CHAPTER 10: CALVIN'S FIRST TEARS

1702 Words
NEXTT!! ABSENT AKO KAHAPON KAYA 2 CHAPTER NIRELEASE KO MWEHEHE EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERROR ENJOY!❤️ CALVIN'S POV Pagkatapos namin mag-lunch ay pinaakyat ko na si Andi dahil may kailangan akong asikasuhin. Pumunta ako sa isang kubo kung saan ay malalanghap mo ang sariwang hangin. Doon ako nag-isip-isip kung dapat ko na bang ipatigil ang plano o hindi. Pero alam kong hindi papayag si Tito Rudolfo. He is very persistent to see Andi's family suffering from pain. Ang gusto niya kasi ay pahulugin ko ang loob ni Andi sa akin. Kapag nahulog na ang loob ni Andi ay gusto ni Tito Rudolfo na saktan ko ang damdamin niya. Napag-alaman kasi ni Tito na ang kahinaan ng pamilya ni Andi ay siya mismo. Ayaw nilang nakikitang nasasaktan si Andi dahil unica hija nila ito. Me,too. I don't want to see her suffering. But what should I do? Napabalik ako sa ulirat nang mag-ring ang cellphone ko. It was Tito Rudolfo. Here we go again.... Napabuntong-hininga muna ako bago sagutin. On call " Yeah? What now, Tito Rudolfo?" " Where are you?" Mababa niyang tinig pero sapat na para kilabutan ako. " Here in Batangas. Why?" " Who are you with?" " I'm with Andi. Why?" " Kayong dalawa lang?" " Y-yeah..." " At sinong may sabi sa'yong dadalhin mo siya sa Batangas na kayong dalawa lang?! " Sigaw niya sa kabilang linya. I scoffed. " Why? Hindi ba't kayo ang nagsabi na kunin ko ang loob niya. This is my way." " Pero sana nagsasama kayo ng iba! Respeto naman sa girlfriend mo, Calvin!" " Magsama ng iba? Tito, paano ko magagawa 'yon kung magsasama ako ng iba. Loob ni Andi ang kailangan kong kunin kaya siya lang dapat kong isama. Hindi ang iba." Malumanay kong sagot sa kaniya kahit sa loob ko ay gusto kong sumigaw sa galit. Bumuntong-hininga muna siya nang marahas bago ulit ako sagutin. " Siguraduhin mong magagawa mo nang maayos ang trabaho mo, Calvin. Siguraduhin mo!" Madiin ngunit may pagbabanta niyang tinig. At pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag. Napabuntong-hininga ako nang marahas dahil sa letseng plano na 'to. Sana tama 'tong ginagawa ko. Ayaw kong masaktan si Andi dahil aminin ko man o hindi ay may espesyal na siyang puwang sa puso ko. I don't want to hurt her. Muli akong napabuntong-hininga bago napagdesisyunang umakyat sa kwarto namin. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Andi na mahimbing na natutulog habang nakaharap sa bintana. Lumapit ako sa kaniya at kitang-kita ko ang maamong niyang mukha. Bahagya pang nakaawang ang kaniyang labi. Doon ko natitigan ang mukha niya. Magandang kilay, medyo singkit na mga mata na kapag tumatawa ay para siyang nakapikit. Matangos na ilong at higit sa lahat ay ang manipis at mapula niyang labi. Hinawakan ko ito at nararamdaman ko ang lipgloss na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal. Napailing na lang ako kung bakit sa isip ko ay nagagalit ako kapag naglalagay siya ng lipgloss sa kaniyang labi. " Please forgive me for what I have done. I don't want to hurt you but I want to get the justice that my lolo deserves. Forgive me, Andi." Bulong ko sa kaniya at dahan-dahan siyang hinalikan sa noo. Hindi ko naramdaman na pumatak na pala ang luha ko. Natawa ako nang mahina nang marealize ko na siya lang ang nag-paiyak sa akin. Kahit noong namatay ang lolo ko ay hindi ako umiyak dahil gusto kong maging matatag. Ayaw niyang makita ako na umiiyak. Pero dahil sa'yo ay nagiging mahina ako... Kahit kay Elicia ay hindi ako umiyak. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa ngayon. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya nang patalikod. I suddenly felt a comfort. Siya lang ang nagpaparamdam sa akin na kahit anong mangyari ay magiging ayos din ang lahat. Sana nga... For now, I just want my heart and brain to be at peace. You are my comfort zone... ------------------------------------------------- Pagkagising ko ay nakita kong medyo madilim na. Sa pakiwari ko ay siguro magaalas-sais na. Tiningnan ko ang katabi ko na hanggang ngayon ay natutulog— nagtutulug-tulugan. Akala niya siguro ay tulog ako kanina. Napagpasyahan ko kasing humiga sa tabi niya pero hindi ako makatulog. Maybe because she's just around. And nakayakap ako sa kaniya. I just want to cherish the moment na tahimik ang puso at utak ko. Pero ang totoo ay nagtulug-tulugan lang din ako nang maramdaman ko siyang magising. Nabigla ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Idinaan niya pa ang daliri niya mula sa kilay ko hanggang sa mata. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nang oras na 'yon pero isa lang ang ginagawa ko. Pigil-hininga Hindi ko na kinaya pang pigilin ang hininga ko kaya kunwari ay nagising ako. Siya naman ngayon ang nagtulug-tulugan. Pinigilan kong matawa nang makita kong mamula ang pisngi pagkatapos ko siyang halikan sa noo. And then I realized... Why did I kissed her forehead? Maybe for payback? Nah,because you want her,Calvin. You.want.her Napailing na lang ako at sinimulan nang maligo dahil kailangan naming maghapunan. Mabilis lang naman ang pagligong ginawa ko. Nagbihis lang ako ng t-shirt at shorts na pantulog ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Andi na nakaupo na sa kama habang namumula ang pisngi. Pinigilan kong tumawa kahit sa loob-loob ko ay gusto kong humagalpak ng tawa. " Andi.." Mahina kong tawag sa kaniya pero nagulat pa siya. " Bakit gulat na gulat ka? Para kang nakakita ng multo." Natatawa kong puna sa kaniya kahit alam ko na ang sagot. Umiling lang siya at patakbong pumasok sa banyo bitbit ang damit niya. Buti na lang pajamas na ang dala at isang tshirt. Natatawa na lang ako dahil sa kaniya pero agad ding napawi dahil alam kong panandalian lang iyon. Soon you will burst into tears. And I don't want to see that. Ilang sandali pa akong naghintay bago siya lumabas ng banyo suot kaniyang pink pajamas at isang loose pink t-shirt. " You really love to wear that kind of shirt, huh?" Tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa t-shirt niya. Tinuro niya rin ito habang nakanguso. " Hmm, oo. Type ko 'yong mga ganitong damit eh." Tumango lang ako samantalang siya ay umupo ulit sa kama habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya. " Andi..." Tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya. " Come here." Utos ko sa kaniya at sumunod naman siya. " B-bakit?" Mahina niyang tanong. " Why don't you use blower to dry your hair?" " Uhmm, hindi kasi ako gaanong sanay na gumamit ng blower eh." Nahihiya niyang sagot habang nakatungo pa. Cute! Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa vanity mirror. " Umupo ka diyan." Itinuro ko sa kaniya ang upuan sa vanity. Sinunod niya naman kaya kinuha ko ang blower. " H-hala, anong gagawin mo?" " Isn't it obvious? Pinapatuyo ko ang buhok mo. " Kinuha ko ang blower at sinimulang patuyuin ang buhoo niya. Natawa naman siya." At kailan ka pa naging hair stylist?" Natatawa niyang tanong. Napatawa na lang din ako dahil sa kakulitan niya. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok niya ay saglit ko siyang tinuruan kung paano gumamit para siya na ang magpatuyo ng buhok niya. " Gets mo na?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos ko siyang turuan. Tumango naman siya. " Try ko sa buhok mo!" Ngingiti-ngiti niyang sagot. Nagkibit-balikat lang ako at pumwesto sa upuan. Siya naman ay sinubukan sa buhok ko. Tinuruan ko pa rin siya sa pagblower ng buhok ko. Doon ko lang narealize na hindi ko pinapagalaw ang buhok ko sa iba. Kahit kay Elicia ay hindi niya ginalaw ang buhok ko pero kay Andi ay hindi man lang ako nagdalawang-isip. Pagkatapos niyang iblower ang buhok ko ay sinuklay niya ito saglit. " Ayan na, sir. Maayos na 'yong buhok niyo. 250 po ang bayad." Sabi niya pagkatapos akong suklayan na akala mo ay may salon talaga siya. " What? 250? Eh hindi ka nga sanay gumamit tapos sinuklay mo lang nang ilang beses. 250 agad? " Humagalpak naman siya ng tawa kaya hindi ko na rin mapigilang matawa." Hayy, naku. Teka nga maglagay lang ako ng lipgloss." Sabi niya na nagpatigil sa akin. Control yourself, Calvin. Naglagay siya ng lipgloss at tumayo na rin. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya. Akma na siyang tatayo nang hinarang ko siya. Kita ko naman ang gulat at kaunting takot sa kaniya. "B-bakit?" Utal niyang tanong. I can also sense a bit of fear from her voice. " Why do you keep putting your lipgloss?" Mahina kong tanong habang unti-unti akong lumalapit sa kaniya. Siya naman ay atras na rin nang atras. " A-ano k-asi sabi ni Nanay l-lagi raw akong m-maglagay dahil n-nagda-dry 'yong labi ko dahil sa asthma ko." Paliwanag niya at huminto naman kami sa tapat ng higaan. Hinapit ko ang likod niya kaya nawalan siya ng balanse at natumba kami sa higaan. Nakapaibabaw ako sa kaniya at kitang-kita ko naman ang pamumula ng kaniyang pisngi. " I already told you that it's tempting me to kiss you, did I?" Mahina kong tanong sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisngi. She stiffened a bit. " Uhmm,a-ano k-kasi—" Hindi na niya naituloy ang sinabi niya nang halikan ko siya sa pisngi. Sa pisngi lang talaga dahil ayaw kong isipin niyang wala akong respeto sa kaniya. Nagulat naman siya at ilang minuto pa bago nakarecover. Nang makarecover naman ay agad niyang tinakpan ang mukha niya dahil pulang-pula na ito. Natawa naman ako sa kaniya at umalis na sa pagkakaibabaw sa kaniya. " Tara na, it's already dinner." Kaswal kong aya sa kaniya kahit gusto kong tumawa nang malakas dahil hindi pa rin natatanggal ang pamumula ng kaniyang pisngi. Tumayo naman siya ngunit nagpatiuna sa paglalakad habang nakayuko. Nag-alala naman ako na baka mauntog siya sa paglalakad kaya hinapit ko ang kaniyang baywang. " That's your punishment. Remember, one lipgloss,one kiss." Bulong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin at kinindatan ko naman siya. Mas lalo siyang namula kaya natawa ako sa kaniya. So cute! THANKS FOR READING!❤️ DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. GOODNIGHT!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD