GOOD EVE! UPDATE!?
EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS
ENJOY!
ANDRIETTE'S POV
Tahimik kaming bumabyahe ngayon papuntang Maynila. As in walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa bintana samantalang siya ay tahimik lang na nagda-drive ngunit paminsan-minsan ay tumitingin sa akin.
Naiilang kasi ako pagkatapos ng nangyari kanina. Siya kasi ang nakakuha ng first kiss ko. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na ibibigay ko 'yong first kiss ko sa taong mahal ko at makakasama ko habambuhay.
Napabuntong-hininga na lang ako kung bakit ako pumayag sa nangyari kanina. Nag-i love you pa ako. Mas lalo ko lang pinapalala ang sitwasyon.
Nagulat naman ako nang tawagin niya ako. " A-andi..."
Nilingon ko siya at napagtantong tumigil na pala ang sasakyan. " Bakit?" Mahina kong tugon.
" 'Yong kanina—" Agad kong pinutol ang sasabihin niya. Ayaw ko nang muling isipan pa dahil nasasaktan ako.
" Huwag na lang natin isipin. N-nadala lang tayo ng pagkakataon. " Sabi ko sa kaniya nang hindi tumitingin. Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas dala ang mga gamit ko.
Narinig ko pa ang mahina niyang pagbuntong-hininga bago ako tuluyang nakapasok ng condo.
Pagkarating ko roon ay walang tao ang kwarto. Wala man lang bakas na umuwi si Patricia dahil ganoon pa rin ang gamit kung paano namin ito iniwan kahapon.
Inilapag ko na lang ang mga gamit ko at dumiretso sa banyo para makapagpalit. Ilang sandali lang ay dala na rin ng pagod,nakatulog ako.
------------------------------------------------
Nagising ako sa ingay ng telepono. May tumatawag. Sinagot ko ito laking gulat ko nang marinig kong may umiiyak. Chineck ko ang tumawag at nagulat ako nang si Tatay pala ang tumatawag.
" T-tay? Tay,ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak?" Natataranta kong tanong. Ako naman ay nag-uumpisa na ring kabahan.
" A-anak,a-ang n-nanay mo,n-nandito sa o-ospital. Nasaksak." Humahagulgol na sagot ni Tatay.
Halos mabingi ako sa narinig ko bago naka-recover." H-ho?!! B-bakit po?!" Sigaw ko. Nakarinig naman ako ng yapak papunta sa kwarto namin at hindi na ako nagulat nang iluwa no'n si Calvin.
Sumenyas siya ng bakit pero tanging pag-iyak na lang ang naisagot ko. Namatay na rin ang tawag at halos mabitawan ko ang cellphone ko.
Lumapit naman siya sa akin at dali-dali akong niyakap. Hinagod niya ang likod ko at paulit-ulit akong pinatahan. " Shhh, what's wrong? M-may nangyari ba?" Malamyos niyang tanong sa akin.
" S-si N-nanay daw n-nasaksak.." Putol-putol kong sagot at muling humagulhol.
Niyakap niya ulit ako ngayon ay ramdam ko na ang higpit nito. " Okay,okay,we will go there. " Malumanay niyang wika at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Tumango naman ako at nagdala ng ilang damit. Si Patricia naman ay nandoon pa rin sa bahay ng kaibigan niya. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko ay alas-siete pa lang ng gabi.
Bumyahe kami papunta sa probinsya namin at buti na lang wala gaanong traffic dahil Linggo ngayon. Ilang oras ang lumipas bago namin narating ang probinsya namin.
Dali-dali akong dumiretso sa bahay at naabutan ko roon si Gabriel. " S-si Nanay?!"
Nagulat naman siya bago nakasagot. " Nasa ospital pa. Sabi ni Tatay Fernand dito raw muna ako para may magbantay sa'yo kung sakaling dumating ka.
" Puntahan na natin si Nanay!" Naiiyak kong sigaw. Lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Gabriel. " Ano ba?! Kailangan ako ni Nanay ngayon!"
" Teka muna, Andi! Ayaw ni Tatay na pumunta ka roon. Saka na raw kapag magaling na ang sugat ni Nanay Luciana at kapag nalinisan na. Alam mo naman ang problema mo sa dugo 'di ba?" Mahinahon niyang paliwanag.
Napaupo na lang ako at napahagulhol. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari kay Nanay.
Kung sino man ang sumaksak sa kaniya, babalikan kita. Siguraduhin mo lang.
---------------------------------------------------
CALVIN'S POV
Lumabas ako ng bahay nina Andi dahil hindi ko kayang makita siya na umiiyak. I can't afford to see her crying...and hurting.
Naaawa na ako kay Andi ngayon pa lang. Kung tutuusin ay patikim pa lang 'to ni Tito Rudolfo. Alam kong sila ang may pakana ng nangyari kay Aling Luciana.
Paano kaya kapag nangyari na ang dapat mangyari?
Napabuntong-hininga ako nang marinig kong tumatawag si Tito Rudolfo.
" Success!" Bungad niyang sigaw sa kabilang linya at narinig ko na ang mala-demonyo niyang tawa. " Babala pa lang natin ito. Hindi ko na mahintay na makita silang nagdurusa!" At muli itong tumawa bago pinatay ang tawag.
Si Tito Rudolfo ang lahat ng may pakana nito. Siya ang taong nagsagawa nitong plano. Siya ang rason kung bakit magdurusa sina Andi. Mabait naman talaga si Tito Rudolfo sa kanila kaso nagbago ang lahat nang mangyari ang pagpatay ng lolo ni Andi sa lolo ko. Nabalot siya ng galit,poot at hinanakit. At ang tanging tumatakbo sa isipan niya ay paghihiganti.
Kahit ako ay gustong makapaghiganti sa pamilya ni Andi kaso heto ako ngayon— pinagdarasal na sana ay tumigil na ang plano. Gusto kong kausapin si Tito Rudolfo tungkol sa plano pero alam kong magsususpetsa siya kung bakit. At ayaw kong mangyari ang bagay na 'yon.
Napabuntong-hininga ako bago bumalik sa loob at doon ko naabutan si Andi na tulog habang nakaunan sa mga hita ni Gabriel.
I was firing in anger but I remained calm. Bakit kailangan ganyan?!
" Nakatulog siya kakaiyak. Ganito naman siya kapag umiiyak eh, matutulog kapag tumigil pero sa mga hita ko palagi." Natatawa niyang wika nang mapansing nakatingin ako sa kanila.
Tumango lang ako. I didn't ask!
Sana kapag umiyak ka sa sakit ay madali rin para sa'yo ang itulog na lang lahat.
Nagtagal pa kami ng ilang oras bago pumunta sa ospital. Halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita ko si Andi na umiiyak. Naaawa naman ako kay Aling Luciana dahil hindi niya mapatahan si Andi. Nagtamo siya ng isang saksak sa may bandang tagiliran. Mabuti na lang daw at hindi gaanong malalim dahil pwede itong magdulot ng kumplikasyon.
" A-anak,ayos lang ako. Huwag ka nang umiyak." Malumanay niyang sabi kay Andi. Si Andi naman ay unti-unti nang tumahan pero humihikbi pa rin.
" N-nay h-hindi ko k-k-kayanin kapag n-nawala kayo s-sa'kin. Kaya Nay mag-ingat kayo." Humikhikbi niyang tugon.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. I knew it! Hindi kakayanin ni Andi ang posibleng mangyari!
But what should I do? Nag-uumpisa na at hindi ko na pwedeng itigil. Hindi ko maiitigil pero mapoprotektahan ko sila.
Determinado akong napatango sa sarili. I will save her. I will save them. No matter how hard it could possibly be.
Hindi ko namalayan na tumigil na pala si Andi sa pag-iyak. Lumabas siya at sinundan naman siya ni Gabriel. I chose not to follow them. Maybe they missed each other.
Hinarap ko naman si Aling Luciana na kinakausap na ng doktor ngayon. " Don't forget to take your medicines and maintenance. Lalo na't mataas ang risk ng sakit niyo sa puso. Just please,ma'am,be careful." Iyon ang huling beses na sinabi ng doktor at umalis na siya.
Nagpaalam naman ako sa kanila na lalabas muna ako para makapag-usap silang mag-asawa. And there I saw how Gabriel kissed my girl. She kissed Andi! She kissed my girl!
I remained calm and stoic even though I was firing in anger. May oras ka rin sa akin!
" Please, huwag ka nang umiyak. Nahihirapan akong umiiyak ka." Mahina niyang sabi kay Andi na nakayuko na ngayon.
Tumango lang siya at tumalikod kay Gabriel. Nakita niya ako at kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang gulat. Yumuko lang siya at pumunta sa pwesto ko.
" Uhm,u-uuwi na ba tayo?" Malumanay niyang tanong habang nakayuko.
I want to hug her. I don't want her to feel my pressure. Yes, she said that she loves me but she doesn't want to be with me.
" Yes. Tara na,magpaalam ka na kina Aling Luciana. May pasok pa bukas." Utos ko sa kaniya at tumango na lang siya.
Bumalik kami sa kwarto nina Aling Luciana at naabutan namin sila roon na masinsinang nag-uusap.
" Nay,aalis na po kami. May pasok pa po kami bukas." Anang ni Andi.
" Sige,anak. Bukas naman ay makakalabas na ako."
" Ako na lang po ang magbabayad ng hospital bill ninyo. Wala na pong problema and 'yong tungkol po sa mga gamot na iinumin ninyo ay aasikasuhin ko na lang po." Pahayag ko na ikinagulat nilang lahat.
" H-ha?! Hindi na,Calvin. Ako na lang. May ipon naman ako doon eh." Tutol sa akin ni Andi pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Matagal kaming nagtitigan hanggang siya ang sumuko. Napabuntong-hininga muna siya bago tumango. " Salamat."
Napangiti na lang ako sa isipan ko. Well atleast hindi sa lahat ng oras ay nananalo siya sa akin.
Nagpaalam na kami sa kanila para hindi na nila ako mapigilan pa. In this way,kahit papaano ay matutulungan ko sila.
Nagbayad ako ng hospital bills at binili ko lahat ng mga gamot na kakailanganin ni Aling Luciana. Bumalik kami sa room nila para iabot ang mga gamot bago kami umalis
Habang binabagtas ang daan ay narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ni Andi.
" Don't worry, gagaling din si Aling Luciana." I tried to comfort her pero wala pa ring epekto.
" Hindi naman 'yon ang inaalala ko eh. Alam kong gagaling si Nanay dahil malakas siyang tao. Ang inaalala ko ay kung sino ang sumaksak sa kaniya."
I stiffened a bit but I tried my best to have a stoic reaction. Ayaw kong maramdaman niya ang kaba ko. Kilala ko si Andi. Isa sa mga nabanggit ni Tito Rudolfo sa akin noon ay magaling makiramdam si Andi. Alam niya kung nagsisinungaling ang tao o hindi.
" D-don't worry,mahuhuli rin sila." F*ck! I stuttered!
Tumango lang siya at muling napabuntong-hininga.
I'm sorry... I'm sorry for everything. I'm sorry because I couldn't do anything to stop them.
I want to say those words to her RIGHT NOW but I know she will be confused.
Ilang oras ang lumipas at nakarating na rin kami sa condo. It was already 11:30 PM at maaga pa ang pasok namin bukas.
Pagkarating sa namin sa kwarto nila ay naabutan namin si Patricia na balisa habang nakaupo sa kama. Napaangat ang tingin niya sa amin at patakbong pumunta kay Andi.
" Bes! Nalaman ko ang nangyari. " Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang mukha ni Andi. " Ano, kumusta si Nanay Luciana? Malala ba ang natamo? Okay na ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong peor napaiyak na lang si Andi. Agad niya naman itong niyakap nang mahigpit. " Shhhh,nandito lang ako."
" B-bes,si Nanay..." Umiiyak na saad ni Andi na parang nagsusumbong.
Paulit-ulit naman siyang pinatahan ni Patricia hanggang sa tumigil siya. Pinaupo niya si Andi sa kama at binigyan ng tubig.
" Okay ka na?" Tanong niya kay Andi at tumango lang naman siya. " Huwag kang mag-alala,bes. Mahuhuli rin ang may gawa no'n kay Nanay Luciana."
No. Imposibleng mahuli niyo.
Nag-usap pa kami saglit bago ko naoagdesisyunang pumunta na sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay pabagsak akong humiga. I feel exhausted.
Pagod na pagod na ako sa planong 'to. Pagod na pagod na akong isipin kung paano sila mapapatigil. And all I want right now is Andi.
I want to rest with her. Dahil sa kaniya ay naging tahimik ang puso at isipan ko kahit isang beses lang. Siya ang pahinga ko.
Pero kailangan kong sanayin ang sarili dahil hindi magtatagal ay mangyayari na ang dapat mangyari at alam kong mawawalay na siya sa piling ko.
Sorry,Andi. Sorry for everything.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. I sighed heavily. Kailan ba matatapos 'to?
Wala. Walang katapusan dahil nag-uumpisa pa lang.
F*ck! Ayoko na!
THANKS FOR READING!?
DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES. AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY.
GOODNIGHT!?