CHAPTER 9: BEACH

1787 Words
GOOD EVE! HERE'S AN UPDATE. DALAWA 'TO. ABSENT AKO KAHAPON EH HAHAHAH EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS ENJOY! CALVIN'S POV " F*ck, I'm doomed " Bulong ko habang nakayakap sa kaniya. I'm doomed because I don't understand my feelings for Andi. Inaamin kong may iba na akong nararamdaman kay Andi pero hindi pwede. Una, dahil may girlfriend na ako, si Elicia at pangalawa, 'yong plano. Hindi ako makapaniwala sa nagawa niya kanina. ~Flashback~ Ipinulupot niya ang mga binti niya sa baywang ko dahil niloloko ko siyang bibitawan. Nasa malalim na kasi kaming parte nitong dagat. Nagulat naman ako kaya napahigpit ang hawak ko sa baywang niya at tinitigan siya. Habang nakatitig ako ay unti-unti na akong nalinawan sa nararamdaman ko sa kaniya. I'm starting to like her... Or maybe not Tila napagtanto niya rin siguro ang nagawa niya kaya agad siyang bumitaw nang hindi niya namamalayan. Lumubog naman siya at agad kong inahon dahil alam kong nasa malalim na parte na kami. Nakainom agad siya ng tubig kaya medyo nanghina siya nang maiahon ko kaya hinawakan ko ang baywang niya. Parang bigla akong nakuryente nang mahawakan ko ang balat niya. Medyo umangat na kasi ang sando na suot niya. Siya naman ay uubo-ubo at ako ay nakatitig lang sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ako bumitaw. At doon ako nalinawan sa nararamdaman ko..inaamin ko na. I like—no, I love her. I'm starting to love her. I'm f*cking doomed!! ~END OF FLASHBACK~ " Ah, C-calvin, bakit?" Tanong niya dahil hindi pa rin ako bumibitaw ng yakap. Nabalik naman ako sa ulirat kaya bumitaw na rin ako. Doon ko naman nakita ang mukha niya na pulang-pula na. " Ah, are you okay now?" Tanong ko habang nakahawak na ang kamay ko sa baywang niya. Baka kasi mahulog na naman siya ulit sa tubig. Tss,or maybe you just want to hold her waist. You can't fool yourself,Calvin. Tsk, tsk! " O-oo,okay na ako. Baka pwede na tayong umahon." Tumango na lang ako at inalalayan na umahon hanggang sa makarating kami sa buhanginan. " Maligo muna tayo bago kumain." Suhestiyon ko. Basa kasi kami at ayaw ko naman siyang lamigin kapag pumasok kami sa resto. " Wala na akong ibang damit eh. Akala ko kasi uuwi rin tayo agad." Tanggi niya. " Don't worry, may wardrobe naman dito sa hotel. Pwede tayong kumuha roon dahil kasama naman 'yon sa binayaran natin." Paliwanag ko sa kaniya at tumango naman siya. Dumiretso kami sa wardrobe nitong hotel at doon kami kumuha ng damit. Nakita ko siyang kumuha ng loose shirt na sa tingin ko ay lagpas sa kaniya. Kumuha rin siya ng isang maong shorts. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong nainis dahil sa damit na pinili niya. Haysss " M-mauna na ako sa kwarto. Nilalamig na kasi ako eh." Saad niya. Nanginginig na rin kasi ang kaniyang boses. Tatango na sana ako nang makita ko si Ethan. Wtf is he doing here?!! " Ah,no. Sabay na tayo. Tapos na rin naman na akong kumuha ng damit eh." Sagot ko sa kaniya at hinapit ang baywang niya para sabay kaming makaalis. Lumihis kami ng daan para hindi namin masalubong si Ethan. Mabuti na lang at hindi niya kami nakita. Ilang sandali lang ay narating na namin ang kwarto. Agad siyang pumasok sa banyo at narinig ko na ang lagaslas ng shower. -------------------------------------------------- ANDRIETTE'S POV Nagsimula akong maligo pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagyakap ni Calvin sa akin kanina. Sa tuwing naiisip ko ang bagay na 'yon ay bigla na lang nag-iinit ang pisngi ko. Ang isa pang iniisip ko ngayon ay kung talagang nakita ko ba si Ethan kanina. Hindi ako sigurado kung siya nga ba 'yon pero may malaking parte sa akin na nagsasabing siya nga talaga 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako at itinuloy ang pagligo. Mabilis lang naman akong natapos kaya nagbihis na ako. Maglolotion pa sana ako pero kumatok na si Calvin. " Andi, matagal ka pa ba diyan?" " Ah, sandali. Lalabas na ako." Dinala ko na lang ang lotion at lumabas na. Bumungad naman si Calvin doon na nakatayo sa gilid ng pinto. Pagkakita niya sa akin ay sinuri na naman ang kabuuan ko. Nailang naman ako kaya dumiretso ako sa kama at umupo. Nagsimula akong mag-lotion pero nararamdaman ko pa rin ang tingin niya. " Bakit?" Tanong ko sa kaniya pagkalingon ko. Napabuntong-hininga siya nang marahas at padabog na pumasok sa banyo. Nangunot naman ang noo at napailing na lang. Ang weird mo Pagkatapos kong mag-lotion ay sinuklay ko na ang buhok ko. Huminto naman na ang shower kaya alam kong tapos na siyang maligo. Tumayo ako at pumunta sa vanity mirror para maglagay ng lipgloss. Binilhan kasi kami ni Calvin noon ng grooming kit namin ni Patricia. Bibili sana ako ng liptint pero natural naman nang mapula ang labi ko kaya lipgloss na lang ang binili ko. Eksaktong naglalagay ako ng lipgloss ay lumabas siya. Napako naman ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko ang pag-aalab ng kaniyang mga mata. Bahagya akong kinabahan pero nawala naman iyon nang tumalikod siya kaagad. Narinig ko naman ang mahina niyang pagbuntong-hininga. Tinapos ko ang paglalagay ng lipgloss kaya naglagay naman ako ng pulbo. Nanatili akong kalmado kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako dahil nakatitig sa akin ang kaniyang nag-aalab na mga mata. " Are you done?" Malamig niyang tanong sa akin. Bahagya lang akong tumango kaya tumayo na siya. " Then,let's go." Tumayo na rin ako pero nagpahabol pa ako ng pabango bago kami tuluyang lumabas. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mailang dahil ang daming tumitingin na lalaki sa akin. Minsan ay nginingitian pa ako pero yumuyuko na lang ako. Nagulat ako nang hinapit ni Calvin ang baywang ko at bumulong sa akin. " I told you not to wear that kind of clothes,right?" Mahina ngunit madiin niyang tanong na nagbigay ng kilabot sa akin. Tumungo na lang ako at naglakad. Ilang sandali lang ay narating na namin ang resto na kakainan namin. Pagkapasok namin ay mas lalo akong nailang dahil parang naagaw namin ang atensyon ng lahat ng tao roon mapalalaki man o babae. Samantalang si Calvin ay parang walang nakikita at nakalagay pa rin ang kamay niya sa baywang ko. Nakahanap naman siya ng upuan pero ang malas ko lang dahil pinakagitna ang napili niya. Kahit nahihiya ay napalitan akong umupo dahil pinaghila niya na ako ng upuan. " What do you want to eat?" Malamig pa rin na tanong niya sa akin. " K-kung ano na lang 'yong s-sa'yo." Nakatungo ko pa ring sagot. Hindi na lang siya sumagot kaya akala ko ay nakaalis na siya. Bumuntong-hininga ako at tumingala. Hindi ko makikita ang restaurant kung tutungo lang ako rito. Pagkaangat ko ng ulo ko ay laking gulat ko nang nakitang nandoon pa rin siya at matamang nakatitig sa akin. " A-akala ko naka-order ka na." Mahina kong tanong sa kaniya. " Gusto mo bang lumipat ng restaurant?" Malambing niyang tanong sa akin. " H-ha? Hindi na. Okay lang naman." Sagot ko sabay tungo. " Are you sure?" Paniniguro niya. Tumango lang naman ako sa kaniya at umalis na rin siya. Ilang minuto pa akong naghintay bago siya bumalik at may dalang malalaking tray na may lamang iba't-ibang seafoods. May kasunod pa siyang isang waiter na puro seafoods din ang dala. Tinulungan ko siyang ilapag ang mga tray. Ngayon alam ko na kung bakit pinakagitna ang pinili niya. Mas malaki ang lamesa rito kumpara sa ibang lamesa. Kuminang naman ang mga mata ko dahil sa rami ng seafoods na nakikita ko. Mahilig talaga kasi ako sa seafoods. Umupo kami at nagsimula nang kumain habang nagkukwentuhan. Busy naman kami sa pagkain nang biglang tumunog ang bell ng resto. Indikasyon na may pumasok o lumabas. Nagulat naman ako dahil Ethan pala ang pumasok. Tama nga! Siya talaga ang nakita ko kanina! Nahagip niya ang tingin ko kaya pumunta siya sa pwesto namin. " Hi, Andi!" Bati niya sa akin. Naramdaman ko namang dumilim ang awra ni Calvin kaya medyo kinabahan ako. " H-hello." Maikling kong tugon sa kaniya. " Oh,hi there, bro!" Baling niya kay Calvin. Tinanguan lang naman siya at ngumiti nang kaunti. " Ah, are you on a date?" Kuryosong tanong niya sa aming dalawa. " H-hin—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Calvin na nagpayanig sa dibdib ko. " Yes. Because I'm courting her. So back off, dude." Mariin niyang sagot kay Ethan. Si Ethan naman ay bahagyang nagulat pero natawa lang naman sa huli. " Hey, chill bro. Wala naman akong ginagawang masama." Tugon niya kay Calvin at bumuntong-hininga bago ulit nagsalita." Anyway, I have to go. Enjoy your date." Paalam niya sa amin at umalis na. Bumaling si Calvin sa akin na kalmado na ang tingin. " Eat." Utos niya na sinunod ko naman. Pagkatapos namin kumain ay pinaakyat niya na ako sa kwarto. May aasikasuhin pa raw kasi siya. Sinunod ko naman at ilang sandali lang ay nakatulog na ako. ------------------------------------------------------ Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong may nakadaghan sa akin. Hindi rin ako makagalaw dahil nakapulupot ang kaniyang braso sa baywang ko. Ibigsabihin ay nakayakap siya sa akin nang patalikod. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong magaalas-sais na ng gabi. Umikot ako at doon ko nakita si Calvin na mahimbing na natutulog. Nag-init naman ang pisngi ko nang nalaman kong siya pala ang nakayakap sa akin. Pero paano? Tiningnan ko muna kung tulog ba talaga siya bago ko dahan-dahang hinawakan ang mukha niya. Napangiti naman ako at nagpasalamat nang palihim nang hindi siya nagising. Idinaan ko ang hintuturo ko mula sa kilay,sa mata at ang matangos niyang ilong. Napako naman ang tingin ko sa labi niya. Manipis at mapula. Tinititigan ko ang maamo niyang mukha habang nakalapat pa rin ang palad ko sa pisngi niya nang bigla siyang gumalaw. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa pisngi niya at nagtulug-tulugan. Doon ko napagtanto na hindi pala ako nakabalik sa dati kong pwesto. Pigil-hininga ako nang maramdaman ko siyang bumangon. Pero mas lalo kong pinigil ang hininga ko nang halikan niya ako sa noo bago ko naramdaman ang tuluyan niyang pagbangon. Hindi pa rin ako gumising hanggang sa marinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo. Pagkadilat ko ay naibuga ko ang hangin na kanina ko pa pinipigil. Napailing na lang ako dahil ang sabi ko crush lang talaga pero heto ako ngayon at nagpapagulong-gulong sa kama dahil sa kilig. Malakas pa rin tama ko. Tsk! THANKS FOR READING!❤️ DON'T FORGET TO FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND PLEASE ADD THIS TO YOUR LIBRARY. GOODNIGHT!❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD