nag-aalalang tingin sa akin ni Calvin. " Oh, I see. " Tatango-tango niyang sagot. " Since nandito ka na rin naman, baka pwede na nating gawin 'yong project natin? Tutal tayo naman ang partners doon. " Sabi niya sa akin. Saka ko lang naalala na may project pala kami. Tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti. " Great! I'll see you tomorrow." Sabi niya na tinanguan ko lang. Bumaling naman siya kay Calvin na ngayon at nakatulala na." Sabihin ko na lang na nandito ka sa Batangas at may inasikaso." Tinanguan lang naman siya ni Calvin kaya umalis na rin siya. Ako naman ay bumalik sa pag-kain na parang walang nangyari habang si Calvin ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Walang nagsalita sa amin hanggang sa matapos kaming kumain. Nagpaalam din naman ako sa kaniya agad dahil ang rason ko ay mabigat ang pakiramdam ko. Pumasok ako ng kwarto at pasalampak na umupo sa sofa. Napabuntong-hininga naman ako nang malalim. Kung alam ko lang sana na may girlfriend pala siya edi napigilan ko pa 'yong nararamdaman ko. Hindi sana ako nasasaktan. Kung kailan umamin na ako sa sarili ko na gusto talaga kita. Saka ko pa malalaman na talagang hindi pwede... Sa tuwing maiisip ko ang katangahan ko ay parang gusto kong umiyak. Pero alam kong wala naman akong karapatang masaktan dahil wala siyang sinabi na mahulog ang loob ko sa kaniya. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at bumuntong-hininga nang marahas. Napailing na lang ako at napagpasyahang buksan na lang ang TV para mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko naman akalain na makakatulog pala ako. ----------------------------------------------- Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Sinubukan kong idilat ang mata ko pero talagang hinihila ako ng antok. " Hmmm.." ungot ko. " S-sino ka?" Pabulong kong tanong. " Shshshsh..." Sabi niya lang at naramdaman kong inilapag niya na ako sa kama. " Go back to sleep. Sorry, Andi." Malamyos niyang tinig at hinalikan ako sa noo. Bumigat naman ang kabilang side ng higaan at naramdaman ko na lang na may humahaplos sa buhok. Hindi ako sigurado kung sino siya pero isa lang ang sigurado ako... Kumportable ako sa ginagawa niya Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para yakapin siya. Tumigil naman siya sa paghaplos ng buhok ko pero naramdaman ko ang pag-ngiti niya. Itinuloy niyang muli ang paghaplos sa buhok ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. ---------------------------------------------------- CALVIN'S POV Nagising ako dahil narinig kong umiiyak si Andi habang natutulog. May sinasabi pa nga siya pero hindi ko maintindihan. Paulit-ulit pa siyang nagsalita hanggang sa may naintindihan ako na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. " H-huwag mo 'kong saktan,please. C-calvin, h-huwag mo 'kong iwan." Sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya nang mahigpit. Isinubsob ko ang mukha niya sa dibdib ko at paulit-ulit kong hinaplos ang likod niya. " Shshshsh,gagawin ko ang lahat ang lahat para hindi ka masaktan. Ngunit hindi ko maipapangako. Sorry, Andi. Forgive me." Bulong ko sa kaniya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Tumigil naman siya sa pag-iyak pero hindi ko pa rin siya binitawan. Ilang sandali lang ay nakatulog ako na nakayap pa rin sa kaniya. Nagising ako nang tumama sa akin ang sikat ng araw. Tiningnan ko naman si Andi at nakita kong natutulog pa rin siya. Nakaunan pa ang ulo niya sa braso ko at nakayakap ang isa niyang kamay sa baywang ko. Napangiti naman ako dahil para kaming mag-asawa sa pwesto namin. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo. Nakatitig lang ako sa kaniya hangga't hindi pa siya nagigising. I wish we could stay like this forever... Kaso hindi. Hindi pwede dahil narito tayo sa reyalidad. Ang reyalidad kung saan masasaktan ka sa huli. Na masasaktan din ako.. Ilang minuto naman bago siya gumising at nagulat siya sa pwesto namin. Nanlaki ang mata ay biglang bumangon. " A-anong nangyari? B-bakit ka nasa tabi ko?" Gulat niyang tanong. " Why? I paid for this." Sagot ko naman sa kaniya. " I didn't know you really like cuddles,huh?" Nginisihan ko naman siya. Namula naman siya kaya napahagalpak ako ng tawa. I wonder if dahil ba sa kilig 'yon o hiya. So cute! " M-manahimik ka nga!" Sigaw niya sa akin pero nautal pa. Ngumisi na lang ako sa kaniya at napailing pero agad din 'yon nawala nang may binanggit siya na nagpasampal ng reyalidad sa akin. " May girlfriend ka. Hindi magandang magkatabi tayo sa higaan." Mahina niyang sabi sa akin at dumiretso sa banyo. Ako naman ay napatayo at napabuntong-hininga. Sorry, Andi. Tumayo na lang din ako at lumbabas para mag-order ng almusal namin. Pagkabalik ko ay may ka-text siya sa cellphone habang nakasuot pa ng bathrobe at nakaupo sa vanity. Nakabalot din ng tuwalya ang buhok niya. Nangunot naman ako ng noo kung bakit hindi siya nagbihis. " Andi..." Mariin kong tawag sa kaniya at nilingon naman niya ako na may malamig na tingin. Nabigla ako ngunit hindi ko pinahalata. " Bakit hindi ka nakabihis?" " Kukuha pa ako ng damit ko. Nakalimutan kong kumuha bago ako maligo." Malamig niyang tugon sa akin at tumingin ulit sa cellphone. " Eh paano ka kukuha ng damit niyan?" " Hindi 'yan. Naka-bathrobe naman ako." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin at tumayo na. Nagulat ako dahil lalabas lang siya nang naka-bathrobe. Hinarang ko siya sa pinto na nagpakunot naman ng noo niya. " Lalabas ka nang nakaganyan lang?!" Sigaw ko sa kaniya. Mas lalo namang nagsalubong ang kilay niya at kitang-kita ko ang pagkairita sa mukha niya. " Eh ano naman?! Nakabalot pa rin naman ako ah? Saka hindi ko naman kailangan bumaba dahil may wardrobe rin naman dito sa floor natin." Totoo 'yon. Bawat floor kasi nitong hotel ay may wardrobe. Kaso malayo pa at sa dulong hall pa ang kinalalagyan nito. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Hindi talaga ako mananalo sa'yo. Wala akong ginawa kundi tumango na lang. Siya naman ay napairap bago lumabas. Nangunot naman ang noo ko dahil sa inasta niya. Napatingin ako sa cellphone niya nang tumunog ito. At doon ko nakita kung sino ang katext niya. Si Carlos. Nilock ko ang pinto para hindi siya agad makapasok. Saka ko binuksan ang cellphone. Luckily,it has no password. CARLOS: GOOD MORNING,ANDI. HAVE YOU EATEN? I JUST WANT TO REMIND YOU ABOUT OUR PROJECT. I'LL MEET YOU AT THE RESTO BEFORE 8AM. ANDI: OKAY. SAAN TAYO GAGAWA? CARLOS: MAY NAHANAP NA AKONG KUBO. MALAKING SPACE SAKA SARIWA ANG HANGIN. MAGANDA 'YONG PARA SA ASTHMA MO. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. At kailan niya pa nalaman ang tungkol sa asthma ni Andi? Gayunpaman,pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa. ANDI: SAANG KUBO? AYAW KO SA MALAYO. UUWI NA KASI KAMI AGAD MAMAYANG HAPON EH. CARLOS: SA CASA DE KUBO. MALAPIT LANG DITO SA HOTEL. ANDI:. OKAY. SEE YOU! CARLOS: SEE YOU❤️ Bakit may pa-heart pa?!!! In-off ko na lang ang cellphone at eksaktong kumatok naman si Andi. Binuksan ko ito at doon ko nakita si Andi na nakakunot ang noo. " Bakit naka-lock ang pinto?" " Uhm,maliligo na sana kasi ako. Akala ko dala mo ang susi." Palusot ko na lang. Tumango naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Pumasok ulit siya ng banyo dala ang damit niya at ilang sandali lang ang lumabas na din siya. Nakasuot siya ng pink off-shoulder at ripped jeans. Bagay na bagay sa kaniya. Umupo siya sa kama at nagsuot ng puting sapatos. Ako naman ay nakatanaw lang sa kaniya habang nakasandal sa dingding. Pagkatapos naman ay dumiretso siya sa vanity at nag-blower. Hindi man lang siya tumitingin sa akin na parang siya lang mag-isa rito sa kwarto. Natapos naman siyang mag-blower kaya itinali niya ang buhok niya sa isang high ponytail. Naglagay naman siya ng pulbo sa mukha niya at sinampal-sampal ang pisngi niya. I wonder if she hurt or not. Kinuha naman niya ang lipgloss at tinitigan na para bang nag-aalinlangan kung maglalagay siya o hindi. Nagkibit-balikat lang siya at naglagay ng manipis na layer. Ako naman ay kanina pa nag-aalab ang dibdib dahil hindi ko na matiis na hindi niya ako pinapansin. Pagkatapos niyang maglagay ng lipgloss ay tumingin siya sa akin sandali. Beautiful. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. " Hello? Oo,pababa na ako...sige,antayin na lang kita. Okay,bye." Rinig kong sagot niya sa kabilang linya. Humarap naman siya sa akin para magpaalam. " Mauna na ako. Magkita na lang tayo mamaya kapag pauwi na." Tumango na lang ako at binigyan siya ng daan para makalabas. Ayaw ko nang makipagtalo sa kaniya dahil baka mas lalo pa siyang magalit. Tuluyan na nga siyang lumabas at ako naman ay pasalampak na umupo sa kama at napabuntong-hininga nang marahas. Ano bang nangyayari sa'yo, Andi? THANKS FOR READING!❤️ DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. GOODNIGHT!❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD