ANDRIETTE'S POV
Mabilis na lumipas ang buwan at ito na ang pag-alis namin papuntang Maynila. Halo-halo ang nararamdaman ko— masaya, natatakot at na-eexcite. Hindi naman mabigat ang loob ko sa pag-alis dahil unti-unti na kaming bumabalik sa dati ni Gabriel kahit nando'n pa rin ang ilang ko sa kaniya.
Kami naman ni Avelino ay magkaibigan na pero gano'n pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung crush ba 'to or like na talaga!
Ngayon kami susunduin ni Avelino at kasalukuyan kaming naghihintay sa kaniya.
" Oh, anak, mag-iingat ka roon sa Maynila ha? Tatawagan mo kami. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo. " Bilin sa akin ni Tatay habang nangingilid na ang luha.
Natatawang tumango na lang ako sa kaniya. " Huwag ka munang magno-nobyo roon at baka hindi mo mapag-tuunan ng pansin ang mag-aaral mo. " Bilin naman sa akin ni Nanay.
Medyo natigilan naman ako bago sumagot. " Opo, 'Nay. Pagbubutihin ko po sa pag-aaral at hindi ko po kayo bibiguin. " Pangako ko sa kaniya.
Bumaling naman si Nanay kay Patty." Patricia, anak, ikaw nang bahala rito kay Andi ah? Bantayan mo siya dahil ikaw ang mas matanda sa kaniya. "
" Opo, Aling Luciana. Babantayan ko po itong si Andi. " Tugon naman ni Patricia.
" Naku ka talagang bata ka, Nanay na lang. Huwag na Aling. " Natatawang suway ni Nanay kay Patricia. Gusto kasi ni Nanay na tawaging siyang Nanay ni Patricia kasi parang anak na raw ang turing niya rito.
" Sige po, Nanay Luciana." Ngiting sagot ni Patricia.
Napalingon naman kami nang makarinig kami ng busina. Doon naman lumabas si Avelino na nakasuot ng itim na long-sleeves polo at skinny jeans.
Namula naman ako nang tingnan niya ako at ngitian. Agad akong umiwas ng tingin kaya nahagip ko ang nakakalokong tingin sa akin ni Patricia.
Patay!
" Tara na? Baka matraffic tayo papunta roon." Aya ni Avelino.
Tumango lang kami kaya tinulungan niya kaming ilagay ang mga gamit at bagahe namin sa compartment ng sasakyan. " Aalis na po kami, Nay,Tay. Mag-iingat po kayo rito palagi. " Huling palaam ko kina Nanay.
" Kayo rin,anak,Patricia." Sagot nila na tinanguan lang namin.
Pasakay na sana kami sa sasakyan nang marinig ko ang sigaw ni Gabriel sa akin. " Andi!" Sigaw niya habang papalapit sa akin at bigla akong niyakap. " Mag-iingat ka roon. Mamimiss kita." Bulong niya sa akin habang nakayakap.
Gumanti naman ako naman ng yakap sa kaniya. " Mamimiss rin kita." At bumitaw na ako sa yakap niya.
Niyaya naman ulit kami ni Avelino na pumasok sa kaniya. Nakita ko siyang lumapit kina Nanay at nag-usap nang sandali. Patingin-tingin pa sila sa amin kaya hindi ko maiwasang magtaka.
Bumalik na rin siya kaya umalis na kami. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa naglalakihang mga gusali. Tatlong taon na kasi ang nakalipas noong huling punta ko rito. Iyon ang last check-up ko tungkol sa asthma ko.
Ilang oras din kaming bumiyahe kaya hilong-hilo ako nang makababa kami. Muntikan pa akong masuka dahil sa hilo ko.
" Naku, pagpasensyahan mo na 'yan si Andi kasi hindi talaga siya sanay sa mahabang biyahe." Paghingi ng paumanhin ni Patricia.
Tinanguan lang naman siya ni Avelino bago bumaling sa akin." Ayos ka na?"
" O-oo." Tanging sagot ko na lang dahil kapag nagsalita pa ako ay talagang lalo akong susuka.
Nagpahinga lang kami saglit bago kami umakyat sa pansamantalang hotel room namin ni Patricia.
" Ito muna ang magiging kwarto niyo ni Patricia. Katabi lang nitong akin. " Paliwanag ni Avelino sabay turo sa katabing kwarto namin. " Pumasok muna kayo at magpahinga."
Dali-dali naman kaming pumasok at namangha sa laki ng kwarto. May isang king-size bed na kasyang-kasya kami ni Patrica. Isang sofa set at naka-mount na tv sa dingding. Sa balkonahe naman ay kitang-kita mo ang mga sasakyan sa ibaba. Dumiretso ako roon at nilanghap ang hangin. Gayunpaman, wala pa ring papantay sa sariwang hangin sa probinsya namin.
" Ang laki naman nito, Avelino. Kailan mo naman kami ikukuha ng dorm?" Tanong ni Patricia habang patuloy pa rin sa pagkamangha at paglibot sa kwarto. Ako naman ay inililibot din ang paningin ko.
Hindi naman sumagot si Avelino kaya tiningnan ko siya at nakita ko siyang titig na titig sa akin. Bahagya naman akong nailang kaya umiwas ako ng tingin.
" Kapag nakaipon na kayo. Ang usapan ay ikukuha ko kayo ng trabaho 'di ba? Kapag may sapat na kayong pambayad buwan-buwan ay saka ko kayo ikukuha ng dorm. " Sagot ni Avelino.
" Matagal-tagal pa pala 'yon. " Tanging sagot na lang ni Patricia.
" Sige na, ayusin niyo na ang mga gamit niyo at magpahinga. Kakatok na lang ako rito sa inyo mamaya." At iniwanan niya na kami.
Kami naman ni Patricia ay inayos na ang mga gamit namin at ilang sandali lang natutulog na kami nang mahimbing
--------------------------------------------------
AVELINO'S POV
Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang pagkamangha nang pumasok sila sa hotel room nila. Lalong-lalo na si Andi na dumiretso agad sa balkonahe at kitang-kita ko ang paglanghap niya sa hangin.
She looks so innocent. Napangiti na lang ako sa isip ko dahil para siyang bata na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya.
Itutuloy ko pa ba?
Hindi ko maiwasang titigan siya dahil sa kainosentehan niya. At doon ko napagtanto na gustong-gusto niya ng hangin. Is it because of her asthma?
Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang tanong ni Patricia." Ang laki naman nito, Avelino. Kailan mo naman kami ikukuha ng dorm?"
Hindi naman ako kaagad nakasagot agad kaya tiningnan ako ni Andi. Muntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko kung hindi lang ako nakasandal sa dingding. " Kapag nakaipon na kayo. Ang usapan ay ikukuha ko kayo ng trabaho 'di ba? Kapag may sapat na kayong pambayad buwan-buwan ay saka ko kayo ikukuha ng dorm. " Sagot ko kahit hindi ako mapakali dahil nahuli ako ni Andi na nakatingin sa kaniya.
Kung ako ang masusunod ay hindi ko na sila ikukuha ng dorm. Gusto ko kasi laging nakikita ang mukha ni Andi.
What?! Nababaliw ka na Avelino! May girlfriend ka!
Naalala ko tuloy ang mga araw na parang nahihirapan siyang huminga. Kung hindi dumating si Patricia ay hindi ko pa malalaman na may sakit pala siya.
Pumunta na lang ako sa balkonahe at tumitig sa kabilang balkonahe kung saan ang kwarto nina Andi.
Nagdadalwang-isip tuloy ako kung dapat ko pa bang ituloy ang gagawin ko o hindi na.
I'm so f*cking frustrated!
Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa higaan ko. Doon ko lang naramdaman ang pagod kaya tuluyan akong nakatulog.
------------------------------------------------
ANDRIETTE'S POV
Nagising ako nang may maamoy akong mabangong pagkain. Idinilat ko ang mata ko at nagulat akong nasa ibang kwarto ako. Napabalikwas ako ng bangon at doon lang pumasok sa isipan ko na nasa Maynila pala kami.
Narinig ko naman ang bungisngisan sa may bandang kusina kaya lumapit ako roon. Nagulat ako nang makitang nando'n si Avelino na naghahanda ng pagkain.
Nakita naman ako kaagad ni Patricia kaya niyaya niya akong maupo sa mesa. " Haba ng tulog mo ah?! Pagod na pagod?" Tanong ni Patricia habang tumutulong sa paghahanda ng pagkain.
" Ang lamig kasi. Nagulat nga ako no'ng makita kong nasa ibang kwarto ako eh. Saka ko lang naalala na nasa Maynila pala tayo. " Natatawang kwento ko.
Humagalpak naman siya ng tawa kaya hindi na napigilan na matawa ni Avelino. Nakakahawa kasi ang tawa niya kaya kahit seryoso ka ay matatawa ka na rin kapag narinig mo ang tawa niya.
Naihanda naman nila ang pagkain kaya nagsimula na kaming kumain habang nangunguna si Patricia sa kwentuhan.
" Kilala mo ba si Gabriel? 'Yong boy bestfriend ni Andi? May gusto kaya 'yon sa kaniya. " Kwento ni Patricia.
Agad naman akong nabilaukan kaya umubo ako nang umubo. Naalarma naman si Avelino kaya inabutan niya ako ng tubig. Ininom ko iyon habang tiningnan nang masama si Patricia dahil sa kadaldalan niya.
Ibinaba ko ang baso ng tubig at ipinagpatuloy ang pag-kain na parang walang nangyari.
" Ayos ka na?" Tanong ni Avelino na may pag-aalala.
Tumango lang naman ako at nanahimik na. Natapos kaming kumain at nag-kwentuhan muna sandali sa balkonahe ng kwarto namin.
" So, paano kayo naging mag-bestfriend?" Kuryosong tanong ni Avelino habang nakaturo sa aming dalawa.
As usual, si Patricia na naman ang nagkwento. " Ganito kasi 'yan. Ang una niya kasing bestfriend ay si Gabriel. Bale nagkakilala lang kami sa pamamagitan niya. Magkaibigan na rin kasi kami ni Gabriel bago sila naging magkaibigan ni Andi. So 'yon syempre minsan gumagala kami sa probinsya, nagsi-swimming, minsan nagpipicnic kami. Parang bonding na namin. May mga nicknames pa nga kami eh. " Mahabang kwento ni Patricia.
Nakikinig lang naman si Avelino sa kaniya pero sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Gabriel ay parang hindi siya mapakali.
Bakit?
Tumango-tango lang naman si Gabriel at tumingin sa orasan niya. " Mag-aalas-onse na pala, pumasok na kayo sa loob." Sabi niya sa amin. Pumasok naman kami sa loob at nakasunod lang siya sa amin.
" Maaga kayong magising bukas. May pupuntahan tayo." Utos niya sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Patricia habang nakakunot ang noon. " At huwag na kayong magtanong kung saan tayo pupunta. " Dugtong niya.
Tumango na lang kami kaya nagpaalam na siya sa amin. Kami naman ni Patricia ay natulog na.