CHAPTER 3: OFFER

2094 Words
ANDRIETTE'S POV Halos hindi ako makatulog ngayong gabi dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi ni Gabriel sa akin kanina. Gusto kita... Gusto kita... Gusto kita... Arghhh!! Tama na ang flashbacks!!!! Napaawang na lang ang labi ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Wala akong nasabi kundi... " Umalis ka na muna" Oh 'di ba ang bait ko? Pagkatapos no'n ay tinalikuran ko siya at dumiretso sa kwarto ko. Kinatok pa ako ni Nanay pero nagtulug-tulugan ako. Napagpasyahan kong bumangon muna at magpalamig sa labas. Maaga pa naman dahil alas-onse pa lang ng gabi. Pagkalabas ko ng bahay ay nagulat ako dahil nando'n ang sasakyan ni Avelino. Kumunot ang noo at napagpasyahang lumapit dahil hindi naman gano'n kalayo ang pinagparkingan nito. Malapit na sana ako sa kotse nang biglang may nagsalita sa likod ko na siyang nagpatindig ng balahibo sa aking balat. " Bakit gising ka pa?" Tanong ni Avelino. Oo, si Avelino ang nagsalita. Kumabog naman ang dibdib ko at parang nagdiwang ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Malala na yata ako Dahan-dahang akong lumingon at doon ko siya nakitang nakasandal sa puno habang nakahalukipikip at titig na titig sa akin na parang kanina niya pa ako pinagmamasdan. " H-ha?" Ang tangi ko na lang nasabi pero nautal pa ako. Napangisi naman siya. " Gabi na. Bakit nasa labas ka pa? Alam mo bang delikado?" " H-hindi. Nagpapahangin lang. H-hindi kasi ako makatulog. " Sagot ko naman habang hindi pa rin tumitigil ang pagkalabog ng dibdib ko. " Ikaw? Bakit nandito ka sa tapat ng bahay namin?" Balik na tanong ko sa kaniya. Napansin ko naman na medyo natigilan siya. " Napadaan lang tapos nakita kitang lumabas kaya lumabas din ako sa kotse ko. Hindi mo naman ako napansin kaya sumandal lang ako sa puno. " Kaswal niyang sagot samantalang ako naman ay halos himatayin na dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Baka atakihin ako ng hika ko. Huminga ako nang malalim dahil nag-uumpisa nang manikip ang dibdib ko. " Ayos ka lang?" Tanong ni Avelino. Napansin ko naman ang pag-aalala sa kaniyang tinig. Tumango lang ako. " P-pasok na ako sa loob. Malalim na ang gabi saka malamig na rin. " Paalam ko sa kaniya at tinalikuran siya. Kakalagpas ko pa lang sa kaniya nang hawakan niya ang braso. Agad naman kumalabog ang dibdib ko kaya mas lalo akong nahirapan huminga. Napansin niya naman ang paghinga ko nang malalim kaya agad siyang lumapit sa akin. " H-hey, anong nangyayari? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. " O-oo, a-ayos lang. " Tatango-tanong sagot ko. Bumitiw naman ako sa kaniya dahil mas lalo akong nahihirapan huminga. Anong nangyayari? Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Nangunot ang noo niya sa inasta ko. Para bang nagtaka siya dahil sa pagbitaw ko sa kaniya. Dahil baka himatayin akooo! Ginawa ko naman ang palagi kong ginagawa sa tuwing umaatake anng hika ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at huminga nang malalim nang paulit-ulit hanggang sa kumalma ako. Mild lang naman ang pag-atake kaya hindi ko kailangan ng oxygen. " Ano bang nangyayari?" Naguguluhan niyang tanong. " W-wala. Ayos lang ako. May sasabihin ka pa ba? " " Uhm.. about my offer. Gusto ko lang itanong kung payag ba kayo tungkol do'n". Maingat niyang tanong na may halong pag-aalinlangan. " Ah, itatanong ko pa kina Nanay. Sila naman kasi ang magdedesisyon niyan. Saka tatanungin ko rin yung kasama ko, si Patricia. " Sagot ko naman. Tumango naman siya kaya nagpaalam naman na ako." Sige na, papasok na ako sa loob. Mag-ingat ka na lang sa pagmamaneho. " " Ikaw rin. Sige na, pumasok ka na. " Saad niya bago pumasok sa loob ng kaniyang kotse at nagmaneho palayo. Ako naman ay ngingiti-ngiting pumasok sa loob ng my bahay. Baliw! Maingat akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Atlis kahit papa'no ay naibsan ang pag-iisip ko tungkol sa mga sinabi sa akin kanina. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong mapunta na agad sa Maynila. Ayaw ko kasing lumala ang nararamdaman ni Gabriel sa akin dahil baka ito pa ang maging dahilan para masira ang pagkakaibigan namin. Magkasama kami nang ilang taon kaya ayaw kong magkahiwalay kami dahil sa nararamdaman niya. Kaso kung sasama ako kay Avelino ay baka mas lalong masaktan si Gabriel lalo na't kitang-kita ko ang selos sa mga mata niya kanina. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagpadala sa antok. KINABUKASAN... Maaga akong nagising dahil gusto kong kausapin sina Nanay tungkol sa offer ni Avelino. " 'Nay, 'Tay, p-payag po ba kayo sa offer ni Avelino kagabi?" Maingat kong tanong. " Pwede naman siguro. Mabait naman daw at responsable ang batang iyon. Atlis may gagabay sa inyo roon lalo na't malayo ka sa amin." Sagot ni Nanay. Nabuhayan naman ang loob ko pero nanatili pa rin akong seryoso kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang sumigaw sa tuwa. Sobrang lala ko na talaga! Hindi lang yata crush ang nararamdaman ko. " Eh kayo po,'Tay?" " Gano'n rin ako. Payag ako dahil napag-usapan naman na namin iyon kagabi ng Nanay mo. Ayaw naman naming mahirapan kayo ni Patricia roon sa Maynila lalo na't hindi basta-basta ang mga tao roon." Sagot ni Tatay na nagpadagdag ng saya ko. " Ihahabilin na lang namin kayo kay Avelino at sabihing huwag kayong pabayaan." Dagdag ni Nanay. Tumango lang ako sa kanila at nagsimula na kaming kumain. Naging maganda naman ang araw ko lalo na nang pumasok sina Mang Rudolfo at Aling Melissa kasama si Avelino. Nakasuot lang siya ng V-neck shirt at simpleng pantalon pero sobra-sobra pa rin ang lundag ng puso ko lalo na no'ng bumaling siya sa akin at ngumiti. Nag-init naman ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Narinig ko naman ang mahina niyang pagbungisngis dahil malapit lang siya sa akin. " Maupo kayo rito,Melissa. Teka lang at ipaghahanda ko kayo ng meryenda." Sabi ni Nanay at pumunta sa kusina. Sumunod naman sa ako sa kaniya para makaiwas sa tingin ni Avelino. " Oh,dalhin mo ito sa kanila at ipaghahanda ko sila ng inumin." Sabay abot sa akin ni Nanay ng tinapay at palaman at mais. Dinala ko sa lamesa ang pagkain at pumasok ulit ng kusina para tulungan si Nanay na dalhin ang mga inumin. Umupo naman kami kaagad at dahil wala nang espasyo ay naging katabi ko si Avelino. Huminga ako ng malalim dahil nag-uumpisa na namang lumakas ang pintig ng dibdib ko. " Mare kasi kaya kami pumunta dito ay dahil sa offer namin kagabi..." Panimula ni Aling Melissa. " ..tutal ay sa iisang school lang naman sila ni Avelino at kahit kurso ay parehas sila, baka pwedeng tanggapin mo ang offer namin. " Saad ni Aling Melissa na may halong pakikiusap. Bakit kaya gano'n-gano'n na lang ang kagustuhan nilang pumayag kami? " 'Yon nga rin ang sasabihin namin sa inyo kaya balak namin pumunta sa bahay niya mamaya kaso naunahan niyo na kami. Napag-usapan kasi namin kagabi ni Fernand na mas maganda nga kung may kasama sila roon sa Maynila. Kaya pumapayag kami. " Paliwanag ni Nanay kaya naglinawag ang mukha nina Aling Melissa pati si... Avelino? Napapalakpak naman si Aling Melissa dahil sa tuwa. " Mabuti 'yan,mare! Atlis may kasama na itong sina Andi. Ikukuha na lang sila ni Avelino ng dorm para roon manirahan." " Naku, nakakahiya naman. At saka wala naman silang ipapambayad buwan-buwan." Sabat ni Tatay. " Huwag na po. Ikukuha ko na lang po sila ng hotel room pansamantala habang naghahanap sila ng dorm. Or kung gusto po nilang mag-working student ay may kaibigan akong nagmamay-ari ng resto. Pwede po nilang ipasok sina Andi roon para may magiging pambayad po sila sa dorm." Mahabang sagot ni Avelino na sinang-ayuan naman nila Mang Rudolfo at Aling Melissa. " Hindi ba nakakahiya lalo na't ikaw pa ang kukuha ng hotel nila. Isa pa,masyadong mahal." Wika ni Nanay. Kahit ako naman ay nahihiya dahil parang inako na nila kami pero kahit gano'n pa man ay natutuwa ako dahil sasama kami sa kaniya. " Ang totoo po ay kami ang may-ari ng hotel na pagkukuhaan ko kaya wala pong bayad 'yon. Saka isa pa po ay kami naman ang nagpumilit para maisama sila sa Maynila kaya may responsibilidad ako sa kanila." May paninidigan na sagot ni Avelino. Para bang desidido talaga siya na isama sa Maynila. Pero bakit? Pinilit naman nila sina Nanay at Tatay hanggang sa pumayag sila. Ako naman ay nanatiling tahimik kahit ang totoo ay gusto ko nang lumundag sa sobrang tuwa. " Pero kailangan niyong kausapin ang makakasama ni Andi. Ang maganda ay puntahan niyo si Patricia at kausapin natin dito tungkol sa kasunduan." Katwiran ni Tatay. Sumang-ayon naman sila kaya napagpasyahan nilang utusan kami ni Avelino para sunduin si Patricia. " Sunduin niyo si Patricia roon, Avelino. Kailangan niyang malaman ang kasunduan natin dahil makakasama siya ni Andi. " Maotoridad na utos ni Mang Rudolfo kaya nagulat ako. Nagkatinginan naman kami ni Avelino at mabilis naman akong umiwas. Tumango lang kami at lumabas ng bahay para sunduin si Patricia. Isinakay niya ako sa kotse niya at amoy na amoy ko ang bango ng kotse. Sinuot ko naman ang seatbelt nang magsimula siyang magmaneho. Tahimik lang kami at walang gustong magsalita hanggang sa hindi niya kinaya ang katahimikan. " Uhm,anong negosto ang itatayo mo?" Mahina niyang tanong. " Balak kong magtayo ng jewelry company." Tumango-tango naman siya bago nagsalita ulit. " Sinong nag-offer sa'yo ng scholarship?" " 'Yong adviser ko last school year. May kapatid kasi siyang nagtuturo sa MVU eh sabi niya sayang daw ang talino ko kaya nag-offer siya sa akin ng scholarship basta mag-take raw akong exam." Mahabang sagot ko. " Bihira lang ang makapasa sa MVU kaya ang swerte niyo ng kaibigan mo." Papuri niya kaya ngumiti lang ako. " Eh si Gabriel?" Nawala naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. " Culinary ang kukunin niya. May tita kasi siyang pag-aaralin siya sa Maynila pero hindi sa MVU." Tumango lang siya kaya nanahimik na rin ako habang palihim na nagdarasal na sana ay huwag niyang banggitin si Gabriel dahil bigla kong naaalala ang mga sinabi niya sa akin. Ipinilig ko na lang ang ulo ko para makalimutan ulit. " May problema ba sa inyo?" Tanong niya na may pag-aalinlangan. Umiling lang ako kaya natahimik na rin siya hanggang sa makarating kami sa bahay nina Patricia. Agad akong kumatok pero si Aling Marlyn ang bumungad sa akin. " Ay, magandang hapon po,Aling Marlyn. Nandiyan po ba si Patricia?" Magalang kong tanong. " Magandang hapon rin sa'yo,Andi. Wala siya rito eh. Kaaalis lang at mamaya pang gabi ang uwi. Bakit?" " Uhm,kakausapin lang po sana siya nina Nanay nang personal tungkol po sa pagpunta sa Maynila." " Gano'n ba? Sige, papuntahin ko na lang siya mamaya. Hindi naman siguro siya gagabihin talaga." Wika ni Aling Marlyn kaya tumango na lang. " Sige po,baka balikan na lang po namin siya mamayang mga alas-siete kung pwede po?" Suhestiyon ko. " Naku,gabi na 'yon. Baka mapa'no ka kapag pumunta ka pa rito sa amin." Tanggi naman ni Aling Marlyn. " Okay lang po,may kasama naman po ako eh." Katwiran ko. Gusto ko kasi talagang makausap si Patricia. " Sino?" " Si Avelino po. 'Yong pamangkin po ni Mang Rudolfo galing Maynila." " Ah,oo. Nabalitaan ko nga. Nakita ko na rin ang batang 'yon dati. Sige,sige. Pwede naman sunduin niyo siya rito mamayang mga alas-sais para hindi gaanong madilim." " Sige po. Mauna na po kami." Paalam ko dahil baka mainip na si Avelino roon sa kotse. " Sige,mag-iingat kayo." Ngumiti na lang ako sa kaniya at pumunta na sa loob ng sasakyan. " Oh,anong sabi?" Bungad niya sa akin. " Wala si Patricia roon. Umalis daw at baka mamayang gabi pa ang uwi. Pwede raw natin ulit siyang sunduin doon mamayang alas-sais." Paliwanag ko at tumango lang siya. " Tara na. Baka hinihintay na tayo roon." Yaya ko sa kaniya. Hindi naman siya gumalaw. "Bakit?" Hindi siya sumagot bagkus ay dahan-dahang lumapit sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at nahigit ko ang aking hininga nang lumapit siya sa akin habang nakatitig. Sobrang lapit namin sa isa't-isa kaya kumalabog ang dibdib ko. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. " You forgot to put your seatbelt on." At mabilis na ikinawit ang seatbelt. Nabuga ko naman ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at parang sasabog na. " Why?" Tanong niya. Umiling lang ako kaya nagsimula na siyang magmaneho. Grabe! Malakas na ang tama ko sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD